Control The Game (COMPLETED)

By beeyotch

27.4M 1M 705K

(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue (Part 1 of 4)
Epilogue (Part 2 of 4)
Epilogue (Part 4 of 4)
Special Chapter

Epilogue (Part 3 of 4)

459K 13.7K 11.5K
By beeyotch

#CTGEpilogue (Part 3 of 4)

"Hello po?" agad kong sagot nang makita kong tumawag sa akin si Prosec Garcia. Inaantok pa talaga ako kasi gumawa ako ng baby kagabi, pero 'di naman pwede na 'di ko sagutin 'yung tawag. Daming nangyari sa buhay ko bago ako makarating sa pagiging prosecutor. 'Di ako pwedeng 'di magtrabaho nang maayos.

Lalo na ngayon at nagpa-plano na kami ni Cha na ready na kami magka-anak. Kailangan kong mas umayos.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero nang mapa-tingin ako sa labas ng bintana, kita ko na madilim pa. Maingat na tumayo ako mula sa kama kasi baka magising si Cha... Pagod na pagod pa naman 'yan sa trabaho.

Agad akong lumabas ng kwarto namin. Halos mapatid ako ng mga boxes na naka-kalat sa sahig. 'Di talaga namin matapos-tapos ayusin ni Cha iyong boxes. Tuwing magkakaroon kami ng oras mag-ayos, bigla kaming napupunta sa kwarto. Ewan ko ba. Malakas kontrol ko sa lahat ng bagay, pero kapag kay Cha, parang natatanga talaga ako.

Iba talaga epekto niya sa 'kin.

"Iñigo," he said.

"Yes, Sir?" I asked.

Medyo nanibago ako nang tawagin niya akong Iñigo. Palaging Atty. Borromeo ako kung tawagin niya. Wala siyang masyadong ka-close sa opisina dahil ayaw niya na maisip na may favorite. Ayos lang naman sa 'kin. Tapos na ako sa panahon na gumagamit ako ng koneksyon. Tama naman talaga si Cha—iba pa rin kapag alam mo na pinaghirapan mo ng sarili mo...

Pero alam ko naman na pinaghirapan ko rin lahat ng meron ako noon. Ayoko na lang sabihin. Ayoko na nag-aaway kami ni Cha. 'Di ako makapagfocus sa trabaho kapag nag-aaway kami. Mas madali sa 'king magsorry at manahimik. 'Di niya kasi kaya kaya ako na lang. Wala namang problema kaysa hindi kami mag-usap.

"Come to the office right now."

"Po?"

"In 30 minutes," sabi niya at mabilis na binabaan ako ng tawag.

Gusto ko sanang gisingin si Cha para magpaalam na aalis na agad ako... Sinubukan ko naman siyang gisingin kaya lang ayaw niyang idilat iyong mga mata niya. Napagod ata kagabi sa dami ng ginawa namin.

Gusto ko na kasing magka-baby... pero 'di ko naman siya pwedeng pilitin. Katawan niya 'yan, e. Mabuti nga 'di niya sinabi sa 'kin na ayaw niyang magka-anak... na 'di ako magugulat kung sasabihin niya kasi sobrang career-oriented siyang tao. Maiintindihan ko naman kung sasabihin niya. Malungkot siguro... pero 'di ko naman siya minahal para bigyan ako ng anak.

Hinalikan ko iyong noo ni Cha bago ako lumabas. Tatlong beses kong sinigurado na naka-lock iyong main door pati iyong metal gate sa labas. Mahirap na. Dami pa namang sira ulo sa panahon ngayon.

Pagdating ko sa opisina, agad akong dumiretso sa office ni Prosec. Iyong office niya pa lang kasi iyong may ilaw kasi maaga pa talaga.

Babati sana ako ng good morning nang matigilan ako nang makita ko kung sino iyong nasa kwarto kasama niya.

"Congressman..."

Hindi ko siya masyadong kilala. Nagkikita kami kapag may party sa frat dati, pero hanggang doon lang. Alam ko kasi kung sino siya... Kahit noon pa lang, ni minsan hindi ako humingi ng pabor mula sa kanya dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa mga gaya niya.

Alam ko may utang na loob ako sa frat...

Pero ayokong madamay sa problema ng mga Ramirez.

Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Kitty para magpakasal siya kay Kier Ramirez. Sana lang talaga walang mangyaring masama sa kanya. May sumpa pa naman 'yang pamilya na 'yan.

"Let's all sit down first," Prosec said.

Tahimik iyong buong kwarto. Nang mapa-tingin ako sa gawi ni Congressman ay kitang-kita ko iyong galit sa mga mata niya. Ano ba'ng nangyari? At bakit kailangang nandito ako?

"Iñigo, I'll be assigning a new case to you," he began.

"Ano po?"

"Parricide," he replied.

Kumunot ang noo ko. Halos puro tungkol sa drugs iyong kaso na binibigay sa akin... Lalo na at kaka-bigay lang nung sa Carson case. Kaka-sabi lang sa akin ni Prosec na kailangan kong magfocus doon dahil high profile case iyon at maraming matang naka-matyag sa amin. Na hindi ako pwedeng magka-mali doon dahil titirahin kami ng media at ng publiko.

"Okay po," sagot ko. 'Di naman ako pwedeng tumanggi. Kailangan kong maging masipag para sa amin ni Cha... Saka pangarap kong maging judge. Napansin ko kasi na kahit ano'ng galing mong abogado, sa huli, nasa judge pa rin iyong desisyon...

So, if I really wanted to make a change, I needed to be a judge.

Walang kwenta kahit ipagtanggol mo pa iyong inosente kung sa huli, nabayaran na iyong judge.

Hindi naman lahat ng judge nababayaran... Pero hindi naiiwasan... Iba pa rin kapag pera na 'yung nagsalita. I should know. I'd been there. Swerte lang ako na may Cha na humatak sa 'kin pabalik. Mahal na mahal ko talaga 'yun.

"Good," Prosec said.

"Iñigo, right?" Congressman said.

"Yes, Sir," sagot ko.

Agad akong kinilabutan nang tumingin siya sa akin. There's something... threatening about him. Na kahit hindi pa siya magsalita, parang gusto mo ng tumakbo palayo.

