Breaking the Rules (Mondragon...

Od DarlingVee

1.6M 42.6K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... Více

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty One

21.7K 685 66
Od DarlingVee

Chapter Twenty One

Gael

SHE'S GONE. I need to accept that fact.

Apat na buwan matapos mawala ni Eliz sa El Nido, para na rin niyang sinama sa pagkawala niya iyong kagustuhan kong mabuhay.

She's the love of my life. And she's supposed to be the biggest part of those remaining years—a woman who I've been wanting to grow old with. Magmula nang magsimula ang relasyon namin ni Eliz at hanggang sa mag-propose ako sa kanya sa Paris, alam ko sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin pa at pag-aalayan ng buhay ko kundi siya.

Kaya nang mawala siya, hindi ko kinaya. Parang nasira ang lahat ng pangarap ko sa harapan mismo ng mga mata ko. Ilang buwan ko siyang hinanap, ginamit lahat ng koneksyon na mayro'n ako at ang pamilya namin pero wala ring nangyari. Halos sirain ko na ang relasyon ko kay Kesha at sa iba ko pang pinsan na pinagbubuntungan ko ng sisi sa nangyari kay Eliz.

Pero sa paglipas ng madidilim na panahon ng buhay ko, wala akong mas higit na sinisisi kundi sarili ko. For being a useless, pathetic bastard na hindi man lang nagawang protektahan si Eliz.

She already lost her everything. Ako na lang ang natitira sa kanya.

At pinili niya pang mawala.

Bumalik ako sa Alta Puebo para makalimot. Dahil sa kahit saang lugar akong tumingin sa Maynila, sa bahay kung saan kami nagsasama, minumulto ako ng mga alaala niya.

I want to forget her. I want to forget the pain.

Pero nang makita ko ang sarili ko sa salamin no'ng isang araw and saw this miserable, drunk man in front of me, I realized that no matter how many times I cry, drunk myself to sleep and released all my bottled anger to anyone who comes near...

She will never come back.

I will never have her back.

"Gising ka na pala, Senyorito Gael."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses ni Manang Pising mula sa pagtingin ko sa kawalan sa labas ng binta ng kwarto ko saka siya pinanood na pumasok dala-dala ang isang tray ng pagkain.

Sa ilang linggo na pananatili ko sa isla, si Manang Pising lang ang naging matiyaga sa pag-intindi sa mga naging pagwawala ko. Gaya no'ng mga bata pa kami, hindi niya kami tinatantanan hangga't hindi kami nagiging maayos.

Para na naming pangalawang ina si Manang Pising. Sa tuwing nandito kami sa isla, kahit sa kabila ng katandaan nito, hindi nito nakakalimutan alagaan kami at itrato na para pa rin kaming mga batang paslit na unang nakilala at naalagaan nito.

"Hindi na sana kayo nag-abala, Manang," sagot ko saka siya sinalubong at ako na ang kumuha ng mabigat na tray sa kamay niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng side drawer sa gilid. "Kaya ko na hong kumuha ng makakain ko nang mag-isa, Manang."

"Hayaan mo na ako, senyorito. Trabaho ko naman ito. Saka..."

Hindi ko mapigilang mahabag nang makita si Manang na muli na namang naluluha bago nito pinunasan ang mga namumuong luha sa gilid nito bago muling nagsalita.

"Masaya lang talaga ako at makitang maayos ka na."

Maayos na nga ba talaga ako? naitanong ko rin sa sarili ko.

Nakaligo, nakapag-ahit at nagupit ko na rin siguro ang may kahabaan kong buhok. Siguro nga'y nagmukha na akong disente sa paningin ng mga nakakakita sa akin.

Pero sa tingin ko, kahit kailan ay hindi na ako makakabalik sa dati. Na kahit kailan, hindi na ako magiging maayos dahil wala na si Eliz.

"Hindi po ba kayo kailangan ni Eros doon sa mansyon?" naitanong ko para ibahin ang usapan at dahil ayoko rin namang pag-usapan pa namin ang tungkol sa akin o kay Eliz.

"Hindi ko naman napapabayaan ang responsibilidad ko sa malaking mansyon, senyorito. Kaya kung iniisip mong nakaka-abala ka sa trabaho ko, hindi. Gusto kong ako mismo ang magdala at magluto ng pagkain mo. Kailangan mong maibalik ang sigla ng pangangatawan mo. Baka mamaya pa n'yan ay magkasakit ka."

"Salamat ho, Manang. Pero kaya ko nah o ang sarili ko," nasabi ko na lang para hindi na mag-alala sa akin ang matanda. "Siya nga po pala, Manang. Nasaan si Eros?"

Narinig ko sa isa sa mga katulong na dumating dito kahapon ang tungkol sa pag-uusap nila sa nakaraang sunog at nakawan sa isla.

Gusto ko sanang personal na makausap si Eros at makipag-ayos dito dahil sa mga inarte ko at para makatulong na rin sa kasalukuyang problema dito sa isla.

"Nako, Senyorito Gael. Iyan din ho ang hindi ko alam."

"Bumalik ba siyang Manila?"

"Hindi ko sigurado. Kadasalan naman ay nagpapaalam muna ang senyorito at nag-iiwan ng habilin sa gagawin sa may bukirin," paliwanag sa akin ni Manang. "Nag-aalala nga ako. Kahit si Monique wala rin dito."

"Sinong Monique?" kunot-noong tanong ko.

"Bago naming kasama dito."

"Gano'n ba..." nasabi ko na lang at hindi na nag-usisa pa.

"Alam mo ba, senyorito. Parati ka ngang tinatanong ni Monique sa akin. Hindi ka personal na kilala no'ng batang iyon pero alalang-alala siya sa'yo."

"Bakit naman siya mag-aalala para sa akin?" muling kumunot ang nook o sa tinuran ni Manang.

"Hindi ko nga rin alam. Pero lagi siyang nagtatanong ng tungkol sa'yo, sa relasyon n'yo ng Senyorito Gael at inyong mga Mondragon. Para nga siyang batang nakikinig sa mga kwento ko kapag nababanggit ko kayo."

"Manang, hindi po magandang ikwento n'yo sa estranghero ang tungkol sa amin ni Eros. Ikaw na rin ho ang nagsabi na hindi kami magkakilala," sabi ko matapos ang malalim na buntong-hininga. "Saan ba nanggaling ang babae na 'to? Taga-rito rin ba siya sa isla?"

"Ay, nako! Hindi! Dayo lamang si Monique dito. Halos agaw-buhay na nga siya nang makita ng Senyorito Gael."

"Bakit? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Nako, senyorito. Hindi lang masama. Kawawa nga ang bata na 'yon dahil wala siyang maalala mula sa kanyang nakaraan. Bigla na lang siya napadpad dito sa isla. Tila taga-Maynila yata na naligaw sa lugar natin."

"Hindi ba siya taga-El Nido? Paano siya nakarating dito—" hindi ko na natapos ang mga tanong ko na may isang ideya na bilang pumasok sa utak ko. "Manang! Sabihin n'yo sa akin! Anong buwan dumating si Monique dito?" halos pasigaw ko nang itanong ang bagay na iyon kay Manang Pising.

"Mag-a-apat na buwan na rin siguro mahigit. Bakit? Saka bakit tila aligaga ka yata?"

It could be.... Could it be...

Could be that this Monique is Eliz?

Apat na buwan na nang mawala si Eliz sa El Nido at sa apat na buwan din na iyon naman dumating ang Monique na 'to.

I need to see her!

"Kailangan kong makita ang Monique na sinasabi n'yo, Manang! Nasaan ho siya ngayon? Sabihin n'yo! Nasaan siya?"

"Hindi ko alam, senyorito. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita dito sa mansyon. Wala rin siya doon sa may kubo ng pinsan—"

"Kubo? Saang kubo?!"

"Iyong pahingahan ng Senyorito Eros sa dulo ng isla. Sandali nga lang, Senyorito Gael—saan ka pupunta? Senyorito Gael!"

Hindi na ako nagpapigil kay Manang nang ilang beses niyang isigaw ang pangalan ko saka patakbong lumabas ng bahay at pumunta sa may kalapit na kwadra para kunin ang kabayo at agad sumakay sa likod nito.

"Senyorito! Saan mo balak pumunta?"

Muli kong hindi pinansin ang tawag ni Manang saka mabilis na pinatakbo ang kabayo papunta sa kabilang dulo ng sila.

Hindi p'wedeng aksidente lang ang nangyari.

Ang pagkawala ni Eliz. Ang pagdating ni Monique.

Isa pa sa hindi sinasadyang insidente ang pangalan ng babaeng dayo na sinasabi ni Manang.

"Bakit hindi mo nilalagay ang totoo mong pangalan sa mga paintings mo? Hindi mo ba gustong makilala ka ng mga tao?"

"Gusto kong mas ma-appreciate nila ang art ko kaysa sa akin na artist."

"Paano kung may mag-claim na ibang artist sa mga gawa mo? Common ang pangalan na Monique baka hindi mo pa alam. Hindi ka ba natatakot doon?"

"I know my art, Gael. My art is me. Kaya walang makakaagaw sa kanila sa akin. Saka hindi ba mas sweet pakinggan ang Monique? Ayon sa nabasa ko, French version ng Monica ang Monique. Saka alam mo namang obsess ako sa French culture, 'di ba? Kaya mas tama lang na Monique gamitin kong pen name."

Eliz use her first name into her painting.

It's always signed with her pen name Monique.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

182K 7.3K 23
MYKAEL SY - Mykael has been living a carefree life, spending time in night clubs, going home wasted, and waking up with another one night stand. All...
10.9K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
574K 11.1K 23
Book Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding...