The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

16

30 3 0
By TabinMabin

Lie Jun

"Jun, paki-serve ng order na ito kay 07."

Kinuha ko sa counter ang mga pagkain na nakalagay sa tray. Medyo maraming tao kahit na Pasko kaya napapahinga na lang ako ng malalim.

Gusto ko sana mag-celebrate pero hindi ko magawa dahil may trabaho pa ako. 12-hour shift ang kinuha ko ngayong araw na ito dahil double pay. Pumayag naman ang manager namin kahit pa may hesitation ito. Ang sabi nito ay mag-celebrate ako kasama ang pamilya ko pero tumanggi ako. Hindi ko rin sinabing wala akong kasama rito dahil ayoko naman na may ibang makaalam ng tungkol sa bagay na iyon.

May kaonting inggit akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang masasayang pamilya na kumakain rito. I don't remember much since I got separated with my family when I was still young, 10 years old to be exact, but I do know that I was happy being with them.

I really miss them.

Lunch break nang tawagan ko si Axel. Nag-text kasi ito na tumawag once I'm free. Medyo natagalan bago ako naka-connect sa kaniya dahil busy ang cell phone niya. Nang i-accept niya naman ang tawag, tawanan ang una kong narinig.

"Hey."

"Junnie boy! Merry Christmas!"

"Merry Christmas. Nasa party ka?"

Tumingin ako sa likod dahil hindi magkandaugaga ang mga kasama ko sa loob. Nasa labas kasi ako para makahinga. Kanina pa ako nakatayo at palakad-lakad sa loob dahil sa rami ng order. Bakit ba kasi sobrang crowded kahit Pasko ngayon?

"Hindi naman party. Parang get together lang naming magpipinsan."

"I see. Bakit mo pala ako pinatatawag?"

"Nasabi kasi sa akin ni Gavin na magtatrabaho ka. Bakit hindi ka muna nag-off ngayon? Paskong-Pasko, magtatrabaho ka."

"I can't. Sayang araw. Double pay ngayon."

"Ipagpapalit mo pamilya mo sa double pay? Grabe." Tinawanan ko na lang siya ng mahina para umiwas sa pagsagot. Hindi rin kasi niya alam na hindi ko kasama ang pamilya ko. "Bigay mo sa akin address ng pinagtatrabahuhan mo. Isama kita dito sa gathering."

"No need, Axel. Just enjoy. Babalik na ako sa loob."

I heard him sigh and asked someone to be quiet at the background. "Sige. Merry Christmas ulit. Kita tayo bukas. Bigay ko iyong regalo ko sa iyo."

Nang magpaalam siya at tinignan ko iyong bagong text na na-receive ko. I heaved a sighed nang malaman ko kung sino ito. Hindi ko sinave ang number ng taong ito pero dahil sa texts na na-re-receive ko ay naging pamilyar na ang number nito sa akin.

"Tinatawagan kita pero busy line mo. Text back kapag puwede na ako tumawag."

I don't know what her deal is. Ang alam ko lang kasi ay sabihin sa kaniya kung sa lecture hall ang klase namin. Wala naman akong matandaang sinabi na i-text niya ako kung kailan niya gusto. She did tell me I'm interesting pero wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon dahil may kailangan pa akong gawin, bata pa ako at isa pa, hindi ko naman siya gusto.

I'm not good with girls. Minsan, natatakot ako para sa kanila kapag lumalapit sila sa akin, especially those that I don't know. Madali para sa akin ang saktan sila kahit babae sila. Buti nga si Patricia, hindi pinaiinit ng husto ang ulo ko pero malabo rin na masaktan ko ito dahil malapit na kaibigan ko ito.

Alam ko na mangungulit lang siya kapag hindi ko siya ni-reply-an ngayon kaya wala akong choice kung hindi mag-send ng message sa kaniya. Ilang saglit lang nang mai-send ko ang message, bigla siyang tumawag.

"What do you want?"

"Hi! Gusto ko lang i-greet ka ng merry Christmas! Nasaan ka ngayon? Pupunta ako para maibigay ko regalo ko sa iyo."

"You don't have to bother, Keera."

"Dali na. Gusto ko lang bigyan ka ng gift."

"Itabi mo na lang muna iyan. Sa univ mo na lang ibigay kapag nagkita tayo."

"Pero Pasko ngayon. Gusto kita makita."

"I don't have time. Sige na. I need to go. I still have a job to do."

I honestly don't know why she's still bothering me kahit na pinararamdam ko naman na hindi ako interesado sa kaniya o sa pangungulit niya. She did flirt with me whenever we are on the lecture hall kaya iyong ibang ka-block ko ay iniisip na girlfriend ko ito. I have no time to clear everything kaya hinahayaan ko lang sila isipin ang gusto nila isipin. It won't benefit me on doing so kaya bahala sila.

She's a secret na hindi ko ipinararating sa mga kaibigan ko. She's irrelevant kaya walang saysay na ipakilala ko siya sa mga tao sa buhay ko.

Itinuloy ko ang pagtatrabaho at 3 hours before my shift ends, I saw a familiar face. Akala ko nga ay namamalikmata ako pero hindi. Nakaupo ito sa pinakasulok na lamesa habang umiinom sa bote ng tubig. Nilapitan ko ito habang nakangisi dahil katatapos ko lang pag-serve-an ang hindi kalayuang table.

"Hi," nakangising bati niya.

"Do you know that you're not allowed to loiter here?"

"Excuse me. May hinihintay akong dumating."

Napailing na lang ako sa ngisi sa mukha niya. "Ms. Cortez, iiwanan muna kita dahil may trabaho pa ako."

Tumingin siya sa likuran ko saka intinaas ang kamay at kumaway. "Dito po tayo!"

Nang tignan ko kung sinong kinawayan niya, nanglaki ang mga mata ko. "Dito sila?"

"Duh." Inikutan niya ako ng mata tumayo. Sakto naman na nakalapit sa amin ang pamilya niya. "Sabi sa iniyo, dito siya nagtatrabaho."

Tinapik ako ng dalawang kapatid niya sa balikat saka umupo ang mga ito. Ang papa at mama niya ay binati ako bago sumunod sa dalawang anak sa pagkakaupo.

"Hintayin niyo po ako. Kuha lang ako ng papel at ballpen para makuha order niyo." Akmang tatalikod na ako para kumuha ng mga binanggit ko nang pigilan ako ni Kuya Kendrick.

"Huwag na. Hindi naman high-end restaurant ito para maging waiter ka." Tumayo ito saka lumapit kay Patricia. "Kami na o-order." anunsyo nito sa pamilya saka ako tinignan at inakbayan. "Kumain ka na ba?"

"Yeah." Umalis ako sa pagkakaakbay niya saka ako tumungo ng isang beses sa harap ng mga magulang nila habang nakangiti. "Balik na po muna ako sa trabaho."

Itinuloy ko lang ang pagtatrabaho ko at hindi pa man rin ako nakaka-isang oras nang lapitan ako ng manager namin. Medyo may kaba sa dibdib ko dahil sa ginawa nito. Pinatigil ako nito sa pag-aasikaso sa mga order at pinapunta sa office nito.

"Jun, umuwi ka na muna." utos nito pagkaupo sa lamesa.

"May... nagawa po ba ako?"

Umiling ito saka nag-cross arms. "Nilapitan ako ng kaibigan mo. Tinatanong kung puwede ka niya hiramin since Christmas naman raw ngayon."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Buti naman at hindi ako nagkaroon ng kapalpakan kasi kung hindi, napatalsik na ako.

"Kaibigan?" Saglit akong napaisip nang maalala ko na narito si Patricia kaya baka ito ang nakiusap rito. "Iyon po bang mahaba ang buhok tapos hindi katangkarang babae?"

"Siya nga. At bago ka pa tumanggi, sinabi niya sa akin na siya na ang magbabayad ng oras mo."

Napangiti na lang ako't napatungo. Naisuklay ko rin ang kamay ko sa buhok ko dahil sa ginawa ng babaeng iyon. "Sige po. Uuwi na ako. Merry Christmas."

"Merry Christmas ulit. Have fun."

Dali-dali kong kinuha ang bag ko saka nagpalit ng damit sa cr. Pagkatapos ko magbihis ay hinanap ko kaagad si Patricia. Una kong pinuntahan ay ang table na pinwestuhan nila pero wala na akong nadatnan rito. Sakto naman na pagkatingin ko sa pintuan ng cr, lumabas siya rito. Nakangiting lumapit ako sa kaniya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Ikaw magbabayad ng oras ko. I still have a few hours."

"Ang spoiled mo na sa akin."

"Nasaan sina Kuya Billy?"

"Pinauna ko nang umuwi." Hinawakan niya ako sa braso. "Let's go."

