Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty Nine

23.3K 661 57
By DarlingVee

Chapter Twenty Nine

Eliz

GAYA NANG inaasahan, nagsimulang bumagsak ang naglalaking patak ng ulan.

Sa kabila ng pagpapadagdag hirap ng ulan sa akin na makita ang daan, ginamit namin ni Eros ang pagkakataon na iyon na makatakas mula sa pinagtataguan namin kanina at mas makalayo pa doon sa mga humahabol sa amin nang hindi nila natutunugan.

Pero hindi gaya ko, naging madali lang para kay Eros na akayin ako sa mas masukal pang parte ng kagubatan na tila ba wala lang sa kanya iyong dagdag pahirap ng ulan na pumapalibot sa paligid. Ganito niya talaga siguro kaalam ang buong isla para magawa niya ang bagay na ito.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang minuto o oras na ba kaming naglalakad pero may pakiramdam ako na sobrang layo na namin ngayon sa cabin. Kaya kahit papaano, bahagya na rin akong nakaramdam ng kaligtasan para sa buhay naming dalawa.

Isa pa sa nakakapagpalubag ng loog ko ay ang mahigpit na hawak ni Eros sa isang kamay ko habang inaakay niya ako sa dilim.

Sa ilang beses na nalagay ang buhay ko sa panganib, ngayon ko lang mas naramdaman iyong presensya ni Eros—kung paanong iyong kaalaman na nandito lang siya sa tabi ko, ligtas at kasama ko, ay sapat na para mawala iyong natitirang takot sa puso ko.

"We'll swim from here."

Napatingin ako sa malawak na sapa na nasa harapan namin ngayon at doon sa napapakinggan kong malakas na agos ng batis sa may 'di kalayuan.

"H-hindi ako marunong lumangoy," sagot ko sa kabila ng nangangatog kong labi dahil sa matagal na pagkakababad sa ulan at lamig.

"You can try walking. Hindi naman gano'n kalalim ang tubig."

Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang trauma ko sa tubig. Kung dahil pa 'to doon sa muntik ko nang pagkakalunod sa dagat no'ng nakaraan? Sa malabo kong alaala na may kinalaman din sa tubig? O, doon sa walang kasiguraduhan na mababaw nga lang iyong tubig na nasa harapan namin ngayon.

"C'mon, Monique!" wika pa sa akin ni Eros saka inabot ang isang kamay niya sa akin habang ito ay nasa tubig na pala nang hindi ko namamalayan. "Trust me. You'll be fine. I'll keep you safe."

Sa kabila ng takot at nangangatog kong katawan, sinubukan kong abutin ang kamay ni Eros. At nang makuha na niya iyon ay mahigpit niya iyong hinawakan saka ako inakay nang dahan-dahan sa tubig.

Hindi pa nagtagal ay naging relax na ang mga binti ko sa ilalim ng tubig at maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa tapat ng rumaragasang tubig ng batis.

"Sandali. Hindi ba ito iyong batis malapit sa kubo?"

"It's not. But there's a passage inside that will lead us there."

"Ibig sabihin, makakabalik na tayo sa mansyon?"

"In due time, yes."

Marami pa sana akong gustong itanong pero si Eros na mismo ang nagpahinto sa akin saka ako hinila patawid sa malakas na tubig ng batis.

At nang makatawid na kami doon ay saka bumulaga sa akin ang isang maliit na kweba.

"Wait here," dinig kong sabi ni Eros kahit hindi ko siya makita sa dilim saka ko naramdaman na inakay niya ako sa kung saan at napaupo ako sa matigas na bagay na sa tingin ko'y yari sa kawayan.

Ilang sandali pa ay nasilaw ako sa liwanag na bigla na lang lumitaw sa may isang sulok, sunod kong nakita si Eros na may sinisindihang sulo na nakadikit sa may pader ng kweba.

"Now let's hope those bastards refill my supplies here," dinig ko pang sabi ni Eros saka ito may kinalkal na kung ano sa malaking baul na nasa tabi nito.

