Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty Nine

20.6K 623 64
By DarlingVee


Chapter Thirty Nine

Eliz

HINDI KO na mabilang kung ilang oras na ang nakakalipas magmula nang iwan ako ng tila lider ng mga lalaking humahabol sa amin kasama ang lima pa nitong kasabwat.

Sa ngayon, may apat pang lalaki ang naiwan dito sa tila lumang imbakan ng mga gamit sa isla para bantayan ako. Kasalukuyang din silang nag-iinuman at naglalaro ng baraha na tila ba wala silang pakialam kung magbalak man akong makatakas dahil na rin sa mga baril na nasa tagiliran ng mga ito at dahil alam nilang masyado akong takot sa bilang nila para sumubok man lang.

Dahil na rin sa ginagawa kong ingay kanina, napilitan ang isa sa kanila na ilipat ang piring sa mata ko papunta sa bibig ko para patahimikin ako. Kaya ngayon ay nakikita ko na ang ginagawa nila at nakikita ko na kahit mag-isip pa ako ng paraan para makatakas, hindi ako makakalabas nang hindi daraan sa harapan nila at doon sa nag-iisang pinto na nasa tabi lang nila.

"Tingnan mo siya, pare."

Biglang bumalik ang tingin ko sa direksyon ng mga lalaki na iyon mula doon sa pagkakatitig ko sa pinto nang marinig ko ang isa sa kanila na nagsalita.

"Iba talaga ang mga babae sa Maynila. Ang kikinis!"

Umahon ang sobra-sobrang kaba nang marinig ko ang komento na iyon saka hinila ang dalawang paa ko papunta sa dibdib ko para takpan ang sarili ko mula sa malilisyoso nilang tingin.

Hindi naman ako nakasuot ng mapang-akit o kahit hapit na damit. Simpleng blusa at pantalon lang ang suot ko. Pero pakiramdam ko, nahuhubaran at nababastos nila ako sa mga pinupukol nilang tingin ngayon.

"Hindi naman siguro magagalit si Boss kapag nakipaglaro muna tayo sa babae na 'to, hindi ba?"

"Sira-ulo! Walang inutos sa atin na mangharas ng babae."

"'Sus! Huwag ka na ngang magpaka-impokrito d'yan! Para ka namang walang bayag n'yan e!"

Napa-atras ako habang nakasalampak pa rin dito sa sahig nang makita ko ang unang lalaki na nagsalita sa kanila na nagsisimulang maglakad papalapit sa akin.

"Huwag kang matakot sa akin, Miss. Hindi kita sasaktan," turan pa nito habang suot ang nakakalokong ngiti sa labi nito.

Pilit kong sinusubukang makabuo ng salita mula sa likod ng tela na nakatakip sa bibig ko ngayon para palayuin siya. Pero walang ginagawa ang mga salitang binibitawan ko kundi mga impit na sigaw.

"Huwag mong hahawakan si Monique."

Napa-angat ang tingin ko sa lalaki na iyon, doon sa lalaking pamilyar na pamilyar sa aming dalawa ni Eros at ang nag-iisang namumukhaan namin mula sa mga lalaking nakita namin doon malapit sa talampas.

Si Marco. Ang halos nagsisilbing kanang kamay at parating kasa-kasama ni Eros sa isla.

Nakatayo na siya ngayon sa pagitan naming dalawa no'ng isa pa nitong kasamahan na tila ba pino-protektahan ako nito mula sa masama nitong binabalak.

"At sino ka para pigilan ako?" tila nainsulto at naghahamon na sabi no'ng lalaki kanina saka nito kinuha ang baril na nasa tagiliran nito at kinasa iyon bago tinutok sa noo ni Marco. "Ikaw ba ang boss namin dito, ha?"

"Kung gusto mong may makuhang parte sa pera, mas makakabuting sumunod ka sa kung inutos gawin sa'yo." Hindi nagpakita ng sindak si Marco sa lalaking kaharap nito sa kabila ng baril at pagbabanta sa kanya nito.