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagpahila na lang ako. Naalala ko bigla ang mga client ko kaya naisip kong mag-message sa mga ito na hindi ako makakapunta ngayon. Sumakay kami ng jeep at ibinaba kami nito sa isang mall. I'm excited to know what we're going to do kaya hindi ko mapigilang magtanong na nang makarating kami sa 4th floor nito. Dumiretso kami sa booth na nagtitinda ng snacks sa sinehan kaya kinalabit ko na siya para magtanong.

"Magsisine tayo?"

"Yep." Itinuro niya iyong mga gusto niya bilihin saka ako tinignan. "What do you want? Libre ko."

Sinabi ko na popcorn na lang ang bilihin kaya nagtaka ako nang dagdagan niya pa ito pero hinayaan ko na lang. Inilibot ko ang paningin ko dahil ang tagal ko nang hindi nakakatapak sa sinehan. Napapadaan ako dati sa mga mall sa tuwing pumupunta ako sa mall para bumili ng school supplies pero iyong pagtapak talaga rito? I think the last time I went here was when I was still living in China.

Nang makarating kasi ako rito, pagkatuntong ko sa edad na 15, nagsimula na akong mag-ipon kaya iyong mga unnecessary na bagay, hindi ko binibili o pinagkakagastusan. Thinking about it, 3 years na akong nag-iipon yet wala pa sa 1/4 ng kailangan ko ang naiipon ko.

I need to get more clients.

Malamig sa loob ng sinehan. Sobrang dami rin ng pagkain namin kaya tinanong ko siya kung nabubusog ba siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Kakakain niya lang kasi kanina tapos puro snacks naman ngayon ang kinakain.

The movie was great. Medyo cheesy kasi rom-com pero I still enjoyed it. Pagkatapos naming manuod ay nagpunta kami sa isang cake shop. Nagtingin-tingin siya sa mga naka-display na cake saka ako binalingan ng tingin.

"What?"

"Ano sa tingin mo masarap?"

"Why ask me? Akala ko ba inutusan ka? Hindi ba nila alam kakainin nila?"

"Just pick one."

"Ang dami mong pera ngayon, ha?" Nag-bend ako ng kaonti para mas matignang maigi ang mga cake.

"Marami ako napamaskuhan kaya milyonarya ako ngayon."

"I guess this one." Itinuro ko sa kaniya iyong black forest cake. I want to have a taste of that, especially the cherries on top of it.

Humarap siya sa staff na nasa gilid namin saka itinuro iyong black forest. "Bigyan mo po ako nito. Iyong malaki."

Tumango ito at ikinuha kami ng cake. Pinabitbit niya ito sa akin hanggang makauwi. Nang iaabot ko na sa kaniya iyong cake, nagtaka ako dahil nanguna siyang naglakad papunta sa bahay ko. Sinundan ko siya't pagkabukas niya ng pintuan matapos ko iabot ang susi, nagulat ako't muntikan ko pa mabitawan iyong cake dahil may mga confetti na nagsiliparan.

"Merry Christmas, Lie Jun!"

Napatulala ako sa apat na lalake at isang babae na nakatayo sa salas. Lahat sila ay may hawak na confetti stick habang nakangiting nakatingin sa akin. Bumilis ang kabog ng puso ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nang tignan ko si Patricia, nakangiti rin siya sa akin. "Merry Christmas." Hinila niya ako ng tuluyan papasok saka isinara ang pintuan sa likod namin. Siya na rin ang nag-alis ng maskara ko saka ito inilagay sa gilid.

"What's... happening?"

Nandito sa bahay si Gavin, Kuya Kendrick, Kuya Billy, Axel pati si Tita. May mga pagkain rin sa lamesang nasa gitna. Alam ko talaga akung anong nangyayari pero hindi lang kasi ako makapaniwala na sinorpresa nila ako ng ganito.

"Hindi kasi puwedeng hindi ka mag-ce-celebrate." Nilapitan ako ni Gavin saka kinuha sa kamay ko ang cake. "Ni minsan, hindi ko naisip na gumawa ng ganito kaya nang kuntsabahin ako ni Pat-Pat na surpresahin ka namin since mag-isa ka lang, pumayag ako." Lumapit siya sa lamesa at inilapag ang cake ruon.

Tinignan ko si Patricia, na sobrang smug ng itsura. "Ikaw nagplano?"

"Kahit sakit ka sa ulo, hindi naman puwedeng iwanan kita ngayong Pasko, ano."

Naging masaya ako buong oras na kasama ko sila mag-celebrate. Nag-alala nga ako na baka iniwan nila ang mga dapat ay kasama nila ngayon pero in-assure naman nila ako na nakalaan talaga ang oras na ito para i-celebrate ang Pasko kasama ako.

