Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.6K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty Seven

21.7K 634 81
By DarlingVee


Chapter Thirty Seven

Eliz

MATAPOS NANG naging pag-uusap namin na iyon ni Eros, halos lunurin ko na ang sarili ko sa pag-iyak buong magdamag, pinipilit na kimkimin ang mga hikbi at luha ko sa sarili dahil alam kong nasa kabilang kwarto lang si Gael at ayokong malaman niya na umiiyak ako—mas lalo ang magkaroon ng hinala na ang posibleng may dahilan ng pag-iyak ko ay ang pinsan niyang si Eros.

Mababakas sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala nang makita na namumula ang mga mata ko nang bumalik ako sa hapag-kainan kahapon. Kaya laking pasasalamat ko na lang nang hindi na siya nagtanong pa kahit pa nagdahilan at nagsinungaling ako sa dahilan ng pamumula ng mga mata ko.

Pero alam ko na hindi sa lahat ng oras ay tatalab ang pagsisinungaling ko kay Gael. May pakiramdam na nga ako na nagsisimula na siyang magtaka sa mga kinikilos ko lalo pa kapag nasa harapan ko o namin si Eros. At sa tingin ko ay pinipili na lang din niyang sarilin ang mga tanong sa loob-loob niya at dahil na rin sa siguro'y nag-aalala rin ito sa magiging epekto ng pagtatanong niya sa kalagayan ko.

Alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa ko. Na walang kakahinatnang maganda ang mga desisyon ko lalo pa't nandito na ako ngayon sa puder ni Gael at hindi lang ang tiwala niya ang p'wede kong masira kundi ang magandang relasyon niya kay Eros o kahit sa buong pamilya niya.

Pero kahit ilang beses kong sawayin ang sarili ko, kahit ilang beses kong ituro sa isip ko kung ano ang mas tama at dapat niyang gawin, hindi pa rin maiwasang masaktan ng puso ko sa tuwing maiisip ko iyong mga salitang binitawan ni Eros at doon sa katotohanan na hindi na ulit magku-krus ang landas naming dalawa oras na makaalis na kami sa isla.

Alam kong na kay Gael lang dapat ang atensyon ko. Na si Gael lang dapat ang iniisip ko at pinaglalaanan ng oras. Na dapat nagpo-pokus ako sa pagpapagaling para makabalik na ang mga alaala ko at nang makabalik na sa normal ang relasyon namin.

Pero duda ako na wala nang normal ang babalik pa sa dati. Nasa tingin ko, kahit pa manumbalik ang mga nawalang alaala ko, hindi pa rin no'ng maalis ang kasalanang nagawa ko sa kanya, kay Eros at higit sa sarili ko dahil sa pagkakaroon ng hindi mapangalanang atraksyon sa taong hindi ko dapat magustuhan.

Do I love Eros? I don't know.

Do I'm starting to have feelings for him? I don't know.

Ang malinaw lang sa akin ngayon ay ang sakit na nararamdaman ko, ang hindi ko magawang pag-alis ng mga alaala niya sa isip, katawan at puso ko, maging iyong konsensya na ang lahat ng nararamdaman kong ito ay bawal at hindi dapat nangyayari noong una pa lang.

Why can't you remember Gael, Eliz?

Bakit hirap na hirap alalahanin ng puso ko iyong taong dapat ay kilalang-kilala ko? Na dapat ang siya lang gumugulo sa isip ko?

Na dapat siya lang nagugustuhan ko.


"I'M SORRY, babe. Pero mukhang hindi muna tayo makakaalis sa isla."

Matapos ang isang araw na pagtatago ko kay Gael at pagsasabing gusto ko munang mapag-isa sa loob ng kwarto, nang masiguro kong hindi na namumugto ang mga mata ko, ay kinausap ko siya at pinilit na mauna na kami pabalik sa Maynila at doon na lang hintayin ang pagbabalik ni Reigan.

Pero ngayong umaga, sinalubong ako ng masamang balita ni Gael kasabay ng makulimlim na panahon at simoy na hangi na nagbabadya ng malakas na patak na ulan.