"Bakit ko kailangang isakripisyo ang makukuha kong pera kung p'wede rin naman akong makakuha ng extra pang bayad?" sagot pa no'ng lalaki saka lumagpas ang tingin nito sa akin at pinakita sa akin iyong pagdaan ng dila nito sa ibabang labi nito. "Halika na, Miss. Maglaro muna tayo sandali."

Muli akong napa-atras saka nanlaki ang mata nang tumama ang likod ko sa kahoy na pader at saka napansin na nasa dulo na pala ako at wala na akong ibang mapupuntahan pa.

"Ang mga Mondragon lang ang kailangan natin. Hindi kasama sa sasaktan si Monique," muling pumagitna sa amin ng lalaki na iyon si Marco, at sa pagkakataon na 'to, maging siya ay naglabas na rin ng sarili nitong baril at tinutok doon sa lalaki. "Aatras ka ba o ikaw ang susunod na itutulak ko sa bangin?"

Nagtitigan pa ang dalawang lalaki sa harapan ko bago ko narinig ang galit na singhal no'ng lalaki na iyon saka nito inalis ang nakatutok na baril kay Marco at tumalikod.

"Huwag kang mag-alala, Monique. Oras na makuha na namin ang gusto namin, ligtas kang makakalis dito sa isla. Pinapangako ko 'yan."

Nagulat ako nang mapansin na nakaupo na rin sa harapan ko si Marco, ang baril ay nakatago na sa gilid nito at inaayos ang takip sa bibig ko.

Nalilito kong pinanood ang mukha niya, iyong halatang pagsisisi sa mga mata niya at iyong tinatago niyang takot mula sa kaharap niyang lalaki kanina.

Marami akong gustong itanong gaya na lang kung paano siya nasali sa mga lalaki na 'to. Kung ano bang habol nila kay Eros. Kung anong plano nila at kung bakit siya nagpapakita ng kabaitan sa akin ngayon at niligtas pa ako mula sa lalaki na iyon.

Pero ang lahat ng tanong na mababasa sa mata ko ay bigla ring napalitan ng takot nang makarinig ako nang malakas na putok ng baril kasabay ng pagbagsak ng duguang katawan ni Marco sa harapan ko.

Sigaw ako nang sigaw sa kabila ng takip sa bibig ko sabay ng pagbagsak ng luha para sa pinaghalong gulat at takot sa nasaksihan ko.

"Sasabihin ko na lang na sinubukan mong manlaban kaya napatay mo ang paki alamero na 'to."

Dahan-dahan kong inangat ang mata ko sa lalaking pumalit sa pwesto ni Marco sa harapan ko at ngayon ay nakaupo pa sa ibabaw ng naghihingalong katawan nito.

"Ngayon, Miss. Makikipaglaro ka na ba sa akin? Kasi ako wala akong pakialam kung makalabas ka mang buhay dito o hindi."

Mas lalong lumakas ang impit na sigaw ko nang sumayad sa mukha ko ang magaspang na kamay nito, pababa doon sa braso ko, hanggang sa makarating iyon sa ibabaw ng dibdib ko at binigyan iyon ng mariin at masakit na pisil.

"Kung suswertehan ka nga naman. Totoong dibdib pala 'tong sa'yo at hindi lang napalaki ng silicon," komento pa nito saka umangat ang isa pa nitong kamay sa kabilang dibdib ko at mariin din iyong pinisil.

Marahas akong nagpupumiglas mula sa kapit niya, mula sa kamay niyang sumasayad sa dibdib at balat ko at doon sa paglapit ng mukha nito sa leeg ko na tila ba inaamoy nito ang katawan ko bago nito ituloy ang masama nitong plano.

Sinubukan ko ring humingi ng tulong sa iba nitong kasama. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita na maging sila at papalapit na rin sa direksyon namin at nagsisimula nang magtanggal ng mga sinturon.

"Huwag kang mag-solo d'yan, gago! Pantay-pantay dapat ang hatian."

"Sino bang nagsabi na sosolohin ko 'to? Sabi nga nila, the more, the merrier!"

Mariin ko na lang pinikit ang mata ko habang patuloy pa rin sa paggawa ng walang silbing ingay at habang sinisigaw sa isip ko ang pangalan niya.

Eros.

Eros.

Eros—!

"Monique!"