"I need you to win this case. This is very important to me. This is about my son."

Umawang ang labi ko.

Napa-kurap ako.

What?

"Sino..." tanong kong hindi ko masundan dahil nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong napa-tingin kay Prosec nang hindi sumagot si Congressman.

Prosec looked at me like he was almost apologetic for putting me in such a position. Tangina. Sinong anak?

Suspicion roused through my system, but I needed confirmation.

"The suspect's already in custody, and I need you to immediately start working on this case," Prosec replied instead.

"Who's... the suspect?" tanong ko kasabay iyong malakas na kabog ng puso ko.

"Katherine Ramirez."

"No," mabilis kong sagot nang marinig ko iyong pangalan niya. Agad akong tumayo. "No," ulit ko. "I'm not accepting the case, Sir."

Napa-tingin ako kay Congressman na biglang napa-tayo dahil sa ginawa ko. Agad siyang humakbang palapit sa akin. Pilit akong nanatili sa posisyon ko kahit na naka-ramdam ako ng takot sa kanya.

"What did you say?" he asked.

"I'm not accepting the case, Sir," ulit ko.

The fuck if I'm accepting that case! Tangina, 'di kami nag-uusap ni Kitty, pero 'di ko gagawin sa kanya 'yan! I knew how brutal the trials could go and I fucking refused to be on the other side, crucifying her!

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya iyong kwelyo ng suot ko.

"What did you say?" he asked again.

"I'm not accepting the case, Sir," muling sagot ko.

Lumuwag ang hawak niya sa akin. Tumingin siya kay Prosec.

"I like this kid," Congressman said. "May paninindigan."

Prosec looked at me. "He's the top 1 in his batch, Congressman," sagot ni Prosec.

"Impressive," he said. "You're from the frat, right?"

Hindi ako nagsalita.

"Then, all the more you should do me this favor, hijo."

Tumingin ako sa kanya. "Matagal na po akong inactive sa frat, Sir. Kung iyong sa scholarship naman po, babayaran ko na lang para tapos na."

Congressman looked impressed.

Tangina.

Ngayon lang ako nagsisi na nagtop 1 ako!

"He should handle the case," pag-uusap nila na para bang wala ako roon at nagsabi na hindi ko tatanggapin ang kaso.

"Sir, I said—"

Agad siyang tumingin sa akin. "Iñigo Borromeo... right?" he asked and I remained silent. "I was told that you have a girlfriend... Charisse Viste, if I remember it correctly."

Tangina.

Tangina!

"Sa panahon ngayon, maraming masamang nangyayari... Minsan, may mga masasamang tao na pumapasok sa bahay... Nagnanakaw... Pumapatay..."

Agad kong naikuyom ang kamao ko.

Ramdam ko iyong panginginig ng kamay ko.

"Is that a threat, Sir?" I asked.

"Not at all," he replied. "I'm just telling you... These things happen..."

Hindi ako agad nagsalita.

Alam ko kung ano ang sasabihin ni Cha kapag pumayag ako dahil sa kanya. Alam ko na magagalit siya sa 'kin.

"I'm still not accepting the case, Sir," sagot ko at mabilis na lumabas ng opisina. Halos mabangga ako bago ako maka-rating pabalik sa apartment. Mabilis kong hinanap iyong isang pack ng yosi na tinago ko dahil ayaw ni Cha na naninigarilyo ako. Hanggang maka-uwi ako ay ayaw pa ring tumigil ng panginginig ng kamay ko.

Shit.

Si Kitty.

"Don't smoke."

Agad akong napa-tingin kay Cha nang marinig ko ang boses niya. Sinubukan kong ngumiti, pero hindi ko magawa. I just hit the cigarette again, hoping that it would blur the problem away.

Pero hindi ko magawang alisin sa isip ko iyong naging pag-uusap namin kanina.

Kier's dead.

And Katherine's in prison.

What the fuck happened?

Gusto kong malaman kung ano ang nangyari... pero ayokong makialam. Ayokong maging prosecutor sa kaso ni Kitty. Alam ko na kung hindi ako, may ibang gagawa... At mas maganda na iba na lang ang gumawa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya kung ako mismo na kaibigan niya ang magdidiin sa kanya.

Shit.

Tangina talaga!

"Hey," I said, instead. Alam na kaya niya iyong nangyari kay Kitty? Alam na kaya ni Jax? Shit. May kasama kaya siya ngayon? "Maaga pa, ah. Saan ka pupunta?"

Cha looked at me.

Kinabahan ako.

Shit.

Alam niya.

"Jax," simpleng sabi niya... pero doon pa lang, alam ko na na alam niya. Cha's not very fond of lying... but she's a fan of omitting the truth—it's technically not a lie, as she'd say. "And please, stop with the cigarette."

Pero hindi ako nakinig.

Tangina.

Hindi ko tinanggap iyong kaso, pero sigurado ako na tutulungan ni Cha si Jax... Dahil sigurado ako na kukunin ni Jax iyong kaso ni Kitty. Sigurado ako roon.

Sa dami ng abogado na kumalaban sa mga Ramirez, konti lang ang nanalo... Iyong iba, biglang nawawala...

Fuck.

Ano ba 'tong pinasok ni Kitty!

"Wag ka ngang manigarilyo sa harap ko," galit na sabi ni Cha.

"Tapusin ko lang 'to," paki-usap ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo sa kaka-isip kung ano ang mangyayari. Damay-damay na kaming lahat. Shit. Tangina, buti sana kung ako na lang! Sigurado ako na kasama si Cha dito! Ang tigas pa naman ng ulo nito!

"Please?" I asked because she was badly glaring at me... And I stopped smoking for years... Ngayon na lang ulit... "I... just really need this one, Cha."

She only looked at me.

"You can't smoke in front of me," sabi niya at saka humugot ng malalim na hininga. "Iñigo, I'm pregnant."

Hindi ko alam kung posible ba iyon... pero para bang huminto ang paligid nang marinig ko iyong sinabi ni Cha. Hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman ko. Alam ko na dapat akong maging masaya... pero mas unang pumasok iyong takot sa isip ko.

Takot sa mga Ramirez.

Takot para kay Kitty.

Takot para kay Cha.

Takot para sa baby.

Parang... parang kahit ano ang gawin ko, talo pa rin ako.

Tumingin ako kay Cha. She smiled at me and touched my face. I was sure she knew... pero wala akong makitang kahit ano'ng takot sa mukha niya.

But I couldn't be like her.

We couldn't be both brave.

I had to be scared for her... for the baby...

I needed to take that fucking case.

"Iñigo," pagtawag niya sa akin. Pilit akong ngumiti kahit pakiramdam ko biglang hindi ako maka-hinga. Puma-pasok sa isip ko iyong itsura ni Kitty... At kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na ako iyong prosecutor sa kaso niya...

And Cha.

God, she'd be furious at me kapag nalaman niya na tinanggap ko iyong kaso.

"I really hope there's a better opportunity so we can fully discuss this, pero may kailangan talaga akong puntahan. I'll just see you later, okay?"

Bago pa man siya maka-alis, agad akong tumakbo papunta sa kwarto at kinuha iyong box ng singsing na matagal ko nang itinago. Matagal ko ng gustong magpropose pero para bang hindi ako maka-kuha ng tamang tyempo dahil sa dami ng nangyayari sa buhay namin ni Cha...

Pero kahit na hindi 'to nangyari, sigurado ako na papa-kasalan ko pa rin siya. Kasi siya lang naman talaga mula noon hanggang ngayon. Sa kanya lang ako ganitong ka-sigurado.

"Cha..." pagtawag ko sa pangalan niya.

Ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko.

Naka-tingin siya sa akin... pero alam ko kung ano ang nasa isip niya. Dati, gustung-gusto kong malaman lahat ng dumadaan sa isip niya. Ang hirap niya kasing basahin. Nahihirapan ako dahil ayaw niya ring magsalita. Gusto kong malaman lahat tungkol sa kanya. Pero ngayon? Ayoko munang malaman kung ano ang nasa isip niya. Ayokong malaman kung paano siyang magagalit sa akin dahil sa mga mangyayari...

Pero kailangan kong gawin.

Hindi pwede na pareho kaming matapang.

Duwag na kung duwag, pero may baby na sa usapan.

"May... bago bang na-assign na case sa 'yo?" tanong niya.

"Wala pa..."

Wala pa naman talaga.

Pero mamaya...

Shit.

"Okay... Pero kailangan ko ng umalis," she said, but she wouldn't move. I had to draw a deep breath. Tumingin ako sa mga mata niya para humugot ng lakas.

This... this certainly wasn't what I had in mind when I envisioned proposing to her... Plano ko sana na sa bakasyon ako magpo-propose... Naka-plano na lahat... We'd go to the beach and lounge under the sun all day. Wala kaming gagawin kung hindi ang magrelax—kapalit ng walang tigil naming pagta-trabaho ng ilang taon. Tapos kapag bumalik na kami sa villa namin, pagpasok namin, nandun iyong mga petals sa sahig tapos maraming lobo. I knew that Cha would roll her eyes off, but I knew her well enough to know that she'd like that... Nakita ko iyon nung napanood namin sa Facebook. Sabi niya ang corny daw... pero hindi niya naman maialis iyong mata niya sa video.

My Cha's a softie.

Kunwari ayaw ng sweet, pero ang totoo, nahihiya lang magsabi.

"Let's get married," I said. I opened the box to show her the ring. "I know..." pagsisimula ko pero bigla akong natigilan nang maramdmaan ko iyong pagtutubig ng mga mata ko. Ano ba 'yan! Na-practice ko na 'to, e!

"Shit. Alam ko hindi 'to 'yung tamang panahon, but please, agree to marry me? Fuck. Wait. Mali pala," sabi ko at mabilis na lumuhod. Huminga ako nang malalim. I looked at her face... she was just looking at me... Mabuti pa siya kalmado. Ako, parang tatalon na 'yung puso ko palabas!

"Charisse Faith Viste, I know our relationship is not the general rule when it comes to standards of relationship... but I believe that we're the exception to the general rule and my love for you is the exception to the exception—"

"Okay," she simply said.

"Okay?" nabiglang tanong ko. 'Yun na 'yun?!

"We're living together and we're going to have a child—this is just a formality," sabi niya at saka kinuha iyong singsing sa box at sinuot iyon sa daliri niya. I saw how she was fighting the urge to smile... but I still saw that smile.

She never really changed...

Still the ice queen I once knew.

But I'd never change her for anything.

Agad akong tumayo at niyakap siya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing pakiramdam ko ay bibigay na ako sa dami ng problema ko sa trabaho, sa dami ng ginagawa ko, sa dami ng hinihingi sa akin... kapag niyayakap ko si Cha, bigla kong naaalala na may dahilan lahat ng bagay.

Na hindi naman lahat ng 'to para sa wala.

Dati, gusto ko lang yumaman—gusto ko lang patunayan iyong sarili ko sa lahat ng pakiramdam ko ay umali sa akin...

Pero ngayon? Puro si Cha ang dahilan.

Sa kanya lang umiikot ang mundo ko... Siguro mali... Pero masaya ako sa ganito. Mas gusto ko na sa kanya lang lahat ng atensyon ko dahil simula nung dumating siya sa buhay ko, parang doon lang nagka-direksyon lahat.

I really just wanted her in my fucking life... I didn't care about the consequences. Only for her, I'd really give anything up.

Akala ko ang tanga ni Jax noon na willing siyang magpa-kickout para kay Kitty... Pero ako 'to ngayon, willing na magalit lahat basta masigurado lang na walang gagalaw sa pamilya ko.

"I love you," I whispered in her ears.

"I concur," she replied.

Typical Cha.

I want her forever.

"God, I love you so much," I repeated before kissing her.

"Iñigo, I have to go..." sabi niya nang pakawalan ko iyong labi niya.

Tumingin ako sa kanya at tumango. "I love you, Cha. Always remember that..."

Ilang segundo akong napa-tulala nang mawala siya sa paningin ko. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng tubig. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tayo lang doon... Pero nang ma-kalma ko na iyong sarili ko, kinuha ko iyong brief case ko at dumiretso pabalik sa opisina.