Nag-dala rin sila ng alak at dahil nasa legal na edad naman na kami, pinayagan kami ni Tita na uminom. Medyo hindi ko na-enjoy kasi ang pangit ng lasa ng alak pero naparami ako inom dahil ayoko naman maging KJ.

10PM nang sabihan ako ni Tita na dito na patulugin sina Gavin at Axel dahil nalasing ang mga ito. May tama na rin ako pero nakokontrol ko pa ang sarili ko at nasa tamang pag-iisip pa ako. Sina Kuya Billy at Kendrick naman, umuwi na at pinaalalahanan lang ang kapatid nila na tumulong sa pag-aayos kaya heto't matapos namin iakyat sina Gavin at Axel, nagsimula na siyang tumulong kay Tita sa pagliligpit. Sabi ko nga tutulong ako pero hindi na nila ako pinayagan dahil may tama na ako.

"Jun, uuwi na ako, ha? Huwag na kayo magpuyat." pagpapaalam ni Tita saka lumabas ng bahay.

Habang pinanunuod ko si Patricia sa paglilinis ng mga natirang kalat, iniisip ko na sobrang laki ng impact na ginawa niya sa buhay ko simula nang pumasok siya rito. Simula nang mag-highschool ako, kaibigan ko na si Gavin at ni minsan, hindi namin ginawa ang bagay na ito. Naiintindihan ko naman kung bakit dahil mahigpit ang pamilya nito pero ngayong naging kaibigan ko si Patricia, nai-celebrate ko ang pasko kasama ang mga kaibigan ko.

Nakakatuwa lang kasi iyong babaeng takot sa akin dati, iyong babaeng pinanggigigilan ko dahil sa pangungulit na sumali ako sa club nila ay siya pa na nagbibigay ng saya akin. Sobrang laki lang ng pasasalamat ko kasi naging kaibigan ko siya.

At long last, nagkaroon ulit ako ng kasama sa Pasko. Hindi ko alam kung paano ko kinayang mamuhay mag-isa sa loob ng ilang taon at sa lahat ng nagdaang taon na iyon, wala akong kasama sa mga ganitong okasyon.

Inggit na inggit ako sa mga nakikita ko kanina sa restaurant. Masaya kasi ang mga tao na pinag-se-serve-an ko habang kasama ang kani-kanilang pamilya habang ako, binubugbog ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang makaipon.

Gusto kong kumain kasama sila pero hindi ko magawa. Gusto ko silang kontakin at batiin ng Merry Christmas pero wala na akong connection sa kanila. Kahit si Tita, hindi na rin mahagilap ang mga magulang ko.

Sa kakaisip sa mga bagay-bagay, hindi ko mapigilang maluha. Siguro dala na rin ng alak kaya ang babaw ng emosyon ko ngayon. Ewan ko pero sigurado akong sa kabila ng pag-e-enjoy ko kanina, malungkot pa rin ako dahil hindi ko kasama ang pamilya ko.

"Lie Jun?" Nag-aalalang nilapitan ako ni Patricia kaya pinunasan ko kaagad ang pisngi ko pati na ang ilalim ng mga mata ko. "Bakit? Anong nangyari?" Umupo siya sa tabi ko saka ako tinignan ng maigi sa mga mata.

Umiling ako't pilit na nginitian siya. "I'm just happy." Hinawakan ko ang kamay niya at nang maramdaman ko ito, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi mapakali ang mga mata ko dahil bawat parte ng mukha niya ay gusto nitong tignan. "Thank you."

Unti-unting nawala ang pag-aalala sa mukha niya at napalitan ito ng maliit na ngiti. "Of course." Hinawi niya ang bangs na tumatakip sa noo ko at paulit-ulit itong sinuklay. "Huwag ka umiyak. I did that for you kasi kaibigan kita."

"Thank you. I don't know what else to say aside from thank you. You made this day memorable."

Dinilaan niya ng bahagya ang pang-ibabang labi niya kaya napatingin ako rito. I don't know why but I want to taste those. Nangangati akong hilahin siya palapit sa akin para lang matikman ang mapula niyang mga labi pero hindi ko ginawa. I need to restrain myself or else I'll destroy what we have.

"Thank you for being a good friend, Lie Jun."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 49.6K 48
Im Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakak...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
147K 4.8K 33
{That Baby Is A Matchmaker Book 2} Ware Sulli Alkantara ang Babaeng masayahin, Jolly and Joker. Mahal na mahal niya si Aero Jophiel Suho Lim, Pero is...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...