Tahimik ko lang pinanood si Eros doon sa ginagawa niya at habang tinataas-baba ang dalawang kamay ko sa braso kahit papaano ay bigyan ng init ang tila kasing lamig na ng yelo na balat ko.

Hindi ko rin maiwasan na obserbahan ang paligid at iyong mga gamit pangingisda, itak at ilan pang bagay na p'wedeng makatulong sa'yo sa loob ng kagubatan gaya nitong nasa isla.

"Take off your clothes and cover yourself with this," narinig ko muli ang boses ni Eros saka ko mabilis sinalo iyong makapal na kumot na binato niya sa direksyon ko.

"H-hindi na kailangan. Okay lang sa akin na basa ang damit ko," nautal pang sagot ko dahil sa bigla kong pagkakaalala sa nangyari sa amin doon sa cabin kanina bago kami hinabol no'ng mga lalaki na iyon.

"This is not the right time to get conscious, Monique," narinig kong sabi niya saka siya humarap sa akin at nakita ko ang nakakalokong ngisi sa labi nito. "Besides, I've seen it."

"H-hindi lahat ano!" namumula ang pisngi na depensa ko.

"A man can imagine, Monique. We learned that skill from our series of wet dreams during puberty," nakakalokong komento ulit nito saka nagpatuloy. "Now, take off your clothes or I will do the honor of ripping them off for you. You can choose. And I don't mind the latter."

Malakas akong napasinghap doon sa sinabi niya na kinatawa naman niya.

"T-tumalikod ka!" nasabi ko na lang sa pinaghalong inis at pagkahiya. "Sinabi kong tumalikod ka, e!"

"Alright," sagot na lang nito na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay nito sa ere saka naman ito nagsimulang alisin iyong basang polo nito. "No peeking, Monique. I can feel your stare behind my back. And also, wipe that drool please."

Mabilis kong naipahid ang likod ng kamay ko doon sa bibig ko dahil doon sa huli niya. Pero laking inis ko nang makita na wala namang laway doon.

Mas lalo pang dumagdag sa inis ko iyong pagtawa niya. Kaya nang mahubad ko ang basa kong blouse ay mabilis ko iyong binato papunta sa direksyon niya na mabilis naman niyang naiwasan.

"Calm down, woman! No one dies from wet clothes."

"Bastos!" sigaw ko na lang sabay irap at sinimulan na ring hubarin iyong natitira pang saplot sa katawan ko, at habang hindi inaalis ang tingin ko kay Eros sa takot na baka bigla itong lumingon.

Sinama ko na ring alisin iyong underwear na suot ko dahil maging ang mga iyon ay basang-basa na at alam kong makakadagdag lang iyon sa hindi pagiging kumportable ng katawan ko mamaya.

Matapos kong matanggal ang lahat ng suot ko ay agad kong ibinalot ang makapal na kumot sa hubad na katawan ko saka iyon mahigpit na binuhol sa may tapat ng dibdib ko.

"Are you done? Can I turn now?"

"O-oo. Tapos na..." naiilang na sagot ko saka nakita ang nakakairitang ngisi sa labi niya. "Sige lang! Tumawa ka lang! Parang ang saya-saya mo talaga kapag nasisira mo araw ko, ano?"

"Sort of. It's fun teasing you. You always got pissed over a little humiliation."

"Little? Sa tingin mo bale-wala lang sa akin na makasama ang isang lalaki habang walang saplot sa ilalim ng kumot na 'to?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Thank you for the details, Monique. Now I can sleep peacefully knowing you give me a clear vision of what's underneath that blanket."

Pulang-pula na siguro ang mukha ko ngayon dahil sa pinaghalong hiya at inis para sa antipatikong Eros na 'to.

Pero bago pa ako makapagbitaw ng ganti sa mga pamamahiya niya, nabitin lang sa bibig ko ang lahat ng iyon nang may makita akong isang maliit na de lata ng maling na inabot ng isang kamay niya sa akin.

