My Zombie Girl (girlxgirl)

By ChrissWitDoubleS

344K 9.8K 1.3K

Eh kung katapusan na ng mundo? Yung nauubos na ang mga tao. May pag-asa ka pa bang mag-mahal muli? Charot! H... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Awtor's Nowt
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen (Repost)
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Happy Holidays!! ;)

Chapter Thirteen

8.4K 230 5
By ChrissWitDoubleS

"I want you to be my wife." Sabi ko sabay suot ng singsing sa kanyang ring finger.

Yung reaction nya. Priceless.

Halong pagkagulat, tuwa at excitement siguro ang nararamdaman nya ngaun. Dahil nakangiti sya pero tumutulo ang kanyang mga luha.

I cupped her cheeks at pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang aking thumb.

"I love you Mrs. Megan Kosikova." Sabi ko sa kanya.

Humikbi sya at nginitian ako ng pagka tamis tamis.

"I love you too Mrs. Mischa Kosikova." Then I kissed her passionately habang nasa tapat kami ng sumisikat na si haring araw.

Pagkatapos ng nagbabagang mga halik namin ay magkayakap lang kami habang nakatingin sa araw.

Nagpullback sya bigla na naka furrow ang brows.

"Babe? San galing tong singsing na to? At kung wifey na kita, dapat meron ka din singsing diba??" Tanong nya. Natawa naman ako sa mga tinanong nya.

Naupo ako sa bubong at inalalayan ko din sya sa pag upo.

"Uhm. Tanda mo yung jewelry box ni mommy?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya.

"Kinuha ko yan dun. Actually, dalawa yan." Sabi ko at tinanggal sa kwintas yung isa pang singsing at ipinakita ko ito sa kanya.

"See? Kay mommy and daddy to. Wedding ring nila yan nun mas bata pa sila. Kaso parehong lumaki ata ang mga daliri nila kaya nagpagawa sila ng bago at tinago yan dun." Natatawang sabi ko.

"Kinuha ko yan nun araw na magka zombie apocalypse...hindi ko na kasi alam kung makikita ko pa sila kaya...kaya kinuha ko ang mga ito para maalala ko sila palagi." Explain ko habang naluluha. Hindi ko kasi alam kung buhay pa sila or what. Namimiss ko na sila.

Hinawakan ni Megan ang kamay ko at nginitian ako. Kinuha nya yung singsing at inilagay nya sa aking ring finger.

"Wag ka nang malungkot wifey ko." Sabi nya sabay squeeze sa kamay ko. "Andito ako para sayo. Magkasama na tayo kaya smile ka na ha?" At kiniss nya ako sa lips. Peck lang ito pero nakapagpagaan ito ng loob ko.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto sa loob ng bahay kaya minabuti namin na bumalik na sa loob.

Gising na pala si Dylan at kakababa lang nya. Kakagising lang din ni Kylie.

Pinakaen na namin silang dalawa at nag prepare na kami ni Kylie para sa pag alis.

"Okay ka lang ba dito babe? Baka kung anong gawin sayo nun." Pabulong kong tanong kay Megan at tinutukoy ko si Dylan.

Umiling sya at nagsalita.

"Okay lang ako dito babe. Hindi ako sasaktan or kung ano man ni Dylan. Upakan ko sya eh." Natatawa nyang sabi. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Uhm. Ingat ka babe ha." Mahinang sabi ni Megan habang hawak nya ang aking kamay.

Nginitian ko syang muli at tumingin muna sa paligid bago ko sya binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Tara na?" Tanong ni Kylie habang kasunod nya si Dylan na medyo ikinagulat namin ni Megan. Pero dahil actress nga ako, act cool lang.

"Okay, tara na. Meg, Dylan, alis na kami, ingat kyo dito ha." Sabi ko sabay bukas ng pinto.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Naglalakad kami ni Kylie patungo ulit sa may highway kung saan kami naaksidente.

Nagk-kwentuhan kami habang naglalakad para di mapansin yung pagod.

"Ish. Kayo na ulit ni Megan?" Biglang tanong ni Kylie. Hindi na ako nagulat sa itinanong nya dahil alam kong maguusap kami ngayon. Huminto ako sa paglakad.

"Uhm. I-I'm sorry Kylie." Sabi ko at napalingon sya sa akin.

"So. Kayo na nga ulit?" Tanong nya habang nakatitig sa aking mga mata.

Hindi ako makapagsalita kaya napa tango na lang ako.

Nagulat na lang ako nang biglang tumulo ang mga luha ni Kylie. Maya maya pa ay humagulgol na sya.

"Kylie..." Sabi ko at niyakap ko na sya ng mahigpit.

Nalulungkot ako dahil alam kong nasasaktan ko si Kylie ngayon. Ako na ang selfish. Kami na ang selfish. Pero wala akong magawa dahil mahal ko pa talaga si Megan. Sya lang talaga ang itinitibok ng puso ko.

Iyak ng iyak si Kylie sa aking balikat habang yakap yakap ko sya. Naaawa ako kay Kylie. Damn. Ang sama sama ko bang tao? Naiiyak ko na ding tanong sa sarili. Feeling ko ang sama ko, shit.

Ilang minuto din kaming nasa ganitong position. Yakap yakap ko lang sya. Gusto kong maramdaman nya na sincere ako sa paghingi ng tawad sa kanya. Gusto kong malaman nya na kahit si Megan ang mahal ko, hinding hindi ko sya iiwan dahil napamahal na din sya sakin bilang kapatid.

Iniangat ni Kylie ang kanyang ulo at tumitig sa aking mga mata.

"I'm sorry Ish." Sabi nya habang humihikbi.

Umiling ako at pinunasan ang kanyang mga luha.

"No Kylie. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil nasaktan kita." Sabi ko at tumulo na ang luha ko.

Yumakap syang muli sa akin at nanahimik. Makalipas ang ilang segundo ay umalis na sya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm happy for you Ish." Sabi nya na nakangiti pero nangingilid ang luha.

Wala akong maisagot at hindi din ako makangiti. Kung ibang tao ang nagsabi nun siguro ngumiti ako ng napakalaki pero si Kylie ito eh. Yung taong nasaktan ko.

Pero salamat at natanggap nya ito. Alam kong nasaktan sya pero hindi ko naman kayang pigilan yung nararamdaman ko para kay Megan.

Naging maayos ang paguusap namin ni Kylie at masaya ako kahit papaano dahil hindi nya ako kinamuhian. Pasalamat talaga ako at naintindihan nya kami ni Megan.

Nakarating kami sa highway kung nasaan nakahimlay ang pinakamamahal kong Hummer. Ene be! Di pa din ako maka move on sa kanya!

"Shit! Malala pala nangyare sa Hummer mo." Natatawang sabi ni Kylie. I rolled my eyes.

"Wala man lang akong naramdamang pity mula sayo. Di mo ba alam sobrang bigat sa loob ko ng makita ko to kinabukasan." Sabi ko na kunwari nasasaktan habang hinihimas ko pa ang sasakyan. Tumawa lang si Kylie.

"Ewan ko sayo Ish." Natatawa pa din sya habang umiiling iling.

Psh. Para din ako na heartbroken dito ahh. Kala nitong si Kylie. Hmp!

"Okay. So. Paano tayo maghahanap ng sasakyan dito? Ehh mukhang walang sasakyan dito. Dun sa nadaan naten nung isang araw wala man lang ni isang sasakyan eh." Sabi ko na naiirita dahil mataas na ang araw at napakainit.

"Hmmm. Maglakad lakad na lang tayo papunta ng north. Baka may sasakyang naliligaw dun. Tsaka baka makasalubong naten sila." Sabi nya na biglang may lungkot sa boses.

"Kylie." Tawag ko sabay ng pag hawak ko sa kanyang balikat. "Wag ka magalala. Alam kong nasa maayos silang kalagayan." Pag assure ko sa kanya.

Ngumiti sya sa akin ng bahagya.

"I hope so Ish. I miss my brother na." Sabi nya.

"Makikita din naten sila. Soon." Sabi ko na parang kinukumbinsi ko din ang aking sarili.

Ilang araw na kasi at wala pa rin sila. Ano na ba kasi nangyari sa kanila? Damn.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Ilang oras na din kaming naglalakad at wala pa rin kaming sasakyang nakikita. Ay meron pala. Pero di namin ito magagamit dahil kung hindi wasak at kung ano pa man, wala naman gas.

Kaya nagdesisyon na kaming bumalik sa may Hummer para makabalik na sa bahay.

Pagdating namin sa may Hummer, medyo weird ang hanging humampas sa amin. Ewan. Basta hindi normal. Parang may kakaibang mangyayari. Pero hindi ko ito pinansin at dumirecho na lang kami sa paglalakad sa palayan pauwi na sa bahay na tinutuluyan namin.

Mga ilang lakarin na lang at malapit na kami sa bahay. Pero hindi talaga ako mapakali.

"Kylie. I feel weird." Sabi ko kay Kylie at napalingon naman sya agad sa aking direksyon.

"W-what do you mean?" Tanong nya na nakakunot ang noo.

"I don't know how to explain this. Basta. Feeling ko may nangyari. Or mangyayari pa lang." Sabi ko sabay buntong hininga.

Hindi sya nakapagsalita ng ilang segundo. Feeling ko kinabahan sya sa mga pinagsasasabi ko.

"Uhm. Wag mo na lang pansinin yun Ish. Baka sa init at pagod lang yan kaya kung ano ano ang napapagisip mo." Sabi nya sabay smile ng pilit saken.

Pinakinggan ko na lang sya at tumango. Nagtuloy lang kami sa paglalakad papunta sa bahay.

Pero naiinis talaga ako. Ang weird ng pakiramdam ko. Parang may mangyayari talaga na ewan. Aish!!

Pag dating namin sa labas ng bahay. Lalo akong naweirduhan.

Shit. Di kaya may nangyari kina Megan???

Kumatok ako ng code namin. Walang nag bukas. Pinihit ko ang doorknob at nagulat kami ni Kylie na hindi ito naka lock. Binuksan na namin ang pinto at nagulat ako nang may isang malakas na force ang tumama sakin, na sa sobrang lakas eh tumilapon ako sa labas ng bahay kasama ang force na ito.

Halos naubusan ako ng hangin sa baga ng tumama ang likod ko sa lupa. Ni wala man lang ungol na lumabas sa aking bibig kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko ngaun.

"Fuck you Ish!!!! Fuck you!!!"

Makamandag na sigaw na nagmula sa bunganga ni Dylan na sya namang ikinalaki ng aking mga mata. Galit na galit na niyuyugyog nya ang aking balikat.

"Hayup ka Ish!!" Sigaw pa nya.

Hindi ko na nagawang magsalita pa nang maramdaman ko na lamang ang isang malakas na suntok sa aking mukha.

Halos magdilim ang aking paningin sa lakas ng kanyang pagkaka suntok. Nagsisigaw pa din sya ngunit di ko na ito maintindihan dahil parang nabingi na ako.

Naulit pa ang isa pang pagdapo ng kanyang kamao sa aking kabilang pisngi. Tulad ng kanina, halos magdilim ulit ang aking paningin. Pag dilat ko ay umiikot na ang aking paningin.

Naaninag ko na pinipigilan nina Kylie at Megan si Dylan sa pag suntok sa akin ngunit sa sobrang galit ni Dylan ay nakakaya nyang magpumiglas sa dalawa.

"D-Dylan...s-san...s-sandali!" Nabigkas ko sa wakas. Pero sa halip na tumigil sya ay lalo pa ata syang nagalit nang marinig ang aking boses dahil naramdaman ko ang sunod sunod nyang suntok sa akin.

Halos mawalan na ako ng malay pero nabuhayan ako ng dugo at tila lumakas ako nang maaninag ko ang mukha ni Megan na may malaking pasa sa bandang labi.

Isang tao lamang ang maaaring gumawa nito sa mahal ko!

Pakiramdam ko'y nagiinit ang aking katawan at parang unti unting nawala ang sakit na aking naramdaman kanina.

Iniangat ni Dylan ang kanyang kamay at pinakawalan ang isang nagbabagang suntok nang walang anu ano ay nasalo ko gamit ang aking kamay ang kanyang kamao.

Halatang nagulat silang tatlo lalong lalo na si Dylan dahil hindi nya siguro akalain na makaka galaw pa ako sa pangbubugbog na ginawa nya kanina.

Sumuntok sya ulit gamit ang isang kamay nang masalo ko ulit ito. Gulat pa rin ang gumuhit sa kanyang nakakasuyang pagmumukha at kinuha ko ang tyansang ito para maitulak ko sya palayo sa akin gamit ang aking buong lakas.

Napahiga sya at dali dali akong pumatong sa kanya at ako naman ang nagpakawala ng malalakas na suntok. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas kong ito pero wala akong pakialam. Sinaktan nya si Megan at dahil dun ay magbabayad sya. Pinipigilan din ako ng dalawang dalaga sa aking likod pero hindi nila ako kaya.

Halos mabura ko na ang kanyang pagmumukha ng may maramdaman akong mainit na yakap mula sa aking likod.

"Baby...please...stop." Isang mala anghel na boses ang nagsalita sa aking likod na sya namang nakapagpatigil sa akin. Nanginginig ang aking buong katawan sa halong galit at pagod.

Tiningnan ko si Dylan na nakahandusay sa aking harap. Wala na syang malay pero sa tingin ko'y buhay pa sya dahil humihinga pa sya.

Tumulo ang ilang luha sa aking mata dahil sa nagawa ko. Ako ba ito? Bakit ko to nagawa kay Dylan? Oo binugbog nya ako at oo nasaktan nya si Megan, pero para halos mapatay ko sya? Hindi ako to.

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Megan at tumayo. Hinarap ko si Megan at kitang kita ko na ang malaking pasa sa kanyang pisngi na malapit sa kanyang labi.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at inihilig naman nya ang kanyang ulo sa aking kamay. Tinitigan ko ang kanyang mga mata at maya maya pa'y ibinaling ko iyon sa kanyang pasa. Sinuyod ng aking hinlalaki ang kanyang pasa at napa wince sya sa sakit.

Tangina...Ni lamok dati hindi ko magawang padapuin sa kanya, tapos si Dylan, ganun ganun lang nya saktan ang babaeng pinakamamahal ko.

Nilinga ko ang walang malay na si Dylan at napa grit ako ng teeth sa inis. Hinarap kong muli si Megan at hinalikan ang kanyang pasa.

Tumalikod ako at naglakad palayo. Medyo lulugo lugo ako pero pinilit kong maka-alis dito. Pumasok na lamang ako sa loob ng bahay at iniwan silang tatlo.

Umakyat ako sa taas at tinungo ang kwarto kung nasaan nandoon ang bubong na kaninang umaga lamang ay masaya kaming magkayakap ni Megan.

Naupo ako dito at hinagkan ang aking mga tuhod habang pinapanood ang papalubog na haring araw.

"Shit. Ano ba tong mga nangyayari?" Tanong ko sa hangin sabay buntong hininga.

----------

Shit! Pansit na panis na malupit pa sa anghit ang smell! Isang update po ito mga kaibigan!! Ah huh. Yea. Kala nyo joke no? XD

Pashneya naman at ngayon lang ako nakapag update. Bukod sa may internal hemorrhage ako sa utak ng dahil sa istorya kong My Mechanical Heart at sa kaka ingles ko ay medyo busy ang awtor nyo. Pashneya talaga mga kapuso, kapamilya, katoto, katropa at katambayan. Paumanhin po mula sa kaibuturan ng aking lungs.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking istorya. At hindi ko nga alam bat haba ng awtor's note kong ito eh di ko naman alam kung may nagbabasa ba nito. Hahaha.

So. Kayo ay mag comment.

Vote.

Read.

Sleep na?

-Chriss

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 310 29
Paano kung late na before you realized na mahal mo sya?? Paano kung wala na sya??? Paano mo pa masasabing mahal mo sya?? How can you say na mahal m...
852K 15.4K 61
'Like a boss'. this words perfectly describes Danica she gets whatever she wants. she's a lil bitch but smart. She's charming, She's flirt but she...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
4.4K 109 16
YoungxAdult • GirlxGirl • ShortStory