THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMP...

By MissteriousGuile

844K 19.8K 1.7K

Siya si Carnasyon Maria Zeil Batobalani isang masiyahing babae na hindi nakakaintindi ng wikang Ingles. "You... More

TEASER
DISCLAIMER
MUST READ
SYPNOSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
EPILOGUE
GUILE'S
BOOK 2 AND SIDE STORIES

CHAPTER 13

12.1K 313 13
By MissteriousGuile

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 13

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Para akong tanga na hila ng hila sa dress ko habang papasok sa konpanya. Ang ikli naman kasi. Ang laki laki ng hiwa sa dibdib peling ko halos lumuwa na dibdib ko dahil dito. Tapos hapit na hapit pa ito sa katawan ko. Isang pulang dress na hanggang tuhod ko.

"Magandang umaga manong." Nahihiya kong bati kay manong. Baka kasi pagtawanan ako nito dahil sa suot ko. Alam kong hindi bagay, ang pangit ko.

"Magandang umaga naman po ma'am." Saad n'ya sabay bukas ng pintuan papasok.

Napakunot noo ako at napatitig sa kanya. Hindi ba ako natatandaan ni manong o baka may anesthesia ito!? Yung nakakalimot diba?

"Hindi mo ba ako natatandaan PO manong?" Takang tanong ko.

Tiningnan n'ya ako galing sa paa pataas.

"Naku po kung may ganyan kagandang taga rito, hinding hindi ko makakalimutan ma'am."

Aha, hindi ako nakilala ni manong. Naka shake kasi ako, yung parang salamin na may parang kulay tinta na lens? Tapos naka make up din. Pulang pula nga ang labi ko. Buti nalang andun ang bakla na kapitbahay namin kaya naayusan ako.

Tiningnan ko si manong na sobra ang ngiti sa'kin. Gamitan ko kaya to ng katalinuhan ko para naman makaganti ako?

Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita.

"Manong, I am you the man you don't know me to you the moon and the day we meet me in the downtown the everyday every night." Sabi ko sabay kindat sa kan'ya.

Titig na titig si manong sa akin. Wari'y hindi makapaniwala. Ganun na ba ako kagaling mag englis kaya hanggang hangga s'ya?

Naglakad na ako papasok nang magsalita s'ya.

"Ang gandang babae pero ang bobo sa english. Naku iba na talaga kabataan ngayon."

Hindi ko nalang siya pinansin. Alam ko naman na inggit lang s'ya sa english ko.

Sumakay ako sa elevator papunta sa opisina ni Ser. May nakasakay akong dalawang mag ama. Nag uusap sila. Parang mga probinsyano dahil sa pananamit nila. May dalang bayong ang tatay na nakatsinelas lang habang ang anak ay naka tsinelas lang din.

"Tay ano po ba tawag dito?"

"Hindi ko alam anak, pangalawang beses ko palang nasakyan ang gamit na ito." Saad nung tatay sabay kamot sa ulo.

"Naalala ko kay, may Tor ata to. Aha! Alam ko na! Escalator tay!" Binatukan naman n'ya ang anak.

"Hindi! Alam ko na ang tawag. Calculator nak!"

Tinawag ko na ang pansin nila dahil parang naawa na ako.

"Uhh ex use me, elevator po tawag dito." Tiningnan lang nila ako at pinagtatawanan.

"Ang bobo ng babae tay. Hindi alam na calculator ang tawag dito."

Sakto naman na tumigil na ang elevator papunta sa opisina ni Ser. Lumabas nalang ako at hinayaan sila. Bahala nga sila jan.

Kumatok ako.

"Come in." Isang malamig na boses ang nagpakaba sa'kin. Baka mapapangitan s'ya sa suot ko ah?

"H-Hilo po ser hehe." Bati ko sa kanya sabay ngiti.

Napatitig s'ya sa'kin at napakurap. Hala baka napapangitan s'ya. Alam ko naman na hindi ako kagandahan eh.

"C-carnasyon?" Nauutal na saad n'ya.

Hindi ako sumagot dahil baka ang pangit ko na kaya hindi na n'ya ako kilala. Nakakahiya to.

"Fuck Axel why did you stammer you idiot? She's just Carnasyon you damn freak." Bubulong bulong n'ya na parang bubuyog kaya napataas ang gilid ng labi ko. Tinanggal ko ang parang eyeglass na may itim na lens at inilagay ito sa kulay itim na maliit na bag ko.

