Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty Two

20.3K 611 79
By DarlingVee

Chapter Forty Two

Eliz

"MANANG PISING!" biglang nagising ang diwa ko nang mabungaran sa kusina ng bahay nila Gael si Manang.

Napabilis ang pagbaba ko sa hagdan saka agad ko siyang dinaluhan doon sa binubuhat niyang mga plato at baso na nakapatong doon at nagkusa nang maglagay noon sa mesa sa sarili ko.

"Salamat, Monique—ay! Eliz na nga pala ang pangalan mo, ano? Pasensya na at hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa kung ano ang itatawag sa'yo."

"Huwag n'yo na hong alalahanin iyon, Manang," sagot ko saka sinamahan ng matamis na ngiti. "Kung saang pangalan po kayo komportable, iyon na lang po ang itawag n'yo sa akin."

"Sinong mag-aakala na ikaw pala ang mapapakasalan ng Senyorito Gael? Na ikaw pala ang babaeng hinahanap niya nitong mga nakaraang buwan?"

"Pasensya na ho, Manang kung kailangan ko pong itago sa inyo ang totoo kong pangalan..." may himig ng pagsisi sa boses na sabi ko. "Hindi ko po intensyong magsinungaling o manloko ng kahit na sino."

"Hija, ayos lang iyon," sagot pa ni Manang sabay tapik sa balikat ko. "Naiintindihan ko naman na posibleng natakot ka lang din dahil nagising ka sa mukha ng mga taong hindi mo kakilala. Basta ang mahalaga ngayon, maayos na ang lahat at nagkita na muli kayo ng Senyorito Gael."

"Nasaan nga ho pala si Gael, Manang? Nandito po ba siya sa bahay? Kakagising ko lang ho kasi."

"Wala siya dito ngayon sa inyo. Nasa malaking mansyon siya kasama ang magulang at ang abuelo't abuela niya. May paparating kasing malaking handaan sa mansyon sa mga susunod na araw."

"Ano hong okasyon?"

Nagulat ako nang bahagyang matawa si Manang sa tinanong ko.

"Wala ka pa rin bang maalala o sadyang nakalimutan mo lang, Monique? Kaarawan na ng Senyorito Gael sa makalawa!"

Muntik na akong mapatampal sa noo ko nang maalala kung kailan ang araw ng birthday ni Gael.

Nitong mga nakaraang araw, wala akong ibang naisip kundi ang susunod kong hakbang at kung ano ba ang tama kong gawin.

Pero sa huli, nakapag-desisyon na rin ako.

Kailangan kong ipaalam kay Gael ang totoo.

Ang tungkol sa pagbalik ng alaala ko, ang tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin ni Eros no'ng mga panahon na wala akong maalala at maging ang naging desisyon ng puso ko sa kung ano ba ang mas pinili niyang tama—at iyon ay ang magpakatotoo at sabihin kay Gael ang lahat at maging ang tungkol sa nararamdaman ko para sa pinsan nitong si Eros.

Napakabuting lalaki ni Gael. Mula noong makilala ko siya at hanggang sa mga panahong hindi siya naaalala ng isip at puso ko, wala siyang pinagbago.

Ang tangi lang namang nagbago sa aming dalawa ay ako at ang nararamdaman ko.

Hindi ko gusto no'ng una si Eros. Naiinis ako sa pagiging masungit at arogante niya, sa pagiging brusko ng pananalita at kilos niya, maging iyong mga insulto na nakuha ko sa kanya ay hindi rason para magkagusto ako o kahit na sinong babae sa kanya.

Pero sa mga nakalipas na araw na nagninilaynilay ako sa mga nangyari, sa kung saan at paano ba nagsimula ang atraksyon at pagkagusto ko sa kanya, maging sa kung sino ba sa kanila ni Gael ang mas matimbang, halos walang ibang sinisigaw ang isip at puso ko kundi ang pangalan at mukha ni Eros.

Para niya akong binigyan ng isang pinagbabawal na gayuma. Walang araw na hindi niya ako pinapakitaan ng pagiging antipatiko niya. Pero sa tuwing kailangan ko ng tulong o kailangan ko nang masasandalan, hindi rin naman siya nagmintis na gawin din iyon para sa akin.

