My Zombie Girl (girlxgirl)

By ChrissWitDoubleS

347K 10K 1.3K

Eh kung katapusan na ng mundo? Yung nauubos na ang mga tao. May pag-asa ka pa bang mag-mahal muli? Charot! H... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Awtor's Nowt
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen (Repost)
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Happy Holidays!! ;)

Chapter Twenty Three

8K 246 55
By ChrissWitDoubleS

Ola peeps!!

Pashneya ng buong puso dahil ngaun lang ako nakapag update. Mula kasi ng ako'y mapilayan ay nagpahinga muna ako. At isa pa walang pang load sa internet. Aha. Yun po talaga yung dahilan. XD

Sana po magustuhan nyo ang chappy na ito. Feeling ko walang sense ito pero feel ko lang din gawin ang chappy na ito dahil feeling ko ito ang nararapat. Feeler po kasii talaga ako kaya puro feels ko ang sinasabi ko. XD

Babala nga pala!! Ang chappy na ito ay may labing apat na P.o.V. Ahahaha. Joke lang. May APAT pong P.o.V ito. Feeling ko lang din ay need kong isulat ang apat na P.o.V na yan eh kaya pashneya ng sobra.

Basahin nyo to kung kayo'y interesado.

Comment kayo kung may gusto kayong sabihin sakin.

At...

Bumoto kayo kung ito'y nagusgtuhan nyo.

I thank you! Bow! :)

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Jayvee's P.o.V

"Sa tingin mo, gagawin nga ng batang yun ang ipinakiusap mo?" Pabulong na tanong ni Trina sa akin.

Napalingon ako sa kanya. Yun totoo malaking pursyento na hindi gawin ng bata ang pabor ko. Sino ba naman nga kami di ba. Pero alam ko, kahit na matatakutin ang batang iyon ay ramdam kong mabait sya at tutulungan nya kami.

"Tiwala lang Trina." Sagot ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.

Maya maya pa ay may dumating na may dalang tray ng mga pagkain. Aha! Yung bata, si Maddy.

"K-kain na daw p-po kayo..." Nauutal na sabi ni Maddy habang nilalapag ang tray na may mga aluminum na plato na as usual, may ulam na laman ng tao.

Kinuha agad ni Shawn ang tray at nakita kong nginitian nya si Maddy. Humarap sa akin si Shawn at tumango. Ibig sabihin, nandoon ang ipinakiusap namin sa bata.

Tinanguan ko din si Maddy at saka sya nagmamadaling umalis.

Lumapit sa akin si Shawn at inumpisahan ng putulin ang mahigpit na pagkakatali sa aking mga kamay. Kahit alam naming mamaya pa dadating ang nagrorondang goon dito ay nagmamadali pa rin syang putulin ito. Nang maputol ang parehong tali ay agad kong hinawakan ang aking mga wrist. Tangina ang sakit!

Lumapit ako kina Kyle at sinimulan silang ibrief tungkol sa aming plano...

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

"Seryoso isasama natin yan??" Pasigaw na tanong ni Dylan sa akin habang nglalakad na kami papunta sa highway.

Inikutan ko sya ng mata dahil nakakairita sya. Maka "yan" sya kay Ish akala mo bagay lang sya eh. Tsk.

"Oo isasama natin si Ish, Dylan." May pagkairita kong sabi.

"Nababaliw ka na! Baka nakakalimutan mo...Zombie yan!" Pasigaw na naman nyang sabi sa akin at biglang dinuro si Ish, na nasa bandang likuran namin.

~grrrrrr!~

Natawa ako dahil nagulat si Dylan sa galit na pag ungol ni Ish nang dinuro nya ito.

"Wag mo daw kasi syang dinuduro." Natatawang sabi ni Kylie kay Dylan pagkalagpas nya dito.

Naglakad na din ako at naiwan si Dylan na nakatingin sa amin. Nilingon ko si Dylan at nakita kong napaurong sya ng dumaan si Ish sa harap nya. Takot pala si Dylan kaya ayaw nyang isama si Ish.

Pero anong magagawa ko. Iniwan na namin sya kanina sa bahay pero ilang segundo lang ang lumipas, naglakad na din sya. Parang sinusundan nya kami.

Narinig kong humabol sa amin si Dylan. Nasa tabi ko na sya at naglalakad na kasabay ko.

"Di ko talaga maintindihan. Paano nya nalaman kung nasaan ka. At paano sya nakatawid dun sa bakal na bakod. Di kaya inakyat nya yun?" Tanong nya sa akin.

Napabuntong hininga ako sa mga tanong nya dahil sa totoo lang. Hindi ko din alam ang sagot.

"Hindi ko din alam Dylan. Pero...masaya ako na nahanap nya ako." Sabi ko.

"H-hindi ka natatakot sa kanya??" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin. Nilingon ko sya at napangiti.

"Kanina oo. Natakot ako. Pero pakiramdam ko..." Tumigil ako saglit at nilingon si Ish na naglalakad na parang zombie sa likuran namin. Ay! Zombie nga pala talaga sya. Aha.

"Nandyan pa din si Ish sa loob ng katawan ng walker na yan." Lalong lumapad ang aking ngiti sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Pakiramdam ko talaga na si Ish pa din sya.

"Nabaliw ka na ata ng tuluyan Meg." Naiiling na sabi nya pero natatawa sya.

Naglakad lang kami hanggang sa narating namin ang highway. Dahil sa mga nangyari kanina ay tinanghali na kami sa daan. Mataas na ang araw at masakit sa balat ang init na nagmumula dito.

Nang makakita kami ng isang malaking puno ay napagdesisyunan naming magpahinga muna. Bukod sa napakainit na talaga ay nagugutom na kami.

Naupo ako sa may paahan ng malaking punong ito. Pakiramdam ko tumatanda nako kasi sumasakit na kasu kasuan ko. Aha.

"Tara kain na." Yaya ni Kylie sakin at nagbukas na sya ng pork and beans.

Hinati nya ang malaking pork and beans sa tatlo at iniabot nya ito sa amin ni Dylan. Matapos ko magpasalamat ay naalala ko bigla si Ish, na sya namang nakatayo mga ilang dipa mula sa amin. Nakaharap sya sa may kalsada at medyo nakatungo.

"Pano nga pala si Ish? Baka gutom na sya?" Tanong ko kina Kylie.

Napalingon silang dalawa sa gawi ni Ish.

"Oo nga ano." Sabi ni Kylie.

"Eh alam naman natin ang kinakain nya di ba? Tsaka. Kahit ilang taon pa ata sya di kumain eh mabubuhay sya...I mean ganyan pa din sya." Sabi naman ni Dylan.

"Pero baka gutom na sya." Sabi ko. Nakakaawa naman si Ish. Ang payat na nya. Aha! May naisip ako!

"Dylan!" Tinawag ko sya at agad naman syang napalingon.

"Putulin kaya natin yun kamay mo tapos ipakain natin kay Ish?" Seryosong sabi ko.

Hindi makapaniwalang tiningnan lang ako ni Dylan habang si Kylie naman ay tawa ng tawa.

"Sira!" Sabi ni Dylan nang hindi ko na din napigilang tumawa pa. Seryoso. Ang priceless kasi ng pagmumukha nya kanina. Aha.

Pero nagaalala ako para kay Ish. Baka kasi gutom na sya. Pero anong ipapakain ko sa kanya? Iisa lang naman kasi ang alam kong kinakain ng mga walkers. Laman. Hai.

Nang makalahatian ko na itong pork and beans ko ay tumayo ako at lumapit kay Ish.

Pumunta ako sa harapan nya upang makita nya ako.

"Ish..." Mahinang tawag ko sa kanya. Hindi nya ako nilingon, bagkus ay nakatungo lamang sya at nakatingin sa kalsada. Hai. Sana naiintindihan nya ako.