Nahinto ang lalaking may hawak sa akin sa akma nitong pagtanggal sa suot kong pantalon nang sabay-sabay naming marinig ang sigaw na iyon.

"Monique!" mas naging malinaw ang sigaw na iyon saka sinundan ng malakas na pagkalampag ng pinto ng imbakan. "Are you in there, Monique? Answer me! Monique!"

"Lintek! Paano niya tayo nahanap dito?"

Eros! malakas na sigaw ko sa isip ko saka napatingin sa paligid ko habang nagkakagulo iyong tatlong lalaki sa harapan ko.

Nang muli kong mapansin iyong kahoy na pader sa likod ko, walang ano-anong inuntog ko ang ulo ko sa pader para makagawa ng ingay.

Eros! Nandito ako, Eros!

"Monique!" muli kong narinig ang boses ni Eros na sa tingin ko'y narinig iyong ingay na ginawa ko saka mas lumakas ang pagkalampag nito sa pinto.

"Puta! Manahimik kang babae ka!"

Napa-igik ako nang maramdaman ko ang malakas na pagsabunot ng isa sa mga lalaki sa buhok ko para pigilan ako doon sa ginagawa ko pero sinubukan ko pa ring manlaban at gumawa ng ingay sa kabila ng sitwasyon ko.

"Monique!"

Kulang ang salitang tuwa nang makita ko ang mukha ni Eros matapos nitong matagumpay na mabuksan ang pinto ng imbakan.

"What did you do to her?" may himig ng galit at pagbabanta na tanong ni Eros matapos magtama ang mga tingin namin at makita niya iyong mahigpit pa rin na pagkakahawak ng isa sa kanila sa buhok ko. "If I see any bruise on her, I swear, you'll regret it."

"Huwag mo kaming ma-Ingles-Ingles, Mondragon!"

Muling nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyong lalaking unang lumapit sa akin at iyong baril na ginamit niya kay Marco na ngayon ay kay Eros naman niya itinutok.

"Tatlo kami. Isa ka lang. Kaya huwag kang magmataas sa amin ngayon!"

"I think you're underestimating me," sagot ni Eros habang palihim itong napapatingin sa direksyon ko, sinisiguro kung maayos lang ba ako. "You think I'm that weak? Just because you have a gun doesn't mean that you can defeat me."

"Pero hindi ba't napatumba ka rin ng mismong baril na 'to?" sabi pa no'ng lalaki na iyon saka itinuro ang duguang katawan ni Marco sa sahig. "Nakikita mo ba ang pakialamero na 'to? Ikaw na ang isusunod ko sa kanya."

Nakita ko ang mas lalong pandidilim ng mukha ni Eros nang mapansin na nito ang katawan ni Marco at ang pag-aagaw-buhay nito.

"P-patawad... senyorito..." Narinig kong mahina at naghihingalong sabi nito.

"I know you have your reasons, Marco," sagot ni Eros na tila ba nakikisimpatya sa sinapit nito. "Huwag ka nang magsalita. Saka ka na magpaliwanag kapag nakalabas na tayo dito."

Nakita ko ang nanghihina at matipid na ngiti sa labi ni Marco saka tuluyang nagsara ang mata nito at tumigil ang paggalaw nito.

No. No. No. Hindi totoo ang lahat ng 'to! Humihinga pa si Marco! Gumising ka sa bangungot na 'to, Eliz! histerikal na sigaw ko sa isip ko habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

"At sino naman ang nagsabi sa'yo na makakalabas kayo dito, Mondragon?"

Nakita ko ang tila pagkakapako ni Eros sa kinatatayuan nito nang may maramdaman itong presensya sa likod nito saka sinundan ng tunog ng kalibre ng baril.

At doon, sa likod nito, nakatayo ang pinaka pinuno ng mga lalaki na 'to at ang lima pa nitong kasama na umalis kanina.

"Mabuti naman at ikaw na mismo ang lumapit sa amin, Mondragon. Hindi na kami mahihirapan makapasok sa mansyon."

"You love playing with your guns, don't you?" nang-uuyam at sarkastikong wika pa ni Eros na tila ba hindi nito iniinda ang bilang ng mga lalaking kasama namin ngayon maging ang mga baril na nakatutok sa direksyon niya.

