Baka Sakaling Bukas

By Yanniee05

5.5K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. More

Baka Sakaling Bukas
Chapter 1: Prince Yuan
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 13: Reason for leaving
Chapter 14 - The Confrontation
Chapter 15: Paampon muna ha?
Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 21: Shall we just end this here?
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 20: Kaibigan lang.

117 2 0
By Yanniee05

June 8, 2019 - Saturday

Medyo matagal na rin akong hindi umuuwi sa bahay kaya eto kami ni Jace ngayon, pabalik na ng Manila para ihatid ako pero sabi ko kahit hanggang sa Ayala na lang niya ako ihatid kasi ma o-out of way pa siya kasi sa Manila pa ang uwi niya at ayun naman ang napagkasunduan namin kahit na nagpilit pa siyang ihatid ako sa mismong bahay ko. Ayoko naman kasi ano na lang iisipin ng magulang ko kapag nakita siya 'no? Ang tagal kong hindi umuwi tapos makikita nila lalaki pala kasama ko haha baka mapalayas pa ako ng tuluyan.

Buti na lang at traffic dito sa SLEX kasi kahit na ilang araw kaming magkasama ni Jace, pakiramdam ko kulang na kulang pa rin 'yun haha ewan ko ba. Kung pwede nga lang na magsama na kami sa iisang bahay, baka pumayag ako e hahahaha! Parang ang bilis kasi ng ikot ng oras kapag kasama ko siya. Nakakagaan ng pakiramdam. Para bang kahit saglit, pansamantalang nawawala ang mga lungkot at problema ko sa buhay.

"Naiisip kong tumigil sa pagiging prof." Sambit niya habang nakahilig ako sa kanyang balikat at magkahawak ang aming mga kamay habang nakatanaw kami pareho sa labas ng bus pinagmamasdan ang napakalakas na pag buhos ng ulan.

"Bakit naman? Ano na plano mo?" Tanong ko. Sayang naman kasi. Parang ang saya kaya maging prof. Yung tipong ikaw 'yung parang boss na pinapakinggan at sinusunod tsaka akala ko ba nag e-enjoy siya sa pagiging prof?

"Ewan." Natatawang sabi niya.

"Ang dami. Hindi ko alam kung gusto ko lumipat sa ibang school as full-time o mag full-time pa rin ako sa univ natin then part-time sa iba. O pwede rin change of career. Baka corporate ganun. Okaya I'll stop working muna to focus on my further studies ganun hahaha ewan ang gulo. Ang dami kong choice, hindi ko alam kung anong tama. Pero okay naman ako sa univ natin as full-time. Gusto ko lang talaga mag part-time sa ibang school haha ginugulo ko lang talaga isip ko pero 'yun lang talaga gusto kong mangyari. Mamaya magbabago ulit isip ko pero mamaya babalik ulit dyan desisyon ko." Natatawang sabi niya. Napaka indecisive niya mula noong nagka-issue saamin nila Issa at mula noong nagka-issue sa pamilya nila. 

Well sabagay. Ikaw nga ba naman ang mabawian ng inheritance, talagang magbabago takbo ng buhay mo e. 

"Edi maghanap ka na ng school. Sus kayang-kaya mo naman 'yan! Maganda naman credentials mo, sure tanggap ka naman niyan." Sabi ko.

"E ano, iniisip ko lang kung kaya ng time. Kasi wala na akong uuwian sa Manila sa August so sa Laguna na ako uuwi everyday. Unti-unti na nga akong naghahakot ng gamit e kaya 'yung condo karamihan furnitures na lang natitira." Sabi niya.

"Binenta mo na lahat ng properties mo dito sa Manila? Bakit?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Ayoko na ng Manila life. Masyadong magulo, traffic, puro pollution. At least doon sa Laguna, malapit lang din naman sa Manila pero peaceful tsaka less pollution. Tsaka kung doon ako, mas makakakain na ako ng maayos kasi may taga-luto. E dito sa Manila, lagi lang akong sa fast food o karinderya kumakain e."

Karinderya? 

Si Jace kumakain sa karinderya???

Hindi ko ma-imagine.

"Tsaka less expenses na rin. Monthly bill ng condo, laba, tubig, kuryente, LPG. Alam mo ba umaabot ng 50k expenses ko every month. Parang 'di kasi praktikal. Lalo na kasi mag-isa lang ako tapos penthouse pa 'yung condo ko." Sabi niya.

Seryoso??? Iniisip din pala nito mga gastos niya???

Pero sabagay, 50k pero month is too much nga naman.

"Naiisip mo pa talaga 'yun?" Natatawang tanong ko.

"E syempre 'no. Dapat laging practical and wise." Sabi niya, well sabagay. Tama nga naman. Kahit gaano karami ang pera mo, kung gastador ka naman, maghihirap ka talaga sa huli.

"Edi ano, pano 'yun? Kaya ba naiisip mo umalis sa univ natin kasi lilipat ka na ng work sa Laguna?" Tanong ko.

Edi magkalayo na kami?

Hindi na kami madalas makakapagkita at makakalabas? Lalo na kapag may trabaho na ako kasi gabi na lagi ang uwian ko nun. Weekends naman hindi kami sigurado lagi kung makakapagkita kami kasi minsan may ganap siya like seminar, ako naman may lakad with family.

Ang hirap na nga namin makapagkita kasi para bang ang layo-layo ng Makati sa Manila e. Paano pa kaya ang Makati at Laguna? E ang traffic traffic at masyadong fucked up ang transportation system dito sa Pilipinas.

Umiling siya, "Hindi naman."

"E pano 'yan? Uwian ka araw-araw??? Edi ang hassle nun? Ang tagal ng byahe. Mahirap sumakay, traffic." Sabi ko na para bang pinipigilan siyang lumayo.

"2 hours lang naman maximum time ng byahe. Tsaka kaya ko naman. I've been doing it most of the time this past few days. Mas mabilis pa nga byahe mula Manila pa-Laguna kesa Manila to Makati e." Sabi niya.

"Di ba nakakapagod? Edi pano 'yun kapag late ka na uuwi e wala nang bus sa gabi?"

"Hindi naman haha pinipigilan mo ba 'ko?" Tanong niya.

Umiling ako, "Hindi naman. Parang ang hassle kasi. Pero ewan, ako kasi prefer ko 'yung workplace ko sobrang lapit sa bahay like walking distance lang."

"Request ko namang schedule sa uni natin, 10:30-4:30pm e. Sakto pag uwi ko sa Laguna 7 or 8 na. Not bad pa rin naman." Sabi niya.

Sabagay...

Hindi agad ako kumibo pero isa lang ang gusto kong itanong sakanya...

"Jace, magkikita pa ba ulit tayo?" Malungkot na tanong ko.

Naiisip ko kasi 'yung nangyari sa amin. Baka kasi 'yun lang talaga ang gusto niya at ngayong nakuha niya na ang gusto niya, baka naman hindi na ulit 'to magpakita sa akin.

"Ano ba namang tanong 'yan?" Parang naiinis na tanong niya.

"Di kasi kung hindi na, okay lang naman. Pero magsabi ka, magpaalam ka. I'll let you go naman kung saan ka sasaya e. Ayoko lang 'yung katulad nung nangyari dati na bigla ka na lang nawala na parang bula." Tugon ko, hindi ko nga alam kung bakit naiisip ko 'to e. Parang ang paranoid ko.

Inakbayan niya ako at niyakap, "Ano ka ba, kung naiisip mong aalis ako dahil lang sa nangyari, nagkakamali ka. Gago ako pero hindi ganun kagago. Lalo nang hindi ko na kayang maging gago pa ulit sayo."

Medyo napangiti naman ako, pero tinago ko sakanya nang kumalas siya sa yakap. Baka isipin niya kasi, asang-asa na 'ko sa kanya e.

"E pero pano kapag may trabaho na 'ko? Edi ikaw flexitime, tapos ako mukhang mawawalan na ng time sayo kasi usually 8-5 o 9-6 sa corporate diba? Tapos kapag weekends naman busy ka minsan dahil sa events." Tanong ko na para ba akong bata na nanghihingi ng assurance.