"Ish??" Medyo malakas ng tawag ko sa kanya.

"Sige. Push mo yan Meg!" Natatawang sigaw sa akin ni Dylan.

Hindi ko sya pinansin. Psh. Nangaasar pa ang loko.

Pero tinignan ko si Ish at tinawag syang muli.

"Ish? Baby?" Pagtawag kong muli sa kanya ngunit nakatungo pa din sya.

Hai! Sino bang niloloko ko? As if naman maiintindihan ako ng walker na si Ish.

Akmang aalis na ako sa kanyang harap ng mag groan sya. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin na sya sa akin.

Medyo kinilabutan ako sa kanyang titig. Hindi dahil sa may masama syang balak. Kundi dahil sa kakaibang kulay ng kanyang mga mata.

Hindi talaga ako sanay na makitang kulay itim at pula ang kanyang mga mata. Sanay ako na kulay asul ito na para bang nahi-hypnotize ako pag tinititigan ito dati. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng maalala ang kulay asul na mga mata ni Ish.

Parang may sariling isip ang aking mga kamay dahil bigla na lamang nito hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ish, dahilan para mabitawan ko ang hawak kong lata ng pork and beans pati yung kutsara.

"B-baby..." Medyo nautal kong tawag sa kanya.

"I...I miss you so much..." Mahinang sabi ko pa at hindi ko na namalayang tumulo na pala ang aking luha.

Oo na. Madrama na ako. Pero wala eh. Namimiss ko talaga si Ish. Yung buhay na si Ish. Yung tao na Ish.

Binitawan ko ang kanyang mukha dahil sinong niloloko ko talaga? Nahahawakan ko nga si Ish pero zombie naman sya!

Nagulat na lang ako ng bigla syang mag groan ng hindi kalakasan at iniangat ang kamay. Nairinig kong nataranta yung dalawa sa likuran ni Ish at narinig ko din ang pagkasa ng dalawang baril.

"W-wait!" Sigaw ko sa kanila habang nakataas ang dalawa kong kamay sa kanila na tila sinasaway sila. Dahil feeling ko. Hindi...alam ko...alam kong hindi ako sasaktan ni Ish. Dahil kung sasaktan nya ako, kanina pa nya iyon nagawa.

Malapit ang kanang kamay ni Ish sa aking pisngi at dahil dito ay dahan dahan kong inihilig ang aking ulo dito.

Lalong tumulo ang aking mga luha. Dahil napakalamig ng palad ni Ish ngayon.

Dati...tuwing umiiyak ako ay hinahawakan ni Ish ang aking mga pisngi at nararamdaman ko ang kanyang mainit na mga palad.

~rrr...grrr...mmmmeeggrrrrrrrr~

Hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng utak ko. Pero parang may gustong sabihin sa akin si Ish. Parang gusto nyang magsalita.

Psh! Fck this shit! Baliw na ata talaga ako! Paanong magsasalita ang walker aber?? Wooo! Baliw na!

Inilayo ko ang aking mukha sa kanyang kamay at mabilis na pinunasan ang aking mga luha.

"Papakainin sana kita ng pork and beans kaso..." Sabi ko na may pagkabitter ang tawa at nilingon ang lata ng pork and beans sa lupa. "Kaso natapon na. Shit."

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa kanyang harapan at pumunta nang muli kina Kylie.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Kylie pagkalapit ko sa kanila.

Tumango ako at naupo nang muli sa paahan ng puno. Kumain na ulit yung dalawa matapos din maupo.

Nagpahinga lang kami dito siguro higit sa isang oras at nagsimula na namang maglakad muli.

As usual, nakasunod sa amin si Ish ko. Every now and then nililingon ko sya. Ewan ko. Parang natatakot ako na baka pag lingon ko ay di na sya nakasunod sa amin. Weird ko talaga pero...Ayaw ko syang mawala pang muli sakin...kahit walker pa sya.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Trina's P.o.V

"Okay ka lang babe?" Pabulong na tanong sa akin ni Shawn.

