THE GIRL IN RED DRESS (Cousin...

By HanjMie

3.6K 221 62

Cousinhood Series: The Girl in Red Dress a novel written by Hanjmie FIRST LOVE LAST FOREVER. Iyon ang paniniw... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY - TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
SPECIAL CHAPTER ONE
SPECIAL CHAPTER TWO
SC: VALENTINE'S DAY

CHAPTER FOURTEEN

72 7 0
By HanjMie

🌹🌹🌹

"ANONG KAILANGAN MO?" Galit na tanong ng lalaki sa binata.

May inilapag siyang picture sa harap nito. Nasa loob sila ng sasakyan ng lalaki. Kinuha ng lalaki ang larawan at nanlaki ang kanyang mga mata ng Makita ang mukha ng pinsan.

"I want you to know who rape your cousin."

"WHAT!"

Tumingin ang lalaki sa kanya. "Someone rape Clara and I want you to investigate."

Nanginig ang kamay ng lalaki na muling tumingin sa larawan ng pinsan. Nagtaas-baba ang dibdib nito. Tanda na galit ito ng mga sandaling iyon. "Kailan nangyari ito? May idea ka ba?"

Umiling siya. "I make a mistake that night. I want you to do something for me. Hindi ko siya dapat pinabayaan ng gabing iyon. Bakit kasi iniwan ko siya ng araw na iyon? Hindi sana ito nangyari sa kanya kung hindi ako umalis." Puno ng pagsisising sabi ng lalaki. Bakas ang paghihirap na dinadala.

"Aalamin ko at pagbabayaran ng kung sinuman ang ginawa niya sa pinsan ko. Makaka-asa kang mabibigyan natin ng hustisya ang pinsan ko."

"Thank you, J."

"No need to thank me. Pinsan ko ang pinag-uusapan natin dito."

PAGKATAPOS namin magusap ng gabing iyon ni Lincoln ay madalas na kaming magkausap sa phone. Madalas na rin ito nagpupunta sa bahay para dalawin siya at dalhan ng pagkain. Ngayon nga ay pupunta ito para samahan siyang bumili ng damit ng bata. Masaya daw ito dahil magkakaanak na daw siya.

"Saan ka pupunta, Marie?" tanong ni Mommy ng pumasok ito ng kwarto niya.

Tinatali niya ang buhok ng pumasok ang ina. Inilapag nito ang isang tray ng pagkain. Simula ng lumabas siya ng hospital ay nasa bahay na si Mommy. Alam niyang busy ang ina sa pagtulong sa pamamalakad ng hotel nila. Ito ang Event Planner Manager ng Hotel kaya madalas din itong wala sa bahay noong bata pa siya. Kung saang hotel nila may big event ay doon din si Mommy. Kaya nagtataka talaga siya na hindi na ito umaalis ngayon.

"Lalabas po kami ni Cole, mommy," sagot niya.

"Si Lincoln?" Salubong ang kilay na tanong ng kanyang ina.

"Yes po mommy." Tumayo na siya.

"Hindi ka aalis." Mariing sabi ng kanyang ina na ikinagulat niya. Nilingon niya ito at kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito.

"Mommy, bakit naman po?" Lumapit siya sa ina.

"You know I don't like him, Marie. Noon pa man ay may kakaiba na sa batang iyon. Hindi ka ba natatakot kapag kasama siya?"

"Mommy, Cole is a good guy. Hindi ko naman siya magiging bestfriend kung hindi siya mabait. At saka, kung iyong tungkol lang naman sa sakit niya kaya ka natatakot, I assure you mom. He is fine now. Patuloy ang medication niya at sigurado ako, si Lincoln ang huling taong mananakit sa akin. Mahal ako ng kaibigan ko, Mommy. Takot iyon makitang nasasaktan ako."

Hindi umimik si mommy ngunit hindi pa rin nagbabago ang emosyong nakasulat sa mukha nito. "Ayaw ko lang ulit na may mangyaring masama sa iyo, Marie. Natatakot kami ng daddy mo na baka maulit ang..."

"Mommy!" Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ng ina. "Hindi na po ulit mangyayari iyon. May mga tao ng magbabantay sa akin. Hindi hahayaan ni Kurt at Cole na may manakit ulit sa akin."

Pumatak ang mga luha ng kanyang ina. "Mahal na mahal ka namin, Marie. Patawarin mo si Mommy kung wala siya sa panahon na kailangan mo pero nandito na ako. Hindi ko hahayaan na muli kang masaktan. Hindi ka na muling mag-iisa." Marahang hinawakan ng kanyang ina ang kanyang mukha.

