My Zombie Girl (girlxgirl)

Galing kay ChrissWitDoubleS

344K 9.8K 1.3K

Eh kung katapusan na ng mundo? Yung nauubos na ang mga tao. May pag-asa ka pa bang mag-mahal muli? Charot! H... Higit pa

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Awtor's Nowt
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen (Repost)
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Happy Holidays!! ;)

Chapter Twenty Four

7K 221 41
Galing kay ChrissWitDoubleS

Hi guys!

Oh yes! Isa itong update. Woohoo!

Pashneya naman kung ngaun lang ako nakapag update. Naging busy lang ako sa buhay ko. Tao din kasi ako baka nakakalimutan nyo. Hahaha.

Sana magustuhan nyo ang chappy na ito. Feeling ko maikli lang ito pero bawi ako sa susunod na mga chappy. :3

So comment?

Vote?

Inom sunkist. saraap. :

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Trina's P.o.V

Mabilis kaming nakalayo sa abandonadong warehouse kung saan kami nanggaling. Kahit pagod na pagod na kami ay hindi kami tumigil sa pagtakbo. Napakadilim na ng paligid at tanging flashlight lang ang ilaw namin sa daan.

Tama. Flashlight. May flashlight palang dala si Maddy. Nang magdilim kasi ay agad nya itong binuksan. Thank god dahil doon.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon sa isang maliit na bahay na gawa sa bato. Malayo na ito sa abandonadong warehouse kaya kahit papaano napanatag ng kaunti ang aming loob. Pero sana lang talaga ay hindi kami makita ng mga kalaban.

Nakahiga ako ngayon sa sahig at nakaulo sa hita ni Shawn habang sya ay nakatingin sa apoy na nagmumula sa mga kahoy at papel na nasa loob ng isang malaking lata.

Iginala ko ang aking tingin sa mga taong nasa harap ko ngayon.

Si Kyle na nakaupo din sa sahig habang nakasandal sa isang mahabang kahoy na upuan. Ang nasa upuan naman na yun ay ang batang si Maddy na nakahiga at nakatingin din sa apoy.

Si Jayvee naman ay nakasandal sa pader na katabi ng pintong hinarangan namin ng malaking lumang aparador.

Ang tahimik ng paligid. Mga kuliglig lang ang maririnig at ang pagputok paminsan minsan ng nasusunog na kahoy.

Lahat kami ay pawang pagod na pagod at inaantok na. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa pagtakbo sa napakadilim na gubat. Hanggang sa makarating kami sa highway ay tumatakbo pa din kami. Takot na baka nakasunod sa amin ang mga kalaban.

Lalo akong inantok ng sinimulang haplusin ni Shawn ang aking ulo ng paulit ulit. Pinapatulog na nya ako. Alam nya kasi na pagod ako at inaantok na pero ayaw na makatulog dahil sa takot na dumating ang mga kalaban.

Naisip ko tuloy. Dati. Mga walkers lang ang tanging kalaban namin. Pero ngayon. Pati kapwa tao ay kalaban na din. Imbis na magtulungan para mabuhay ang lahat ay nagpapatayan na ang mga tao para mabuhay ang kanya kanyang sarili. Nakakalungkot isipin na kahit ata kailan ay hindi na talaga maisasalba ang buhay ng mga natitirang tao sa mundo dahil din sa kapwa nilang pumapatay para sila'y maka survive.

Sa kaiisip ko nito ay unti unti na pala akong nakakatulog kahit ayaw ko pa. Hanggang sa hindi ko na kinaya at tuluyan ng pumikit an aking mga mata.

"Kailangan na nating makaalis agad."

"Alam ko. Pero saan tayo pupunta? Malamang pinaghahahanap na tayo ng mga tauhan ni Blake."

"Hindi ko alam kung saan tayo pupunta pero hindi tayo pupwede sa highway dahil malaki ang chance na andun sila Blake."

"Tama ka. Alam mo. Parang pamilyar yung mukha ng Blake na iyon. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha nya nun una natin syang makita pero pamilyar talaga eh."

"Baka artista sya kuya Jayvee? May itsura naman yun kaya baka artista nga."

"Baka nga. Pero ang yabang ng mokong na yun."

Yan ang mga bulungbulungan kong naririnig. Akala ko nananaginip ako pero hindi. Sina Shawn, Kyle at Jayvee pala ang naguusap.

Blake daw. Yun daw ang leader ng grupo ng mga kalaban. Since hindi ako kasama sa dapat na kakatayin ay hindi ko nakita ang mukha ng Blake na ito. Siguro ay nakakatakot ito. Pero sabi ni Kyle may itsura daw sya eh. Bahala na. Kahit ano pa itsura ng Blake na yan ay napaka walanghya nya pa rin dahil pumapatay sila ng tao at kinakain ito. Eww.

"G-goodmorning." Bati ko sa kanila dahil hindi na ako makatulog pa sa ingay nila.

Lumapit sa akin si Shawn at binigyan ako ng munting halik sa aking noo.

"Goodmorning babe." Sabi nya at ngumiti sa akin. Agad naman din akong ngumiti sa kanya.

Nilingon ko ang kahoy na upuan at nakita kong napakahimbing na natutulog pa din ang batang si Maddy.

