Baka Sakaling Bukas

Oleh Yanniee05

5.5K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. Lebih Banyak

Baka Sakaling Bukas
Chapter 1: Prince Yuan
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 13: Reason for leaving
Chapter 14 - The Confrontation
Chapter 15: Paampon muna ha?
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 20: Kaibigan lang.
Chapter 21: Shall we just end this here?
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...

89 2 0
Oleh Yanniee05

June 04, 2019 - Tuesday

Saglit kong binuksan ang cellphone ko para lang tignan kung may mahalaga ba akong dapat malaman, pero wala naman.

Puro messages lang na nangungumusta at naghahanap. Wala namang importante na dapat kong replyan.

Si Jace, sunod-sunod ang text at chat. Ganun din si Catt at si Jess.

Nang papatayin ko na sana ulit ang cellphone ko, laking gulat ko nang tumawag si Catt.

Kahit nagdadalawang-isip, sinagot ko ang tawag niya.

"HOY BESHIE!!!!! ANO? GAGA KA? ASAN KA HOY????? BUHAY KA PA BA????" Pasigaw na tanong niya kahit ang aga-aga pa.

Matamlay na tumawa lang naman ako habang hinahalo ko ang kape na kanina pa andito sa harap ko pero hindi ko pa nababawasan.

"NASAAN KA???? GAGA KA TALAGA!!!!! ANG DAMING NAGHAHANAP SAYO!!! KULANG NA LANG MAGPA SEARCH AND RESCUE OPERATION KAMI! BAKIT HINDI KA NAG O-ONLINE???? TAPOS KAHAPON KA PA CANNOT BE REACHED!!!" Sigaw niya.

"Andito lang." Tugon ko.

"Sa Sagada." Dugtong ko.

"NAPAKAGAGA! ANG LAYO LAYO NIYAN! HAYOP KA BA? DAHIL LANG DOON PUMUNTA KA DYAN????"

"GAGA! Nag e-empake na 'ko nung nag tweet siya 'no." Depensa ko, totoo naman kasi.

"Di ako apektado dun." Dagdag ko pa.

"E anong drama mo? Bakit ka nagpakalayo-layo? Hayop na 'yan oh. Pati si Jess binubulabog buhay ko."

"Wala ano lang kasi, medyo nag away-away lang kami sa bahay. Kasi naman e. Na-open nanaman 'yung topic tungkol sa pangarap ko noon tsaka sa course ko." Kwento ko, alam naman na ni Catt ang mga hinanakit ko sa pamilya ko.

"Medyo nasumbat ko rin kasi na sana mag shi-shift ako sa Accountancy nung 2nd year. E kaso wala e, pinaalala ko sakanilang 'di ko tinuloy kasi sabi nila bobo ako. Impossibleng maging CPA ako." Dugtong ko.

"Oh siya, sige pero beshie i-send mo saakin address niyang tinutuluyan mo. Mahirap din kasi 'yung ganyan na nasa malayo ka tapos ni-isa walang nakakaalam kung nasaan ka mismo." Seryosong sabi niya.

"Oo na." Medyo may inis na tugon ko naman.

"Pero beshie, musta naman kayo mula nung nag tweet ex niya?" Tanong niya.

"Di ko rin kinakausap e. Kahapon ng umaga ko pa siya huling nakausap. Sabi niya nga magkita kami, kakasuhan namin si Issa. Pero pinigilan ko naman kasi mas lalong lalaki lang itong gulo." Sagot ko.

"Pero ayun. Sabi ko bahala na siya. Magaling naman siyang mag desisyon ng hindi nag-iisip." Dugtong ko.

"Gago ka." Sabi naman ni Catt.

"Pero ano na ba kayo ngayon? Kayo ba?"

"Hindi." Natatawang tugon ko.

"Pero mahal mo?"

"Hindi." Tugon ko ulit, "Hindi naman ata."

"Wala pa sa plano kong mag commit... Alam mo naman 'yun beshie. Wala pa akong planong mag boyfriend. Kahit siya man o ibang tao, wala akong plano. Baka magkasakitan lang kami." Dugtong ko.

"Sus! O siya, sige na beshie! Umiiyak 'yung anak ko sa labas. Basta ha! Kapag may kailangan ka chat, text, o tawagan mo lang ako ha! Yung address ha!" Sabi niya.

"Sigeee! Salamat beshie!" Sabi ko sakanya at binaba na ang tawag.

Napatingin ako sa orasan, alas-sais ng umaga pa lang naman pala.

........

Marami na akong nagawa para sa araw na 'to.

Nakapag trekking na ako ng dalawang bundok, at nakapag libot na rin ako sa town proper.

Ngayon, eto ako na tulad ng kadalasan, nag-iinom sa nag-iisang maayos na inuman spot dito sa Sagada.

Tamang-tama dahil napakalamig ng panahon at malakas pa ang ulan.

Binuksan ko ang cellphone ko at nang mag online ako sa Twitter, isang picture ng screenshot galing sa Notes ng iPhone ang nakita kong Tweet ni Jace.

"I've been trying to be silent about the issue surrounding me, us, rather. But today I say that I had enough of my ex's bullshits and I know that have to stand up not just for myself but also for the student that Issa has been pertaining to in her latest thread. The things you guys are about to read, are nothing but the truth. Wala akong itatago kahit na ikasisira pa ito ng sarili ko at ng pamilya ko. I'm not scared of anything anymore, Issa. Even my own death."

Napapikit ako ng madiin dahil sa hilo at dahil dito sa binabasa ko...

Putangina, Jace. Nagkalat ka na rin!

"Let me address Issa's first thread first... Fine, people. Blame me all you want. I don't care. I know that my reason seems to be so selfish. Alam ko na napakagago ko doon. I realized how damaging are the things I told her. But I said that just to set myself free from her possessiveness. I am so sorry but I knew that it is my only way out. Destroying her is my only way out. And what she said is right. Hindi ko itatanggi. Yes, I have goals only for myself. Wala siya sa plano ko, totoo 'yun. Alam niyo kung bakit? It's because magkaiba ang gusto naming mangyari sa buhay... My goals focuses on my studies and career. Law school, PhD, Diplomatic Affairs, my family and friends knows that. And her? Do you know what her goals are? Unang-una dyan ay manahin ang illegal drug business ng family nila. Tapos pinlano niya rin na isali ako sa political dynasty nila."

"Ayoko ng ganun. Ayoko na. I will not deny the fact that I was a slave of drug. Our relationship has focused more on the drug business of our families rather than our love... We are used by our families, I've been a big time drug broker, I used drugs, been addicted to it, and now I can say I've recovered."

"You see guys, our plans and dreams are entirely different from each other. I plan on my growth, she plans on growing our illegalities. Kaya how can I not see her as a hindrance for my success in life?"

"Imagine, guys. On the 8th month of our relationship I already tried breaking up with her. Pero you know what she did everytime I tried? She threatened me. Death threats... The threat that her family will bring Gosingtians down. Hindi naubusan ng pang bla-blackmail. Tumagal ako ng another 2 years and 4 months with her dahil sa ganun. That's her way to keep me. She used her family's power just to keep me. Yung rason na sinabi ko sakanya, it may be selfish. But hey pareho lang kaming selfish kasi ni minsan hindi niya naisip ang nararamdaman ko sa piling niya, kahit na napakatagal ko nang gustong kumawala. It's selfish but it's not easy... Napakahirap din na alam kong masasaktan ko 'yung taong minahal ko at alam kong mahal na mahal pa rin ako... Kaso ayun nga, that was my only way out."

"That's all that I can publicize regarding her first thread so I'll now address her second thread which involves my "former student." But let me clear it first, the student is not the 'real reason' behind our break up. And I don't see the need na idamay pa siya sa issue na 'to dahil wala naman siyang kasalanan."

"Anyways, let me get straight to my point. Issa paid my most trusted friend. The one she's pertaining as our mutual friend? She paid that person. She paid a lot of my friends and a friend of my former student, former best friend, I mean, para lang makakuha siya ng balita na ikasisira namin. That's how desperate she is. Well pareho lang kaming desperate pero who do you think is more pathetic now?"

"Yes, she's right. I met that student last February 2018 at noong unang beses na nakita ko siya, hindi ko maitanggi sa sarili kong nagustuhan ko agad siya. No, I don't think that it's a love at first sight but I am really attracted to her. This may be creepy for some but I am only 5 years older than her. While 3 years naman age gap namin ni Issa."

"Yes. Gustong-gusto ko siya. I really do... But I never told anyone that I'll give her something expensive haha I know she won't accept it. Kaya Issa, bawiin mo bayad mo dyan sa whistleblower mong hindi accurate."

"If loving her means that I am a terrible person, then yes. I am definitely a terrible person. I am definitely in love with that student, hindi ako nahihiyang aminin 'yan. And stop whining there, Issa. She may be young, she may be just a student, she may be no one. But I can assure you, and everyone who will read this, that that student is way much better than you and don't ever compare yourself to her. Walang-wala ka kumpara sakanya."

"Lastly, Issa. Why are you still whining shits? Why are you still trying to bring me down? Bakit dinadamay mo pa siya? E diba, nagkabayaran na tayo? Diba malinaw na??? Akala ko lang pala 'yun. But anyways, isa pa, we'll see you in court..."

Hindi ko namamalayan na tuloy-tuloy na pala ang pag-agos ng aking mga luha...

Jusko, bakit ba kasi parang ang bigat bigat sa pakiramdam?

Pero nang mabasa ko na gusto at mahal ako ni Jace, bakit parang biglang nawala ang bigat saaking dibdib? Pakiramdam ko biglang naging okay na ang lahat...

Binuksan ko ang Messenger ko na sunod-sunod ang pag tunog.

Mga taong nakakaalam ng tungkol saamin ni Jace na nangungumusta...

At halos mabitawan ko ang cellphone ko nang mag ring ito... Si Jace pala... Gusto ko sanang sagutin kaso alam kong hindi ko rin naman siya makakausap ng maayos dahil sa kalasingan ko at wala talaga ako sa mood na kausapin siya. Tsaka ano pa bang dapat naming pag-usapan? Parang wala rin naman.

Kaya naman muli ko nang pinatay ang cellphone ko.

"Tangina mo, Jace... Ginugulo mo ang buhay ko... Ginugulo mo ang puso ko..." Bulong ko sa sarili ko at muling ininom ang aking alak na hindi ko na alam kung pang ilang bote ko na.

..........

Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ang lakas ng bagsak ng ulan kaya naman mas lalong lumalamig ang simoy ng hangin dito sa Sagada.

Ako?

Eto... Andito sa sidewalk.

Lasing na lasing at nagpapaulan na lang.

Umiiyak kahit hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit ako umiiyak.

Ang alam ko lang, pagod ako.

Pagod na pagod...

Physically, dahil sa layo ng binyahe ko at dahil sa trekking kaninang tanghali hanggang hapon.

Mentally, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko pag graduate ko. Dahil patuloy kong naiisip na nasa maling landas ako at hindi ito ang ginusto kong tahakin.

Emotionally, dahil sa mga nangyayari ngayon. Sa issue na pumapaligid saakin. Saamin ni Jace. Dahil sa away namin ng pamilya ko dahil hindi raw ako magaling, hindi raw ako matalino.

Basta.

Pagod na pagod ako, gusto ko na lang talagang umiyak... Hindi ko na rin kasi alam kung anong dapat kong gawin.

Kung ano ang dapat kong unahin...

Kasalukuyang yakap ko ang aking mga tuhod nang maramdaman ko ang pag tigil ng ulan.

"Anong nangyari sayo?!" Narinig kong tanong ng isang lalaki pero hindi ko siya nilingon.

"Lasing ka? Fuck. Look how miserable you are! Kanina pa kita hinahanap, andito ka pala! Bakit ka andito? Bakit ka nagpapaulan?! Fuck it, Keena!" Pamilyar ang boses...

Pamilyar na pamilyar...

At ito ang boses na nais kong marinig.

Ito ang boses na makakapagbigay lakas saakin...

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para lingunin siya at agad kong napansin na hindi pala tumigil ang ulan, pinayungan niya lang ako.

Babanggitin ko sana ang kanyang pangalan subalit walang boses na lumabas saaking bibig, ewan ko ba. Nanghihina na talaga ako at nanlalabo ang aking paningin dahil sa hilong dulot ng kalasingan at dahil na rin sa mga tubig na patuloy na dumadaloy saaking mukha.

Hindi ko masyado ma-aninag ang mukha nitong taong nasa aking tabi dahil napakadilim dito sa lugar na 'to, at talagang parang ang bilis bilis ng pag-ikot ng aking paligid.

Ngayon lang ata ako nalasing ng ganito katindi...

Patuloy ang pangangatog ko dahil sa lamig at napakalakas na ulan kaya naman inalis niya ang kanyang suot na jacket at pinatong saakin.

"Tara na, bumalik na tayo sa tinutuluyan mo. Uuwi na tayo bukas." Sambit niya na ewan ko ba kung galit o nag-aalala o walang emosyon.

Ang hirap alamin.

"A-ayokong umuwi." Tugon ko.

"D-dito lang ako. Ikaw na lang umuwi. Hi.... Hindi ako shashama shayo kung iuuwi mo lang ako sa bahay..." Sabi ko habang unti-unti na talagang pumipikit ang aking mga mata.

"Edi saakin ka umuwi. Tara na... Lasing ka na at basang-basa ka na. Magkakasakit ka na." Sabi niya na para bang agad din lumabas saaking kabilang tenga.

"H-hindi ko kaya." Sabi ko dahil pakiramdam ko malapit na akong mag blackout.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang kanyang napakahigpit na yakap...

"Sorry, Keena... Sorry..." Bulong niya saakin, at 'yan na ang aking huling naaalala...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

238K 13.5K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
908K 31K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 79.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
120K 4.2K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...