"Hindi safe na umalis ngayong araw ayon sa balita. Maya-maya lang ay may darating na namang bagyo dito sa atin," sagot pa ni Gael matapos niyang kunin ang dalawang kamay ko at halikan iyon isa-isa na tila ba paraan niya ng paghingi ng despensa. "Ayokong isugal ang kaligtasan nating dalawa kahit pa nga ilang minuto lang ang tatahakin ng chopper paalis dito sa Palawan. Hindi rin pumayag sila Mama at Papa na umalis tayo lalo pa't masama ang panahon. Kaya pasensya na."

Gusto ko pa sanang magprotesta at ipagpilitan ang kagustuhan kong umalis dahil hindi ko na yata kaya ang makatagal pa ng isang araw dito sa Alta Pueblo lalo pa't kahit saang parte ako tumingin, o kahit ipikit ko lang ang mga mata ko, tanging ang mga alaala ko lang kasama si Eros ang pumapasok sa isip ko—na mas lalo lang nagpapabigat at nagpapahirap ng nararamdaman ko ngayon.

Pero sa bandang huli, pinili ko na lang na tumango at bigyan si Gael ng isang tipid na ngiti para alisin iyong pag-aalala sa mukha nito na baka sumama ang loob ko na hindi niya napagbigyan ang gusto ko.

Sa loob ng ilang araw na magkasama kami ni Gael, napansin ko ang pagiging sobrang maalaga at protective niya sa akin. Minsan nga naiisip ko kung ganito ba siya sa akin dati noong wala pa akong amnesia o ngayon lang dahil sa pagkakasakit ko.

May mga pagkakataon din na pakiramdam ko, tinuturing akong bata ni Gael. Na ayaw niya akong gumawa ng kahit anong gawaing bahay. Na kailangan kong kumain sa tamang oras at inumin ang mga gamot ko na tila ba hindi ko kayang ipaalala iyon sa sarili ko at marami pang bagay na nagpapagaan ng bawat araw ko.

Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan, sa halip na matuwa, pakiramdam ko ay nababaldado ako sa pagiging mabait niya. Na konting galaw ko lang mag-aalala siya agad. Na para bang iniiwasan niya akong mawala ulit sa kanya o hindi kaya masaktan habang nasa puder niya.

At sa tuwing papakitaan ako nang maganda ni Gael, mas lalo lang naninikip ang dibdib ko dahil sa nag-uumpaw na konsensya sa nangyari doon sa kweba at sa ginagawa ko ngayong pag-iisip sa mga alaala ni Eros.


"PAANO PALA tayo nagkakilala, Gael?" bigla kong naitanong sa kanya matapos naming maupo dito sa sofa, umiinom ng mainit na tsokolate dahil nagsisimulang nang magbagsakan ng malalakas na patak ng ulan at tahimik na pinapanood ang isang lumang pelikula sa may TV.

"Are you asking how we first met or when did we start going out?" tanong niya na may ngiti sa labi na tila ba natuwa siya na ako na mismo ang nagkusa na magtanong ng tungkol sa nakaraan namin.

"Parehas," mabilis na sagot ko saka binaling ang katawan ko paharap sa kanya at tuluyan nang binale-wala ang palabas. "Hindi ko lang kasi maintindihan kung paano ka nagkagusto sa akin."

"At bakit naman hindi?" kunot-noong tanong niya saka humarap na rin sa akin. "You're an amazing person... and very beautiful too to add."

Lihim akong napasinghap nang sumayad sa pisngi ko iyong likod ng kamay ni Gael nang damhin niya iyon matapos niyang bitawan ang mga salita na iyon.

Kahit may namumulang pisngi at bahagyang pagkailang sa ginawa niya, nagpatuloy na lang ako sa pagtatanong ko.

"H-hindi ko lang kasi maisip na may makikilala ako na isang gaya mo," paliwanag ko pa. "Magkaiba ang estado natin sa buhay. Ulila na ako at base sa mga naalala ko, ako lang ang nagsusuporta sa sarili ko at sa pag-aaral ko no'ng nasa high school at kolehiyo lang ako. Saan ba kita nakilala? Sa paanong paraan ba kita nakilala?"

Muling ngumiti si Gael na tila ba may naalala itong magandang alaala mula sa nakaraan.