Unti-unting pumatak ang mga luha niya. Alam niyang nasasaktan din ang kanyang ina ng mga sandaling iyon. Dalawang araw na rin mula ng malaman niya mula sa kanyang ina na alam na nito ang totoong nangyari sa kanya. Iyak ng iyak ang kanyang ina, niyakap na lang niya ito at sinabing magiging okay din ang lahat.

"I love you too, mommy." Niyakap niya ang kanyang ina.

Mas mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina. Feeling her moms embrace makes her feel warm. Wari bang isa siyang bata ng mga sandaling iyon. Lalo siyang napaiyak. Humagulhul siya habang yakap-yakap ng ina. She feels warm, safe and comfortable with her moms embrace. She can feel home.

Natigilan lang sila ng kanyang ina ng may kumatok at nagsalita mula sa labas ng pinto ang isang katulong ng ina.

"Ma'am Marie, may bisita po kayo sa baba."

"Pakisabing pababa na ako." Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina.

"Sige po, Ma'am." Narinig niya ang paalis na yapag ng katulong.

"Si Cole na po iyon, Mom." Tumayo siya at lumapit sa salamin. Sinipat niya ang mukha. Nagkalat ang nilagay niyang mascara at mukhang kailangan niyang mag-retouch.

"Sigurado ka bang lalabas ka kasama si Cole?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

Lumingon siya sa ina at ngumiti. "Yes, Mom. Si Cole po iyon. Best friend ko at alam kung safe ako kapag kasama siya."

"Kung ganoon ay pumapayag na akong lumabas ka kasama siya pero sa isang condition."

Muli siyang napatingin sa ina. Salubong ang kilay niyang nagtanong. "Ano po iyon?"

"Tell Kurt you are going out with Cole today. Kailangan alam ng fiancé mo na lalabas ka kasama ng ibang lalaki."

"Mom.."

"That's my only condition, Marie." Seryusong sabi ng kanyang ina.

Napabuntong hininga siya. May magagawa pa ba siya. "Fine." Kinuha niya ang phone sa bag at tinext si Kurt tungkol sa paglabas niya kasama si Cole.

Nakita niyang ngumiti ang kanyang ina. Hanggang ngayon ay nais pa rin ng kanyang ina na ikasal sila ni Kurt kahit pa nga nagdesisyon na sila ni Kurt na hintayin kung kailan siya handa. Alam niyang nais na ng kanyang ina na magpakasal siya kay Kurt para iwasan ang bulungan ng mga tao ngunit anong magagawa niya. Ayaw niyang pumasok sa buhay may asawa kung hindi naman siya sigurado. Ayaw niyang gumawa ng isang bagay na pagsisihan niya lang sa huli. Marriage is not the solution to her problem.

"That's better. I leave you now." Lumabas ng kwarto niya ang ina at naiwan siyang may bahid ng disappointment.

Hindi naman niya kasi nobyo si Kurt ngunit kailangan niyang sabihin dito lahat kahit iyong paglabas niya ng bahay, kahit simpleng lakad lang sa may park ay kailangan niyang ibalita sa binata.

Lalabas na sana siya ng kwarto ng magtext si Kurt.

'Saan kayo pupunta ni Lincoln?'

Napasimangot siya sa tanong nito. Kailangan ba na malaman nito kung saan sila pupunta ni Cole? Hindi siya nag-reply dito. Lumabas siya at nakita niya si Cole na nakaupo sa mahabang sofa at nakatingin sa paligid. Lumapit siya sa kaibigan. Maliit ang kanyang tiyan kaya hindi masyadong halatang buntis siya. Akala nga ng iba ay bigla siyang nagkainterest sa malalaking damit kaya daw siya ganoon. Nagugulat nalang ang mga ito kapag sinabi niyang buntis siya. Ganoon din kasi magbuntis si Mommy noon. Maliit talaga ang tiyan nito. Sabi nga ni Mommy pagdating ng kabuwanan niya parang kasing laki lang ng lobo ang tiyan niya. Natawa na lang siya sa sinabi ng ina.

"Hello," bati niya kay Cole.

Napatingin sa kanya ang kaibigan at ngumiti. Agad naman itong tumayo at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Nagulat man siya sa ginawa ng kaibigan ay binaliwala na lang niya.

"Hi, Clara," bati nito pagkatapos siyang pakawalan sa pagkakayakap. Yumuko si Cole at tumapat ito sa kanyang tiyan. "Hello, baby."