Pilit ko ring inalala ang mga panahong magkasama kami ni Gael at kung paano niya rin ipinaramdam sa akin ang mga bagay na naramdaman ko para kay Eros. Mula't sapul, magkasama na kami ni Gael, nalaman din niya ang tungkol sa pagkakaulila ko at nangyari sa mga magulang ko. Kahit maging iyong passion ko sa art at iyong suporta niya, lahat ng iyon ang minahal ko at ipanagpapasalamat ko sa kanya.

Pero nitong mga nakaraan, no'ng mga panahon na hindi pa ako nakakaalala, may pakiramdam ako na nasasakal ako ni Gael—at hindi ko siya sinisisi sa pagpaparamdam niya no'n sa akin dahil alam kong nag-aalala lang siya at gusto niya lang akong maging ligtas sa kahit anong kapahamakan.

Ngunit sa kabila ng maganda niyang intensyon, pakiramdam ko wala akong kakayahang gawin ang kahit ano dahil wala akong naaalala. Na sa kabila ng sobra-sobra niyang pagmamahal at pag-iingat sa akin, pakiramdam ko rin ay isa akong alagang hayop na nasa loob lang ng bahay at walang kakayahang gawin ang kahit ano maliban na lang kung bibigyan ako ng amo ko ng pahintulot.

Pero ang pakiramdam na 'to ay hindi lang nag-ugat no'ng wala akong maalala. Kahit bago pa nangyari ang aksidente, lagi akong may pakiramdam na hindi ako masyadong makagalaw kapag kasama ko si Gael. Na parang wala akong ibang pagpipilian kundi ang sundin ang gusto niya para sa aming dalawa o kung ano ang sa tingin niya ay mas makakabuti sa akin. Kahit iyong bigla niyang pagsabi sa akin na pupunta kaming Alta Pueblo para ipakilala sa angkan niya ay wala rin akong nagawa kundi um-oo na lang kahit hindi ko pa talaga nahahanda ang sarili ko na makilala sila.

At ito ang bagay na hindi ko masabi-sabi kay Gael kahit pa noon.

Alam kong walang intensyong masama si Gael. Pero minsan...

Hindi ko na maramdaman ang sarili ko kapag kasama ko siya.

Wala rin akong natatandaan na nagalit ako kay Gael o ginalit niya ako sa kung ano mang dahilan. Wala rin akong natatandaan na nagkaroon kami ng malaking away o nagawa ko siyang sagot-sagutin at pagtaasan man lang ng boses.

Our relationship has always been this dreamy, fairy tale like story na kahit na sinong babae ay papangarapin na magkaroon. He's the perfect prince. The 'The One' na gugustuhin mong dalhin ka sa altar. He always makes me feel special, love, cared for and sheltered... way too sheltered—hindi gaya kung paano kami unang nagkakilala ni Eros.

Walang paki alam sa akin si Eros at ilang beses niya rin iyong sinabi at pinaramdam sa akin. Pero sa ibang banda, nangengealam din siya at laging sinisiguro ang kaligtasan ko. Hindi rin ako responsibilad pero ginawa niya akong kanya dahil gaya nga ng sabi niya, nasa teritoryo niya ako at pinangako niya na gagawin niya ang lahat maging ligtas lang ako.

Kahit no'ng mga panahon na nagtatago at tumatakas kami sa mga masasamang lalaki na humahabol sa amin, sa kabila ng paghihinala niya tungkol sa presensya at pagsulpot ko sa isla, pinaramdam niya sa akin na may tiwala siya sa akin, na kaya kong makatakas at makagawa ng paraan para makaalis sa sitwasyon ko at nagtiwala sa desisyon ko na tumakbo sa direksyon kung saan kami p'wedeng magkita doon sa loob ng madilim at kasukalan ng gubat.

Eros awoken something in me... something na hindi ko aakalain na mayro'n pala ako. Eros made me believe that I can. Na kaya kong maging malakas para sa sarili ko at para na rin sa iba—para sa kanya.

Eros gave me freedom to choose and put myself aside for someone sake other than neither myself nor my dead parents. Eros made me realized that I can do things that I wasn't so sure that I can.

"Monique!"

Bigla akong nagising mula sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman ko ulit ang pagtapik ni Manang Pising sa balikat ko saka ko siya muling hinarap at nginitian.

"Pasensya na ho, Manang. May sinasabi po ba kayo?"

"Ang sabi ko, gusto mo na bang kumain?" tanong ng matanda saka pinakita sa akin iyong mga pagkain na natapos na pala niyang ihain sa harapan ko. "Kung inaalala mo ang Senyorito Gael, ako na ang tatawag sa kanya. Tutal pabalik na rin naman ako sa mansyon. Nagpunta lang din talaga ako dito para bisitahin ka at pakainin ka ayon na rin sa pakiusap ng Senyorito Gael."

"Hindi na po, Manang. Salamat na lang po. Ako na lang po ang pupunta sa kanya. Sasabay na lang po ako sa inyo siguro kapag natapos ko nang ubusin itong napakasarap n'yong niluto!"

"Nako! Nagbalik lang alaala mo ay naging bolero ka na, Monique!" natatawang sabi ni Manang.

Niyaya ko si Manang na saluhan ako na kumain na hindi na rin naman niya tinanggihan at nagkakwentuhan kami tungkol sa magaganap na salo-salo at gaano kalaki ang mga handaan ng mga Mondragon sa malaking mansyon.

Habang kumakain at nagkukwentuhan, hindi ko na rin maiwasan na mag-isip kung paano ko ba sisimulang sabihin kay Gael ang lahat sa paraan na maiintindihan niya ako at hindi ko siya masyadong masasaktan.

Walang kasiguraduhan kung may nararamdaman din ba sa akin si Eros. Pero ayoko nang lokohin ang sarili ko maging si Gael.

At kung ano man ang maging resulta ng gagawin kong ito, sa tingin ko'y mas ikakapanatag ng loob ko iyon kaysa habang-buhay lokohin ang kahit isa sa kanilang magpinsan.


"O, SIYA, Monique. Mauna ka nang pumasok sa loob," sabi sa akin ni Manang Pising matapos niya akong maihatid sa bukana ng pinto ng main mansion ng mga Mondragon. "Kukunin ko lang iyong gulay na pinahango ko doon sa isa sa mga kasam-bahay natin."

Napatango na lang ako saka nagpaalam na kay Manang Pising bago ko muling binalik ang tingin at atensyon ko doon sa loob ng mansyon.

Nasa labas pa lang ako pero kitang-kita ko na ang bulto ni Gael na nakatalikod sa direksyon ko at tila may kausap ito na kung sino.

Nang mawala na ang presensya ni Manang Pising sa tabi ko, bigla kong naramdaman ang abot-abot na kaba at takot para sa magiging reaksyon ni Gael sa mga sasabihin ko.

Kahit na hinanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng senaryo maging iyong magiging galit niya sa akin, hindi ko pa rin maiwasang panghinaan ng loob at mabalot ng takot ang buong katawan ko ngayong mag-isa na lang ako.

"G-Gael..." hindi ko alam kung paano ko nagawang banggitin ang pangalan niya at makapagsimulang maglakad papunta sa direksyon niya dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko.

Nakita ko ang dahan-dahang paglingon niya sa akin maging iyong pagrehistro ng ngiti sa labi niya nang makita niya ang mukha ko.

"Babe! 'Buti nandito ka na! Pinag-uusapan ka lang namin kani-kanina."

Napakunot-noo ako doon sa sinabi ni Gael sabay nakita ko ang isang kamay na yumakap sa braso nito at tuluyang nakita kung sino ang kausap nito na nagtatago sa likod nito.

Isa iyong babae. Isang napaka-ganda at sopistikadang babae.

"Eliz, meet Elisha Monteclaro. Eros' girlfriend."

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
182K 7.3K 23
MYKAEL SY - Mykael has been living a carefree life, spending time in night clubs, going home wasted, and waking up with another one night stand. All...
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
574K 11.1K 23
Book Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding...