Breaking the Rules (Mondragon...

Von DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... Mehr

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty Three

23K 626 213
Von DarlingVee

Chapter Forty Three

Eliz

PARA AKONG pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig kong pagpapakilala ni Gael doon sa napakagandang babae na katabi nito at naka-pulupot pa rin ang mga braso sa kanya.

Hindi ko rin maiwasan na pagmasdan ang babae na nasa harapan ko mula ulo hanggang paa—ang blonde nitong buhok na kasalukuyang naka-French braid, ang may pagka-green nitong mga mata na hindi ko malaman kung totoo ba o contacts lang, ang hindi kalakihan nitong dibdib pero may katawang pang-modelo, ang itim nitong macro mini, at ang mahahaba at makinis nitong binti na hindi ko maintindihan kung talagang sobrang kinis lang talaga o sadyang nakakasilaw lang talaga ang mala-porselana nitong balat na halatang alaga rin sa mga mamahaling lotion.

Kumapara sa suot kong plain na blouse at pantalon, walang-wala ako kung ikukumpara kay Elisha.

"So, this is the one."

Muling bumalik ang atensyon ko sa mukha ni Elisha mula doon sa pagkakatitig ko doon sa paniguradong mahal niyang stilettos nang marinig ko ulit ang boses niya.

At hindi ko maintindihan kung para saan iyong pagtaas ng kilay niya at maging iyong nakaka-insultong pagtingin niya rin sa akin mula ulo hanggang paa.

Ngayon pa lang nasisiguro ko nang hindi ko makakasundo ang babae na 'to.

"I didn't know that you go from something like me to... this," halatang nag-isip pa ito ng magandang salita na gagamitin sa akin.

Napakunot-noo ako nang marinig ko ang pagtawa ni Gael doon sa binitawang salita ni Elisha sa halip na itama at ipagtanggol ako doon sa pang-uuyam at pangmamata na nakuha ko sa babaeng katabi niya.

"C'mon, Elisha! Alam mo namang walang makakapantay sa'yo."

Nagkibit-balikat muna ang babae bago sumagot. "Fair enough."

"Matagal na kayong magkakilala?" hindi na ako nag-abala na ipakita ang inis sa boses ko nang magtanong ako na siyang ikinataas ulit ng kilay ni Elisha at ikinakunot-noo ni Gael.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Gael sa inasal ko. Maya-maya pa ay tila nahanap na niya ang sagot at siya na kusang nag-alis ng kamay ni Elisha sa braso niya.

"Baby, it's not what you think..." sinubukan pa ni Gael na abutin ako pero mabilis akong umiwas habang hindi ko inaalis ang tingin ko kay Elisha.

"Did I somehow annoy you, Eliz?" tanong pa ni Elisha na may kasama pang pagsinghap at paglagay ng isang kamay nito sa tapat ng dibdib nito na tila ba siya pa ang naagrabyado dito.

"Hindi naman. Bakit naman ako maiinis sa'yo? Nagtatanong lang naman ako, hindi ba?" sabi ko habang ginagaya iyong uri ng tono ng pananalita niya sa akin kanina at nilagay ko rin ang isang kamay sa tapat ng dibdib ko at umarte na gulat na gulat sa akusasyon niya.

Biglang ngumiti sa akin si Elisha pero kitang-kita ko doon sa gilid ng labi niya iyong tinatago niyang inis sa akin.

"This bitch..." narinig ko pang sabi niya.

"Eliz, sandali lang." Napilitan akong humarap kay Gael nang hawakan niya ang braso ko at marahan akong pinaharap sa kanya. "It's not what you think. Family friend lang namin si Elisha. Importanteng business partner ng pamilya ang pamilya nila. Saka hindi ba ang sabi ko, girlfriend siya ni Eros? Kung ano man iyong naabutan mo, wala lang iyon! Nasanay lang talaga na ganyan si Elisha."