Isang magandang ngiti ang sumilay sa labi ni Marie dahil sa ginawa ni Cole. Naging malambing yata bigla ang kaibigan.

"Let's go." Hinawakan siya ni Cole sa braso at lumabas ng bahay.

Sa hindi kalayuan na mall siya dinala ni Cole. Ilang minuto lang iyon mula sa bahay ng kanyang mga magulang. Habang naglalakad sila sa loob ng mall ay hindi binibitawan ni Cole ang kanyang braso. Nakaalalay talaga ito sa kanya. May ilang taong napapalingon sa kanila at karamihan sa mga iyon ay babae. Mas lalo kasing lumitaw ang gandang lalaki ni Cole dahil sa suot nito ang salamin sa mata. Hindi makakailang may dugong banyaga ito. Ang alam niya ay may dugong Espanyol ang ama nito na mag-isa na lang sa buhay bago makilala si Tita Ivy.

"Let's go inside."

Napakurap siya at napatingin sa direksyon na tinuturo ni Cole. Nakita niya ang damit ng mga bata ang nakadisplay. Ngumiti siya kay Cole at pumasok sila sa loob ng store. Agad na lumapit si Cole sa damit ng mga lalaki. Kumuha ito ng damit na may print na spiderman. Hindi niya mapigilan na hindi tumawa ng sinipat iyong mabuti ni Cole.

"Bagay kaya ito kay baby?" tanong nito.

"Hindi ko alam," sagot niya.

Napasimangot si Cole at ibinalik ang damit. Lumapit sa kanila ang isang sales lady. Nakatingin ito kay Cole na puno ng paghanga. Napataas ang kilay niya sa nakita. Agad niyang inilagay ang mga kamay sa braso ni Cole.

"Hindi ko pa alam ang gender ni baby, Cole."

Napatingin sa kanya si Cole. "We buy both, one girl cloth and one boy cloth to make sure."

"Pero hindi ba iyong sayang. Paano kung lalaki itong nasa loob ng tiyan ko? Anong gagawin natin sa mga damit na pinamili mo?"

Ngumiti si Cole. "We give it to the orphanage."

Hindi siya naka-imik. Nagulat siya sa sinagot ni Cole. Kailan pa ito nagkaroon ng oras sa orphanage? Napangiti siya pagkalipas ng ilang sandali na pagkatulala. Ngumiti siya ng matamis sa kaibigan.

"Iyong damit pangbabae ang hanapin natin," sabi niya.

Napatingin sa kanya si Cole. "Bakit babae? Ayaw mo ba ng anak na lalaki?"

Natawa siya sa reaksyon ni Cole. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito. "Hindi ah. Pakiramdam ko kasi babae itong nasa loob ng tiyan ko pero mas gusto ko lalaki siya." Hinawakan niya ang tiyan na walang umbok. "Mas maganda kapag lalaki ang panganay ko. Maproprotektahan niya ang princesa ko."

Hindi nakapagsalita si Cole. Tahimik lang ito sa tabi niya pero ramdam na ramdam niya ang init ng titig nito. "I'm happy you finally accept the child inside of your womb, Clara."

Tumingin siya kay Cole at ngumiti. "Yes, Cole. Isa siyang angel at hindi ko dapat kamuhian. Hindi niya kasalanan kung anuman ang masamang ginawa ng ama niya sa akin. Hindi tamang magalit ako sa kanya. Kung magagalit man ako dapat sa ama niya dahil ito ang nanakit sa akin."

Biglang nawala ang emosyon sa mukha ni Cole. Nawala din ang kislap sa mga mata nito. Bigla na lang naging ibang Cole sa harap niya. "You hate him?"

Marahan siyang tumungo. "Yes! I hate him so much, Cole. Sinusumpa ko siya."

Ngumisi si Cole. "Then hate him, Clara because right now, I also hate him. I want to kill him." Madilim ang mukhang sabi ni Cole at tumalikod. Nakita niya ang pagkuyom ng kamay nito.

Cole is mad and she is sure of it. Agad niyang sinundan ang kaibigan at hinawakan sa kamay. "Thank you, Cole." Bulong niya bago hinalikan ito sa pisngi.

Napahinto at napahawak sa pisngi nito si Cole. Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa niyang paghalik dito. Tumawa siya dahil sa naging reaksyon nito. Pinisil niya ang pisngi nito.

"Ang cute mo, Cole." Hinila niya ang kaibigan. "Gutom na kami ni baby. Pakainin mo na kami."

Sumunod naman si Cole sa kanya na hanggang sa mga sandaling iyon ay tulala at nakahawak sa pisngi nito. Bakit ba ang cute ni Cole kapag ganoon ang reaksyon nito? Nais niya muling makita ang ganitong reaksyon sa kaibigan.

Sa isang Italian restaurant sa loob din ng mall na iyon sila pumunta ni Cole. Sa may isang sulok sila umupo para hindi sila masyadong pansinin ng tao. Hindi pa rin pala nagbabago ang kaibigan niya. Ganoon na ganoon si Cole. Ayaw na ayaw nitong may ibang tao na malapit dito. Agad silang nilapitan ng waitress ng maka-upo sila.

"Good morning, madam and sir. Can I take your order?" pormal na tanong ng babae.

Ngumiti siya sa babae at tiningnan ang menu. Halos maglaway si Clara ng mabasa ang menu. It's all pasta. At iyon ang paborito niyang pagkain.

"Do you want anything, Clara?" tanong ni Cole.

Napatingin siya sa kaibigan. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito. Inilapag niya ang menu sa table.

"Miss, I want this..." Itinuro niya ang isang pasta na ang pangalan ay Puttanesa. "... and this." Isa na namang pasta ang itinuro niya. "...and this one. Thank you."

Nagtaas siya ng tingin pagkatapos ituro ang order. Nanlalaki at nakabuka ang bibig ng waitress. Nagsalubong ang kilay niya sa reaksyon nito. May mali ba sa order niya? Napatingin siya kay Cole. Nakangiti ito sa kanya.

"Are you sure about your order? Kaya mo bang ubusin?" nag-aalalang tanong ng binata.

Tumungo siya. "Hindi naman ako mag-isa ang kakain." Tumingin siya sa kanyang tiyan.

Narinig niyang tumikhim si Cole kaya napatingin siya sa kaibigan. Nakatingin naman ito sa babae. "Dalawang slice ng Hawaiian pizza sa akin tapos dalawang apple juice. Thank you."

Tumungo ang babae waitress. "Is that all, sir?"

"Yes, th-"

"Miss, may chocolate cake ba kayo dito?" Putol niya sa ibang sasabihin ni Cole.

Napatingin sa kanya ang babae at nanlalaki ang mga mata. "Huh?"

"Chocolate cake. Isang slice."

Napakurap ang babae. "Ahm, we will serve you one, madam. Is that all?"

Ngumiti siya dito at tumungo. Ngumiti naman ang waitress ngunit hindi iyon umabot sa tainga. Para ngang pilit ang ngiting ibinigay nito. Tumingin ito kay Cole at yumuko bago muli sa kanya.

"We will serve your food within ten minutes." Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ang babae.

Sinundan niya iyon ng tingin. Napasimangot siya. Nakaramdam kasi siya ng inis dito. May masama ba sa order niya para maging ganoon ang reaksyon nito. Sa tingin niya naman. Kaya naman niyang ubusin ang order niya dahil gutom na talaga siya. At saka, paborito niya ang pasta lalo na ang mapupula. She loves eating food with red sauces. Naglalaway ang baga niya kapag nakakakita ng ganoon.

"Are you okay?" tanong ni Cole na siyang ikinataas ng kanyang tingin.

"Yes. Bakit mo natanong?"

"You look irritated."

Napasimangot siya. "Nakita mo ba ang reaksyon ng waitress doon sa order ko. Nakakainis! Anong akala niya sa akin di kayang ubusin ang order ko?"

Ngumiti si Cole na siyang lalo niyang ikinainis. Sinamaan niya nang tingin ang kaibigan. "Anong tinatawa mo?" galit niyang sita dito.

Tumigil naman si Cole. "Well, hindi yata iyon ang iniisip niya. Baka iniisip niya na patay gutom ka. Marami ka kasing order. Gutom na gutom ka na ba?"

Humaba ang nguso niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Kinuha niya ang isang tinidor sa mesa at tinangkang babatuhin ito ng maalala nasa isang restuarant sila at maraming tao. Nakakahiya kung aasta siya ng ganoon. Ibinaba niya ang hawak at sinamaan na lang ng tingin ang kaibigan.

"Anong magagawa ko, gusto ni baby iyong pagkain ng makita ko?" Pagmamaktol niya.

Tumawa ng mahina si Cole. "It's okay. Alam ko naman na naglilihi ka."

"Alam mo naman pala bakit tumatawa ka pa rin."

"Ang cute mo kasi. Namiss ko iyang pagtataray mo."

