Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.7M 43.3K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty Four

22.1K 613 50
By DarlingVee


Chapter Twenty Four

Eliz

DAHIL SA nangyaring insedente habang nangingisda kami ni Eros, lumipas na naman ang hapunan na nagsalo kami sa isa sa mga de latang pagkain na naka-stock dito sa may kusina. Laking pasalamat ko na lang na kahit nasa gitna kami ng kawalan, may nakakain pa rin kami. Pero gaya nga nang nabanggit na ni Eros, medyo nakakasawa na nga na puro ganito na lang ang kinakain namin sa loob ng apat na araw naming pagtatago dito.

Hanggang sa may hapag-kainan at matapos ang hapunan, wala rin ni isa sa amin nagsalita at hindi nag-ungkat kung ano ang nangyari sa pagitan naming dalawa at maging iyong mga huling salita na binitawan niya.

"No. I didn't kissed you because I was scared. Kissing you is what actually scared me."

"You're terrifying, Monique. Stop making me lose my head."

Kahit ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na huwag nang balik-balikan ang mga sinabi nito, mismong ang isip ko na ang tuma-traydor sa akin at nagpapaalala ng mga salita na iyon.

"Stop making me lose my head."

Mas ako yata ang unang mawawala sa katinuan dahil sa nangyayari.

Heto ako, nasa gitna ng kasukalan, nagtatago sa mga hindi pamilyar na lalaking humahabol sa akin, ilang beses nang nalagay ang buhay sa panganib, hindi pa rin nanunumbalik nang tuluyan ang ilan sa mga nawawala kong alaala, at nato-torete sa presensya ng lalaking walang ibang pinakita kundi kagaspangan ng ugali.

Pero hindi mo rin maikakaila na kaya ka pa buhay ngayon dahil tinutulungan ka ni Eros, Eliz. Hindi ba't kasalanan mo nga kaya pati siya ay nadamay sa problema mo? kastigo ko sa sarili ko na kalaunan ay ikinabuntong-hininga ko na lang.

Gustuhin ko mang umalis dito at bumalik sa kung saan ba ako nararapat at kung saan malayo sa isla, hindi ko rin naman magawa.

Wala na akong bahay, pamilya o trabaho na babalikan. Idagdag pang wala pa rin akong maalala. Saan pa ba ako p'wede maging ligtas kundi sa tabi at proteksyon ni Eros?

Pero proteksyon nga ba ang binibigay ni Eros sa'yo o mas lalo ka lang nanganganib sa tabi niya? bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Dahil higit sa takot sa mga humahabol sa amin, mas natatakot na yata ako sa lagay ng puso ko.

May isa nang lalaking laging laman ng panaginip ko at gumugulo sa isip ko.

At heto naman si Eros, na unti-unting gumugulo sa normal na tibok ng puso ko.

"Umayos ka, Eliz! Hindi ka p'wede magkagusto sa bruskong lalaki na iyon, okay? Huwag mo na siyang isipin," saway ko pa sa sarili ko sabay hampas ng dalawang palad sa magkabilang pisngi ko para gisingin ako sa kabaliwan ko at ituon na lang ang atensyon ko sa paghuhugas ng kinainan namin.

Natapos na ako sa paglilinis ng lugar at nagpasya nang pumunta sa sarili kong kwarto na katabi lang ng kay Eros at sandaling huminto sa harapan noon.

Ako lang ba ang nalilito? Ako lang ba ang apektado sa halik na iyon? Ako lang ba ang hindi mapakali kaka-isip sa nangyari? Ilan lang 'to sa mga tanong na gumugulo sa isip ko nang nasa tapat ako ng kwarto niya.

Pero sa bandang huli, pinili ko na lang na umalis at hayaan na lumipas ang gabi na kinikimkim ang mga tanong na 'to sa sarili ko.

GAYA NANG inaasahan, hindi ako pinatulog ng mga alaala ni Eros. Ang mas nakakabagabag pa, sa halip na ang estranghero at walang mukha na lalaking laging laman ng isip ko magmula nang tumapak ako sa isla ang maging laman ng panaginip ko, ang nangyari sa amin ni Eros at ang init ng labi niya sa akin ang nagpakita sa isip ko kagabi.

Hanggang sa panaginip ko, naging sariwa ang lahat. Na para bang nasa labi ko pa rin ang labi niya habang tulog ako. Na damang-dama ko pa rin ang init ng haplos at pagtama ng palad niya sa balat ko. Na kahit sa nakapikit at walang malay kong ulirat, nararamdaman ko pa rin ang pagtagos ng malalim na tingin ni Eros maging iyong pagbago ng kulay ng mga mata nito, mula sa malabnaw na kusal asul na dagat ng Alta Pueblo hanggang sa padilim na padilim na kulay ng langit dahil sa paparating na bagyo.

Pulang-pula sa hiya ang mukha ko nang magising ako mula sa mga eksena na iyon. Ang mas masaklap pa, tinanghali ako nang gising base na rin sa oras na sumalubong sa akin sa wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto.

Hindi ko na inabala ang sarili ko na magsuklay at kinapa-kapa na lang ang mukha ko para alisin ang muta o laway na p'wedeng nakadikit doon saka mabilis na dumerecho sa may kusina para maghain ng pagkain para lang makita na may nakahain na doon na para sa isang tao.

"Para sa akin ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ilang beses ko pang binukas-sara ang mga mata ko, maging ang pagkurot sa pisngi ko para lang magising ang sarili ko sa ilusyon na nasa harapan ko ngayon.

Pero sa kabila ng mga ginawa ko, hindi iyon nawala. At nang lumapit pa ako sa may counter ay may nakita pa akong isang maliit na sticky note na may mensahe para sa akin:

Eat and don't disturb me.

Hindi ko napigilan na mapakagat ng labi para pigilan ang ngiti na nagpupumilit lumabas sa labi ko saka isinuksok ang note na iniwan ni Eros sa bulsa ng shorts na suot ko.

Matapos kong kainin at linisin ang pinagkainan ko, nagpasya ako na pumunta sa kwarto ni Eros at personal na magpasalamat sa ginawa niya at mag-alok ng kahit anong tulong na p'wede kong isukli sa ginawa niya.

Sa ilang beses kong pagkatok sa pinto ng kwarto niya, wala akong narinig na sagot o hindi kaya kahit anong tunog sa loob. Kaya nagpasya ako na dahan-dahang buksan iyon at silipin kung may tao nga ba sa loob.

Pero sa halip na si Eros ang makita ko, isang canvas at ilang piraso ng nagkalat na oil paint sa sahig ang sumalubong sa akin.

Dahil sa bugso ng damdamin at pagka-miss sa mga bagay na bumuo sa halos buong buhay ko, patakbo akong pumasok sa loob ng kwarto, palapit doon sa canvas saka naupo para kunin ang ilang paint sa sahig at muling damhin ang mga iyon sa palad ko.

"What are you doing? Didn't I already made myself clear that you shouldn't disturb me for the rest of the day?"

Para akong magnanakaw na nahuli sa aktong pagnanakaw nang marinig ko ang boses ni Eros sa likod ko, sabay bigla akong napatayo at itinago sa likod ko ang oil paint na hawak-hawak ko kanina.

"So, you're into stealing now?" taas-kilay at sarkastikong na pag-aakusa niya.

"H-hindi, ah!" biglang sagot ko sabay bitaw doon sa pintura. "N-natuwa lang talaga ako na makakita ulit ng canvas at paint."

"And why is that?"

Hindi ko napigilang mapangiti at mapa-taas ng noo nang sagutin ko ang tanong niya, "Hindi sa pagmamayabang pero magaling akong mag-pinta. Especially human portrait."

"So, you're an artist," sagot lang ni Eros na mukhang hindi naman na-impress sa sinabi ko. "Glad I know something about you now. But it doesn't make you less suspicious to me."

Hindi ko na pinatulan ang sinabi niya dahil alam kong magiging kagaya lang ito ng mga nakaraan naming bangayan at pinanood na lang siya na alisin ang tuwalya na nagtutuyo sa basang buhok nito at naupo sa high chair sa tapat ng canvas.

"Anong plano mong gawin?

"Murder scene entitled Get the hell out of my room. Now."

"Mukhang exciting! P'wede akong manood?" pagbabale-wala ko doon sa obvious na pagpapa-alis niya.

"Seriously, Monique? Is this your way of seducing me? Do you have any less painstakingly method under your sleeves?"

Medyo matagal nag-proseso sa utak ko ang huling sinabi ni Eros. At nang maisip ko kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi niyang iyon, agad akong napahakbang palayo sa pwesto niya saka pinilit na huwag pamulahan ng mukha kahit pa nga alam kong kitang-kita na niya iyon ngayon base na rin sa nakakalokong ngiti sa labi niya.

"G-gusto ko lang ulit maalala ang amoy ng pintura at makahawak ulit ng brush, okay? Na-miss ko lang talaga magpinta! A-asa ka naman na inaakit kita!" ilang beses kong nakagat ang dila ko sa sobrang pagkataranta at pagka-utal, na siyang lalo lang nagbigay ng lakas ng loob kay Eros na tuksuhin ako.

"Stop lying, Monique."

"Hindi ako nagsisinungaling—"

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang mabilis hilahin ni Eros ang kamay ko saka ako marahas na binagsak sa ibabaw ng kama niya.

No'ng binalak kong tumayo para harapin siya ay saka ko naman nakita na pumatong siya sa ibabaw ng katawan ko at sinalubong ng malalim na kulay asul ng mga mata niya ang mata ko.

"How many times do I need to tell you that you need to have some sense of danger, woman?" may halong pagtitimpi at inis sa boses niya nang sabihin niya iyon. "I might have saved your ass but I'm still a man, Monique. And we're alone here. If I choose to do something to you, right here and now, no one will hear your scream. No one will save your life."

"Hindi mo maggagawa sa akin 'yan," kampanteng sagot ko habang pinipilit ang sarili ko na huwag madala o matunaw sa malalalim na tingin niya.

"What made you say that?"

"Dahil hindi mo ako gusto. Hindi ako interesante sa'yo. 'Di ba ikaw na rin nagsabi na mas natakot ka ng halikan mo ako kahapon?"

"Yes. I did. But you know what made me say that?" nanghahamon na tanong niya pero siya na mismo ang sumagot sa binitawan niyang salita. "Because kissing you is the least of what I can do to you, Monique. And it's terrifying just thinking that I can do much more than that—for someone who's supposedly not interested."

Pinilit kong tawanan iyong sinabi niya sa pag-aakalang binibiro niya lang ako o isa na naman 'to sa mga pang-aasar niya sa akin.

Pero no'ng sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin, hindi siya gumalaw kahit isang sentimetro man lang.

"O-okay, Eros. Malinaw na sa akin ang sinabi mo. Dapat akong mag-ingat. Sorry. Kaya p'wede ka nang umalis," sabi ko habang iniiwas ang tingin sa mga mata niya.

Dahil may pakiramdam ako na oras magtama ulit ang mga mata namin, baka ako naman ang makagawa ng mali sa sarili ko—na baka naman naman ang magtulak mismo sa sarili ko gumawa ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli.

"No."

Muntik na akong mapatili nang kunin ni Eros ang dalawang kamay ko, saka iyon inilagay sa taas ng ulo ko ay hinawakan ng isang kamay niya na nagsilbing posas sa mga iyon.

"Let me teach you how to be responsible for your own actions, Monique."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 18.5K 33
(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang ap...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.2M 36.8K 59
GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be able to study quietly and live my life at...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...