Breaking the Rules (Mondragon...

بواسطة DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... المزيد

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty Four

26.8K 595 101
بواسطة DarlingVee

Chapter Forty Four

Eliz

HINDI KO na mabilang kung ilang beses nang nagpabalik-balik ang mga yate at chopper ng mga Mondragon malapit sa may pampang ng Alta Pueblo kasunod ng pagbaba ng mga nakasakay doon suot ang kani-kanilang naggagarbuhang mga damit at hinahatid ng jeep ng isla papunta sa bungad ng mansyon.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga guest room ng malaking mansyon, pinapanood mula sa bintana ang mga nagdadatingang bisita at kasalukuyang pinag-iisipan kung dadalo ba ako sa pagsasalo para sa kaarawan ni Gael mamaya gaya ng inaasahan ng mga tao bilang fiancée niya, o hindi na lang dahil na rin sa kinahinatnat ng naging pag-uusap namin noong isang araw...

"Hindi na ako magpapakasal sa'yo. Ayoko na."

Nang mga oras na iyon, hinanda ko na ang sarili ko sa magiging reaksyon ni Gael—sa magiging galit, poot o kahit doon sa posibilidad na p'wede niya akong pagbuhatan ng kamay dahil sa sinabi ko.

Pero sa halip na galit o kahit mura ang lumabas sa bibig nito, sinuklian niya lang nang isang malakas na tawa ang sinabi ko.

"That's funny, baby. Alright! You got me! Galit ka nga. I'm sorry."

"Gael, hindi mo naiintindihan—"

"I'm giving you space kung iyon ang gusto mo. Let's talk about this some other time kapag lumamig na ulo mo. Again, that was a bad joke. Hindi na mauulit. I'm sorry."

Sa sobrang gulat ko doon sa naging reaksyon niya, hindi ko na nagawang iiwas ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa sintido ko saka siya muling umusal ng patawad at bumalik sa loob ng mansyon para balikan ang bisita ng pamilya nito na si Elisha.

Ngayon mas lalong bumigat ang pakiramdam sa dibdib ko dahil sa nakuha kong reaksyon mula kay Gael.

Hindi siya naniwala na hindi ko na gustong magpakasal sa kanya. At wala na akong maisip na ideya kung paano siya papaniwalain na seryoso ako nang walang nadadamay na pangalan na kahit na sino, lalong-lalo ang kay Eros.

Naputol ang pag-iisip ko nang malalim nang makarinig ako ng mahinang katok sa kwarto na sinundan ng tunog ng pagbukas no'n.

"May I come in?"

May isang parte sa loob-loob ko gustong taasan ng kilay ang hindi ko inaasahang bisita para doon sa tanong niya dahil nasa loob na ito at kumportable nang nakatayo ilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan ko.

Pero pinili kong magpaka-sibil at ibuntong-hininga na lang ang inis ko para sa tao na ito.

"Sige lang," nasabi ko na lang.

"Are you still mad at me?"

Hindi ko alam kung genuine ba ang concern na narinig ko doon sa boses niya o sadyang magaling lang talaga siyang umarte—gaya kung paano niya ako pinag-tripan no'ng nakaraang araw kasama ni Gael.

"Eliz, right?" muling niyang kinumpirma ang pangalan ko saka nagpatuloy. "Look, girl. I'm sorry, okay? That was just a foul joke. Malay ko bang hindi ka pala palabirong tao? Technically that's not my fault that you're such a bore for a joke."

"Kung nandito ka para insultuhin na naman ako, please lang, Elisha. Humanap ka na lang ng ibang taong masasakyan 'yang mga biro mo," hindi ko inabalang itago ang inis ko sa boses ko.

At kakalimutan ko na rin iyong ideya na magpaka-sibil sa harap ng babae na 'to.

"You need some humor and styling in your life, Eliz," sabi niya na tila ba wala talaga ako no'n at saka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Anyway, let's not fight anymore. Ayokong sakalin ako ni Gael dahil hindi kita tinatrato ng maayos. I came here to kiss and make up and I hope you're okay with that?"

Halata sa kutis at balat ni Elisha ang pagiging anak mayaman nito. At kung totoo man ang sinabi ni Gael noon na isa 'tong importanteng business partner ng mga Mondragon, hindi ko na iisipin kung gaano kalaki ang net worth ng babae nito o ng pamilya nito para maging imporante sa gaya ng mga Mondragon na may nakakalulang yaman base pa lang sa ari-arian na mayroon ang pamilya nila dito sa Alta Pueblo.

At dahil na rin siguro sa pagkakaroon nito ng gintong kutsara sa bibig na sa tingin ko ay nagsimula pa noong pagkabata nito, hindi na ako nagtataka kung bakit ganito ka-self-centered ang babae na 'to para ialok sa akin ang pakikipagbati niya na para bang utang na loob ko pa sa kanya na nakikipagbati at nagso-sorry siya sa akin.

"By the way, what are you wearing at the party later?" pag-iiba niya ng tanong saka mas lumapit sa akin at tumayo sa labas ng bintana at pinanood na rin ang mga nagdadatingang bisita gaya nang ginagawa ko kanina bago siya dumating. "Oh"my god! Is that Jango Dela Merced that I'm seeing right now? Damn that man is so freakin' hot!"

Napakunot-noo ako doon sa sinabi niyang pangalan na sa tingin ko'y kakilala niya na isa sa mga dumating na bisita.

Pero agad ko ring inalis ang atensyon ko doon saka nagsimulang magsalita.

"Hindi ba't girlfriend ka ni Eros?" Parang tinik sa lalamunan nang banggitin ko ang mga salita na iyon pero pinili ko pa ring magpatuloy. "Hindi ka dapat umaarte ng ganyan dahil may boyfriend."

"So, you're a love expert now?" nang-uuyam at natatawang sabi ni Elisha bago siya humarap sa akin. "Eros and I have a special relationship. He's okay if I screw with other man. We don't cross other's personal business unless it concerns both of us so don't worry, Mother Superior. He's perfectly fine with infidelity as long as it's only sex and no feelings."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko doon sa mga nalaman ko—kung dapat ba akong matuwa dahil parang hindi naman gano'n ka-seryoso ang relasyon nila Eros at Elisha? O, matakot doon sa ideya na baka gaya ni Elisha...

Isa lang ako sa pinaglalaruan at tinitikman ng isang Eros Mondragon.

Tila may malakas na sipa akong naramdam sa dibidb ko sa huling naisip ko.

Pinaglalaruan nga lang ba ako ni Eros? Isa lang din ba ako sa mga ginagamit niya? Ginugulo niya lang ba ang isip ko? O, sinusubukan niya lang ako kung hanggang saan ang pagmamahal at commitment ko sa engagement namin ni Gael?

May isang parte sa isip ko na ayaw tanggapin ang lahat ng negatibong bagay na naiisip ko ngayon tungkol kay Eros. Na kahit sa loob ng maiksing panahon, alam kong hindi siya gano'n klase ng tao at hindi ang gaya nito ang nakikipaglaro sa apoy para lang mapaso sa bandang huli.

Pero sino ka nga ba naman para isipin kung ano at hindi si Eros, Eliz? sa isip ko. Ilang buwan lang kayong magkakilala. Si Elisha, matagal nang girlfriend ni Eros. Kaya kung mayroon mang mas nakakakilala sa inyong dalawa sa kanya, si Elisha 'yon at hindi ikaw! kastigo ko pa sa sarili ko.

"So?"

Muling bumalik ang atensyon ko sa mala-pang-modelong mukha ni Elisha saka napakunot-noo doon sa pagtaas ng isang kilay niya sa akin.

"I said, what are you planning to wear?" ulit niya sa una niyang tinanong kanina.

"B-baka hindi ako pumunta..."

"What? That's unacceptable!" gulat na sagot ni Elisha. "You're Gael's fiancée. Hindi p'wedeng wala ka doon sa birthday party niya."

"Wala akong dalang ibang damit—"

"Obviously. Just looking at your plain clothes makes me things you did."

"P'wede bang patapusin mo muna ako sa mga sasabihin ko?" iritableng singhal ko sa kanya, hindi na inantala ang pinansyal na agwat namin sa buhay o maging ang estado nito at relasyon sa mga Mondragon. "Hindi lang iyon ang problema ko. Wala rin akong ibibigay kay Gael bilang regalo. Saka nakita mo naman siguro iyong mga bisita nila, hindi ba? Hindi ako bagay sa mga gano'ng klaseng tao."

"You can always give yourself as the gift. I bet Gael will prefer it that way. You know the Mondragons. They're always craving for a good sex," suhestyon pa niya na para bang iyon na ang pinaka at nag-iisang sagot sa problema ko. "Besides, you should accustomed yourself with this kind of party. You're about to get married by one of them. At ang mga ganitong uri ng party ay normal lang sa kanila."

Easy to say for you dahil may mayaman ka at kaya mong makipagsabayan sa luho ng mga Mondragon, sasabihin ko sana pero pinili ko na lang na kimkimin ang mga iyon sa sarili ko.

"You can't keep this self-pity and doubt about yourself when you haven't even tried to do something to blend in or improved yourself to be accepted," sabi pa ni Elisha na tila ba nagpapayo siya sa isang batang walang kamuwang-muwang sa mga party at pakikipagsosyalan. "Wala kang maipang-regalo? Do something like handmade stuff! You still have time. Or you can even bake him pastries. Hindi ka nababagay sa mga gaya namin? Then, dress to impress! It's a formal gathering so a dress code is a must. Put some make up on, perfume, and enhance that body of yours by wearing nice clothes that will get anyone's attention. Simple problem comes with simple solution. You don't need to make things complicated just because you're afraid no one will like you. 'Cause no one has to. No one needs to like you but yourself alone. How you see yourself at that party will also be how those people will see you. Your thoughts will be the reflection of what they will think about you."

Wala sa loob na bigla akong napapalakpak doon sa sinabi niya dahil sa sobrang pagkabilib sa mga binitawan niyang salita.

Elisha can be a bitch.

But she's an intellectual, mature and powerful bitch.

Mas lalo tuloy akong nagmukhang alipin at hampas-lupa sa harapan ng gaya niya na kung umasta ay tila mahal na reyna.

"Stop daydreaming, Eliz!"

Nagulat ko nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa pala-pulsuhan ko saka niya ako marahang hinila.

"T-teka! Saan mo ako dadalhin?"

"I'll bring you to my room," mabilis na sagot niya saka ako muling pinasadahan ng tingin. "You need to wear something nice for your fiancée birthday. I have some spare dresses and shoes. We'll also fix your hair and make up."

"Pero wala akong ipambabayad sa mga ipapagamit mo."

Muli siyang natawa sa akin. Pero sa pagkakataon na ito, isa na iyong natural at hindi nang-uuyam na tawa.

"Silly! I don't ask for anyone's money. Sa iyo na iyon."

"Ha?!" malakas na sabi ko saka hinila ang kamay ko. "H-hindi ko matatanggap ang alok mo." At paniguradong kahit magtrabaho pa ako ng buong araw at sa loob ng isang taon, kukulangin pa iyon sa ipambabayad ko kahit doon pa lang sa sapatos niya, dugtong ko pa sa isip ko.

"Take it as payment for insulting you," kibit-balikat na sabi niya saka muling kinuha ang kamay ko. "Now, we don't have seconds to waste. I will make you the best looking woman on that party later. And as much as I hate being overshadowed by anyone, I'll spare you with this one. After all, it's Gael's party."

Kahit ilang beses pa akong nagprotesta, sa bandang huli ay wala rin akong nagawa dahil mukhang si Elisha ang tipo ng babaeng hindi nagpapatinag at tumatanggap ng hinding sagot mula sa iba.


Gael

"HINDI PA nagsisimula ang party pero umiinom ka na?"

Inangat ko ang tingin ko kay Ethan na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa tabi ko dito sa may kitchen counter saka pinanood ang pagsasalin niya ng alak sa sarili niyang baso.

"Hindi ba't nag-a-undergo ka pa ng therapy kay Riley tungkol sa issue mo sa alak?" paniniguro niya. "I hope you're not skipping your therapy, Gael. Hindi mo naman siguro gustong mag-alala ang mga tao sa'yo, hindi ba?"

"I need this," I answered with a sighed. "Marami lang akong iniisip."

"Gaya nang?"

Napatingin ako sa mukha ni Ethan, doon sa sinalinan niyang baso ko ng alak, saka iyon inisang tungga bago sumagot.

"May sinabi lang sa akin si Eliz na hindi ko, kahit sa panaginip, aakalain na maririnig ko mula sa kanya."

Nakita ko ang pagtango-tango ni Ethan habang binabalik na niya ang takip ng bote ng brandy na iniinom namin kanina saka iyon maingat na binalik sa cabinet at tinago mula sa akin.

"Baka nalilito lang siya sa nangyayari. Wala pa rin siyang maalala, hindi ba?"

Pinili kong huwag na lang sagutin ang tanong na iyon saka naghintay sa sunod niyang sasabihin.

"Give her time to adjust, Gael. Bago lang sa kanya ang lahat ng 'to, kahit ang presensya mo," panimula niya. "Hindi rin naging madali ang pagsasama namin ni Cassandra lalo pa no'ng mga panahon na nasa therapy pa siya para doon sa trauma niya. At dahil ikaw ang mas normal at nakakapag-isip nang mas tama, ikaw dapat ang mas makaintindi kay Eliz. Kung may nasabi man siya, nagawa, o mga bagay na hindi mo akalaing magagawa at masasabi niya sa'yo, intindihin mo na lang. Isa pa, matagal din kayong nalayo sa isa't isa. Siguro kaya siya may nagagawang bago sa paningin mo dahil na rin sa ilang buwan na hindi kayo nagkita at nagsama."

"I guess marriage and pregnancy can really change even a serial play boy like you, ha?" I said with a smile, signifying that I appreciate his advice.

"Paninira lang iyon ng mga reporters. Loyal ako sa Cass ako," proud na sabi pa ng loko saka natawa sa nakita niyang reaksyon sa mukha ko dahil doon sa sinabi niya. "But seriously, Gael. Bigyan mo ng panahon na makapag-adjust si Eliz sa'yo. Ikakasal na kayo, hindi ba? Ano pa bang dapat ikabahala mo?"

Gusto ko sanang sabihin kay Ethan ang tungkol sa mga binitawang salita ni Eliz. Pero sa huli, pinili ko na lang na itikom ang bibig ko dahil ayoko nang madamay pa sila sa mga sarili kong problema.

"Siguro nga masyado lang akong nagiging frustrated sa mga nangyayari," nasabi ko matapos ang isang malalim na hininga. "Siguro nga kailangan ko munang bigyan ng oras si Eliz."

"Always be patient and kind to her. Iparamdam mo sa kanya na lagi ka lang nand'yan sa kanya kapag kailangan ka niya. Iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. O, mas maganda, ipakita mo ulit sa kanya iyong mga bagay na minahal niya sa'yo. Anong malay mo, sa gano'ng paraan mas mapapabalis ang pagbalik ng alaala ni Eliz, hindi ba?"

Tumango na lang ako sa sinabi niya nagpasalamat sa mga sinabi niya bago siya nagpaalam na babalikan ang buntis nitong asawa at maghahanda para sa magiging salo-salo mamaya.

She's just mad that's why she said those words, Gael, I told myself saka nagsimulang mag-isip ng mga paraan kung paano ko ba ipapakita at ipaparamdam kay Eliz kung gaano ko siya kamahal at gaano ako ka-seryoso sa engagement naming dalawa.

If she's having doubts on marrying me, then I will make sure that she will remember why she said yes in the first place.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.2M 18.5K 23
I never had any experience dating men. Never had the chance to enjoy my life on my own. Never experienced to be an ordinary girl. Parties. Dates. Fir...
242K 7.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
608K 41.6K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
215K 12.6K 33
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...