"I can make time for you naman ha. Actually noong isang araw may forum dapat ako tapos emcee ako dun, tapos kahapon naman guest speaker dapat ako sa ibang univ, then ngayon may dinner dapat ako with ASEC ng DTI. Pero syempre, priorities." Sabi niya, napatingin naman ako sakanya

"Bobo! Bakit mo tinurn down????" Naiinis na tanong ko sakanya. Sayang naman kasi yung mga opportunities! E malinaw na mas mahahalaga naman 'yun kesa sa akin. Kasi 'yung opportunities, limited lang 'yan. Bihira dumating. E 'yung tao naman, nababalikan as long as maiintindihan niya 'yung rason. In this case, maiintindihan ko naman kung pupunta siya dun kesa sa samahan ako e. Kasi hello?!?!?! Sayang!

"E syempre I know you need someone... Me, ganun. Yung sa emcee part, binigay ko na lang sa friend kong fresh grad 'yung opportunity kasi mas kailangan niya 'yun to build connections. Ang hirap kaya mag start ng career sa course namin. Yung sa guest speaker part naman, hindi ko masyado trip 'yung topic. Tapos 'yung kay ASEC naman tinanong niya lang naman ako kung kailan convenient sa akin, kung pwede raw today. Sabi ko naman may prior commitment na 'ko so maybe he'll reschedule our dinner na lang." Tugon niya.

Okay, ayan. Ang galing galing niya talagang mag rason!

"Alam mo, isa sa gusto ko sayo 'yang reasoning skills mo. Laging lusot amp! Bagay ka ngang maging Atty. Rivas. Ayyyy, Gosingtian na nga pala." Sabi ko, natawa lang naman siya.

"Which is better? Rivas o Gosingtian?" Tanong niya.

"Nakilala kita as Niccolo Jace Rivas pero syempre dun tayo sa pangalan na mas malakas ang dating." Sabi ko.

"Hmmmm okay, edi Gosingtian nga." Sabi niya habang nakangiting tumatango-tango.

"Kung magpapakasal tayo, anong gusto mong gamitin? Seung, Rivas, o Gosingtian?" Tanong niya na ikinagulat ko naman kaya natawa na lang din ako.

"Gago amp!" Natatawang sabi ko.

"Ano nga? Sus! Nahihiya ka pa!" Natatawang sabi niya.

"Eh syempre kung anong gamit mo. Ikaw ba anong pinakagusto mo? Dami mo naman kasing pangalan. May Chinese name ka pa diba." Sabi ko.

"Yucaico sana kasi doon sa side na 'yun 'yung ramdam kong family talaga. Kaso 'di ko naman pwedeng gamitin 'yun dahil sa kasunduan ng pamilya. So... Dati ayoko, pero ngayon ko na-realize na it's best to use Gosingtian. So 'yun, edi Gosingtian." Sabi niya.

Tumango ako, "Oo nga. Kahit na let's say na oo nga, not in good terms kayo pero think of the recognition na lang. Kilala ka, may pangalan ka. Kapag ganun ibig sabihin mas marami pang opportunities na darating sayo... Madali ka makakahanap ng trabaho, maiinvite ka sa mga event, forum kasama 'yung ibang mga bigating tao, mas respetado ka, ganun. Diba?" Sabi ko.

"Oo, 'yun na lang din iniisip ko lalo na kasi nag bu-buy and sell ako ng properties ngayon as a side hustle. Mas natataasan ko ngayon 'yung value because ayun nga, I bear the bigating surname, tsaka mas madali makabenta. Parang tumataas din pala 'yung value ko as a person kapag 'yun ang gamit ko." Tugon niya.

Tumango na lang ako dahil malapit na rin pala ako sa bababaan ko.

"Malapit na pala 'ko." Sabi ko. Ngayon ko lang kasi na-realize na nasa Magallanes na pala kami at sa Ayala, bababa na 'ko.

"Sure ka, ayaw mo magpahatid hanggang sa bahay niyo?" Tanong niya.

"Sa susunod na lang." Nakangiting sabi ko naman.