"Eat. You need the energy for tomorrow."

"Tomorrow? Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Babalik tayo sa mansyon," sagot niya saka naupo sa tabi ko sa may papag at nagsimulang lagukin iyong canned beer na hawak niya. "There's no safer place to fight than the main house. We also have guns there to use."

"M-may mga baril kayo?" nahihintakutang tanong ko.

"Hunting rifles to be specific," pagtatama niya sa panandaliang kaba na naramdaman ko. "Why? Are you scared with guns too? You have a traumatic experience with that? Or was it from those bastards that were chasing us?"

"Hindi ko alam..." alanganing sagot ko saka nagpatuloy. "Hindi lang kasi siya safe para sa akin."

"It surely is. Especially if you don't know how to handle the weapon."

Wala na akong naging ibang komento pa doon sa bagay na iyon dahil ang isipin pa lang na handang lumaban si Eros gamit ang baril ang nakakatakot na.

Paano kung hindi pala siya marunong gumamit noon? Paano kung mas magaling sa baril iyong mga humahabol sa amin? Paano kung maunahan nila si Eros sa pagputok at matamaan nila ito?

Maisip ko pa lang iyong posibilidad na makita ulit si Eros sa walang malay at naghihingalo sa tabi ko gaya no'ng una kaming nahulog doon sa bangin, mas doon ako natatakot.

"Sorry for what I did back in the cabin."

Bigla akong napalingon sa direksyon ni Eros nang marinig ko ang mga salita na iyon at gano'n din naman ang ginawa niya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

"But it's not what you think. I might have initiated it to seduce you, to prove that you're no different from those woman who took interest with me and my name. To prove that you're no match for a man and that you're weak. That was the plan... at first."

"Paanong at first? Bakit? May iba ka pa bang plano?" hindi ko na itinago iyong dismaya sa tono ng boses ko.

"No. That was the only plan. To prove you wrong," mabilis na sagot niya. "But my next reaction is not what I have in mind from the very first day that I saw you. And not to make you feel humiliated than you already are. But I actually saw you naked from your head down to your toe."

Muli akong napasinghap sa sinabi niya saka wala sa loob na bigla kong iniyakap ang dalawang braso ko sa katawan ko at siniguro na mahigpit pa rin ang pagkakabuhol ng kumot sa tapat ng dibdib ko.

"P-paano mo ako nakitang hubad?" hindi ko alam kung paano ko nahanap ang lakas ng loob na itanong sa kanya ang bagay na iyon.

"Who do you think took care of you when you first reached the island? Half cold and half dead?" kulang na lang itaas niya ang kilay niya para itanong sa akin ang bagay na iyon.

"P-pero si Manang Pising ang kasa-kasama ko doon sa..."

"Manang Pising is too old to nurse you twenty four hours a day, Monique. Who do you think will bother themselves for some ungrateful woman like you aside from me?"

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan na naramdaman ko—hindi dahil sa hubad na katawan ko sa ilalim ng makapal na kumot kundi dahil doon sa mga naging pagsagot-sagot at pagiging magaspang ng ugali ko sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng tulong mula pa noong una.

"Sorry... saka salamat," halos pabulong ng usal ko.

"I must have turned deaf. Did I actually hear you say thanks—ow!" biglang sabi niya nang malakas ko siyang hinampas sa braso.

"Ang talim din kasi ng dila mo, e! Kaya hindi ko na kasalanan iyon," sagot ng ma-pride kong sarili. "Sana kasi sa susunod, bawas-bawasan mo 'yang pagiging masungit mo!"

"Hindi ako masungit. I just don't like wasting my time on nonsense. I have a lot of responsibility, Monique. And I always know where to put my priorities."

Matagal akong napatingin sa mukha niya. Talagang mababakas doon na siya iyong tipo ng taong hindi nagpapabaya sa mga bagay-bagay.

Sa sobrang seryoso nga ng mukha niya, pakiramdam ko makikipagkumpetensya na iyong mga linya sa noo niya sa Banawe Rice Terraces dahil sa lagi siyang nakakunot-noo. Pakiramdam ko rin malapit nang magdikit ang mga kilay niya dahil lagi siyang may malaking galit sa noo.

"Siya nga pala," wika ko nang may maalala. "Hindi mo pa nasasabi kung ano iyong hindi mo inasahang nangyari doon sa mga plano mo."

"That I didn't expect to get burned by the flame I started."

Pinanood ko ang dahan-dahang pagbaba ng mukha ni Eros sa mukha ko at habang hindi niya inaalis ang asul niyang mga mata sa bahagya kong naka-awang na labi.

Hanggang sa sunod ko na lang nakita ang sarili ko na ginagantihan iyong mga halik na binibigay niya at dinadama ang pagtaas-baba ng isang kamay niya sa braso ko, paakyat sa balikat ko, sa leeg, sa mukha, sa pisngi, hanggang sa sunod kong maramdaman na dahan-dahan niya akong tinutulak pahiga doon sa naghihintay na papag sa likuran namin.

Hindi ko napigilang mapasinghap nang maramdaman ko ang isang paa ni Eros sa pagitan ng mga hita ko, gumagawa ng paraan na mapaghiwalay ang mga iyon, saka ko naramdaman ang pagpasok ng dila niya sa bibig ko at mas pinalalim pa iyong halik na pinagsasaluhan namin.

Kinuha ng kamay niya ang dalawa kong braso at marahan iyong inilagay sa taas ng ulo ko bago iyon muling hinawakan ng isang kamay niya para ikulong ang pala-pulsuhan ko sa kamay niya na tila nagsilbing posas ng mga iyon at para malimitahan ang galaw na ginagawa ng katawan ko.

Bumababa ang halik niya papunta sa baba ko, pabalik sa gilid ng mga labi ko, paakyat sa may pisngi at hanggang sa marating nito ang tainga ko at marahan iyong kinagat na mas lalo lang nagpalakas ng ungol na ginagawa ko.

"You can ask me to stop now, Monique," dinig kong bulong niya sa tainga ko. "Because if you don't stop me now, you won't stop me later. Even if you beg or cry. I won't stop until I'm full satisfied."

Muli kong nakita ang mga asul na mata ni Eros nang tumapat muli ang mukha nito sa akin.

Nakikita ko ulit sa mata niya iyong pagnanasa na nakita ko doon sa may cabin kanina.

Pero hindi gaya doon, mas tila nagbabaga ang mga tingin ni Eros sa akin na tila tumutupok sa kahuli-huling hibla ng katinuan na mayro'n ako sa sarili ko ngayon.

"Kasama pa rin ba 'to sa plano mo? Ang patunayan sa sarili mo na mali ako?"

"I told you before, Monique. I don't have any intention of fucking you."

"Kung gano'n, anong ginagawa natin ngayon?" litong tanong ko.

"You caught my interest. Now I'm curious to know what you actually taste like. Not just as a vivid wet dreams. Not just an imagination."

"Napapanaginipan mo ako?" hindi makapaniwala at nanlalaki ang mata na ulit ko.

"Oh you don't know how you occupied my mind since the day I saw you, Monique. Even when I'm asleep or awake, you always find your ways to annoy me."

"Is having sex with me will annoy you more?"

"No..." nakaramdam ako ng dismaya doon sa naging sagot niya. Pero hindi rin nagtagal iyon doon sa sunod niyang isinagot. "It will only drive me crazy."

"Then, be mad with me, Eros Mondragon."

Isang ngisi ang lumabas sa labi nito bago ito sumagot.

"Glad you asked."

Continue Reading

You'll Also Like

6M 107K 32
She needs money He wants sex Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
574K 11.1K 23
Book Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding...
78.4K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
6.2K 863 23
Sophia Reene Manuel's biggest regret was breaking her first love and ex-boyfriend's heart that also cost her heart to break into pieces after. Now a...