Para s'yang tanga habang kinakausap ang sarili n'ya. Si ser ba talaga to? Atsaka englis na naman hindi ko na naman naiintindihan kaya ngumiti nalang ako. May betiful mindless napapagod na mag tranlet.

Tumayo s'ya sabay kuha sa goat n'ya na nakasabit sa parang hanger. Goat, yung americana ba. Sinuot n'ya ito sabay tingin sa'kin. Bakit ba parang nakukuryente at naiilang ako sa mga titig n'ya? At ang puso ko. Napakalakas ng tibok. Bakit ganito? Anong pinaggagawa n'ya sa'kin?

"Let's go Carnasyon. Sumunod ka sa'kin." Dali-dali s'yang bumaba, nagmamadali s'ya parang hirap na hirap s'yang tumingin sa'kin. Sabi ko na nga ba ang pangit pangit ko eh.

Bumababa na kami sa opisina n'ya. Kinakabahan ako kasi pers taym ko tong gawin sa buong buhay ko. Wala akong alam sa pagsesekretarya tapos bigla akong isasama ni ser? Wao. Isang himala.

Bumaba na kami sa kotse n'ya. Pinagbuksan kami nung driver eh hindi naman kailangan. Narito kami sa isang sosyaling restaurant. Kinakabahan ako kasi ngayon pa lang ako nakapasok sa mga ganyang restaurant. Parang mga mayayaman lang na tao ang kumakain dito.

Napakapit ako sa kamay ni ser. Feeling ko talaga hihimatayin ako. Omayghad.

"S-ser? Wag na kaya tayo tumuloy?" Sabi ko sa kanya habang napahawak sa kamay n'ya. Tumitig naman s'ya sa kamay namin kaya tinanggal ko kaagad.

"Why?" Malamig na saad n'ya kaya napatahimik ako. Oo na nga hindi na mag sa-suggest, sungit.

"Don't worry, my snipers are around us. No one can touch you." Napa huh nalang ako sa sinabi n'ya kasi unang una wala akong naiintindihan.

Naglakad na kami papasok. Ang gara ng mga tao. Halos mayayaman, wala man lang akong nakikitang parang mga dukha kasi ang ganda ganda ng mga suot nila.

"Is that Axel? Shit he is so handsome talaga, wait sis magpapansin ako sa kan'ya. I will get him tonight. Secret lang natin na magpapansin ako ha?"

"Support kita sis pero baka hindi ka pansinin like duh? Axel is one of a hell, walang nakakalapit na babae jan."

"Sis, i will get him and I will make him mine."

"Sige support nalang kami sa katangahan mo sis."

Napatingin ako sa mga babaeng nakatingin kay ser na nakaupo sa pang unang lamesa. Lima sila at parang puro mga dalaga pa.

Nakasuot ng isang magandang dress ang babaeng unang nagsalita. Katulad ko kulay red din ito pero halos makikita na ang panty n'ya sa haba ng slit. Ang gaganda nila, ang kikinis ng mga kutis nila at ang puputi pa. Parang hindi man lang naarawan.

Hindi ko alam kong bakit nagagalit ako sa pinagsasabi nila. Ano raw? Magpapansin sila kay Axel? Kusa na tumaas ang mga kilay ko. Magpapansin sila tapos ang lakas lakas ng mga boses nila. Mga baliw ba sila? Edi hindi na sekret. Ang lakas pa ng mga boses nila parang may gamit na mikropono.

Alam kong naririnig din ito ni Ser Axel at alam ko ang iniisip n'ya. Katangan ng mga babaeng yan, hindi ba nila alam na ang sekret ay hindi dapat malaman ng iba? Bobo naman.

"Ser," Saad ko kaya napatigil s'ya sa paglalakad sabay ko.

"Ako na bahala."

Binitawan ko s'ya at pinuntahan ang mga babaeng tanga.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

Continue Reading

You'll Also Like

23.4K 924 37
Si Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kani...
1.5K 108 62
He is the coldest person I've ever met but he is also the hottest man I've ever see with my two eyes. He is unpredictable but he is invincible and hi...
313K 7.4K 26
She's Lyrica Moore Yang, a woman who accidentally got pregnant by the stranger she just met one night. Dahil sa maaga niyang pagkakabuntis ay magigin...
48.7K 1.1K 53
Zayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay per...