One Way to You (Architect Ser...

By JFetchhh

47.7K 1.5K 114

Charelle Borromeo - Celebre is a courageous Architecture student from Amstar University. A family-oriented wo... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter
Announcement

Chapter 22

1.2K 39 6
By JFetchhh

"Saan mo gustong kumain, Baby?" Tanong ko sa kanya nang nasa loob na kami ng sasakyan ni Kael.





"Sa loob ng mall po. Tapos sabi ni Daddy may sahod na daw kayo kaya shopping tayo." Pinukol ko ang masamang tingin kay Kael na nag d-drive na. Malakas siyang tumawa sa sinabi ni Shaniya. Grabe talaga 'to!





"Daddy own a firm baby, sabihin mo lang ang gusto mo at ituro mo mamaya 'yong mga pinakamahal." Ngumisi ako sa kanya.





"You will gonna buy it all po, Mommy Cha?"




"No, baby. Si Daddy and bibili ng lahat ng gusto mo." Nakita kong nanlaki ang mga asul na mata ni Kael at napakamot na lang siya ng ulo.





"Yehey!" Masayang sinabi ni Shaniya, natawa lang ako.




Shaniya Leigh Iland is only three years old. She's the daughter of Shannon. Napamahal na sa amin 'tong batang ito kaya lahat ng gusto niya ay binibigay sa kanya. Spoiled little cutie.






Nakarating kami sa mall ng matiwasay at agad dumiretso sa Chinese restaurant sa loob ng mall. Ang daming kinain ng batang ito! Okay lang naman dahil treat ni Kael. Aba uy buhayin mo 'yang pamangkin mo!




"Mommy Cha, Gusto ko pong bumili ng gown na katulad nong kay Auntie Lal. She's beautiful." Tinutukoy niya ang gown na sinuot ni Dhalal noong fashion show kamakailan lang.



"Now it's your turn." Asar ni Kael sa akin.



"E kasi wala iyon dito sa mall e. We'll ask auntie Lal about that okay?" Malay ko ba kung sino ang designer no'n.




"Call her Mommy!" Demanding naman.



Nilabas ko ang cellphone ko at at d-nial na ang numero ni Dhalal na naka registered sa contacts ko. Naka ilang ring pa bago niya sagutin iyon.




"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.. please try of call later." Rinig kong sinabi niya.



"Wow, hindi ako nainformed nag resigned ka na bilang model para maging call center na lang huh?" Tumawa siya sa sinabi ko. Lakas ng amats.



"Gago. Nasa show ako anong kailangan mo?" Kaya pala hindi niya nasagot agad.


"May request ang chikiting ni Shan, e. Masyado ka yatang idolo."



"Dapat lang na mag mana sa akin 'yan. Ano bang gusto niya?" Feeler amporkchop!



"Nagpapabili ng gown kapareho n'ong suot mo sa last show mo, anong gagawin ko?" Patuloy lang sa pagkain si Shaniya at paminsan-minsan ay tumitingin sa akin.




"HAHAHAHHAHA!" Malakas na tumawa si Dhalal sa kabilang linya pagkatapos kong sabihin iyon. Sana all masaya!



"Dalian mo dahil naghihintay ang bata. 'Wag kang tumawa!"




"Girl ang mahal no'n! Kaya mong gumastos ng kalahating milyon para sa gown niya?" Pakingshit! Kalahating milyon?!


"Saan ako kukuha ng ganyan ka kalaking pera, Lal?!" Tanong ko sa kanya.




"Sabihin mo na lang sa kanya muna." Nilayo ko muna ang cellphone sa tenga at hinarap si Shaniya.



"Baby kasi ano... Ang mahal kasi n'ong gown baby. Auntie Lal told me it's worth more than half million." Nahihirapan kong pag explain sa kanya.



"Gano'n ka mahal?" Tumango ako kay Kael.



"O-okay lang po.." naiiyak niyang sinabi. Naawa naman ako. Gustong-gusto niya talaga iyon, e. Binalik ko na lang ang cellphone sa tenga para kausapin si Dhalal.