"Nakilala kita sa art exhibit sa mall," panimula niya. "Nasa College na rin ako no'n, kumukuha Civil Engineering. Nagkayayayaan kami ng batch mates ko lumabas matapos ang exam tapos nakita ko ang painting mo na isa sa mga exhibit. Kung tama pagkakaalala ko, kasama ang school n'yo sa mga sumali at nagpakita ng mga magagaling na talent sa inyo... at isa ka na doon."

"Wala sa itsura mo ang mahilig sa art," wala sa loob na nasabi ko.

Na ikinatawa naman ni Gael. "I am. Wala akong hilig sa art. Wala masyado sa pamilya namin. Kung mayroon man, iyong pinsang babae ko lang na si Kesha saka si Eros ang mahilig sa gano'n. Kaya nga no'ng nakita ko ang painting mo—it was a painting of starry island by the way—I fell in love with it. Mas nauna akong nagkagusto sa art mo to be honest."

"Kaya mo ba ako ginawang girlfriend dahil lang sa art ko?" hindi ko nagustuhan ang dating no'n sa tainga ko.

"No, I don't, silly," sabi pa niya saka marahang ginulo ang buhok ko. "Nagustuhan ko ang passion mo sa art, ang pagiging outspoken mo, iyong pagiging masipag mo sa pag-aaral at trabaho, at s'yempre dahil na rin sa pagiging maganda ng facial features mo. Hindi ako magsisinungaling sa'yo na nagustuhan ko ang mukha at katawan mo, baby. I'm just a man after all. Horny. Have extreme urges. Pero mas nahulog ako sa personality mo."

"Paano mo naman nalaman ang lahat ng 'to?"

"You wouldn't believe me when I say that this all happens in one day," natatawang sabi pa ni Gael. "You're a very outrageous woman, Eliz. No'ng nakita mo ako na nakatulala sa art mo, agad mo akong nilapitan at pinaliwanag sa akin iyong painting mo at naging proseso mo sa paggawa no'n. Hindi ka pa nakuntento no'n at niyaya mo ako sa isang coffee shop doon din sa mismong mall saka ka nagkwento ng passion mo sa art, sa mga inis mo sa buhay, sa trabaho, iyong dami ng paper works na kailangan mong magawa dahil malapit na deadline at iyong galit mo sa mga lalaking nagkakagusto lang sa babae dahil lang sa sexy nilang pangangatawan."

"Sinabi ko ang lahat ng iyon?" mas lalong nag-init ang mukha ko sa mga narinig ko dahil sa hiya.

"Yes, you did. Sa loob lang ng ilang oras na magkasama tayo," natatawa pa rin si Gael sa alaala na iyon. "Ilang beses nga tayong muntik mapalabas doon sa coffee shop dahil halos magwala ka na sa pagkukwento mo. And by the end of the day, I asked for your number and ask you out on a date."

"At pumayag naman agad ako?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"No... unfortunately," sagot niya saka nagpatuloy. "Kaya ang sunod na ginawa ko, hinanap kita doon sa eskwelahan n'yo. I asked for your schedule doon sa registrar, pulled some strings to do that, saka kita nahanap na mag-isa doon sa art room ng eskwelahan n'yo at ginagawa ang sunod mong art which was a portrait."

Sandaling napatingin sa kawalan si Gael na tila ba bumalik ang isip nito sa eksaktong araw na nagkita ulit kami saka siya ulit humarap sa akin at nagpatuloy.

"You were so beautiful at that time. Lousy hair tied at your back, loose strands covering your slightly sweaty face, paint splatter all over your arms and some on your face at hindi mo na nga rin napansin iyong mga pintura doon sa malaking, oversized t-shirt na suot mo at paanong nakalaylay na iyong isang parte ng t-shirt sa balikat mo, showing me your beautiful, sculpted shoulders. Naka-Indian sit ka pa doon sa high stool mo na akala mo nasa bahay ka lang at sobrang focus na focus sa ginagawa mo to the point na hindi mo ako narinig no'ng mangilang beses kitang tinawag o kahit na no'ng nakatayo na ako sa likod mo at pinapanood ko doon sa ginagawa mo."

