Class of Elites: Dawn Of Dark...

By demisegirl_red

48.6K 1.2K 185

"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother... More

CHARACTERS I
HISTORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
RESOLUTION
TRIP NI AUTHOR
PROLOGUE
CHARACTERS PART II
CHAPTER 1(PART II)
CHAPTER 2(PART II)
CHAPTER 3(PART II)
CHAPTER 4(PART II)
CHAPTER 5(PART II)
CHAPTER 6(PART II)
CHAPTER 7(PART II)
CHAPTER 8(PART II)
CHAPTER 9(PART II)
CHAPTER 10(PART II)
CHAPTER 11(PART II)
CHAPTER 12(PART II)
CHAPTER 13(PART II)
BEAST'S APPEARANCES
PIXIES
CHAPTER 14(PART II)
CHAPTER 15(PART II)
CHAPTER 16(PART II)
CHAPTER 17(PART II)
CHAPTER 18(PART II)
CHAPTER 19(PART II)
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
SPECIAL CHAPTER 1.1
SPECIAL CHAPTER 1.2
XL
REQUITAL
PRIME
BEGINNING OF THE END
RETRIBUTION
LIFE AFTER DEATH
END OF THE BEGINNING
SPECKS OF HISTORY
HERE COMES THE BRIDE!
BEYOND TIME
FINAL NOTE

XXVIII

165 7 1
By demisegirl_red

~~I'm Coming Back~~

ELISZIA'S POV

Madilim....wala akong makita...pero ng imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Mom, nakatalikod sakin...pero alam ko....I can tell na siya yun.

'Mom...mom you're here....'

'You killed me,Eliszia....why?!'

'Mom I don't... I don't understand....'

Hanggang sa biglang nagbago ang paligidNakita ko naman ang imahe ni Dad at ni Kuya. Lumapit sa kanila si Mommy, at parang nag-iba ang paligid bigla. From dark to light, to light where I can see their faces clearly.

Dugo....binabalot ang katawan nila ng dugo.

'Eli,you have to make her pay...'

'Patayin mo siya.....avenge us,Darling'

'Mom...Dad...anong---'

'ELISZIA!'











Kaagad akong napatayo mula sa kinahihigaan ko. Umatras ako ng umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa isang mabatong surface.
Nilingon ko iyon at napansin kong parang nasa loob ako ng kweba. And bullseye,nasa kweba nga ako.

Pano ako napunta dito?

"It's all my fault...it's all my fault...it's all my fault"  napatingin ako kay Flora dahil sa narinig kong mga pinagsasasabi niya.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sakin, naglakad ako palapit sa kaniya.
Umatras siya mula sakin at sinangga ako gamit ang kamay niya, umiiyak siya....tsaka may binubulong, the same words she's saying earlier...bukod dun parang may kung sino siyang kinakausap. At dun ko lang narealize na she lost it......Flora, hindi ko alam na ito ang magiging epekto ng digmaan sayo.

Napatakip na lang ako ng bibig ko habang pinagmamasdan siya. Napaluhod ako sa harapan niya, saka niya ako tiningnan. Nanlilisik ang mga mata niya at saka sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya, and I found myself being strangled by her.

"PINATAY MO SI LUCILLE! PINATAY MO SIYA!!! PAPATAYIN KITA!!!!" Sigaw niya, naguguluhan ko siyang tiningnan saka pilit na tinatapik ang kamay niya paalis sa leeg ko.

Does she think na ako ang pumatay kay Lucille----- wait... Lucille is....Lucille is dead?

"F-Flora.....b-bitaw...." Nahihirapan kong sabi. Pero hinihigpitan niya lang ang pagkakasakal niya sakin.

"Flora!" Nakita ko si Lloyd kasama si Edrian. Tumakbo sila palapit sakin, inawat nila si Flora, kasama sina Mathew at Jerome.

"Flora huminahon ka" sabi ni Mathew. Bumitaw naman si Jerome sa pagkakahawak kay Flora as Mathew calms her down.

"Ayos ka lang ba ate?" Tanong ni Edrian, tumango naman ako saka siya yinakap.

"Edrian....I'm so sorry...ayos ka lang ba?"  Tanong ko sa kaniya, kumunot naman ang noo niya sakin. Kaya ako humiwalay.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan,Ate. Kumusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalala niyang tanong. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"I'm okay..." Saad ko.

"Eliszia, buti naman maayos na ang pakiramdam mo. Raven wants to say Hi" nakangiting turan ni Lloyd saka bigla akong dinambahan ni Raven. He kept on licking me kaya naman tawa ako ng tawa, it's ticklish.

"Raven stop hahaha---- teka, Lloyd.... anong nangyare while I was unconscious?" Tanong ko saka umalis si Raven at tumabi kay Edrian. Sumeryoso rin ang expression ng mukha ni Lloyd.

"Eliszia, most of our friends at kasamahan ay nasawi sa laban. Jake,Lucille, and Sheena....they're gone...." Sabi niya, nanlumo ako sa sinabi niya saka ako napatingin kay Flora, she's holding her head as she rack back and forth....

Napatingin sakin sina Mathew at Jerome, tumango lang sila sakin kaya napatango na lang rin ako sa kanila.

"Kumusta naman sila Vicky,Scarlet at...Max?" Tanong ko.

"Ayon....malungkot, parang pinagbagsakan ng langit at lupa." Sagot niya. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"Ate,aalis lang muna kami ni Raven ah. Kuya Lloyd ikaw na muna ang bahala kay ate" tumakbo palayo si Edrian, at pinanunood ko na lang siya na makalayo sakin.

Napahinga na lang ako....

"It must've been hard for them. Ang sakit-sakit naman sa dibdib, unti-unti na tayong nalalagas.....I don't want to lose you too...." I said out of consciousness... Napatingin ako kaagad sa kaniya na ngayon ay nakangisi na sakin...."....guys....I don't want to lose you too guys hehe.... alam mo na, ayoko na mawalan na naman ng kaibigan. From now on I'll do my best to protect you guys....gagawin ko na lahat ng makakaya ko" pahabol kong sabi.

"Huwag kang mag-alala, we'll watch each other's back." Reassuring niyang sabi, tumango naman ako sa kaniya.

"Lloyd....I want to see Vex,Sage,Emory, Azaela and the others.... Where are they?" Tanong ko.

"About that...." Sabi niya.

Matapos niyang sabihin sakin ang patungkol sa kondisyon ni Sage at sa plano nila ay kaagad akong napatayo.
Naglakad ako papunta sa sinabi niyang kinalalagyan nina Sage. Doon ay nakita ko si Prinsesa Tracy and the others.

"Walang aalis" naabutan kong sabi ni Prinsesa Tracy.

Mula sa likod ni Prinsesa Tracy ay dumaan ako,excusing myself as I go to the other side na kinalalagyan nina Emory at ang iba. Sumunod naman sakin si Lloyd.

"Pero Prinsesa Tracy, kailangan ni Sage ng tulong mula sa mga kaibigan niya na nasa Contreras" Protesta ni Reign. Tumango naman si Kuya Axell sa kaniya.

"Eliszia....you're awake" bulong ni Vex sakin, tumango naman ako sa kaniya.

"Alam niyo ba kung gaano kapanganib ang gagawin niyo?
Hindi dapat tayo maghiwa-hiwalay, at walang aalis..hindi ako papayag.
Ginagawa ko to para sa kaligtasan niyo" mariin na sabi ni Prinsesa Tracy. Nagulat naman ako ng makita kong namumutla na si Sage, hawak naman ni Risze ang sentido nito.

"Pero mahal na Prinsesa, kung hindi kami makakapunta run ano na ang mangyayare kay Sage? Pakiusap, hayaan niyo kami na pumunta dun...kahit kaming dalawa na lang ni Axell, basta makapunta lang kami ng Contreras" pagsusumamo ni Ate Chantal. Binalingan naman siya ni Prinsesa Tracy at saka mariin na umiling.

"Baka naman may maitulong ako?" Tanong ni Reyna Elaine pero umiling lang silang lahat. Napakunot naman ng noo niya si Prinsesa Tracy.

"It's the blood Moon's energy.... Mahal na Reyna" sabi ni Azaela sa likod namin. Nagulat naman sina Reyna Elaine at Prinsesa Tracy sa sinabi nito.

"Yung blood moon? Ginamit niya ang enerhiya ng blood moon?" Gulat na tanong ni Reyna Elaine.

"At sa tingin niyo may mahahanap kayong lunas?" Tanong ni Prinsesa Tracy.

"Wala bang lunas ang nangyayare kay Sage?" Tanong ko.

"Wala....at tanging ang pixies niya lang ang pag-asa natin" tugon ni Emory.

"Walang lunas ang ganito niyang kondisyon. Nagsasayang lang kayo ng lakas" negatibong saad ni Miss Raye.

"Pero ma, we can't let her die. Kailangan natin ng maraming tao, why won't you just let them go?" Sabat ni Raisiel, pinandilatan naman siya ng mga mata ni Miss Raye pero umiling lang si Raisiel.

"Enough.... Walang aalis...that's final" tumalikod si Prinsesa Tracy at umalis.

Naiwan si Reyna Elaine at Miss Grace.
Lumapit sila samin at kay Sage.

"Halos sakin na kayo lumaki, nakita ko kayo sa mga ups and downs niyo. May tiwala ako sa inyo, ganun ang mood ni Tracy dahil natalo tayo sa digmaan particularly siya...pero yun lang ba ang tanging paraan para magamot si Sage?" Tanong ni Reyna Elaine. Biglang nagningning ang mga mukha namin dahil sa sinasabi niya.

"Opo, at yun lang ang tanging paraan" eager na sabi ni Kuya Axell.

"Mahal na Reyna----" itinaas ni Reyna Elaine ang palad niya sa harap ng mukha ni Miss Grace.

"I'm giving you permission, pero ipangako niyong makakabalik kayo, as a royal promise" sambit ni Reyna Elaine. Napatango naman kaming lahat.

"Maraming salamat,Reyna Elaine!" Masayang sabi ni Ate Chantal.

We all then end up....hugging Queen Elaine.


































SAGE'S POV

Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sakin si Risze na nakangiti, at si Kuya Ice na nakaupo sa harap ko.
Napaupo ako at inilibot ang paningin ko. Hiniling ko na sana panaginip na lang ang lahat, but sad as it is....this is the reality. And I can't escape from it.

"Kumusta Sage?" Tanong ni Kuya Ice. Ngumiti naman ako sa kaniya saka tumango.

"Okay lang naman, nasaan ba si Ash? Matumal ko na siyang makita eh" reklamo ko, napakamot naman siya ng batok niya.

"Yun? Sus andiyan lang yan sa tabi-tabi kasama ata ang ama niya." Natatawa niyang sagot.

"Ganun ba...." Sabi ko, nagbago naman ang expression ng mukha niya.

"Sage...humanda ka na. Mukhang ready na silang umalis" napakunot naman ako ng noo ko sa sinabi ni Ice, paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko sina Kuya, Vex, Azaela at Ash.

"Kuya akala ko ba--" tumawa naman si Kuya Ice sakin saka niya ginulo ang buhok ko.

"Sige na.....kailangan niyong umalis bago kayo makita ng masunget nating prinsesa" natatawa niyang sabi. Tumingin naman ako kay Risze, tumango siya sakin saka binigyan ako ng maliit na shoulder bag.

"Mommy Saly!"

"Mommy Sage!!!"

Napatingin ako pareho kayna Timbre at Harmony, kasama pala nila si Mommy. Muli may hinanap ako na wala na naman....nasaan kaya si Lola?

"Timbre,Harmony...." Sabi ko saka lumuhod ng bahagya.

"Hindi mo man kasama si Rhythm pagbalik okay lang....basta m-m-mommy mag-iingat ka ha?" Naiiyak na sabi ni Harmony, so alam na pala nila ang nangyare kay Rhythm. Agad ko naman na pinunas ang nangingilid na luha sa mga mata ko.

"Oo naman...ako pa?" Tugon ko.

"Huwag kang ano Mommy, sa susunod huwag ka ng babalik samin na walang malay, maraming sugat o may malalang kondisyon. Sabi nina Tita Arya,Tito Marco at Tito Miko babatukan ka na daw nila pagnagkataon" seryosong sabi ni Timbre napatawa naman ako ng mahina.

"Oo na po, pakisabi na lang po na hindi na mauulit!" Tugon ko saka ginulo ang mga buhok nila.

Pagkatapos kong magpaalam ay lumapit na ako sa kanila. Ngayon ko lang napansin na may kwentas akong suot, it's not a locket pero medyo malaki iyon....it has a pendant na may butas-butas na design...maganda, parang antique so classic.

"I suggest na hindi mo alisin yan sa katawan mo" nakangiting sabi ni Azaela, tumango naman ako sa kaniya.

Naglakad siya palapit kay Kuya at kay Vex. Naiwan naman ako kasama si Ash na parang ang lalim ng iniisip. Matapos ang mga nangyare, lagi na siyang seryoso at ang lalim lagi ng iniisip.

"Ash,okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya, nilingon niya naman ako saka samin ngumiti.

"Okay lang ako...pasensya na. M-May iniisip lang ako...." Paliwanag niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango-tango na lang.

"Palagi naman, I mean...Simula nung maibalik ka samin...lagi ng malalim ang iniisip mo. You've changed...you became more mature and you're going far and far from us..." Sabi ko habang nakatingin sa mga paa namin na nag-uunahan as we keep on walking.

"Pasensya na. Iniisip ko lang kasi kung ano ang ginagawa nina mommy dun sa langit at hinahayaan nilang pagdaanan natin lahat ng 'to. The others are dead....tapos sina Flynn,Mhicka, at Gael naman ay nakuha ng mga kalaban....iniisip ko pa kung ano ang magagawa ko...I feel so useless..." Sabi niya, nakita ko kung pano niya maliitin ang sarili niya.

After all this time, hindi ko alam na iniisip niya pala lahat ng yun. He's shouldering everything ng hindi namin alam, he's keeping this all to himself? Ganito pala ang nararamdaman niya. I didn't know...

"I didn't know you feel that way Ash. Hindi mo naman kailangan na isipin na responsabilidad mo lahat ng 'to eh. Ash, kaya namin ang mga sarili namin....hindi mo kailangang isipin na kailangan mong gawin to,kailangan mong gawin yan.... Ash, we're here for you...this isn't just your fight" nakangiti Kong sabi sa kaniya, tumango-tango naman siya sakin saka niya ako inakbayan.

What a broad shoulder he has, at ang tangkad niya. Hindi ko alam that Ash is so manly.....after all naging crush ko naman siya noon before he came. Ng maalala ko siya at ang ginawa niya...nag-iinit ang ulo ko at parang kumukulo ng dugo ko. Damn it Mikael, you've gone too far I don't know why you did it....I never expected it....I didn't really know you that well huh....

"Sage,Ash....get low" sabi ni Kuya kaya nagulat man ay kaagad kaming sumunod sa sinabi niya.

"What's happening?" Tanong ni Ash.

Parehas kami ni Ash na nakasandal ngayon sa likod ng isang puno habang sina Kuya,Vex at Azaela ay nasa likod ng bushes.

"The monsters.. Are...there" dahan-dahan na sabi ni Azaela. Nagulat naman ako at saka sumilip.

At nakita ko na ang daan na dapat ay dadaanan namin papunta sa Contreras.Nanlumo ako sa nakita ko, at hindi pa kami malayo sa campsite. Pano sila nakapunta dito? What if mahanap nila ang campsite?

"Bakit sila nandito?" Tanong ko, napailing naman sila sakin.

"If they're so near....ending up here. Baka mahanap nila ang kinalalagyan natin. Someone has to warn them" sabi ni Ash, naunahan niya pa ako.

"Got that" kaagad na nawala si Vex, kaya nagtanguan kami sa isa't isa.

Sumilip na naman si Kuya saka direksiyon ng mga kalaban. Saka siya humihingang tumingin samin nina Azaela at Ash.

"We'll have to take them down kung dadaan tayo diyan" sabi ni Kuya. Nagkatinginan naman kaming lahat sa sinabi niya.

"But you know they can't die" sabat ni azaela. Tumango-tango naman si Kuya.

"We just have to stop them from keep on coming. May lima sa harap mismo ng bungad ng daan, may apat sa kanan at Lima pa sa kaliwa. All in all there's a total of fourteen monsters..." Sabi ni Kuya.

"Mabilis silang magregenerate" dagdag ni Ash. Napakagat naman ng kuko niya si Azaela habang nag-iisip.

"What if I turn myself into a gigantic beast and eat them? They won't be slashing my insides.... won't they?" Nangangambang sabi ni Azaela napatawa naman ako ng mahina.

"That is a brilliant plan,Azaela!" Pag-agree ni Kuya.

"Then let's get going" sabi ni Ash.

"Tara?" Sambit ko.

Lumabas kami ng mga pinagtataguan namin. And pretty much, nakuha kaagad namin ang mga attention nila. Naghiwa-hiwalay kami para sugurin sila sa iba't ibang direksiyon.


















































THIRD PERSON'S POV

Matapos umalis nina Sage para hanapin ang maaaring makasolusyon sa kondisyon niya ay pasekretong dumating sina Carina at Carlotta sa lugar nila. Specifically sa harapan ng selda na kinalalagyan ni Xchindy at Tres. Nagsisimula ng magtakip silim kaya hindi sila nahalata ng mga tao.

"Huwag na kayong magtaka kung pano namin kayo nahanap" pangunguna ni Carlotta. Napatawa naman ng mahina si Tres.

"I wasn't going to ask" malamig na sabi ni Xchindy saka itinaas ang kilay niya.

Inilabas ni Carina sina Tres at Xchindy sa selda ng walang kahirap-hirap dahil sa teleportation magic nito. Pinutol rin ni Carlotta ang nakatali sa kanila. Kaagad na naglakad paalis sina Carina,Carlotta at Tres pero huminto muna si Xchindy at pinagmasdan ang mga dati niyang kasamahan....tatalikod na sana siya ng makita niya si Eliszia sa di kalayuan na nakatingin sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Xchindy, samantala dumilim naman ang expression ng mukha ni Eliszia.

"ANG MGA BIHAG NAKATAKAS!" Sigaw ni Eliszia.

"Great Xchindy... Bahala na kayo diyan! We'll wait for you at the extraction area" biglang nawala sina Carina at Carlotta.

"Tsh,way to go redhead" sabi ni Tres.

Napailing naman si Xchindy saka sumabay sa pagtakbo ni Tres. And found themselves out of land....dahil nga sa nasa isla sila mahihirapan sila na makaalis doon kaagad.

"Dead end...wala tayong ibang choice kundi ang bumalik...sa mga mapunong parte na 'to lang natin magagawang makatago" seryosong sabi ni Tres, naiinis man ay tumango si Xchindy.

Pagtakbo nila ay nakita nila sina Emory, Eliszia at Emprez na nakasunod. Napamura na lang silang dalawa. Maya-maya ay may mga buhawi na namuo sa harapan nila....at nililipad nun ang mga buhangin... napuwing silang dalawa...ng makita iyon nina Eliszia at Emory ay sinugod nila ang dalawa.

"Fvck! Why didn't they just take us with them?" Naiinis na tanong ni Tres.

"Keep it down, masyado silang stupid para isama tayo...tsk!" Tugon ni Xchindy.