"I-I'm...fine...kinakabahan lang." Sabi ko

Hinawakan ni Shawn ang aking kamay at pinisil nya ito sabay ng pagngiti nya sa akin.

"Kaya natin to babe. Makakaalis tayo dito. Lakasan mo lang loob mo okay?" Sabi nya sakin at ngumiti syang muli.

Kung wala si Shawn, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw ako.

Isa pang nakakapagpabaliw sakin ay ang iba pa naming mga kasama. Ang sakit lang din isipin na hindi ko na nakita ang pinsan kong si Ish. Nasaan na kaya sila?? Sana okay lang sila at hindi katulad namin na stuck sa ganitong sitwasyon.

"Shhhh! May paparating!" Whisper shout ni Kyle.

Kinabahan ako lalo. Dahil ikakasatuparan na din namin ang planong pagtakas.

Tumingin ako sa gawi ni Jayvee. Nakayuko at nakakapit sya sa taling kanina lamang ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang wrists. Kunwari kasi ay nakatali pa din sya.

Si Shawn at Kyle naman ay may hawak na panaksak na nakatago sa kanilang tagiliran na galing naman sa batang si Maddy.

Narinig daw ni Maddy na naguusap yung mga goons at ang sabi ay dadalhin daw ulit sina Shawn doon sa silid kung saan kinakatay ang mga tao. Kaya chansa na ito pag binuksan nila ang bakal na pinto.

Rinig ko ang bawat yabag ng mga kalaban. Habang papalapit sila ay lalo akong nanginginig sa takot. Shit. Di mapigilan ng kamay ko ang pag nginig.

"Good afternoon guys!" Pagbati ng isa sa mga goons na mukhang kakagising lang.

Bali apat ang goons na to. Yung dalawa ay maskulado at nakakatakot at yung isa ay payatot. At tung nagsalita kanina ay sakto lang ang pangangatawan.

Binuksan na nung lampayatot ang bakal na gate at halos hindi ko na marinig ang paligid dahil sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Pumasok silang apat at kanya kanyang lapit kina Jayvee at saktong pagka-kapit ng maskuladong lalaki kay Jayvee ay walang anu anong sinaksak ni Jayvee ang lalaki sa leeg.

Nagulat ang iba pa pero huli na dahil nasaksak na din sila nina Shawn at Kyle.

Nagtangkang bumaril yung payatot na lalaki pero naibato agad ni Jayvee ang kutsilyo na sya namang bumaon sa dibdib ng payatot. Tiningnan pa ni lampayatot yung kutsilyo sa kanyang dibdib at tinangka pang alisin ito pero maya maya pa'y napaluhod na sya at tuluyan ng bumagsak sa sahig.

Tulalang nakasandal lang ako sa pader na ito. Sa sobrang takot ko ay ni hindi ko nga nagawang yumuko dahil baka may maglabas nga ng baril at maputukan ako.

Dali dali naming kinuha ang mga armas ng mga goons at mga magazines.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Shawn pagkalapit nya sa akin.

"O-okay lang ako." Medyo nautal ko pang sabi pero ng halikan ni Shawn ang aking noo ay parang kumalma ako.

Nginitian nya ako ng makitang kalmado na ako. Ngumiti na din ako dahil ayoko pa syang magalala pa.

Mabilis kaming lumabas sa aming selda at tinungo ang hallway kung saan daw dumaan sina Shawn nung una silan dinala sa silid na yun.

Pagliko namin ay nakita agad namin si Maddy. Usapan kasi nila ni Jayvee na hintayin kami pag nakalabas kami sa selda para maituro ny ang daan palabas. Napag alaman kasi namin na alam nya ang pasikot sikot dito.

Nakailang liko pa kami at mga patago tago dahil may dumadaang mga goons at sa wakas, nakita na namin ang isang hindi kalakihang lagusan palabas ng warehouse na ito. Kakasya lamang ang isang tao dito.

"K-kuya. Paglabas nyo po d-dito ay may gubat p-po." Sabi ni Maddy na halatang kinakabahan din tulad ko.