Napaka payapa ng kanyang itsura. Napaka inosente. Naalala ko tuloy si Ish nung mga bata pa kami. Noong hindi pa kami mayaman pareho. Ganyang ganyan din sya. Inosente at payapa ang itsura...Pero deep inside nasasaktan na pala sya dahil sa kanyang ama.

Speaking of Ish. Nasaan na kaya sila?? Sana okay naman sila at ligtas nina Meg. Nako. Nagkasundo kaya yung dalawa?? Alam ko may pinagsamahan sila pero baka nagaaway yung dalawa. Alam ko naman na pareho pa nilang mahal ang isa't isa. Ramdam kaya. Aha.

"Trina. Gisingin mo na si Maddy ng makakain na din kayo." Sabi ni Shawn sa akin. Napalingon naman ako sa kanya.

"Kakain? May pagkain tayo?" Tanong ko. Hindi ako makapaniwala eh. Wala kaming mga dalang bag na may pagkain.

"Uhh. Nakahuli kami ni kuya Jayvee kanina ng rabbit eh. Inihaw na lang namin ito." Sabi ni Kyle at sabay ngumiti.

Nginitian ko sila at tumayo na para gisingin si Maddy. Ng magising si Maddy ay pupungas pungas itong bumangon at lumapit sa akin para kumain.

Pagkatapos naming kumain ni Maddy ay nagayos na kaming lahat ng aming sarili. Yes. Sarili. Dahil wala naman kaming dalang mga gamit dba. Seriously. Pano kami makakasurvive nito?? Bukod sa walkers at sa mga bwisit na nangidnap sa amin ay problema pa ngaun ang pagkain para mabuhay kami.

Sumilip muna sa labas si Jayvee. At ng masiguradong walang anumang kalaban ay lumabas na kaming lahat. Since bawal kami sa highway ay nag stick lang kami sa gubat sa side na to ng bahay.

Mukhang mas malabo naming makikita sina Ish pag dito kami. Sinabi ko yun kina Shawn pero iniisip nila ni Jayvee ang safety naming apat lalong lalo na ni Maddy. Bata pa sya at hindi ko maimagine ang posibleng gawin ni Blake sa kanya pag nahuli nila kami.

Habang naglalakad kami ay napansin kong may maliit na notebook sa bulsa ng jacket ni Maddy. Dahil curious akong tao ay nilapitan ko sya at tinanong tungkol doon.

"Anong laman ng notebook na yan Maddy?" Tanong ko sa kanya. Napalingon sya sa akin at ngumiti. Parang si Ish lang talaga.

"Y-yung totoo. H-hindi ko po maintindihan ang laman nito. B-basta ang a-alam ko lang po ay kay papa ito." Sabi nya sa akin at parang nalungkot sya sa thought ng kanyang ama.

"Hmmm. Ganun ba? Ibinigay nya ba yan sa iyo?" Tanong ko pa.

"O-opo. S-sabi nya. Ingatan ko daw po ito." Sagot nya sakin at hinawakan ang notebook.

Napangiti ako ng may halong pagsimpatya sa kanya. Kahit hindi nya sabihin. Pakiramdam ko wala na ang kanyang ama. At hinabilin na lamang sa kanya ang pagaari nyang notebook.

Ginulo ko ang buhok ni Maddy at narinig ko syang tumawa ng mahina. Ang cute lang ng batang to. At napakatapang sa totoo lang. Dahil tinulungan nya pa din kami kahit alam nyang mapapahamak sya sa gagawin nya.

"G-gusto nyo pong b-basahin? K-kasi parang pang alien ang nakasulat." Natatawa nyang sabi. Natawa din ako dahil iniisip ko baka puro english ang nakasulat kaya sinasabi nyang alien ito.

Tumango ako sa kanya at iniabot nya sa akin ang notebook. Medyo madumi na ito siguro ay dahil madumi din sa loob ng warehouse.

Binuklat ko sa unang pahina ang notebook. Binasa ko sa isip ko ang nakasulat.

TOP SECRET!

Property of Dr. Mulholland

Napataas ang kilay sa aking nabasa. Ito kaya ang ama ni Maddy? Nilingon ko si Maddy at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

Mukha nga syang foreigner. Hindi. Parang half half din sya parang si Ish. Lalo tuloy akong na curious sa batang ito.

Binuklat kong muli sa susunod na pahina ang notebook. Puro formulas ang nakikita ko and since ayoko ng math, naiirita akong basahin ito.

Binuklat ko pa sa ibang pages ang notebook hanggang sa may makita akong mga drawings ng tao. Parang anatomy ng tao. Seryoso kinilabutan ako dito. May mga nakasulat dito in english at feeling ko mga medical chuva ek ek ang sinasabi dito.

Binuklat ko pa sa susunod na mga pahina at may nakita akong mga drawings ng DNA something. May mg

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

274K 1.4K 5
"Argh, that nerd! Walang hiya yun paano nya, pano nya nagawa sakin ito!? For Pete's sake I want her, fuck this hormone!" She sexually frustrated me a...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
41.2K 1.9K 29
BOOK 2: Living in a merciless kingdom,Eris Romero found herself seeking for justice about her parents death.She become a man to put on a false appear...
433K 10.9K 33
I am a spy and I fell for my subject. Now tell me, should I lose the badge or lose the clothes?