Agad rumihistro ang isang tunay na ngiti sa labi ko nang maalala ko na gano'n nga ako magtrabaho sa mga painting ko noon. Tipong nawawala ako sa realidad ng mundo at nakatuon lang ang atensyon sa ginagawa kong art.

"Would you like to know who's your muse on that portrait?"

"Sino?"

"It was me. You we're unconsciously painting my face, Eliz."

Matagal akong napatitig sa mga mata ni Gael, inaalam ang katotohanan sa mga sinabi niya.

But instead of only truth, all I see in his eyes right now are pure love... for me.

"We had an instant connection no'ng una tayong magkita sa mall," paliwanag pa niya saka nagpatuloy. "Probably, it was your art and fate that pulled us to one another. Hindi ako iyong tipo ng tao na naniniwala sa mga bagay na hindi naipapaliwanag ng Math at Science. But when I saw your portrait of me and when our eyes met after you lose your focus for a few seconds, at that moment I realized that I'm so madly attracted to you, Eliz."

"Gael..." nabulong ko na lang ang pangalan niya habang napakapit sa tapat ng dibdib ko dahil tila binibiyak ang puso ko sa mga oras na ito.

"And you know the next ridiculous thing that I did after that?" tanong niya. "I kissed you. Right there and then. And just when I thought I'll get a response, you kicked me so hard on the gut that made us fall down on the floor with a terrible back pain afterwards."

"I'm sorry..." nasabi ko para doon sa ginawa ko noon.

Natawa si Gael habang winawasiwas ang isang kamay sa ere. "Huwag kang mag-sorry, babe, dahil isa rin iyon sa mga nagpalakas ng pagkagusto ko sa'yo. Wala pang babae ang nakagawa no'n sa akin. Ikaw rin ang kauna-unahang babae na nag-reject sa akin nang maraming beses bago ka naawa at pumayag na sa date na hinihingi ko," natatawa pang dugtong niya.

Tahimik kong pinanood si Gael habang nagkukwento pa siya ng ilan sa mga nakakatawang ginawa ko sa kanya—mula doon sa pagre-reject ko sa mga dates, sa hindi ko pagpayag na bayaran niya ang ticket ko sa sinehan o kahit doon sa kinakain namin at hanggang doon sa pagtakas at pagdaan ko sa likod ng eskwelahan namin dahil hindi kaya ng pride ko ang sumakay sa kotse niya at magpahatid doon sa amin dahil hindi pa naman kami official na mag-boyfriend at girlfriend.

"I kept asking you to be my girlfriend pero ilang beses mo akong binasted, telling me na hindi ka pa handa, na gusto mo munang magtapos sa pag-aaral, and I did. I waited for you to finished your art school bago mo ako sinagot," wika pa niya na may ngiti sa labi. "I fell in love with your determination, baby. Mapa-sa pag-aaral mo man o sa passion mo sa art, alam mo lagi kung anong gusto mo para sa sarili mo at hindi ka madaling nai-impluwensyahan ng mga tao—kahit pa nga ilang beses na akong nagpatulong sa mga kaibigan mo noon na pilitan ka nang sagutin ako."

"Talaga?" nasabi ko na lang saka may lumitaw na isang importanteng tanong sa isip ko. "Gael, huling tanong."

"Kahit ilang tanong pa. Sasagutin ko silang lahat. Just ask me everything," sabi niya saka kinuha ang mga kamay ko.

"M-may..." nagdadalawang-isip na sabi ko saka huminga nang malalim at nilunok ang lahat ng natitira kong hiya sa katawan. "May nangyari ba sa atin no'ng naging tayo?"

Nakita ko ang sandaling pagkagulat at pagkalito sa mukha ni Gael sa naging tanong ko.

Pero maya-maya pa ay muli niyang dinala sa labi niya ang mga kamay ko bago siya sumagot.

"Yes, baby. There was. A lot of times to be specific."

"Ikaw ba ang unang lalaki sa buhay ko?"

"I am. You were a virgin when I first have you," mabilis na sagot ni Gael. "We had our first love making sa mismong araw na sinagot mo ako. I told you. I have my urges. At hindi ko na napigilan ang sarili ko no'ng mga panahon na iyon. I'm just so madly, deeply, in love with you that I can't take another day of wasting a chance to fully feel and claimed you."

Matapos sabihin ni Gael ang mga bagay na iyon ang nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtawid sa maliit na espasyo sa pagitan namin dito sa sofa at iyong hindi pag-alis ng mga tingin niya sa bahagya kong nakaawang na labi.

"A-anong ginagawa mo, Gael..." Hindi nagmukhang tanong ang mga sinabi ko bagkus ay tila bulong na lang iyon nang lumabas sa bibig ko.

"Let me prove to you once more how much I love you, Eliz," sagot pa niya habang habol ang hininga at hinawakan ang baba ko para itaas iyon palapit sa kanya. "Let my body show you how much we were in love."

Sinusubukan kong umatras mula sa paglapit ni Gael. Pero dahil na rin sa liit nitong sofa, hindi naging sapat ang laki no'n para tuluyan akong makawala.

At sunod ko na lang naramdaman ang mainit at mapusok na labi ni Gael sa labi ko, ang isang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa batok ko habang ang isa naman ay nagsisimula nang dumausdos mula sa binti ko, paakyat sa tiyan ko.

"What do you expect me to do? Take all your shits and move on as if nothing happened?"

Bigla kong naidilat ang mga mata ko saka nanlaki ang mga iyon nang biglang rumihistro sa isip ko iyong mga sinabi ni Eros at ang galit sa mukha nito.

"G-Gael..." tawag ko sa atensyon niya habang pilit kumakawala sa mga halik na binibigay niya sa leeg ko ngayon. "Gael!"

Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang malakas kong isigaw ang pangalan niya saka siya marahas na tinulak palayo sa akin bago ko binalot ang mga braso ko sa katawan ko at doon sa naangat na niyang damit ko.

"H-hindi pa ako handa..." nasabi ko na lang saka nakagat ang dila ko sa loob ng bibig ko dahil sa kasinungalingang sinabi ko.

"O-of course..." pilit ang tawa na sabi niya saka napasuklay sa buhok nito at lumayo sa akin nang bahagya. "Of course. Sorry, baby. Nadala lang ako ng emosyon."

Tumango na lang ako bilang sagot saka dahan-dahang umalis sa ibabaw ng sofa at dinampot iyong mga tasa namin ng tsokolate sa sahig.

"Ibabalik ko lang 'to sa may kusina..." paalam ko na lang saka dali-daling tumalikod at umalis sa harapan niya.

Bago ako tuluyang makalayo, muli akong napalingon sa direksyon ni Gael saka nakita ang pagsabunot nito sa buhok nito at pagbagsak ng katawan doon sa sofa na tila ba naiinis ito sa sarili dahil sa nangyari.

Napabuntong-hininga na lang ako sa nakita ko saka naglakad papunta sa may kusina at pilit inaalis sa isip ko iyong mukha ni Eros.

Huwag mo na siyang isipin, Eliz, paulit-ulit kong mantra sa isip ko hanggang sa makarating ako sa kusina.

Pero bago ko pa mailapag ang mga tasa na dala ko, napakunot-noo ako nang makitang nakabukas ang likurang pinto dito sa may kusina at basang-basa na ang sahig ng malakas na ulan.

Nakalimutan sigurong isara ni Gael, sa isip ko na lang saka panandaliang nilapag sa mesa ang mga baso saka naglakad papunta sa may pinto.

Nahawakan ko na ang seradura ng pinto at akmang isasara iyon nang may bigla na lang akong naramdaman na makapal na tela na bumaon sa pagitan ng labi ko saka sunod may malaking kamay na may hawak ng panyo ang tumapik sa bibig at ilong ko at nakaamoy ng isang masangsang na amoy.

At hanggang sa ang huli ko na lang naalala ay ang pagbagsak ng katawan ko sa kamay ng kung sino mang malaking bulto sa likuran ko sunod na pagdilim ng mga paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 23
I never had any experience dating men. Never had the chance to enjoy my life on my own. Never experienced to be an ordinary girl. Parties. Dates. Fir...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
133K 9.7K 52
I followed every rule, every code that was taught in me at the academy. I was blindly following those men that I looked up to. Until someone made m...
899K 22.2K 35
Ysobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own pla...