Tangina, bahala na.

* * *

"We're aiming for the maximum penalty here, Iñigo," Prosec told me. Tahimik akong nakikinig sa lahat ng bilin niya. Wala na si Congressman, pero ramdam ko pa rin iyong presensya niya. "If there are aggravating circumstances available, use them all."

Ang daming bilin.

Hindi naman ganito sa ibang kaso.

"I was told na kaibigan mo iyong defendant?" biglang tanong niya. Tipid akong tumango. "We can use that to our advantage... Exploit her weakness. Make sure na magmumukha siyang guilty."

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim.

'Para kay Cha,' bulong ko sa sarili ko.

"Sir," pagtawag ko.

"Yes?"

"Yung pamilya ko, Sir..."

Hindi ko mapigilan iyong paghapdi ng mga mata ko nang banggitin ko iyong salitang pamilya. Ang tagal kong hinintay 'yun... Ang tagal kong pinangarap 'yun...

Hinintay namin ni Cha 'yun...

Mamamatay ako kapag may nangyari sa kanila.

"Just do your job, Iñigo," he said.

"Walang mangyayari sa kanila, Sir?" mahinang tanong ko.

Kapag may nangyari sa mag-ina ko... I swear to God isususod ko iyong buong pamilya nila kay Kier.

"Walang mangyayari basta gawin mo ang trabaho mo," sagot niya.

Pagkatapos ng lahat ng bilin ni Prosec at dumiretso na ako sa presinto para iinform iyong defendant sa kaso na isasampa namin sa kanya. Hindi ako maka-labas ng sasakyan ko nang makita ko si Cha na naka-tayo sa labas ng presinto. Paulit-ulit kong inuntog iyong ulo ko sa headrest dahil parang sasabog na 'yun sa dami ng iniisip.

Inabot ko na naman iyong sigarilyo at binuksan nang konti iyong bintana. Ayaw tumigil sa panginginig ng mga kamay ko habang pinapanood ng mga mata ko si Cha...

I needed to get my fucking self together.

Magagalit si Cha... pero mas importante na ligtas sila ng anak namin.

Inubos ko iyong isang stick ng yosi bago ako lumabas. Huminga ako nang malalim at hinanda iyong sarili ko sa pagkikita namin ni Cha.

Mabilis akong naglakad—para matapos na.

Agad na napa-hinto si Cha at ibinaba iyong hawak niyang cellphone. "Iñigo... why are you here?" she calmly asked... pero para bang alam niya na kung bakit, pero pinipilit niyang 'wag tanggapin iyong dahilan.

"Cha, not now," pakiusap ko.

"You told me na walang bagong case na assigned sa 'yo—" Bigla siyang napa-hinto. "Did you fucking lie to me?"

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nagsinungaling... Na hindi ko naman talaga tinanggap... Kasi alam ko kung ano ang sasabihin niya—na kaya niya, na 'wag ko siyang isipin...

Pero may baby na.

Ano ba ang choice na meron ako?

Alam ko na hindi siya papayag na hindi tulungan si Jax... Alam ko 'yun. Lagi siyang nand'yan para sa mga kaibigan niya... Sa lahat ng nangyari sa kanila, si Cha palagi iyong tahimik na nagbabantay sa kanila.

Pero may baby na ngayon.

Hindi na pwede 'yung dati.

"You know I can't talk to you about work," sagot ko sa kanya. "Please? Cha, please... Gusto ko lang magtrabaho."

Mabilis akong pumasok sa loob. Kinausap ko saglit iyong mga pulis bago nila ako tinuro sa kwarto kung nasaan si Kitty. Huminto ako sa harap nun at saka humugot ng malalim na hininga. Tinapik ko iyong mukha ko at pinaalala sa sarili ko kung bakit kailangan kong gawin 'to...

'Di pwede na pareho kaming matapang.

I quickly opened the door—kitang-kita ko kung paanong sabay-sabay silang napa-tingin sa akin. I saw Cha... I saw Jax... But my vision focused on Kitty...

And how her face fell and her heart broke.

Umayos ako ng tayo.

'This is for Cha and the baby,' I once again reminded myself.

"Mrs. Ramirez, Atty. Yuchengco... I'll be the prosecutor for this case," I professionally said... because that's the only way I'd be able to stomach going through all this.

Kay Jax lang ako naka-tingin sa buong pag-uusap. Ayokong tumingin kay Kitty... Pinilit kong 'wag tumingin sa kanya. Hindi ko magagawa 'to kung makikita ko iyong itsura ng mukha niya.

Hindi niya siguro naisip na sa lahat, ako pa...

Hindi ko rin naman gusto...

Pero ano'ng gagawin ko? Iyong pamilya ko iyong naka-salalay dito... Siguro naman maiintindihan niya... Dahil sigurado ako na kung nagka-palit kami ng posisyon, na kung si Jax iyong nasa kalagayan ni Cha, sigurado ako na kakalimutan niya ang buong mundo para kay Jax.

Kasi ganon siya.

Kasi ganon ako.

Pareho lang kami.

Nang maka-labas ako, hindi sumunod si Cha. Agad akong dumiretso sa sasakyan at mabilis na nagdrive. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyong mararamdaman ko. Para akong masusuka nang nasa harap ko mismo si Kitty.

The betrayal in her eyes...

I wanted to rethink my decision... pero sa tuwing naiisip ko si Cha at ang baby namin, bigla akong nawawalan ng pakielam sa buong mundo... The world could fucking burn and I wouldn't care so long as I could get my family to safety.

I just needed to fucking turn my conscience off.

Kagaya ng dati.

Magalit na kung magagalit si Cha... Mas importante iyong anak namin. Hindi pwede na pareho kaming lalaban. Wala na akong pakielam kung ako na naman 'yung gago.

Pagdating ko sa opisina ay hindi na ako nagulat nang mabawasan iyong kaso sa lamesa ko. Inilipat daw sa iba para makapagconcentrate ako sa kaso ni Kier. Hindi na ako nagtanong pa at tahimik na nagtrabaho... Pero hindi rin ako natahimik dahil bumisita si Mrs. Ramirez at pinaalala sa akin kung ano ang pwedeng gawin ng pamilya niya kapag hindi ko napa-kulong si Kitty.