"May boyfriend na pala siya, e! Bakit hindi siya doon yumakap sa boyfriend niya at makipaglampungan?"

Lalong lumalim ang guhit sa noon ni Gael. Pero maya-maya lang ay napalitan iyon ng ngiti sa labi at mata niya.

"Are you seriously jealous right now, babe?"

Gusto ko sanang itama kay Gael na hindi ako nagseselos, lalo pa sa kanilang dalawa, kundi naiinis lang talaga ako sa binungad na ugali sa akin ng Elisha na 'to.

Pero alam ko na kahit anong gawin ko doon, ang ngiti sa labi niya ay nagsesenyales na iba pa rin ang iisipin niya at mas tatanggapin niya iyong ideya na nagseselos ako kaysa naiinis sa babaeng ngayon ko pa lang nakilala.

"Not because you have boyfriend it means that you can't play with someone else," sinubukan pa ni Elisha na magdahilan sa akin at pinakita na hindi siya ang uri ng babae na basta-basta umaastras sa laban. "Should I start telling you my actual relationship with the Mondragons?"

"Elisha, this is not the right time," pumagitna na sa pagitan namin si Gael. "Gaya nang nasabi ko, wala pang maalala si Eliz. Hindi ko gustong makasama sa kanya iyong mga sasabihin mo. Baka hindi niya maintindihan."

"Why? Are you going to marry an imbecile woman?" hindi na tinago ni Elisha iyong nang-uuyam niyang tawa matapos banggitin iyon. "Gael, honey. What's with the downgrade? You disappoint me!"

"Excuse me lang ano, Elisha?" nagkusa na akong umalis sa likod ni Gael at muling hinarap ang nakakapang-init ng ulo na babae na 'to. "Hindi boyfriend ang hanap mo kung gusto mo lang din pala maghanap ng iba pang lalaki mag-e-entertain sa'yo. At hindi porke't hindi na gustong makipaglaro sa'yo ni Gael ay aakusahan mo na siya na magpapakasal sa isang imbecile na babae!"

"But aren't you?"

"Anong ano ako?"

"Imbecile."

Susugurin ko na sana ang babae na 'to at sasabunutan nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Gael sa baywang ko saka ako hinila at pinigilan sa mga plano ko.

"Baby, calm down! Binibiro ka lang ni Elisha!"

"Anong binibiro? Narinig mo ba pinagsasabi niya kanila lang? Tinawag niya akong imbecile!"

"Listen to him. Calm down, girl!"

Muling bumalik ang tingin ko kay Elisha nang marinig ko na ang halos mamatay-matay niyang paraan ng pagtawa.

Marahas kong inalis ang mga braso ni Gael sa akin at litong pinaglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Gael.

"Wait, Gael! Let me explain."

Napatingin ako doon sa nakalahad na kamay ni Elisha ngayon sa harapan ko saka inangat ang tingin ko pabalik doon sa mukha niya at tinaasan siya ng kilay.

"Okay. I guess I deserve that," sagot niya saka nagkibit-balikat at binawi ang kamay niya. "I already saw you at the door a while ago. Then, I proposed a fun game to Gael to tease you and at the same time, force you to remember him as fast as you could."

"Hindi ko maintindihan," litong sambit ko.

"Baby," muli akong humarap kay Gael. "Pinagseselos ka lang ni Elisha. Kinuntsaba ko siya na pagselosin ka para makita ang magiging reaksyon mo."

"Ano?!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Gusto mo lang pala akong pagselosin pero bakit kailangan ko pang makuha ang mga insulto na iyon?"

"It was me, Eliz. Walang kinalaman si Gael doon. I guess I just went a little overboard with the game. My bad."

Gusto ko pa sanang magbigay ng reaksyon na marunong pala siyang mag-Tagalog sa kabila ng itsura niya pero pinili ko na lang na huwag alisin ang atensyon ko kay Gael at hintayin ang mga susunod niyang paliwanag.

"I'm so sorry, baby. I'm just... desperate," nahimigan ko ang pagsisisi at seryosong paghingi niya ng tawad. "Gusto ko lang naman makita kung naaalala na ako ng puso mo kahit nakalimutan ako ng isip mo."

"I can't believe you, Gael!" napapailing na sabi ko sabay taas ng dalawang kamay ko sa ere. "Nakakatawa na pala ngayon ang mang-insulto ng ibang tao para lang pagselosin sila?"

"C'mon, girl! I told it was me—"

"P'wede ba? Huwag kang sumabat kasi hindi ka namin kausap!" inis na putol ko sa mga sasabihin ni Elisha na ikina-singhap nito saka muling hinarap si Gael. "Sabihan n'yo na akong nag-o-overeact pero hindi ko deserved mainsulto ang buong pagkatao ko, lalo pa ng taong ngayon ko lang nakilala, para lang sa ganitong kababaw na dahilan!"

"Why are you so mad at me?" parang nagulat ko pa si Gael na ganito ang naging reaksyon ko ngayon. "This is not you."

"Talaga ba, Gael?" nang-uuyam na sabi ko. "O, baka hindi lang talaga ako iyong babaeng iniisip mong ako?"

Nakita ko na natigilan si Gael doon sa sinabi ko. Kaya kinuha ko na iyon para muling magsalita at sabihin na sa kanya ang pinunta ko dito.

"At para lang sa kaalaman mo, nakakaalala na ako. At base sa alaala ko, hindi ganitong klaseng lalaki iyong nakilala at nakasama ko sa loob ng ilang taon."

Hindi ko na binigyan si Gael na magsalita at makapagpaliwanag pa saka ko sila tinalikuran at lakad-takbong lumabas sa mansyon. Kahit pa naririnig ko ang tawag ni Gael sa pangalan ko, hindi ko na sinubukan pang lumingon at nagdere-derecho na palabas.

Pero no'ng nasa may malaking hagdanan na ako at naglalakad pababa, biglang bumagal ang kilos ko nang may mapansin akong lalaking kinakausap ang mga nagtatrabaho sa isla at kasama pa si Manang Pising.

Nakasuot ito ng puting polo at faded na maong na pantalon at may buzz cut na gupit. At gustuhin ko mang kilalanin kung sino ang lalaki na iyon na ngayon ko lang nakita sa Alta Pueblo ay hindi ko rin naman makita ang itsura nito dahil nakatalikod ito sa direksyon ko.

"Eliz! Wait!"

Napalingon ako nang makita si Gael sa may bukana ng pinto ng mansyon saka tuluyang inalis ang atensyon ko sa lalaking iyon at muling nagmadali na bumaba sa hagdan at tumakbo pabalik sa bahay nila Gael para magkulong doon sa kwarto ko.

Hindi ko muna siya gustong makita ngayon, si Elisha o kahit na sino.


"ELIZ! BABY. Can we talk please?"

Itinakip ko sa ulo ko ang unan sa kama ko para ignorahin ang malalakas na pagkatok ni Gael sa pinto.

"Eliz!"

"Leave me alone, Gael!" malakas na sigaw at sagot ko na naging dahilan para mahinto ito doon sa pagkalampag sa pinto.

Lumipas ang ilang sandali na wala na akong naririnig na ingay sa likod ng pinto. At no'ng inakala ko na umalis na siya ay saka ko naman narinig muli ang boses niya.

"Okay. That was foul of me. Hindi ko dapat ginawa iyon sa'yo..." muli kong narinig ang pagsisisi sa boses niya. "But can we at least talk? Hindi ko naman hinihiling na patawarin mo agad ako. Gusto lang kitang makausap tungkol doon sa sinabi mo na nakakaalala ka na. Please, Eliz."

Sandali kong pinag-isipan iyong ginawa niya at sinukat iyong inis at sama ng loob ko doon sa ginawa nila sa akin no'ng Elisha na iyon.

Pero maya-maya lang ay napabuntong-hininga na lang ako saka tinapon sa ere ang nararamdaman ko saka umalis sa ibabaw ng kama at pinagbuksan na siya ng pinto.

"Thank god, you—"

"Hindi pa kita pinapatawad, Gael," putol ko sa mga sasabihin niya. "Sinabi mo na hindi kita kailangang patawarin ngayon kaya hindi ko iyon ibibigay sa'yo."

Nakita ko ang panlulumo ng itsura at balikat nito pero tumango pa rin ito bilang pagsang-ayon.

"Naiintindihan ko..."

"That was a foul game, Gael," muli kong paalala sa kanya saka pinag-krus ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. "Sabihin na nating desperado ka, na nagbibiro lang sa Elisha. Pero iyong hahayaan mo ang ibang tao na ipahiya ako sa harapan mo, kahit sabihin pa nating nasa plano n'yo iyon, hindi pa rin maganda. At iyon ang kinakasama ng loob ko, Gael. Ikaw dapat na unang taong magtatanggol sa akin sa paninira at sinasabi ng iba dahil gaya nga ng akala mo, wala pa akong naaalala. Pero anong ginawa mo? Ginatungan mo pa iyong laro ng Elisha na iyon."

"I just want to know how you feel about me, baby—"

"Kahit pa!" muli kong putol sa kanya. "Kung iyong damdamin ko lang pala ang gusto mong malaman, bakit hindi ka na lang direktang nagtanong sa akin? Bakit kailangan mo pang gumawa ng laro kasama ng taong ngayon ko lang nakilala?"

"I did! Way many times!" nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya—na siyang napansin din niya kaya binalik niya sa normal ang tono ng pananalita niya. "Alam mo ba iyong pakiramdam, iyong takot, na iyong taong mahal na mahal ka noon ay hindi ka na maalala ngayon? Do you know how uneasy and what I felt whenever I try to kiss you but you choose to move away? When you act differently like it wasn't your mind that forgotten me but also your heart? Hindi mo ako masisisi kung makakaramdam ako ng ganito ngayon, Eliz. You went missing for months! And now that I see you, you're starting to act... different. Like I was just a mere stranger from the past at hindi mo na ako mahal gaya kung paano mo ako minahal bago nangyari ang lahat ng ito."

Medyo nakaramdam ako ng kirot doon sa sinabi ni Gael.

Nakaramdam ako ng sakit dahil totoo ang lahat ng hinala nito.

Na hindi ko na siya mahal gaya kung gaano ko siya kamahal noon.

At no'ng mga panahong sinabi niya sa akin ang tungkol sa biglaan niyang plano sa pagpapakilala sa akin sa buong angkan niya, iyong mga pagpaplano niya sa kasal namin nang hindi man lang nagkokonsulta sa akin, kahit pa sabihing matagal na kaming may plano na mag-settle down, hindi ko maiwasan isipin kung mahal ko pa nga ba si Gael dahil mahal ko talaga siya? O, mahal ko na lang siya kasi ayokong masayang iyong ilang taon naming pagsasama.

Ngayong nanumbalik na ulit sa akin ang mga alaala ko, napag-isip-isip ko na hindi lang ang presensya ni Eros ang nagpabago ng isip ko kundi ang sarili ko na rin.

And Gael needs to know all about this.

"Gael, may gusto akong sabihin sa'yo. At gusto kong seryosohin mo ang mga sunod kong sasabihin."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito pero agad din iyong napalitan ng isang ngiti at tango para hayaan ako na tapusin ang mga sasabihin ko.

Huminga muna ako nang malalim saka nagpalipas ng ilang sandali para kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang mga bagay na 'to.

"Hindi na ako magpakasal sa'yo. Ayoko na."


Eros

"WHAT THE hell happened to your hair?!"

My forehead ceased when I saw her standing in the middle of my room and watched her walk towards me and give me a quick kiss on the lips before she wrapped her arms around my waist.

"Elisha. What are you doing here?"

"Visiting you?" she answered like it was a dumb question of me. "Why are you looking surprise? Hindi ba't sabi ko uuwi ako para sa birthday ni Gael? You know I can't miss any party of the Mondragons."

"I thought you were in Paris?" I said then removed her hands on me and walk straight into my drawer to change.

"Nauna lang ako umuwi kay Kesha kasi may after party pa sila ng kapwa niya modelo. I also saw Winry and your cousin Ivo. And you wouldn't believe what he did back there!" she explained while laughing at the last part of her story. "Who wouldn't thought that someone like Ivo will do that for a woman? It was crazy but at the same time kind of sweet—"

"Elisha, we need to talk."

I saw the confusion on her face when I stopped her in midsentence.

"You sound so off," she noticed and crossed the space between us before she wrapped around her arms again, this time around my neck. "By the way, I love your new look. Suits your personality way better. And I never experienced having sex with a man in buzz cut. I heard they were amazing in bed," she added teasingly and seductively.

"Elisha..." I called her name again and push her an arm-length away from me. "You need to heard me out first."

"May problema na naman ba sa negosyo ni Trojan? Would you like to test him and Eila again? Or any of your cousins? Eros, you need to stop meddling with your cousin's love life, you know? Start minding your own business."

"It's not about that..." I started then sighed before I continue. "We should end up this relationship."

"What?" she exclaimed. "Are you trying to break up with me right now, Eros?"

"Yes."

"Why? We're good partners! You're my favorite out of all your cousins! I thought we're having a good set up here!"

"Yes. We did. We were."

"But?"

"I found someone else. Someone I actually love."

I was taken aback when I heard Elisha laughed.

"Eros Mondragon is in love?" she said while still laughing. "This is ridiculous! I thought you were all logic and business?"

"I thought so too..." I said then smiled when I saw a glimpsed of her when she run outside the mansion.

"This is interesting." My attention went back on Elisha's face when I heard her voice again and saw that cunning smile on her lips. "Alright. Who's the girl?"

"You don't have to know."

"Eros, if you're trying to end our years of relationship, at least have a decency to let me know who replaced me."

"She's no one that you know of."

Elisha gave me a look like she's trying to read my mind.

And for someone who's been with me for years and who understand what I need, Elisha's compatibility with me is trying to make me anxious right now.

"I'm not breaking up with you until you introduced me to this woman."

"Elisha—"

"We might be screwing one another, Eros," she cut my words. "But I'm not someone who you can easily break up with just because you want to. Gusto kong makilala kung sinong ipapalit mo sa akin para malaman ko naman kung kapalit-palit ba talaga ako sa babae na 'to."

"We have a deal about this before, Elisha."

"Yes. But I don't share my favorite things, Eros," she said then continue. "And that includes you. Kaya huwag mo akong isama sa mga babaeng ginagago n'yong magpipinsan. I'm not that kind of woman."

I was about to try and explained the situation when I saw her starting taking off all her clothes in front of me.

"Now, stop being an ass and let's fuck."

"Will you accept the break up when I do this?"

"We'll see..." she said and put her arms on my chest and start unbuttoning my shirt. "Make me faint, Eros. Make me satisfied. If I was, we'll talk about another negotiation."

I look at her face for a few seconds then pull her hands away from me before I throw her on top of my bed to make her changed her mind.

I know Elisha. She's not someone to mess up with.

And I'm not sure what she can do if she'll know that I was talking about Monique.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.2M 18.5K 23
I never had any experience dating men. Never had the chance to enjoy my life on my own. Never experienced to be an ordinary girl. Parties. Dates. Fir...
11K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
134K 9.7K 52
I followed every rule, every code that was taught in me at the academy. I was blindly following those men that I looked up to. Until someone made m...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...