"Okay okay. Halika na." Sabi ni Jayvee sabay hila kay Maddy papunta sa lagusan.

"P-po? K-kasama ako??" Hindi makapaniwalang tanong ni Maddy.

"Oo. Sa tingin mo ba papayag akong maiwan ka dito??" Concerned na sagot ni Jayvee.

Feeling ko namula ang batang si Maddy sa sinabi ni Jayvee. Kung wala kami sa ganutong sitwasyon ay matatawa ako kay Maddy pero seryoso to kaya isinantabi ko lang ang nakita ko.

Tumango si Maddy at maya maya pa ay pinauna na sya ni Jayvee na makalabas.

Sumunod si Kyle at ako. Pagkalabas ko at sumunod na din si Shawn at huling huli ay si Jayvee.

Tiningnan muna namin ang paligid kung may kalaban at nang masiguradong wala ay mabilis kaming tumakbo papasok sa gubat.

Malapit ng magdilim kaya kailangan naming makalayo dito dahil sa mga oras na ito ay baka alam na nilang nakatakas kami.

Takbo lang kami ng takbo at kahit pagod na kami ay hindi kami humihinto. Mga baril lang ang dala namin at yung mga panaksak na ginamit nila kanina. Walang flashlight. Walang pagkain. Shit lang diba. At sana makahanap kami ng matutuluyan ngayon. Dahil delikadong maglakbay sa gabi. Hai.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Third Person P.o.V

"ANG TATANGA NYO!!!!" Sigaw ni Blake sa mga alagad nya kasabay ng pagtaob nya ng lamesang may nakahandang pagkain.

Lahat ng alagad nyang nandoon ay napaurong sa takot kay Blake.

"Apat lang yon! NATAKASAN PA KAYO MGA BOBO!" Sigaw nya pa ulit sabay kasa n baril at itinutok sa mga alagad nya.

Nanginig lalo sa takot ang mga ito dahil sa ginawa ni Blake. Sino ba naman ang hindi. Baril na ang nakatutok sayo.

"T-tinulungan po kasi s-sila ni Maddy." Nanginginig na sabi ng isang lalaki kay Blake.

Agad namang napalingon sa kanya si Blake sa narinig nito.

"Pakiulit nga yung sinabi mo??" Sabi ni Blake sa lalaki habang naglalakad sya papunta rito.

"A-ano po...t-tinulungan sila m-makatakas n-ni M-Maddy." Nakatingala ang lalaki dahil mas matangkad sa kanya si Blake na sya namang nakakunot ang noo sa kanya.

"Pano mo nalaman na pinatakas sila ni Maddy?" Mahinahong tanong nito.

"N-nawawala p-po kasi si M-Maddy." Sagot ng lalaki.

Tumalikod si Blake matapos syang mapahilamos ng mukha. Lalo syang nabadtrip sa kanyang nalaman.

"HANAPIN NYO SILA AT DALIN SAKIN NG BUHAY!!!!" Galit na sigaw ni Blake dahilan para magsitakbuhan palabas ang mga alagad nya para hanapin ang mga nakatakas na bihag...

Continue Reading

You'll Also Like

163K 3.3K 47
A threatened gangster seeking refuge in the Philippines. A package of romance, comedy, drama and intense action. Join these two gangsters as they fac...
370K 5.5K 72
Love is beyond what you see.. This story revolves around love, betrayal, pride and sacrifice.. Pano kung pinagtaksilan ka ng mahal mo? Hanggang saan...
75.2K 2.1K 24
After a bad break up, hindi na malaman ni Wila Carmona ang patutunguhan ng buhay niya. She doesn't have the will to carry on. At ang tanging naging g...
21.1K 1.1K 10
"Siraulo! Magmumura kana nga lang sa isang reyna pa!" si Ysa. KALIYA- REYNA NG KARAGATAN Short story. Race of Myths Series #1 COMPLETED. •Fantasy •Gi...