Hindi pa naman kasi ako sa bahay di-diretso. May lakad pa ako, pero parang hindi naman na kailangan malaman ni Jace. Hindi na mahalaga 'yun.

"Kailan tayo sunod na magkikita?" Tanong niya.

Hmmmm... Sabado ngayon...

"Sa Monday. Magpapa grad pic ako sa Manila e. Tapos after, movie tayo?" Anyaya ko.

"Sige." Nakangiting tugon niya.

"Tapos, kailan sunod after nun?" Tanong niya.

"Hmmmm.... Ahhhhh! Alam ko na. Hayaan muna nating mamiss natin ang isa't-isa. Diba next next week na 'yung out of town natin?" Sabi ko. Bigla tuloy akong na-excite para sa out of town trip namin.

Nang malapit na kami sa Ayala, umalis na ako mula sa pagkakasandal ng ulo ko sakanya at sa pagkaka-akbay niya sa akin.

"Dito na 'ko." Sabi ko sakanya habang hawak ang kanyang kamay.

"Mag-ingat ka ha?" Paalam ko.

"Mag-iingat ka rin. See you sa Monday ha?" Sabi niya naman.

Nakangiti akong tumango sakanya at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago ako tumayo mula sa aking pagkakaupo.

"I love you." Sabi niya. Nginitian ko lang naman siya at kumaway bago maglakad patungo sa harap ng bus.

...........

Naka-dekwatro ang aking mga binti at naka-halukipkip naman ang aking mga braso habang pinapanuod ko si Jess na sinesermonan ako na para bang boyfriend ko siya.

Aba si gago, galit na galit! Saan daw ba ako pumunta, bakit daw hindi man lang ako nagsabi, bakit daw kailangan ko umalis. Ganun, ang daming tanong, ang daming sinasabi. Nakakainis!

"Ano bang pake mo?" Tanong ko at inirapan siya. Kanina pa masama ang tingin ko sa kanya at nagsawa na ako sa itsura niyang mamula-mula na dahil sa galit kaya sa iba ko na ibinaling ang tingin ko.

Nakita ko sa gilid ng aking paningin ang pagkuyumos ng kanyang kamay.

Gigil na gigil talaga.

Paano pa kaya kapag nalaman niyang si Jace ang kasama ko? At doon ako sa bahay ni Jace tumira ng ilang araw.

O baka naman alam niya?

Pero hindi.

Malabo.

Oo, nag post ako sa Facebook at nag IG Story rin ako. Pero sigurado akong naka-set ang privacy settings ko para hindi makita ni Jess ang mga post ko. Pati nga sa mga kaibigan niya, naka hide din ang mga stories and posts ko para wala talagang makarating sa kanya.

"Una sa lahat, saan ka nga nanggaling?" Medyo kalmadong tanong niya.

"Sagada nga! Oh, keychain." Sabi ko at inabot pa sa kanya ang isang keychain na binili ko.

"Oh, e bakit doon? Bakit kailangan malayo?" Tanong niya.

"Bakit ba ini-interview mo 'ko? Ha??? Anong pake mo?" Naiinis na tanong ko.

"Tangina, Keena. Tigil-tigilan mo 'ko sa ganyang ugali mo ha! Nakakainis! Kaibigan kita at mahalaga ka sa akin kaya may pake ako sayo. Hindi mo ba naiintindihan 'yun? Kaya umayos ka! Sumagot ka ng maayos! Wag kang mag gagu-gaguhan!" Galit na sabi niya.

Aba at totoong galit na si Gago ha?

"Kalma! Wag kang magalit! I'm back and I'm fine. There's no reason para magalit ka pa. Nagagalit ka ba kasi di kita sinama?" Sabi ko, medyo pabiro pa 'yung huli para naman mag hunos-dili siya.

"Oh, sagutin mo na tanong ko. Bakit doon?" Medyo kalmadong tanong niya.