Fuck this fucking life.

Nang maka-uwi ako, huminto ako sa harap ng pintuan at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko. Hindi ko alam kung ano ang mood ni Cha...

Pero pagod talaga ako..

Gusto ko lang siyang yakapin at matulog.

"Cha..." pagtawag ko sa kanya nang maka-pasok ako sa apartment. "I've had a long day... Pwedeng payakap muna bago mo ako sigawan?"

Hindi siya gumalaw. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. I immediately relaxed... It's amazing how someone could be your home.

"Why?" tanong niya pagkalipas ng ilang segundo.

"I had to," sagot ko.

"No, you didn't have to. You could've inhibited yourself."

"Cha—"

"She's your friend, Iñigo. You saw her earlier. You saw how devastated she was when she saw you."

Alam ko.

Nakita ko.

Iniwasan ko.

Pero ano'ng magagawa ko? Siya o si Kitty? May iba pa ba akong pwedeng isagot? Alam ko selfish... pero kailangan kong mamili... At siya iyong pipiliin ko paulit-ulit. Magalit man si Kitty, si Jax, lahat ng kaibigan namin—wala akong pakielam. Si Cha at anak namin ang priority ko.

Uunahin ko 'yung pamilya ko bago silang lahat.

Oo, abogado ako... pero putangina, buhay ko si Cha.

"I had to. That's my only answer."

"She's your friend—"

"She's my friend and you're my family, Cha. I chose you and if I had to make a choice again, I'll still fucking choose you, okay? 'Wag na nating pag-usapan 'to kasi tapos na. Nagawa ko na. Tinanggap ko na 'yung kaso," mabilis kong sabi bago iniwan siya at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit.

"Iñigo," mabilis niyang tawag nang sumunod siya sa akin. "Iñigo, kinaka-usap kita."

Ayoko sanang makipag-usap.

Ayokong makipagtalo.

Gusto ko lang yakapin siya kasi kailangan kong magpahinga dahil may bukas na naman.

"Cha..."

"Ipasa mo sa iba."

"I can't."

"You can't or you won't?"

I looked at her. She's so fucking stubborn... And that's what makes her the woman whom I love—the mother of my child... And if I had to lose every fucking integrity and dignity I had in my body just to protect her, then to fucking hell with it.

"Just... just be angry at me, okay? Mas kaya kong tanggapin 'yun," sabi ko sa kanya. Nakita ko na napa-hawak siya sa tiyan niya, na para bang humihingi siya ng tawad sa anak namin na ganito ako.

Tangina.

Ang sakit naman nun.

Pero wala na kong paki. Basta ayos silang dalawa, kahit ako na kontrabida sa lahat ng tao. Ako na 'yung kaibigan ni Kitty na tumraydor sa kanya. Sige na. Sanay naman ako. Basta ayos si Cha, sige na.

"Cha, I'm sorry," mahinang sabi ko. "Alam ko magagalit ka... Alam ko madi-disappoint ka... Pero mas kaya ko 'yung tanggapin kaysa may kung ano'ng mangyari sa 'yo... sa anak natin..."

Huminga ako nang malalim. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap niya. Marami pang mangyayari. Kailangan kong umayos.

"What did they tell you?"

"That they know where we live," mahinang sagot ko.

"I can handle myself. I know what I got myself into. It's part of the job," she said... ever so stubbornly.

"Alam ko," sagot ko. "Kaya nga tinanggihan ko nung una. Dahil alam kong kaya mo. Dahil alam kong ito mismo 'yung sasabihin mo... Pero, Cha, magkaka-anak na tayo. Hindi na lang ikaw 'yan. Dalawa na kayo."

Hindi siya maka-sagot.

"Naiintindihan mo ba ako, Cha?"

Lumapit ako sa kanya.

"Nawalan na ko ng pamilya dati, Cha... Sorry pero hindi na ako papayag na mawala ulit 'yun... Wala na akong pakielam kahit magalit silang lahat sa 'kin... kahit magalit ka sa 'kin... Basta gagawin ko lahat para walang mangyari sa inyong dalawa..."

Nakita ko kung paano tumulo iyong luha sa mga mata niya. Gusto kong humingi ng sorry kasi na-disappoint ko na naman siya... Gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng gagawin ko...

"I'm sorry..." paulit-ulit kong sabi sa kanya.

Nang mahiga kami sa kama, ramdam ko iyong pag-iyak niya. She wasn't saying a word, but it hurt me nonetheless. Agad akong tumayo at nahiga sa sofa. Pilit akong natulog dahil marami pa akong kailangang gawin...

Alam kong magaling si Jax...

Pero mas desperado ako.

Siguro.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin kapag kasama na si Cha sa usapan.

"Okay lang ako rito," sabi ko nang lumabas si Cha mula sa kwarto. Naghahanda na akong matulog sa sofa. Hindi ko kasi alam kung gusto niyang katabi ako kaya sa sofa muna ako natutulog ng ilang araw.

"Sa kwarto ka," sabi niya.

"Okay naman dito," sagot ko. I smiled at her. "Malambot naman 'yung sofa."

Cha sat down beside me. She held my hand. Walang nagsalita ng ilang segundo.

"I hate this," she said.

"I hate this, too," I quietly replied.

Tumingin siya sa akin. "Tulog na tayo?"

"Cha—"

"Kung ayaw mo sa kwarto, dito na lang tayo sa sofang dalawa," she said. Hindi ako nagsalita. "The Ramirez family already destroyed Katherine's life... Let's not be part of the casualty... okay?" she said, holding my cheek and looking straight into my eyes.

"This will all come to an end," she told me like she was assuring me.

"The only end I care about is the one where you're safe," I told her.

She gave me a small smile and kissed me. "I promise..." she told me... But with her, I wasn't willing to risk it.

I needed to fucking win the case...

Jax better do his fucking best.

Pagdating ko sa opisina, nakita ko na naka-baba na naman iyong blinds. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papunta sa opisina ko. At tama nga ako... Nandun si Congressman pati isang babae.

"Good morning," bati ni Congressman sa akin. Tipid akong tumango. 'Di ko kailangang magpanggap sa harap niya dahil alam niya na labag sa loob ko ang ginagawa ko.

I didn't even think that Kitty was capable of killing anyone...

Napa-tingin ako sa babae sa tabi niya.

"Introduce yourself," sabi ni Congressman sa babae.

Hinawakan nung babae iyong kamay niya. Tumingin sa akin. Halata agad na napilitan lang din siya... kagaya ko.

Minsan... minsan tangina talaga ng pera. Wala kang magawa dahil wala kang laban.

"Sir..." pagsisimula nung babae. "Ako po si Jessa... Kasambahay po nila Ma'am Katherine at Sir Kier..."

Agad na kumunot ang noo ko.

"She'll testify na madalas nag-aaway sina Kier at Katherine. That should be motive enough," Congressman said.

I pressed my lips and drew deep breaths. "With all due respect—"

"Your only choice is to win this case, Prosecutor," he said, cutting me off. "You don't want me as your enemy," he continued before leaving my office.

Naiwan kaming dalawa ni Jessa na naka-tingin sa isa't-isa. She looked so scared... like she'd rather be anywhere but here.

"Totoo ba 'yun?" tanong ko.

"Alin po?"

"Na nag-aaway sina Kier at Katherine?"

Tipid siyang tumango. "Opo, Sir..." sagot niya. Nanatili lang akong naka-tingin sa kanya, naghihintay na dugtungan niya iyong sinabi niya. Ayokong mandaya sa kaso... but I needed to make sure that everything would be in favor of my case.

Wala na akong pakielam. Putangina nilang lahat.

"Madalas po talaga silang nag-aaway tapos madalas ko pong naririnig na pinag-aawayan po nila 'yung Jax ang pangalan..."

Fuck.

Para akong masusuka nang matapos iyong pag-uusap namin ni Jessa. She described in great detail everything that transpired in the Ramirez household—kung gaano ka-demonyo si Kier tuwing sinasaktan niya si Kitty.

Hindi... hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yun kay Kitty... Kasi kung mahal mo 'yung tao, hindi mo sasaktan... Kasi ako kahit gaano ako magalit kay Cha, kahit isang beses hindi ko naisip na pagbuhatan siya ng kamay.

Kasi nga mahal ko.

Bakit mo sasaktan kung mahal mo?

Agad akong pumunta sa rooftop ng opisina at nagsigarilyo. Nangako na ako kay Cha noon na hindi na ako magyoyosi... Pero hindi ko mapigilan dahil sa lahat ng nangyayari sa trabaho... Pakiramdam ko kapag natapos 'to, matatapos na rin ako sa dami ng problema.

Nang tawagan ako ni Cha para ipaalala na may check-up kami para sa baby namin, doon lang gumaan kahit papaano iyong pakiramdam ko. Doon ko lang naalala ulit kung bakit ako pumayag na ganito.

Para sa pamilya ko.

Para sa anak namin.

Bumaba ako sa opisina at nagpalit ng damit, naghilamos, nagtoothbrush, at nagpaligo ng pabango para hindi ako maamoy ni Cha.

Nang makita niya ako, agad na kumunot ang noo niya. "What's your problem?" she asked.

"Ready na ba kayo bukas?" tanong ko sa kanya. Maraming dinala sa akin na witness ang mga Ramirez... Alam ko na magaling si Jax, pero kahit ano'ng galing niya, wala siyang magagawa kung lahat ng ebidensya ay naka-turo kay Kitty.

Pareho lang kaming desperado... Ang kaibahan lang, may Ramirez na tumutulong sa akin para matalo sila.

"Yeah," she replied, but she didn't sound so confident.

"Okay..." tahimik na sabi ko. I wished they'd prepare more. I was almost certain that this was already a finished case for me. Naka-latag na lahat ng ebidensya. Kitty's already good as convicted.

"Bakit?" tanong niya, pero ayokong sumagot. I didn't want to dishearten their case... They needed to fight until there's a reason to fight. Hanggang hindi pa natatapos iyong hearing, pwede pa nilang ilaban.

Umiling ako. "Sana matapos na 'to," sagot ko bago magsimulang magdrive pauwi.

Maaga akong umalis sa bahay dahil kailangan ko pang ayusin lahat bago ako dumiretso sa unang araw ng hearing. Kinausap na naman ako nila Prosec Garcia at ni Mrs. Ramirez bago ako naka-diretso sa korte.

Bago ako pumasok ay huminto muna ako at sumandal sa pader. Ipinikit ko iyong mga mata ko at huminga nang malalim.

Shit.

Ayokong makita si Kitty.

Alam ko kailangan kong protektahan iyong mag-ina ko... pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba na sabihin lahat ng sasabihin ko sa harap ni Katherine.

Gusto kong masuka sa kaba.

Huminga muli ako nang malalim bago ko binukas iyong mga mata ko... at sakto na nakita ko si Cha. Agad na gumaan ang pakiramdam ko. I really needed this... I really needed to see her because she's the sole reason why I was doing this.

"Cha," tawag ko sa pangalan niya.

"May the truth win in court," she said.

"What wins in the court becomes the truth," I told her.

I'd done this a couple of times already. There's the prosecution, the defense, and the truth—and the truth is what wins in court.

That's just how the system works.

Kahit gaano ka pa ka-inosente, kung hindi mananalo ang abogado mo, wala pa ring kwenta.

It's the system and sometimes, it sucks.

"You're right," she replied.

Tinignan ko siya. I wanted to get closer and hold her, pero nasa korte kami kaya naman pinagbigyan ko na lang ang sarili ko na tumingin sa kanya.

"I never thought na sa ganitong paraan tayo magkikita sa korte. I always thought we'd be on the same side," sabi ko.

"That's life for you, prosecutor," she replied.

"You're right, attorney," I said. "Pagkatapos nito, punta tayong mall para bumili ng gamit ni baby? I need to unwind."

"Okay. But no pink, please," she said like she's allergic.

I laughed. "Pero 'wag puro white," I said. "Bibili na ba tayo ng crib o masyado pang maaga? Also, gusto mo tumingin na tayo ng lupa sa subdivision tapos ipon na tayo para magpa-tayo ng bahay?"

"Pwede naman... pero ayoko sa Metro Manila tumira."

We were making plans for the future—for the future that I was fighting for. Siguro nga selfish... pero ano'ng magagawa ko? Mahal ko si Cha. Kaya kong gawin lahat, kahit ano para sa kanya.

I just needed Jax to do his job.

Pareho lang naman kaming naipit dito.

"See you inside, prosecutor," sabi niya sa akin nang makita namin si Judge Marquez na papalapit na. He's known to be a good and fair judge... Isa 'to sa dahilan kung bakit lagi akong binibisita ng mga Ramirez—dahil alam nila na iba si Judge Marquez sa mga judge na nababayaran nila... That's why I needed to do everything to make sure that Kitty would be convicted.

Tahimik akong nakikinig sa bawat tanong ni Jax sa mga witness habang nagtatanong siya. I took down notes. He's good... but I was desperate.

I did everything as planned. Tinanong ko iyong mga dapat itanong. Sumagot sila nang ayon sa plano. Walang kawala si Kitty... dahil wala namang suspect bukod sa kanya. If I were her lawyer, the first thing I'd do was to point the blame on someone else. Pero walang CCTV. Walang ibang tao. Siya lang ang nandun.

Jax was losing this case and he knew it.

Nang magrecess, mabilis akong naglakad para walang kumausap sa akin. I didn't need the Ramirez family breathing on my neck every chance they got. Hell, I didn't even want them and Cha in the same room! Kasi alam ko kung gaano sila ka-demonyo. Ang daming abogado na napatay dahil sa kanila. Tangina kahit ipalabas pa sa TV na aksidente lahat, alam namin na mga Ramirez ang may gawa nun.

Kasi ganon sila—you go against them and you sign your death sentence... Kaya takot ako sa kung ano ang pwede nilang gawin kay Cha.

"Court hearing for the case of People v Ramirez resumes," announced the clerk.

Huminga ako nang malalim.

"We request the accused on the stand," sabi ko habang naka-tayo. Naka-tingin lang ako sa harap habang hinihintay si Kitty na umupo. I kept on reminding myself of Cha and our baby.

"Do you solemnly swear to tell the truth and nothing but the truth, so help you God?"

"I do," sagot niya habang ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin. Saglit akong napa-tingin sa kanya at hiniling ko na sana hindi na lang ako tumingin—kasi kitang-kita ko iyong paninisi sa mga mata niya. Na bakit ko ginagawa 'to; na bakit sa lahat ng tao, ako?

Hindi ko rin naman gusto...

Sana hindi siya magalit... kasi alam niya sa sarili niya kung ano ang kayang gawin ng pamilyang pinakasalan niya.

"State your name," I began.

Kita ko kung gaano kalalim iyong hinugot niyang hininga. It seemed like she was trying to calm herself down—opposite of her demeanor all throughout the trial.

Nang una ko ulit siyang makita, parang nawala iyong Kitty na nakilala ko noon... She looked like... she's just existing. Pero iba na ngayon. Parang bigla siyang nagkaroon ulit ng dahilan para lumaban.

"Katherine Tyrese Arellano-Ramirez," sagot niya.

"You had been married to the deceased, Kieran Ramirez, is that right?" I asked.

She nodded. "That is right."

"For two years?"

She nodded again. "Two years, four months, and seven days. If you can tell me the time, I will give you the exact hours, as well," she stubbornly replied. I couldn't help but look proud... as this reminded me of our law school days... Kung paano niya ako barahin noon. Kasi ganito siya dati—hindi iyong tulalang babae na hindi alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya.

"That's not necessary, Mrs. Ramirez," I said after I cleared my throat, reminding myself of the reason why I was here. "How will you describe your marriage with Kieran Ramirez?"

I braced myself for what I was about to hear... Kasi narinig ko na mula kay Jessa... Kung gaano ka-gago si Kier at ka-demonyo tuwing nalalasing siya at nagagalit kay Kitty.

"A normal marriage," simple niyang sagot.

"Care to elaborate?" I pressed on.

"It was a normal marriage, Prosecutor Borromeo," she repeated. "I answered your question."

Good.

She's fighting.

But I was desperate.

"Jessa, your house help, mentioned... marital disputes. Care to elaborate on that, Mrs. Ramirez?"

"I never hurt Kier," she answered.

Shit.

Ano'ng never? Tangina, 'di ba 'to tinuruan ni Jax?! She's been a fucking punching bag for at least 2 years tapos sasabihin niyang never? I got medical certificate to prove otherwise.

"Never is an absolute statement, Mrs. Ramirez," I said... I needed to remind her that she married a fucking asshole and that he's the reason why she's in this position and she needed to think thrice before answering my question.

Because that's the thing.

Every question is a quick sand... isang maling sagot mo lang, madali kang mailulubog.

"Can you tell us what's inside?" I asked, handing over the envelope. I saw the content over and over again... Sinanay ko iyong sarili ko dahil alam ko na iba ang pakiramdam kapag kay Kitty ko mismo narinig.

"It's a record of all my check-ups with Dr. Maniego," sagot niya.

"About what?"

She looked at me... her eyes never left mine... like she was telling me to listen to the words she was about to say. "Broken arms, mostly... Once for a broken jaw... Twice for a broken nose..."

Shit.

Tangina.

Tangina mo, Kier.

Hindi agad ako nakapagsalita. Parang biglang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari nang sabihin ni Kitty 'yun... Parang biglang naisip ko kung ano ang naramdaman niya nung nangyari 'yun...

Para akong masusuka.

Gusto ko ng matapos 'to.

"Those... injuries. Those are because you were trying to instigate a fight with your husband? That resulted to you injuring yourself? As stated by Jessa, your house help."

"No," she calmly responded. "I have no history of being violent, if that was what you were trying to imply, Prosecutor Borromeo."

"Maybe before... but things must have changed when you married Kieran Ramirez, Mrs. Ramirez. If... If you weren't violent like you are claiming, then who must have inflicted your injuries?"

"Objection," Jax interjected.

"On what grounds?" Judge Marquez asked.

"Lay witness opinion, Your Honor."

"Sustained," Judge Marquez said.

I closed my eyes... and when I opened them, agad na si Kitty ang una kong nakita... She was looking at me like she's hurting dahil sa lahat ng tao, bakit ako ang gumagawa nito?

Ayoko naman...

Masakit din sa 'kin 'to...

Nung nawala iyong mga magulang niya, ako iyong kasama niya... Apat na taon, palagi kaming magkasama... Akala niya ba madali sa 'kin? Oo, pinili ko si Cha... pero hindi ibig sabihin nun hindi ako nahihirapan sa mga nangyayari... Kasi kung pwede lang, hinding-hindi ko 'to gagawin... Kasi sinubukan ko namang ayawan... Pero damay na 'yung anak ko...

Ano'ng choice ba meron ako?

I looked at her again.

She looked... so defeated.

She lost her parents, si Jax, iyong anak niya... Lahat ng ginawa sa kanya ni Kier...

Kaya ba talaga ng konsensya ko na hayaan siyang makulong? Ganoon na ba akong klaseng tao?

Maliligtas ko nga 'yung mag-ina ko... pero sigurado ako na hinding-hindi ako matatahimik kapag nakulong si Katherine...

I closed my eyes and made the call.

"But, Your Honor—" I questioned the judge and I was quickly admonished for it.

Bahala na.

Putangina.

Nang matapos iyong session ay pina-tawag ako. Tahimik lang ako habang sinisigawan ako... Pero para akong mababaliw nang sabihin sa akin ni Mrs. Ramirez na mas mahirap kung bigla na lang mawawala si Cha... Na hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya... Na wala akong bangkay na ililibing...

Kasi baka iyon daw ang mangyari kapag umulit ako.

"What the hell was that?" agad na tanong sa akin ni Cha nang magkita kami... Pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya iyong mga narinig ko... Kung gaano ako natakot nang sabihin sa akin na isang araw, baka bigla na lang silang mawala at hinding-hindi ko malalaman kung saan sila mapupunta at kung ano ang mangyayari sa kanila...

I just wanted to apologize.

Because for a second, I helped Katherine.

"Let's go home, okay? I'll drive," sabi niya habang tahimik lang akong naka-upo sa passenger seat. Pero napa-tingin ako sa kanya... at biglang kinabahan nang maalala ko iyong sinabi sa 'kin.

"Cha, hindi ba pwede na magdagdag pa ng security sa 'yo?" tanong ko. "I'm sorry... I just..." I paused. Tangina," mahinang sabi ko. "I know I promised that I'll take care of you pero... putangina... Nang marinig ko galing mismo sa kanya iyong mga ginawa sa kanya nung tanginang 'yun..."

Tumingin ako sa kanya.

Natatakot.

Kasi alam ko na pwede nilang gawin.

"I'm sorry, Cha."

"It's okay," she told me... but I wasn't okay. I felt like I was dying, too. Kasi kapag bigla siyang nawala, alam ko na hinding-hindi ako matatahimik kahit ano ang mangyari.

"No. Magagalit sila. Alam nila na sinadya ko 'yun," sabi ko sa kanya. "Cha... please... bitawan mo na 'yung kaso... Tangina, ako na 'yung makaka-patay kapag may ginawa sila sa 'yo... Alam ko kaibigan mo si Jax... pero maawa ka naman sa 'kin... para na kong masisiraan ng ulo sa kaka-isip kung ano'ng mangyayari kapag may ginawa sila sa 'yo... Unahin mo naman ako... Kahit ngayon lang... Maawa ka naman... Hirap na hirap na ko..."

Ngayon lang ako humiling sa kanya.

Sa buong pagsasama namin, hinahayaan ko lang siya sa kung ano ang gusto niya kasi alam ko na kahit ano ang gawin ko, iyong gusto niya pa rin 'yung masusunod...

Pero sana kahit ngayon lang, masunod naman ako...

Kasi para sa amin naman 'yun...

"Today is the last day of trial for People v Ramirez. Closing arguments from the counsel," Judge Marquez announced. "The prosecution," pagtawag sa akin.

Huminga ako nang malalim bago nagsimula.

I needed to win this...

Kasi hindi nakinig si Cha...

Kahit minsan, hindi niya magawang makinig sa 'kin...

"Your Honor..." I started, holding my own hand to stop them from trembling dahil ramdam ko na naka-panood sa akin iyong buong pamilya ng mga Ramirez. "You heard the details of how Kieran Muller Ramirez's life was ended on June 08, 2019 without legal justification, when the accused fatally stabbed him in the chest with a kitchen knife. The prosecution strongly stands with the belief, as supported by evidence and first-hand testimonies, that because of the death of her unborn child and her unhappy marriage with the deceased, the accused, feloniously planned the death of her husband. She convinced him to ditch his security details and to go to a secluded beach house in Batangas. There, waiting for him to be most unsuspecting, plunged a knife into his chest. She was able to kill him with just one stab—one fatal stab. The accused was proven to have taken lessons from a professional—just three months from the night of the accused's deaths. Those incriminating evidence, together with the fact that there is no other person of interest for this case, just proves that the accused is guilty of parricide, and should be given the sentence of Reclusion Perpetua in its highest degree."

Habang naka-upo ako, sinubukan kong makinig sa mga sinasabi ni Jax, pero hindi ko maialis sa isip ko si Cha... Sana nakinig siya sa akin at hindi na siya lumabas ng apartment.

Tapos naman na 'to...

Magbabakasyon kami.

Aalis muna kami.

Wala akong pakielam.

I'd take a leave and then come back when she already gives birth. I just needed her and our baby safe. Wala na akong pakielam sa iba. Bahala na sila.

While Jax was in the middle of his closing argument, naramdaman ko iyong cellphone ko. Kinuha ko iyon at binuksan...

And my whole world crashed when I read the text. 

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 296 11
This story is REVISED 2018 All Rights Reserved 2018 ©littleproblemsecret SUBSCRIBE IN MY YOUTUBE CHANNEL MARIVIE VLOGS . Thankyou!
1.5M 52.1K 43
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...