"Bakit hindi na lang natin tigilan ang laro na 'to, Mondragon? At ibigay mo na lang sa amin ang kailangan namin?" rinig kong sabi pa no'ng boss nila saka ito lumipat ng pwesto at humarap kay Eros nang hindi pa rin binababa ang baril na hawak nito. "Ibigay mo sa amin ang titulo ng buong isla kasama ng lahat ng ari-arian ng angkan n'yo dito sa Alta Pueblo."

Pare-parehas kaming nagulat nang marinig ang malakas na tawa ni Eros.

"I love how absurd you sound right now," natatawa pa ring sabi ni Eros saka biglang tumalim ang tingin at naging seryoso muli ang boses nito. "It's funny how you want everything without earning anything just because you have a gun. You think life is as easy as threatening someone's life? Pathetic!"

Muli akong napasigaw nang makita ko ang paghampas ng lalaking iyon sa baril na hawak nito sa mukha ni Eros na naging dahilan para mapaluhod ito sa sahig.

"Inalisan mo kami ng kabuhayan, Mondragon. Ipapaalala ko lang sa'yo! Hindi namin gagawin ang bagay na 'to kung nabigyan mo lang kami ng pagkakataon na makaahon sa kinasasadlakan naming lusak!"

Muli kong narinig ang nang-uuyam na tawa ni Eros sabay ng dahan-dahang pag-angat ng ulo nito para matingnan ang mukha ng lalaki na iyon.

"Now everything makes sense. You we're those lazy bastards who work in the island before."

"Oo! Kami nga! Mabuti naman at naalala mo na kami ngayon!"

"Sino bang nagsabi na nakalimutan ko kayo?" nang-uuyam pa rin na turan ni Eros. "It was your fault that you lose your jobs. Nagtatrabaho lang kayo kung kailan n'yo gusto, laging nag-iinuman at hinahayaan iyong mga matatanda na mabilad sa arawan habang kayo, nagpapasarap lang. You even dared to plant marijuana in my own land. And now you're blaming me for losing your source of income?"

"Ang sabihin mo, masyado lang talagang garapal sa pera ang angkan n'yo!" sigaw pa no'ng tinatawag nilang Boss kay Eros. "Bakit? Nagtatrabaho pa rin naman kami nang maayos, hindi ba? Sino bang naghahango ng produkto mula sa isla papunta sa bayan? Sino bang umubos ng ilang taon ng buhay nila makapag-silbi lang sa pamilya n'yo? Kayo ang may utang na loob sa amin, mga Mondragon! Kami ang nagbubungkal sa lupa kaya kami ang mas may karapatan sa kinikita ng isla!"

"This is nonsense," sagot na lang ni Eros saka tumayo at inikot ang tingin sa mga lalaking kasama namin dito sa imbakan. "You know? It's been a while since I've done this. I wasn't even planning to do this again because it's such a waste of time."

Pinanood ko si Eros na hubarin iyong suot niyang polo at hinagis iyon sa isang tabi, saka niya sunod inangat ang dalawang braso sa harapan niya at saka tumalon-talon na tila ba naghahanda na itong umatake anumang oras mula ngayon.

"We could have ended this in good terms. But you choose to point the gun," wika pa ni Eros na tila ba nagbibitaw ng huling pagpapaalala sa kanila. "This will be your last chance. Let us go, be gone and never come back on this island, and you'll be safe."

Ang pinaka-utak ng mga humahabol sa amin naman ngayon ang natawa sa sinabi ni Eros.

"Huwag mo kaming sinisindak, Mondragon! Ano bang kayang gawin ng isang anak-mayaman, sunod sa layaw na gaya mo—"

Hindi na natapos ng lalaki na iyon ang mga sasabihin niya nang mabilis tumama sa panga nito ang isang paa ni Eros sabay ng isa pang sipa ng kabila nitong paa sa kamay nito para mabitawan nito ang hawak nitong baril.

Nanlalaki na lang ang mga mata ko habang pinapanood ang mga sunod na nangyari.

