Baka Sakaling Bukas

由 Yanniee05

5.5K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. 更多

Baka Sakaling Bukas
Chapter 1: Prince Yuan
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 13: Reason for leaving
Chapter 15: Paampon muna ha?
Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 20: Kaibigan lang.
Chapter 21: Shall we just end this here?
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 14 - The Confrontation

128 2 0
由 Yanniee05

May 29, 2018 - Monday

Nagising ako dahil sa bigat ng taong nakayakap saakin, tinignan ko kung sino, si Jess nga pala. 

"Putangina nito." Bulong ko habang nakatingin sakanyang mahimbing na natutulog. 

Andito nga pala kami sa condo ng Ate ko. Wala kasing tenant at hindi na rin kayang umuwi ni Jess kagabi kasi hilo siya dahil sa kalasingan kaya nag offer akong dito na lang kami umuwi tutal walking distance lang naman mula doon sa pinag-inuman namin kagabi.

Pero wag marumi ang utak niyo ha? Walang nangyari. Kumpleto pa rin naman ang suot kong damit. Tanging sapatos lang ang wala ako. The rest, suot ko pa. Maski medyas at mga alahas. 

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako kahit na alam kong minamanyak lang ako nito kasi hello, kahit alam kong hindi manyak itong si Jess, sinong lalaki ba naman ang hindi manyak lalo na kapag may babaeng katabi sa kama?

Kinapa ko ang cellphone ko na kadalasang nasa ilalim ng aking unan at nang makapa ko, nakita ko ang oras, 3am pa lang pala... 

Nakita ko ang dalawang notification... Isang Friend Request sa Facebook at isang Follow Request naman sa Twitter...

At nang buksan ko ang Facebook notification, napabalikwas ako mula saaking pagkakahiga...

Si Jace...

Gamit ang kanyang main Facebook account...

Pakiramdam ko ay namutla ako dahil hindi ko inaasahan na i a-add niya na ako gamit ang main account niya this time...

At mas nagulat ako nang buksan ko ang notification sa Twitter...

Nag fo-Follow Request si Jace sa main Twitter account ko...

Umupo ako sa dulo ng kama at muling bumalik sa Facebook.

"Aga pa bes, tulog muna..." Antok na sabi ni Jess na nagising ata dahil sa pag galaw ko, hindi ko naman siya pinansin. 

Inaccept ko ang friend request ni Jace at pinag-iisipan ko pa kung i a-accept ko ba ang follow request niya...

At habang pinag-iisipan ko pa, laking gulat ko nang mag chat siya saakin.

"Labas tayo mamaya." Sabi niya, napa-iling na lang ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng tuwa ngayong sa totoong account niya na kami nag cha-chat. 

Araw-araw naman kaming nag cha-chat nito ni Jace gamit ang isang account niya. Hindi man tuloy-tuloy pero at least once a day may communication.

"Pag-isipan ko." Tugon ko habang nakatingin ako kay Jess na mahimbing na ulit ang tulog.

"Pleaseee? :(( Start na ako sa ibang school ko next week e." Tugon niya.

"Lumipat ka na? Saan ka na?" Tanong ko.

"Sideline lang ngayong summer. Balik din ako sa univ natin sa August after ng summer term ko sa main campus sa Taft." Sabi niya. 

"Taray, sa konyo campus ka pala muna." Tanong ko.

"Oo, maiba naman. For growth na rin. Pero mahal ko univ natin hehe. So ano? G mamaya?" 

Hindi ko siya agad nireplyan, nag CR muna ako at uminom ng tubig.

"Saan ba? Anong oras? Anong gagawin natin?" Tanong ko pagbalik ko sa kama habang nag dadalawang-isip.

"Siguro around 4pm. I'll tour you around Intramuros. Diba nabanggit mo last time na 'di ka pa nakakapunta doon? Hehe. Tapos dinner then nuod tayo movie kung may time pa hehe chill lang. SM Manila or ikaw kung may iba ka pang suggestion."

"Okay." Reply ko.

"Bakit gising ka? Natulog ka na ba o 'di pa?" Tanong ko.

"Nag-iinom e." Sabi niya, kasunod ang sinend niyang picture ng mga kasama niya sa inuman na mga taong wasted na pero halatang mga respetadong tao dahil sa itsura at mga suot na damit na halatang mamahalin. At mukhang sa isang bahay sila nag-iinom. Maganda nga 'yung bahay e, may swimming pool pa na nahagip sa picture.

"Meet my cousins, mother side." 

"And meet myself, cute ko kahit drunk 'no." Sabi niya kasunod ang selfie niya na halatang antok na antok at wasted na.

"Tulog ka na. Lasing ka na." Tugon ko.

"Pero diba totoo naman, cute ako?" Tanong niya, mahinang natawa na lang ako kasi hindi ko naman maitatanggi na cute talaga siya.

"Ang taba mo para kang Xiao Long Bao." Tugon ko.

"Salbahe hmp! Ikaw bakit gising ka?" Tanong niya.

"Tulog na ako, nag CR lang tsaka uminom ng tubig. Matutulog na ulit ako, ikaw rin matulog na." Tugon ko na lang at muli nang humiga at natulog.

...........

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na dumaraan sa bintana, tinignan ko ang aking tabi pero wala si Jess. 

Tumayo ako at agad kong natanaw si Jess na..... Nagluluto?!?!?!????

"Wow, marunong magluto!?" Bati ko.

"Oo naman 'no! Marunong magluto ng noodles." Natatawang tugon niya.

"Hayop, noodles lang pala akala ko pa naman may pa-something special ka." Pabirong tugon ko.

"May lakad ka mamaya? Nuod tayong sine!" Tanong niya habang naghahanap ako ng kape sa cabinet.

Si Jace... Oo nga pala may usapan kami mamaya...

"Coffee, tea, o hot choco?" Tanong ko kay Jess, nagkukunwari nanaman na walang narinig.

"Hot choco." Tugon niya.

"Sine tayo mamaya." Pag-ulit niya.

Umiling naman ako, "May lakad ako mamaya e." Tugon ko.

"N-nagpapasama si Mama mag grocery..." 

Jusmiyo, bakit ba ang hirap magsinungaling?

Para akong nilalamon ng konsensya ko.

Napatingin ako sa oras, mag a-alas dose na pala ng tanghali.

"Sayang." Tugon ni Jess.

"Sa susunod na lang." Tugon ko habang hinahalo ang tinitimpla kong hot choco.

"Nakatulog ka?" Tanong niya saakin pag upo niya sa upuan na nasa aking harapan.

"Paano ako makakatulog e hindi ako makahinga, ang bigat bigat mo." Birong tugon ko para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Baka mahalata niya pa.

"Kasalanan mo e. Sarap mong yakapin." Sabi niya.

"Manyak mo gago!" Biro ko.

......

Kasalukuyang naglalakad-lakad kami ni Jace dito sa Intramuros tulad ng plano namin.

"Arghhhh I miss my college days." Sambit niya nang mapadaan kami sa Alma Mater niya, tahimik lang naman ako habang naglalakad kami, binabagabag pa rin kasi ako nung ginawa niya kay Issa.

Sino ba namang hindi, diba?

"Ayyy oo nga pala. I sent your CV sa dean ng Senior High. He's asking when are you free for interview raw and 3 days basic demo?"

"Wow sinend mo talaga?" Natatawang tugon ko.

"I think I'm free next week." Dugtong ko bago kami umupo sa taas ng pader ng Intramuros.

"Oo nga pala. My cousins wants to meet you. Next week? What do you think?" Tanong niya, nagulat naman ako kasi paano naman ako makikilala ng mga pinsan niya.

"Ako? Pano naman nila ako nakilala? Tsaka bakit naman gusto nila akong ma-meet?" Nagtatakang tanong ko, natawa naman siya.

"Nooo. Hindi ka nila kilala. Hindi pa." Natatawang sabi niya.

"Last night kasi when we were drinking, napag-usapan namin si Issa. Yung nangyari, tsaka 'yung about saakin. Then natutuwa sila sakin kasi ang bilis ko raw makabawi. Tinanong lang nila ako kung ano inspiration ko haha sabi ko baka 'sino' then ayun. Nasali ka sa usapan. Medyo napakwento pa tuloy ako sakanila ng about satin. Tapos ayun, they like you. Gusto ka nila makilala. Nagulat nga ako e. Kabaliktaran ng reaction nila dati kay Issa 'yung reaction nila sayo." Masayang kwento niya.

"Loko ka talaga." Nakangiting sabi ko at kinurot pa ang kanyang ilong.

"So ano, G ka next week?" Tanong niya.

Tumango naman ako, "Sige lang!" Tipid na sagot ko.

Paano ba naman kasi? Gusto ko sanang mapag-usapan namin ng maayos 'yung tungkol sa tweets ni Issa kagabi.

Naramdaman ko ang paghawak niya saaking kamay, "Parang ang tamlay mo, masama pakiramdam mo?" Tanong niya at hinawakan pa ang aking noo.

Umiling ako, "Hindi." Tugon ko.

"Anong meron? Is there something bothering you?" Tanong niya habang nakatingin saakin na nakatingin sa malayo.

"Ikaw." Sagot ko tutal nag tanong naman siya. Ayoko na rin namang magpa-ligoy-ligoy pa. 

"Mga kagaguhan mo sa ex mo."  Dugtong ko.

"Ha? Si Issa? Bakit? Ginugulo ka pa rin?" Gulat na tanong niya, umiling naman ako. 

"Ginago mo kasi."

"Anong ginago? Ano bang meron? 'Di ko gets." 

Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita sakanya ang mga screenshot ng tweets ni Issa kagabi.

Hindi ko siya tinitignan habang hawak niya ang phone ko at binabasa ang mga tweets ni Issa, "Ang gago mo pala talaga 'no? Napakagago. Di halata." Sambit ko. 

Inabot niya saakin ang phone ko, tapos na ata siyang magbasa. Pero pareho kaming hindi umiimik.

Makalipas ang halos sampung minutong katahimikan, narinig ko ang napakalalim niyang buntong hininga.

"Gago kung gago, selfish kung selfish, sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko. Sinabi ko lang ang mga alam kong makakasira sakanya para lang pakawalan niya na 'ko." Ani niya.

"Totoo naman 'yung sinabi ko na may goals ako. At totoo rin na wala siya sa mga goals kong 'yun. Kasi goals ko? Para sa sarili ko. Maging lawyer, maging diplomat, maging PhD, ma-settle lahat ng dapat i-settle, mag invest sa stocks. Marami e. Marami akong plano para sa sarili ko... Sabi niya, okay lang daw. Susuportahan niya ako, pero kasi... Hindi e. Hindi siya 'yung gusto kong sumuporta saakin. Hindi ko kailangan ng suporta niya. Hindi siya 'yung kailangan ko... Nakikita ko siyang hadlang sa lahat ng maaaring maging success ko sa buhay... And when I told her that I had no plans for marriage? Mali siya ng pagkakaintindi. Akala niya wala akong planong magpakasal at bumuo ng pamilya. Ibig sabihin ko sana, I had no plan of marrying her but hindi ko na sinabi because it will be too much for her to bear na."

Hindi agad ako kumibo, hindi ko lubos akalain na kaya niyang manakit ng ganun... Hindi ako makapaniwala na sinabi niya talaga 'yun sa taong mahal na mahal siya.

"P-pero sana naisip mo kung gaano ka damaging sa pagkatao niya 'yung mga sinabi mo. Kasi tangina mo. Mahal na mahal ka nung tao tapos maririnig niya na nakikita mo siyang hadlang sa buhay mo? Sa mga plano mo? At wala sa isip mong pakasalan siya at bigyan ng pamilya. Putangina naman, Jace! Kahit totoo 'yun, sana hindi mo na lang sinabi. Sana hindi mo na lang sinira pagkatao niya."

Damang-dama ko ang kanyang malalim na pag hinga. "Keena, are you saying that you believe her online dramas?" Tanong niya na halatang may halong pagkairita.

"Yes, Jace! I believe her 'online dramas!' Because I'm a woman too! I can imagine myself in her situation! Nilalagay ko sarili ko sa sitwayon niya, at marinig ko 'yun sa taong handa akong ibigay ang lahat? Sa taong ginawa kong mundo? Putangina. Wala talagang kasing gago. Hindi ko mapapatawad." Tugon ko at medyo napag-taasan ko pa siya ng boses.

"Don't you ever dare compare yourself to her, Keena! You don't know her. God!!! You're much better than her! Jusmiyo! Incomparable, kaya wag mong ihalintulad sarili mo sakanya!" 

"No! I'm not comparing myself to her in any way! Kapag kinupara ko sarili ko sakanya, edi wala lang ako? Putangina, anong laban ko? She graduated as Summa Cum Laude, scholar, a licensed teacher, a graduate student! At tulad mo, she came from a very rich family na nagawa pang bilhin ang dating kaibigan ko! And her family's powerful too! Kung ikukumpara ko sarili ko sakanya, anong laban ko? Wala diba? Wala!" Matapang na tugon ko kahit na nadarama ko ang sakit sa aking dibdib. 

Hindi siya kumibo at naramdaman ko na lang ang pag hawak niya saaking kamay na para bang pinapakalma ako. Hindi na lang ako kumibo, at narinig ko ang kanyang napakalalim na pag hinga.

"Tulad nga ng sabi niya, matagal na akong nakikipag break sakanya. Nabanggit ko na rin sayo dati, diba? Kasi naman siya e. Ayaw niya talaga akong pakawalan. Of course I don't want to hurt her naman. Pero that was my only way out." Kalmadong paliwanag niya habang hinihimas ang aking kamay gamit ang kanyang hinlalaking daliri.

Hindi na ako kumibo, mali pa rin kasi...

Pero sabagay, lahat naman talaga ng break-up nakakasakit.

"Sabi ko sakanya noon, ayoko na. Kasi para namang hindi na kami ang may hawak sa relasyon namin, tsaka parang umiikot na lang kami sa illegal e." Banggit niya. Pasimple ko siyang tinignan sa gilid ng aking mata. Nakita ko siyang nakatingin sa malayo na para bang ang lungkot lungkot.

"Tsaka ayoko na ng illegal. Natatakot na 'ko. Pero siya? Plano niyang mag settle sa ganung sitwasyon. Sa ganung buhay... Ayoko... Ayoko ng ganun. Hindi ganung klaseng buhay ang pinapangarap ko..."

Napansin ko na lumingon siya saakin saglit, tinignan ata kung anong reaksyon ko.

"Kaya wala siya sa mga future plans ko... Kasi magkaiba kami ng plano. Alam mo ba kung anong plano niya, kasama ako? Mabuhay sa ganun. Manahin ang negosyong 'yun ng mga magulang namin. Maging isang illegal na korporasyon. Maging kapitalista ng drugs... Can you see how fucked up her plans are?"

Pasimple ko siyang tinignan, medyo naiintindihan ko na ang panig niya.

Pero masyado ba akong mabait at uto-uto kung maniniwala na agad ako sakanya? Para namang ang bilis kong maniwala... Ang bilis kong magpadala sa mga paliwanag niya at mabait niyang itsura.

"Alam ko ang plano niya. Pero tinatago ko ang plano ko sakanya, kasi alam ko ganyan ang mangyayari. Masasaktan siya kasi taliwas ang plano ko sa plano niya... Kaya ayoko sanang gawing dahilan 'yun ng break-up namin kasi tama, ang sakit nga kung 'yun ang rason ko. Pero after hundreds of reasons, she never let me go... Kahit anong sabihin ko, kahit anong rason ko, kahit anong away ko sakanya, ayaw niya akong pakawalan."

Tumigil siya saglit at huminga ng malalim, "She even found out about us! Noong nalaman niya 'yun, akala ko okay na e. Akala ko makakawala na ako. But I was wrong! Idadamay ka pa pala niya. There I realized that only that reason is my way out of our relationship."

Naramdaman ko ang mahigpit na pag hawak niya saaking kamay, ganun din naman akong humigpit din ang hawak sakanyang kamay. Wala e. Mabilis akong maniwala.

"Oo. Tama siya. Maraming rason ang break-up namin pero ako lang ang nakakakita ng mga rason na 'yun kasi bulag siya. Bulag na bulag sa pag-ibig. 'Yung rason na 'yun? Isa pa lang 'yun. Maliban doon, magkaiba rin kami ng personality, ng paniniwala, relihiyon. Hindi nga kami magkasundo tuwing nag pla-plano siya ng kasal e. Pinagtatalunan pa namin kung sino ang magpapa-convert. At ayoko, alam ko rin na ayaw niya. Tsaka isa pa, 'yung mga pamilya namin na nalululong sa illegal. Kasi kami ang naging bridge e. Kami ang naging daan ng illegal na 'yun. Naisip ko rin na baka kapag nag hiwalay kami, maging maayos na ang Gosingtian."

"Mula noong nalaman niya 'yung tungkol sayo, she still decided to stay with me even though I never asked for her forgiveness. I never asked for a second chance kasi ayoko na talaga e. But lagi niya na akong pinagdududahan na baka kasama kita, baka kausap kita, baka tayo na ganun pero I keep on denying. I keep on reassuring her na hindi totoo ang nasa isip niya. Na wala ka lang saakin. Kasi naisip ko na madadamay ka talaga kapag tuluyan niyang nalaman 'yung tungkol saatin. And there, tama nga. She paid some people including your old friend just for some stories about us, para lang idamay ka." 

"Saakin ka maniwala, Keena. Maraming rason kung bakit humantong sa ganun... Tsaka lagi na lang din kaming nagtatalo. Alam ni Issa lahat ng rason na 'yan pero she's there online, whining some shits about me. Pinapamukha na ginago ko siya. She's destroying me, my reputation. Gosingtian's reputation. Ngayon ko na-realize na 'yan pala ang plano nila matapos nila akong i set-up sa interview, ipapakilala ako sa lahat bilang Yucaico-Gosingtian at after nun, sisirain ako. Sisirain ang reputasyon ng mga pamilya ko."

"Yung rason na sinabi ko sakanya, it may be selfish. But hey pareho lang kaming selfish kasi ni minsan hindi niya naisip ang nararamdaman ko sa piling niya, kahit na napakatagal ko nang gustong kumawala. It's selfish but it's not easy... Napakahirap din na alam kong masasaktan ko 'yung taong minahal ko at alam kong mahal na mahal pa rin ako... Kaso ayun nga, that's my only way out."

Tumango na lang ako sakanya, "Naiintindihan ko na." Matipid na tugon ko.

"Sorry..." Sabi niya habang nakatungo.

"Bakit ka nagso-sorry? For breaking-up with her?" Natatawang tanong ko.

Kasi duh? Magagalit ba ako dahil wala nang nag mamay-ari sakanya ngayon?

"Noooo. For what I did to her." Sabi niya na nanliliit lalo ang mga mata.

Umiling ako, "You don't have to apologize... Wala kang ginawang masama saakin. Hindi rin naman ako galit, I just want to know your side. Gusto ko lang maliwaganan kung bakit ganun." Tugon ko.

Ngumiti lang siya at hinaplos ang aking pisngi, "Pero ang gago mo talaga." Natatawang sabi ko.

Nag kibit-balikat siya, "Lahat naman tayo humahantong sa pagiging gago." Natatawang tugon niya.

Sabagay, ginago ko lang din naman si Slater noon...

Naramdaman namin na umaambon kaya naman agad na kaming tumayo para pumunta sa SM.

At habang naglalakad kami, biglang lumakas ang ulan.

Swerte dahil walang kaming payong pareho...

........

Kasalukuyang nasa coffee shop kami at kumakain habang nagpapatuyo na rin dahil nabasa kami ng malakas na ulan kanina noong naglalakad kami patungo dito sa SM.

Tinuturuan ko si Jace tungkol sa pag-aayos ng table cells sa Microsoft Word gamit ang laptop niya.

"Nakakainis kasi sa bagong school ko. Walang taga-gawa ng ganyan. E sa school natin meron. Kaya hindi na namin kailangan gawin 'yan." Inis na sabi niya.

"Oh, 'yan. Gets mo na?" Tanong ko, tumango naman siya.

"Oh ulitin mo 'yung ginawa ko." Sabi ko.

"Wow ikaw prof na prof ngayon ha." Natatawang sabi niya na agad namang sinunod ang utos ko.

"Yaaaan!!! Very good. A na grade mo." Biro ko habang kinukurot pa ang magkabilang pisngi niya.

"Galing galing naman ng prof ko!" Sabi niya at mabilis na humalik sa pisngi ko, pasimple na lang akong napangiti.

"Tara movie tayo?" Tanong niya, masayang tumango naman ako.

..........

Pagkatapos namin manuod ng dalawang movie dito sa SM, eto kami ngayon na hindi alam kung paano makakauwi dahil sa lakas ng ulan at wala kaming payong.

Napatingin ako sa oras, 12:15 nang madaling araw na pala.

"Wala talagang ma-book e." Sabi niya na kanina pa sinusubukan na i-book ako ng Grab pauwi.

"Sugod na tayo?" Birong tanong ko.

"Sure ka?" Hindi ko inaasahan na tanong niya.

"Weh? G ka sumugod sa lakas na 'yan?" Tanong ko.

"Oo naman 'no! Baka ikaw, nakikita mo 'yun? Baha na doon oh. Above ankle na 'yan." Sabi niya na mukhang willing talagang sumugod sa ulan at baha ng Maynila.

"Okay lang naman sakin. Ikaw? Sure ka?????" Tanog ko dahil sino nga ba naman ang makaka-imagine na itong taong 'to na milyones ang net worth, susugod sa above ankle deep na baha ng Maynila?

"Sus! Ako pa! Tara na nga!" Anyaya niya na hinawakan ang aking kamay at nagsimula na kaming maglakad sa ulan.

Pero habang naglalakad at nagpapaulan kami, ngayon lang ata ako natuwa sa malakas na ulan at malalim na baha.

Ngayon lang dahil kasama ko siya...

"Hayop na 'yan, sa mga Kdrama ang romantic ng gantong sitwasyon. Pero dito sa Maynila, kadiri. Putangina!" Natatawang sabi niya habang inaalalayan namin ang isa't-isa.

Natawa naman ako, "Ang saya kaya. Putangina hahahahaha!" Sabi ko habang diring-diri sa baha na nilulusong namin papunta sa sakayan ko ng U.V.

"Saan ka sasakay?" Tanong ko nang makatungtong kami sa mataas na bahagi na walang baha.

Ngumiti lang siya at tumuro sa direksyon na pinanggalingan namin, "Other side." Tugon niya.

"Gago ka, sana 'di mo na ako hinatid." Sabi ko.

"Sus. Anong klaseng tao ako kung 'di kita ihahatid sa sakayan? E ang lakas lakas ng ulan tapos baha pa." Sabi niya habang ginugulo ang buhok niya, napangiti na lang ako dahil maliban sa sinabi niya, ang cute niya.

"Tara, konti na lang." Sabi niya bago kami magpatuloy sa pag lusong sa baha.

Pagtawid namin, nagtungo kami sa sidewalk na hindi abot ng baha, "Dito na ko." Sambit ko.

"Sakin ka na lang kaya umuwi?" Seryosong tanong niya.

"Hinahanap na 'ko sa bahay." Sabi ko na lang kahit na parang gumugusto rin ako sa ideya niya.

Tahimik lang kami dito sa silong habang nag-aabang bg dadaan na U.V.

At nagulat ako nang yakapin niya ako... Wala naman siyang sinasabi. Ganun din ako, speechless.

"Mahal kita... Mahal na mahal." Sabi niya na mas lalong hinigpitan ang yakap, kaya naman tumugon na ako sakanyang yakap pero hindi ako sumagot sa sinabi niya.

"Di ko na talaga kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa buhay ko. Baka tuluyan na akong maligaw." Sambit niya.

Kumalas ako sa yakap niya, "Sasakay na 'ko. Mag-ingat ka pauwi ha?" Paalam ko.

Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang kanyang labi saaking labi...

继续阅读

You'll Also Like

122K 4.3K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.8M 37.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
914K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
133K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...