"It's a familiar place for me tsaka solo-traveler friendly destination naman doon. Tsaka kalmado buhay doon. Tahimik, walang polusyon, malamig, refreshing. That's what I need. Kung mag Ta-Tagaytay o Baguio ako e ang gulo-gulo naman. Masyadong hyped. Gusto ko lang naman mag-isip-isip sa tahimik na lugar. Yung mag-isa lang ako tapos walang manggugulo sa akin." Sabi ko.

"Sinong kasama mo?" Tanong niya.

Medyo napatigil ako...

"Bakit ba parang mas concerned ka pa sa walang paalam na pag-alis ko kesa sa totoong issue?!?!?!??" Tanong ko, sinusubukang ibahin ang topic.

"We'll get there. Sagutin mo muna mga tanong ko. Sinong kasama mo?" Seryosong tanong niya.

"W-wala! Diba nga gusto ko mag-isa ako?!?!?? Yung walang manggugulo sa akin? Kaya malamang, wala!" Sabi ko at umirap pa.

Jusmiyo, Lord! Napakasinungaling ko.

Hindi ko alam kung may alam ba itong si Jess kaya medyo kinakabahan ako. Pero kung sasabihin niya sa akin na alam niya ang totoo, hindi ko naman itatanggi. Pero as long as wala siyang sinasabi, hindi ko sasabihin ang totoo.

"Bakit ka umalis? Dahil ba sa mga trending threads ng ex ni Jace????" Tanong niya kaya naman medyo nakahinga na ako ng maluwag at umiling ako.

"Isa 'yun. Pero main reason is nag-away-away kami sa bahay. Wala, 'yung typical cause of away lang naman. You know what it is. Eh kaso ang dami kong iniisip kaya I decided to go and get refreshed."

"Anong sabi ng fam mo?" Kalmadong tanong niya na.

Nag kibit-balikat ako, "W-wala... Hindi ako hinahanap." Medyo naluluhang-sagot ko.

Hindi naman siya kumibo at hinalo na lang ang frappe niya na halos hindi pa nababawasan.

"How are you? Alam ko ang hirap ng sitwasyon mo ngayon. Napag-uusapan ka tapos pamilya mo pa. What do you feel? Anong naiisip mo? Like I mean, may improvement ba ngayong nakauwi ka na?" Tanong niya.

"Okay lang ako... Okay na." Sambit ko.

"Hindi naman ako apektado sa issue kay Issa. Mas apektado pa rin ako sa issue ko sa pamilya ko tsaka direksyon ko sa buhay na hindi ko na maintindihan kung saan patungo. Nagatungan pa kasi ng tweets ni Issa e.." Dugtong ko.

"Di ka apektado kahit pinag-uusapan ka na? Lalo na sa school. Alam mo naman. Mabilis kumalat ang balita." Tanong niya.

Umiling ako, "Sus. Bakit naman ako magpapa-apekto? Okay lang naman na mapag-usapan ako. Nakakasikat pa nga e. Tsaka alam kong wala naman akong kasalanan sakanila. Hindi ko naman natapakan ang pagkatao nila. Kung may tao akong nasagasaan, si Issa lang 'yun."

"Buti naman kung ganun. Tama yan." Sabi niya.

"Ano naman sabi ni Jace? Kinausap ka ba? Ano? Concerned ba?" Tanong niya, tinignan ko siya para makita sa kanyang facial expression kung may alam ba siya o wala. Pero parang wala naman...

"Nangumusta naman. Nag sorry. Pero hindi ko na ni-replyan." Pagsisinungaling ko.

Hindi ako sanay mag sinungaling, lalo na kay Jess kaya siguro naman hindi mag hihinala 'to... Sana.

"Sabi ko naman sayo e. Ipapahamak ka lang nun." Sabi niya, sinimangutan ko naman siya.

"Alam mo, Jess. Nakakagago na. Hindi ko maintindihan kung bakit ba lagi kang parang galit dun sa tao. Hindi ka naman inaano. Tsaka hindi mo naman kilala 'yun, diba? Nakilala mo lang dahil sa mga kwento ko. Pero tangina nakakainis kapag nagsasalita ka na para bang kilalang-kilala mo siya. Tsaka tangina, ano ba? Hindi naman ako pinahamak nung tao ha? Wala namang masamang nangyari sa akin ha? Umayos ka nga. Ikaw 'tong laging nagsasabi na wag na natin siyang pag-usapan pero ikaw rin naman laging nagpapasok sakanya sa usapan natin. Nakakagago na." Sabi ko.