Matapos mapatumba ni Eros ang amo ng mga lalaki na iyon, sunod-sunod nilang inatake ng putok ng baril si Eros, na milagro naman nitong naiiwasan, saka nito binigyan ng malalakas na sipa at suntok sa mukha at katawan ang mga lalaki na iyon.

Muli akong napa-sigaw nang may tumamang bala sa braso ni Eros pero hindi naging sapat iyon para mahinto ito sa pag-atake sa mga lalaki na iyon at mas bumilis pa ang kilos nito, sa kabila ng sugat na natamo nito, saka nito nakuha ang isang baril mula doon sa isang lalaki at malakas na hinampas iyon sa batok nito na naging dahilan ng pagbagsak at pagkawala ng malay ng kalaban.

Habang pinapanood ko ang mga nangyayari, saka ko lang naisip na ako lang pala talaga ang inaalala ni Eros no'ng mga panahon na nasa talampas kami. Na kung hindi ako hawak ng mga lalaki na ito, kayang-kaya niyang patumbahin ang mga 'to kahit pa marami sila at may mga dala-dalang armas.

"Monique! Are you okay?"

Para akong nagising sa malalim na pananaginip nang makita ko si Eros na nakaluhod na sa harapan ko, ang mga kamay na nakahawak sa mukha ko, at ang mga mata nitong iniinpeksyon ang buong mukha ko at ibang parte ng katawan ko, maging iyong pagkakalihis ng damit ko mula sa pag-atake ng mga lalaki na iyon kanina.

"What happened? Did they do something to you? Did they..."

Hindi matuloy-tuloy ni Eros ang pagbitaw sa masamang naiisip nito. Pero ang pagtatagis ng bagang nito ay sapat na para malaman ko na iisa lang ang nasa isip namin ngayon. Kaya mabilis akong napailing saka lumanghap muna ng hangin nang mawala na sa bibig ko iyong tela na nakatali doon kanina bago ko sinagot si Eros.

"Ayos lang ako. Pero si Marco... Ang tama mo ng baril..." sagot ko saka napatingin doon sa dumudugo niyang braso. "Ang sarili mo muna dapat ang—"

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang maramdaman ko ang mapusok at mainit na labi ni Eros na labi ko na siyang lumamon sa lahat ng takot at alalahanin ko. Saka ko sunod nakita ang sarili ko na ginagantihan ang mga halik na binibigay niya kasabay ng pagpulupot ng mga braso ko sa leeg niya.

"I thought I'll lose you again..." garagal at halos tila hindi makahingang sabi ni Eros matapos maglayo ang mga labi namin at habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa mukha ko.

"Sorry. Hindi ko intensyon na... Ang tungkol sa amin ni Gael—" muling naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ulit ang labi ni Eros.

"Let's not talk about him right now, Monique."

"Pero akala ko ba galit ka sa akin?"

"You betrayed me. How am I supposed to take that? How am I supposed to be fine when you already belong in the arms of someone else?" kitang-kita ko sa mata niya iyong hirap at sakit doon sa mga salitang binitawan niya.

"I'm sorry..." ang boses ko naman ngayon ang nagsisimulang mabasag. "Kung nakakaalala lang sana ako, hindi sana—"

"Let me ask you one thing, Monique." Muling kinuha ni Eros ang mukha ko para magkatitigan nang maayos ang mata namin. "Do you want me?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"I said, do you want me?" ulit niya na may halong diin sa pagkakataon na 'to. "Because if you're going to ask me right now, I do. I badly want you. And if you say you want me, that you desire me, that you can't imagine your life without me, I'll cross that one fine line in my family for you, Monique."

"Huwag mong sabihing—"

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang makaring ako ng malakas na putok ng baril sa ere.

Saka ko sunod nakita ang paglabas ng dugo sa bibig ni Eros maging ang panlalaki ng mata nito at pagtingin doon sa butas na nasa tiyan nito ngayon bago tuluyang bumagsak ang katawan niya sa akin.

"Eros!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 23
I never had any experience dating men. Never had the chance to enjoy my life on my own. Never experienced to be an ordinary girl. Parties. Dates. Fir...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
6M 107K 32
She needs money He wants sex Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.