"Iwan ko sa iyo, Cole."

Ngumiti lang ang kaibigan. Hindi napigilan ni Clara na titigan ito. May naramdaman na kakaiba si Marie ng makita ang ngiting iyon ng kaibigan. Bigla niyang naalala ang dating meron sila ni Cole. Kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang pagkakaibigan. Clara remember how they bond every weekend. Ngayon ay nakadama siya ng paghihinayang sa mga taon na nawala sa kanila. Walang ibang dapat sisihin kung hindi siya. Siya naman kasi ang unang sumira sa mga pangako nila.

"I'm sorry," aniya.

Napatingin sa kanya si Cole. "Sorry for what?"

"Sorry for not keeping my promise back then. Sorry for hurting you." Malungkot niyang wika.

"Clara, nakaraan na lang ang lahat at saka okay naman na tayo, di ba?"

Tumungo siya at ngumiti ng marahan dito. Hindi pa rin nawawala ang lungkot na nadarama dahil sa nangyari sa pagkakaibigan nila ni Cole. Kung ma-ibabalik lang sana niya ang nakaraan, kaka-usapin niya ng mabuti si Cole. Hindi niya hahayaan itong maging mag-isa sa kadiliman. Natigilan si Marie ng may humawak sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Napataas ng tingin si Marie. Nakangiting si Cole ang sumalubong sa kanya.

"Wala akong paki-alam sa nakaraan natin, Clara. Ang impotante sa akin ay ang ngayon at bukas. Pwede naman tayong magsimula muli. Iyong dati nating pagkakaibigan kaya natin ibalik iyon. Kalimutan na lang natin kung anuman ang mga nangyari noon. Hindi na din naman natin mababago ang lahat kahit na anong pagsisisi natin. Let's look forward at the future ahead of us. I want to face my future with you at my side, Clara."

Nakaramdamn ng paninikip ng dibdib si Marie. Mula noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago si Cole pagdating buhay. Malawak ang pag-unawa nito sa mga nangyayari. Kaya nga nagulat siya ng malaman ang nangyari dito. After what happen between, Cole should get man at her for what she did but here he is, being with her at her hardest day.

"Thank you, Cole." Pinisil niya ang kamay ng kaibigan.

Cole didn't saids anything. Tumaas ang isang kamay nito at hinawakan ang isang pisngi niya. Pinunasan nito ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Muling napatulala si Clara. Tumayo pa kasi si Cole para lang punasan ang kanyang mga luha. Seeing Cole up close makes her heart beat wild. Para ng lalabas ang puso niya sa kinalalagyan nito. Napatitig si Marie sa mukha ng kaibigan lalo na sa mga mata nito na walang emosyon. Cole's eyes are always expressionless. Kahit anong titig niya doon ay wala siyang makitang emosyon.

"What are you doing?"

Natigilan sila ni Cole ng marinig ang tanong na iyon mula sa isang boses babae. Sabay pa silang napatingin ni Cole. Isang babaeng salubong ang mga kilay ang nakita nilang nakatayo sa harap nila. May kasama itong isang matangkad na lalaki na sobrang pamilyar sa kanya.

"What are you two doing here?" Gulat na tanong ni Cole sa dalawa.

Napatingin siya sa kaibigan ng marinig iyon. "Kilala mo sila?"

Tatlong pares ng mga mata ang tumingin sa kanya. Naguluhan siya bigla sa nangyayari. Paano kilala ni Cole ang dalawang taong ito?

"You must be, Clara Alonzo?" tanong ng lalaking matangkad na kung hindi siya nagkakamali ay dating isang sikat na singer.

Tumungo siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Bago pa makasagot ang lalaki ay hinawakan ito ni Cole sa balikat. "Don't scared her, Kuya."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Tama ba ang narinig niya? Tinawag ni Cole na Kuya si Timothy Navarro, ang controversial singer na nahulihan ng drugs ilang buwan na ang nakakaraan.

"Anong masama kung malaman niya ang pangalan ko, Little brother?"

Muntik ng malaglag ang panga ni Marie ng marinig ang tanong na iyon ng lalaki. Cole have an older brother and he is not an ordinary guy. He is Timothy Navarro. Paano nangyari na naging Kuya nito ang isang kagaya ni Timothy Navarro.

🌹🌹🌹

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

1K 157 32
PHOENIX SERIES 1 Vien is running away from her ex-boyfriend, who made her life miserable, and for the past five years she has been able to, but then...
1.7K 1.4K 36
Satana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng...