Baka Sakaling Bukas

By Yanniee05

5.5K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. More

Baka Sakaling Bukas
Chapter 1: Prince Yuan
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 13: Reason for leaving
Chapter 14 - The Confrontation
Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 20: Kaibigan lang.
Chapter 21: Shall we just end this here?
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 15: Paampon muna ha?

106 2 0
By Yanniee05

June 03, 2019 - Monday

Mag a-alas-diyes ng gabi nang mag text saakin si Jace habang nag e-empake ako ng mga damit ko.

"5am ha." Paalala niya.

Mula kasi noong huling beses na nagkita kami nakikisuyo na siya na gisingin ko siya tuwing alas-singko ng madaling araw sa pamamagitan ng tawag. Hirap na hirap pa rin daw kasi siyang gumising ng ganun kaaga dahil sa schedule niya sa bagong school niya. Dati kasi tanghali palagi ang oras ng pasok niya sa school namin.

Hindi ko na siya ni-replyan dahil may panibagong Twitter thread si Issa na kasalukuyang binabasa ko dahil kami ni Jace ang paksa nito...

"Hello guys! Wanna know the "real reason" behind our break-up? Okay! Story time again!!!"

"Triggered lang ako tonight, sorry na. Kasi eto na nga... April 2018, I met a mutual friend namin ng ex ko. Well mas close siya sa ex ko. Nakilala and naging friend ko lang naman siya because of my ex."

"So ayun na nga, si ex laging nag kwe-kwento kay mutual friend about a certain student dun sa isang UAAP school haha pinakita pa ni Sir kay friend ang picture ni student. Proud na proud lang."

Napa-iling na lang ako. Ang tanga lang kasi ni Jace para mag tiwala sa kaibigan niyang kaibigan din ni Issa.

Hindi niya ba naisip na pwedeng-pwede talaga siyang ilaglag?

"This shit is so fucking hilarious. Natatawa na lang ako ngayong kine-kwento ko 'to sainyo hahahahaha well anyways." Patuloy kong binasa ang thread ni Issa.

"So ayun nga, sinabi saakin ni friend lahat ng tinatago ni ex. Lahat ng plano, from breaking up with me to his plans with the student."

Ang bobo, Jace...

Napakabobo...

Pero hindi ko rin siya masisisi kung talagang malaki ang tiwala niya sa kaibigan niyang 'yun...

"Sabi ni friend, plano na talaga ni ex na i-break ako haha wow 'di pa talaga sinabi ni ex na matagal niya na akong sinusuka 'no?"

"So ayun nga. I bre-break daw ako kasiiii, gusto niya si student hahahaha gustong-gusto... Like tangina? They just met noong February 2018, tapos April 2018 gustong-gusto na????? Hahahahahaha!"

Naiintindihan ko naman kung bakit nag iinaso sa Twitter itong si Issa.

Babae rin ako e.

At kapag nalaman ko na ganyan ang partner ko? Malamang mag iinaso rin ako...

E pero kasi bakit ba kasi ayaw niyang pakawalan 'yung taong matagal na siyang sinusuka?

Tsaka nung nalaman niya 'yan, bakit hindi niya pa rin hinayaan na mag break na sila?

Napakatanga rin kasi niya. Parang hinayaan niya lang talagang gaguhin siya.

"Gustong-gusto niya to the point na gusto niya na rin bigyan ng mamahaling regalo. With the riches he has, you know that mamahalin is really mamahalin... a hundred thousand or million worth of stuff? A million worth property? We don't know... But you know what I mean..."

Hahahahahahaha tangina???? Ako????? Bibigyan ako ng mamahaling gamit ni Jace???? Hahahahahaha hindi ko lubos maisip... At kung sakali man, hindi ko tatanggapin 'yun...

Mahirap nang masabihan na ayun lang ang habol ko sakanya...

"Funny cause after being with him for 1 year and 4 months (that time), he only got me a hundred thousand worth of Pandora bracelet and charms hahahahaha tapos 'yung dalawang buwan niya pa lang kilala???? Ewan...... Putangina."

What a materialistic bitch...

"Tapos 'yang si ex daw, laging nag a-abang ng tyempo na galitin ako para magkaron ng rason para tapusin na talaga namin haha welll desperado na pala talaga siyang makipag break."

"So ayun. That's how I found out about him and that student. I confronted him about that pero syempre tanga ako e. Di ko pa rin hinayaan na mawala siya saakin dahil doon. Ayoko kasing naaagawan ako. Parang naaapakan pride ko e."

Hindi, Ate...

Tanga ka.

Tanga kang materialistic.

Ginago ka na, hinayaan mo pa!

"See how terrible person he is? Pumatol sa estudyante!"

"Mga mamser! Napakarupok! Na-fall dahil lang mabait sakanya yung bata! Kasi nakaka-kwentuhan niya, kasi ang pure daw ng pagkatao. Totoong-totoo raw ganon hahahahahahahaha!!! Basta ano raw e, everything he sees in her are all positive."

Bata?

"Pero jusko nakakaloka, ano? Ako na maraming napatunayan na sa buhay, pinagpalit sa kolehiyala na ni wala pa ngang diploma hahahaha. Pinagpalit ako sa no one. Putangina how degrading mga sizttt!!!"

"Sinong mag aakala na 'yung isang taong may million worth of net worth at may napakagandang pangalan, papatol lang basta basta sa taong wala lang?"

"Anyways, ayun lang po. Tangina nila."

Tulala lang akong nakatingin sa phone ko at pinapanuod ang unti-unting pag dami ng likes and retweets nitong thread na 'to...

Putangina. Mag va-viral pa ba talaga 'to?

At tutal, dummy account lang naman ang gamit ko, naisipan kong mag-reply sa Tweets niya... Tutal marami na rin namang nag re-reply.

"Hi Ma'am,  I found out that you're a teacher. And I don't think being a student means being no one dahil wala pang diploma at wala pang "napapatunayan." Haha! Teacher ka taapos ganyan pala tingin mo sa mga estudyante?" Pag patol ko, napansin ko na may ibang negative replies din pala sa mga huling Tweets niya.

"That student is not yet done building her future. We don't know yet what she might become after 10 years or so. She may possibly become a lawyer, a diplomat, an ambassadress, and the like. Kaya I don't see your right to tell that."

Kasi totoo naman. Kahit sinong estudyante dyan, hindi pa natin alam kung magiging sino sila makalipas ang ilang taon.

Hindi natin alam kung hanggang saan ang "success" na maaabot nila.

Kasi wala e, hindi pa sila tapos. Hindi pa sila nagsisimula.

"Wag mong hintayin na balikan ka niyan after ilang years at ikaw ang masabihan na, "Teacher ka lang." Dugtong ko sa reply ko sakanya.

"I'm not belittling your profession dahil kung wala kayo, wala ang ibang propesyon. However, if you are belittling a student just because he/she is still just a student, shame on you."

"Alam ko nasaktan ka. Pero fuck you for degrading a student. Fuck you as a teacher. You don't deserve your license. You don't even deserve your ex either."

"Fuck you for comparing yourself to her. For comparing your accomplishments to hers. Fuck you for thinking so highly of yourself, Ma'am."

Isang napakalalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan matapos akong mag reply sakanya at ipag-patuloy ang pag e-empake ko.

Oo nga pala, nag e-empake ako dahil nag desisyon akong umalis muna dito sa bahay matapos kaming mag talo-talo dito sa bahay.

Siguro mga isang linggo lang naman akong aalis at kasalukuyang iniisip ko pa kung saan ako pupunta.

Sa condo ng ate ko?

Mag che-check-in sa hotel?

Batangas?

Tagaytay?

Baguio?

...........

Nagising ako dahil sa isang tawag ni Jace...

Tumingin muna ako saaking paligid, nandito ako sa loob ng isang bus na nakapatay ang mga ilaw, tumingin ako sa bintana at nakita ko ang magandang tanawin na puro bundok at unti-unti nang sumisikat ang araw.

Tumayo ako para maghanap ng taong gising na pwedeng mapag-tanungan.

"Nasaan na po tayo?" Tanong ko sa babaeng nasa likod ko.

"Ifugao, Iha. Sa Lamut." Tugon niya naman at nagpasalamat naman ako.

Siguro malapit na...

Napag desisyunan ko kasing lumayo muna. Sa Sagada ang destinasyon ko pero hanggang sa Banaue lang itong bus na nasakyan ko. Kaya mula Banaue, mag bu-bus pa ulit ako pa-Sagada.

Napatingin ako sa phone ko na muli nanamang nag ring.

Nalimutan ko na palang sagutin ang tawag ni Jace.

Napatingin ako sa oras, shit... 5:30 na. Nagpapagising nga pala 'to ng 5am...

"H-hello." Sambit ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"N-nabasa mo na?" Tanong niya.

"Ha?" Tanong ko pero agad kong na-realize ang tanong niya.

Tumango lang ako kahit na alam kong hindi niya naman nakikita ang tugon ko.

"N-nasaan ka? Magkita tayo... Pupuntahan kita. Magsampa tayo ng kaso."

"Wala ako sa Manila." Tugon ko.

"Wag mo nang palakihin ang gulo, Jace. Sakit sa ulo lang 'yan. Besides, pareho naman kayong mali."

"You can do anything just to deal with her. Pero kung aabot pa kayo sa korte, mag-isip-isip ka. Mas lalaki lang 'yang issue." Dugtong ko.

"I got exposed. WE got exposed, Keena. Nag va-viral na tayo sa social media. Lalo na ako. Baka mamaya o bukas wala na akong trabaho. Yung diploma mo, baka ma-hold pa." Madiin na sabi niya.

"Kung ayaw mo palang ma-expose tayo, edi sana dati mo pa naisip 'yan. Edi sana hindi mo ako nilapitan noon. Problema kasi sayo padalos-dalos ka e." Tugon ko.

"At kung magsasampa ka ng kaso, mabubura mo ba 'yung nasa-isip ng mga tao?" Tanong ko, hindi naman siya tumugon.

Hindi siya nakasagot, tanging ang malalim na pag hinga niya lang ang naririnig ko.

"Do the same. Play her game. Expose her too. Expose her family."

"Do or die na ba?" Tanong niya.

"Bahala ka. Dyan ka naman magaling e. Mag desisyon ng padalos-dalos." Tugon ko at binaba ang tawag.

Ang aga-aga, Niccolo Jace.

Hindi naman ako galit dahil sa issue na 'yun. Ewan ko ba. Parang hindi lang talaga ako ganun ka-apektado siguro kasi dahil mas nangingibabaw pa rin sa isip ko 'yung away namin ng pamilya ko.

Pero na-badtrip ako bigla dahil sa inaasal nitong si Jace.

Amp! Aabot sa korte ang break-up nila?

Eh in fact, cheater nga naman kasi talaga siya.

"Gosingtian's gonna lose a huge sum of money, I might get killed but I'll seek protection from Yucaico. I will take your advice kung hindi namin madadaan sa matinong usapan." Text niya saakin na hindi ko na nireplyan.

........

Ala-una ng tanghali nang makarating ako dito sa Sagada.

At sa kabila ng mga issue na kasalukuyang bumabagabag saakin, napaka refreshing pa rin ng pakiramdam dito.

Malamig, at mabango ang simoy ng hangin. Napakaganda rin ng tanawin...

Pinicturan ko ang Tourism Office at inupload sa IG Story...

"Paampon muna ha? Lalayo muna ako..." Yan ang caption ko at pinatay ko ang cellphone ko...

Time to get disconnected...

From social media, to everyone...

Including my family and yes...

Including Jace...

Continue Reading

You'll Also Like

61.4K 3.2K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
124K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
205K 11.4K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...