"Naiiyak na siya. Kawawa naman ang bata.."



"Mukhang wala tayong magagawa sa gusto niya. Kawawa talaga tayo sa luha niyan."



Lahat kami ay bihag ng batang ito. Kunting tampo at luha lang kahit buong mundo ay handa kaming ibigay sa kanya. Nako!




"Pito naman tayo kaya mukhang luluwag naman sa atin 'yan. Pa send na lang sa akin ng sukat at ako na ang bahala sa designer ng gown."





"Okay okay. Salamat!" Binaba ko na ang tawag at ngumiting hinarap si Shaniya na naluluha pa rin.



"Baby, huwag ka nang umiyak, bibilhin natin 'yong gown na 'yon para sa'yo, okay?"



"Talaga?! Thank you Mommy!"




"Binili mo?" Kael asked.



"Anong binili mo? Siyempre pagtutulongan natin bayaran 'yon!" He smiled and nodded.



Pagkatapos kumain ay nag shopping kami. Katulad nga ng sinabi ko kanina, si Kael lahat nag bayad ng mga pinamili namin. Pagkatapos ay hinatid na namin si Shaniya sa bahay nila ng Mommy niya. Nasa labas na si Shan at hinihintay na ang anak.




"May request 'yang anakshie mo. Siguro naman ay sinabi na ni Dhalal sa inyo?" Sabi ko nang buhatin ni Kael ang tutulog na si Shaniya.



"Sana huwag na, Cha. Ang mahal ng request niya. Ini-spoil niyo na naman 'yan. Lalaking maluho ang bata, e." Kinuha niya si Shaniya kay Kael.



"Huwag na, okay lang naman, Shan. Kung kaya namang ibigay ay ibibigay naman namin." Ngumiti ako sa kanya.



"Hindi ko alam kay Etyl. Marami rin siyang bayarin sa anak niya. Namomoblema rin iyon."



"Bakit ba kasi hindi niya na lang ipalam kay ano ang tungkol sa bata? Anyway, tutulongan din natin siya."




"Kilala mo siya, Cha. Hanggat kaya niyang tiisin ang sitwasyon, hindi siya lalapit sa ama ng bata."




"Sana lang ay, matutunan niyang unahin ang sarili niya." Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na para umalis. Babalik pa ako sa opisina dahil may gagawin pa ako.



Hinatid ako ni Kael sa parking lot ng building. Hindi na siya pumasok pa dahil may e rereview pa siyang case. Hindi pa ako nakakatapak ng lobby ay may tumawag na naman sa akin.





"Architect, pinapapunta ka sa site. May katanungan daw si Engineer Pasia."




"Okay I'm going. Nasa lobby ako, bumaba ka sasamahan mo ako."




"Ha? Okay po. Pababa na po."




Kinuha ko ang susi ng kotse at binuhay agad iyon. Nang makita ko si Shaira sa lobby ay agad akong bumusina para malaman niyang nag aantay ako sa kanya. Dali-dali naman siyang pumasok at nag seatbelt.



"Kanina pa sila tumawag?" Tinanong ko siya pero nasa daan pa rin ang paningin.




"Tumawag po siya kaninang lunch pero sinabi kong busy ka sa kay Sir Kael."


Talaga lang ha?





"Oh, anong sabi?"



"Sabi niya kapag hindi kana busy sa asawa mo tatawagan kita para pumunta sa site." Natawa ako sa sinabi niya. Watdafak? Asawa?!





"Kanina ko pa na papansin Architect na parang galit kayo sa isa't-isa.." naguguluhang sinabi niya.




"Ikaw ba naman ipagpalit sa kaibigan, hindi ka magagalit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakitaan ko nang pagkagulat ang mukha niya.



"Ex mo po si Engineer, Architect?" Gulat ka no?



"Yes. That was.. I guess 6 years ago?" Hindi ko sure.




"Hala, anom ka tuig wala pasa ka move on?!" Pinagsasabi nito?



"What are you saying?" Kunot ang noo kong tanong."


"Parang hindi pa siya nakakamove on, Architect."


"Weh? Paano mo nasabi?"




"Iyong tinutukoy niya sa meeting kanina, hindi building o hotel ang tinutukoy ni Engineer." May patango-tango pa siya.



"Weh? Paano mo nasabi?"



"Ikaw ang tinutukoy niyang ipaglaban at itatama niya ang mga mali niya, Architect." Talaga ba?



"Weh? Paano mo nasabi?"





"E, kasi nga mahal ka pa niya, kaya ko nasabi." Natawa ako sa kanya. Akala mo talaga expert sa love, e.




"Ikaw ba ay may boyfriend, Shaira?" Tanong ko na nakapagpatahimik sa kanya. Magka age lang kami kaya hindi malabong may asawa o boyfriend na siya.



"Opo, Architect. Pero hindi kami okay ngayon, e." Malungkot niyang sagot.




"Bakit naman?"




"Mas gusto niya na ngayon ang wormzone kaysa sa akin.." tangina?!





"Gagu, ipagpalit ka na nga lang sa uod pa?!"





"Ikaw nga Architect ipinagpalit sa ahas, e. May sinabi ba ako?" Pinanlilisikan ko siya ng mata ngunit nginitian niya lang ako at nag peace sign. Anak ng pating!





Nakarating kami sa site at nag park agad. Nauna nang lumabas si Shaira sa akin para kuhanin ang payong sa likuran at payungan ako dahil sa sobrang init.





Kasalukuyang pinaghahabas ang mga sagabal at nililinisan din nila ang bakanteng lupa para masimulan na ang pag papatayo ng hotel. Nakita ko si Bryce naglalakad papasok sa isang maliit na bahay kubo kasama niya si Engineer Guevarra at si Engineer Abellar. Akala ko ba ay aalis na itong si Engineer Guevarra?



"Good afternoon, Architect Celebre." Bati sa akin ni Engineer Abellar. Napaangat naman ng tingin ang dalawang Engineer.



"Good afternoon, Engineer Guevarra" siya lang ang binati ko.



"I thought you're already leave it to Engineer Pasia? Why are you still here huh?" Scam din 'tong boyfriend ni Dhalal, e.


"Uh.. kasi.. ano, Architect." Liar!



"Bahala ka nga sa buhay mo." Hinayaan ko na lang siya at hinarap si Engineer Pasia. "Ano na ang tinatanong mo?"



"Wala na, nasagot na ni Engineer Guevarra." Suplado niyang sagot.


"Pinapunta mo ako rito para sa wala?!" Ang galing!




"Kanina pa 'yon. Noong busy ka pa sa asawa mo." Cold niyang sinabi. Nagpipigil ng tawa ang dalawang Engineer.



Naniningkit ang mga mata kong tinitigan siya. Magkakasalubong na naman ang makapal niyang kilay. Anong asawa pinagsasabi niya? Siguro pinagt-tripan na naman siya ng mga kaibigan niya.


"Talaga lang ha?" I raised my brows to him.



"Talagang talaga! Siguro kaya ka nandito na dahil hindi ka na busy sa Asawa at anak mo 'no?" Nahihimigan ko ang kung ano man sa tono niya.



"Ano naman ang pakialam mo kung busy nga ako sa Asawa't anak ko?"



"Architect Celebre, for you to know, this is our project together. Baka lang nakalimutan mo." Talaga ba? Together?




"Ako pa ngayon ang nakakalimot ha? Hindi ako nakakalimot, Engineer Pasia. Hinding-hindi." Ang tatlo parang nanunuod lang ng theater kung magpasalin-salin ang mga mata nila sa amin ni Bryce.






"Kaya pala.." he tsked at binalik ang tingin sa blue print na nakabalandara sa harapan niya.






"Shaira, umuwi na tayo. Walang kwenta ang pagpunta ko rito."


"Ah sige po, Architect."




"Umuwi ka na baka hinahanap ka na ng asawa mo." Rinig kong sigaw niya. Gagu!



"Architect Celebre!" Tawag ni Engineer Guevarra. Napalingon ako sa kanya. "Ingat at pasabi sa Asawa mong Attorney na mag iinoman kami bukas ng gabi!" Tumango lang ako sa kanya. Magkakakilala sila ni Kael at alam ko na ginagatungan niya lang ang inis ng kaibigan.


Parang tanga talaga ang dalawang iyon. Napailing na lang ako nang makasakay kami sa sasakyan. Hindi pa nag iisang araw ay may hinala na ako sa ginawa ng dalawa. Nakakagulat ang biglaang pag-uwi ni Bryce mula Dubai pagkatapos siya agad ang maghahandle ng project na para kay Renz? Ang galing niyo boys! Hindi halata. Tss.



"Sinasabi ko na nga ba at tama ako, Architect, e. Hindi pa talaga nakakamove on si Engineer sayo. Kita mo kung paano niya sabihin iyon? Grabe daw gapangimon nga nobyo!" Sunod-sunod na sinabi ni Shaira nang makaalis kami roon. Hindi ko na masabayan ang mga sinasabi niya dahil iba na naman ang lenggwaheng ginamit niya.



"Pinagsasabi mo ba? Mas mahirap ka pang intindihin kaysa doon sa tatlong mga mokong."




"Tuod? Tuod-tuod?" Ano raw?


"Imong mama Tuod! Ikaw pinagpalit sa uod!" Bweset na babae 'to!




"Hush hush hush.. si Architect ipinagpalit sa ahush hush hush.." sinasabayan niya ang kanta sa car stereo. Lakas ng apog nito, o!



"Tatahimik ka o ibababa kita rito ngayon din?" I asked her in a autorrative tone.



Buti naman tinikop na niya ang bibig niya. Ni next ko na rin ang kanta, nakakainis boses ni Shaira ang naririnig ko, Yawa! Mag gagabi na nang makarating kami ng Manila kaya inihatid ko na si Shaira sa lugar nila.



"Thanks, Architect! Babawi ako sa'yo!" Maligayang-maligaya, ah?





"Ano? Lulutuan mo ba ako?"



"Si Engineer ihahain ko gusto mo, Architect?" Aba namimihasa tayo, ah?





"Nagsisisi akong kunuwento ko pa sa'yo."




"Okay lang, hindi naman ako interesado sa love life mo, Architect." Talaga ba?




"Saan ka intesado kung ganoon?" Tinaasan ko siya ng kilay.




"Kay Engineer Pasia po." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Jusmiyo marimar!




"Joke lang po, Architect. Ingat ka sa byahe. Ingat sa daan patungong Supreme Court!" Ha?



"Ewan ko sa'yo. Tumabi ka diyan. Sagasaan kita riyan, e. " Nag wave lang siya at tumabi. Hinaharorot ko na ang sasakyan paalis roon at dumiretso na pauwi.



Dumating ako tulog na si Lola kaya kumain na lang ako mag-isa at naligo tapos nahiga na at hinayaan ang sarili kong hatakin ng antok. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pagod.. pagod ka hindi dahil sa mga ginawa mo. Iba ang pagod sa may ginagawa ka sa pagod ka dahil sa mga iniisip mo..



Too much for this day..

Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 275 12
LISKOOK ADAPTATION R-18 Short Story Lisa, a romance writer who writes pure and sparkling stories. One day, she saw a book that sold well in the dar...
962 161 9
Open (πŸ‘ΈπŸ») Judging ( ) Closed ( ) Come on and join The Horsewomen Awards in celebrating International Women's Day by sharing your voice and stor...
415K 8.9K 61
Internet model Celia Roselia was a secret admirer of a certain celebrity. When she went to a Big Bang concert in disguise to see her idol, G-Dragon...
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...