"Wow galit ka? Pasalamat ka nga concerned ako sayo e! E-"

"Hoy tangina. Wala akong pakialam kung concerned ka o hindi! Kaya ko mag-isa sarili ko. Hindi ko kailangan ng putanginang moral support niyo! Hindi ako katulad niyo na napaka dependent sa ibang tao! Hindi ko kailangan ng validation niyo!" Pag putol ko sa kanya kaya hindi niya na naituloy 'yung sinasabi niya, napatahimik naman siya at tumingin sa malayo.

"Tangina, nag-uusap ba ulit kayo?" Medyo mahinahon na tanong niya pero mainit pa rin ang ulo.

"Mula sa araw na 'to, Jess. Tandaan mo, wala kang pakialam sa buhay ko. Wag ka umastang boyfriend ko. Kaibigan lang kita." Sabi ko at tumayo mula sa aking pagkakaupo.

"Nag-uusap man kami o hindi, hindi ko sasabihin sayo... Bahala ka nang alamin sa sarili mo!" Sabi ko at umalis.

Bwiset. Nakakainis!

Gets ko naman na concerned siya. Pero parang ang OA na kasi. Nakakainis na lagi niya na lang pinagsasalitaan ng masama si Jace na para bang alam niya buong pagkatao nun.

Oo, kaibigan ko siya. Kaibigan lang. At alam niya 'yun! Alam niya dapat ang limitasyon niya sa pangingialam sa buhay ko. Nakakainis talaga! Umaasta na para bang boyfriend ko siya!

"Putanginang buhay 'to." Bulong ko habang unti-unting namumuo ang luha ko sa gilid ng aking mga mata habang mabilis akong naglalakad.

"Kapag malungkot ka, sasabihin nila hanapin mo 'yung posibleng maging source of happiness mo. Kapag nagiging masaya ka na, kokontrahin ka." Bulong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako, nagulat ako nang matanaw ko si Asti... Yung heir ng Yucaico na pinsan ni Jace...

Marami siyang kasama na bodyguards.

"Ayyy putangina." Bulong ko sa sarili ko nang maalala kong nasa Yucaico Tower nga pala ako kasi ang usapan namin ni Jess sa malapit sa school lang kami magkita.

Mag-iiba pa lang sana ako ng daan kaso nagtama na ang aming mga mata.

"Keena!" Tawag niya sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

"A-asti..." Sambit ko sa pangalan niya.

"What are you doing here? Umuwi ka na rin pala. Si Jace?" Tanong niya sa akin.

"Ahhh... Ano, may inasikaso lang ako sa school hehe. Uuwi na rin ako sa amin. Si Jace naman umuwi sa condo niya." Sabi ko.

Jusmiyooo! Malamang mababaggit niya kay Jace na nakita niya ako dito. E ang alam ni Jace di-diretso na ako sa bahay.

"Paano ka uuwi? Gusto mo ipahatid kita?" Tanong niya.

Umiling naman ako, "Nako, wag na. Salamat na lang. Nakapag book na ako ng Grab e." Pagsisinungaling ko.

Punong-puno ata ng kasinungalingan itong araw na 'to. Tangina.

"Sige na Keena ha. Mauuna na 'ko, may meeting pa ako e. We'll see you next time ulit ha!" Sabi niya gamit ang kanyang nakakatuwang boses na ang lakas ng Chinese accent.

Ngumiti at tumango na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nagulat ako nang may biglang humawak ng mahigpit sa aking braso.

"Bakit kausap mo 'yun? Diba CEO 'yun?" Si Jess nanaman pala. Sumunod pala.

Narinig niya kaya mga usapan namin ni Asti?

"Wala kang pake." Sabi ko at nagmamadali nang umalis para iwasan siya.

Bwiset.

Bwiset talaga! 

Continue Reading

You'll Also Like

342K 9.5K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...