Ihinampas ni Emory ang espada niya kay Tres pero nasalo iyon ng double blade na hawak ni Tres, umikot ito saka tumalon at sasaksakin sana si Emory pero nakaiwas iyon.

"Akala niyo ba patatakasin namin kayo dito ng buhay? Masyado na kayong makasalanan....papatayin namin kayo" mariin na sabi ni Emory. Dumating si Dwayne sa eksena pero pinigilan siya ni Emprez at hinila ito pabalik sa campsite they both know na kaya na ng dalawa ang mga kalaban,Dwayne hesitated but Emprez kept on pulling him....in the end he did nothing as well.

"Ang lakas ng loob mo para sabihin yan. Nasa amin ang mga diyos, samin sila pumapanig ngayon sabihin mo kung sino ang makasalanan satin" inumpog ni Tres ang ulo niya sa ulo ni Emory. Napaatras naman si Emory at nasapo ang noo niya.

"Ah talaga?" Tugon nito.

Ngumisi si Tres at nakipagpalitan ng atake kay Emory. Pero mabilis at malinis ang bawat galaw ni Emory kaya nahirapan siya na talunin ito, isa-isang ginigilit ni Emory ang mga parte ng katawan ni Tres.

"Nasaan na ang yabang mo?" Naangising tanong ni Emory.

"Huwag kang mayabang,Astran. Palibhasa nais mong ibalik ang dignidad niyong mga Astran dahil sa pagbagsak ng syudad niyo. Pano nga ba ulit yun? Yung pagmamakaawa ninyo na huwag kayong patayin...at ang dalawang.... mag-asawang yun... pinuno niyo ba yun?" Nagngitngit ang ngipin ni Emory sa sinabi ng dalaga dahil alam niya sa sarili niya na ang tinutukoy na yun ng babae ay ang mga magulang niya.

"Hayop ka!" Sigaw nito saka paulit-ulit na hinampas ang espada niya sa espada ni Tres, walang tigil at lahat ng iyon ay mabibigat.

Sangga ng sangga si Tres, walang kahirap-hirap niya iyong sinasangga pero natisod siya, at yun ang tyansa na nakita ni Emory....pagkabagsak ni Tres sa lupa ay tinusok niya ang espada niya sa sikmura nito. Napasuka ng dugo si Tres at pilit na inaalis ang espada sa tiyan niya pero tumigil din dahil itinulak pa iyon ni Emory patagos sa laman niya.

"H-Hindi ka--kayo mananalo l-l-laban s-samin....t-t-tandaan....mo....yan" nauutal na sabi ni Tres, hanggang sa malagutan siya ng hininga.

Tumayo si Emory.....

Sa kabilang banda ay galit na galit si Eliszia... Lahat ng lupa na naapakan ni Xchindy ay nabubuka kaya nahihirapan siya na makipaglaban sa dalaga. Hawak ang lance niya ay tumakbo si Eliszia sa direksiyon ni Xchindy, nagpalitan sila ng malalakas na atake....enough para mapaluhod si Emory dahil sa force ng naglalaban nilang mga sandata.

"SABIHIN MO! ANO BA ANG NAGAWA KO SAYO PARA GAWIN MO YUN SA MGA MAGULANG KO?!" Nanlilisik ang mga mata ni Eliszia habang binibitawan ang mga katagang ito.

Hindi naman sumasagot si Xchindy bagkus ay iwas lang siya ng iwas. Galit na galit siya sa pamilya ni Eliszia, at galit din talaga siya kay Eliszia pero may kung anong nagsasabi sa kaniya na 'tama pa ba tong ginagawa ko?' Meron naman nagsasabi na kailangan kong ipagpatuloy ang sinimulan ko. Ngayon ay naguguluhan na si Xchindy dahil sa mga hinabilin rin sa kaniya ng kaniyang tatay-tatayan.

"May atraso sila...kung hindi mo alam yun ay sasabihin ko sayo....sila ang nagtapon sa katawan nina Mama at papa na parang wala silang nagawang malaki sa pagtatanggol sa Algoria" matigas na sabi ni Xchindy. Kumapit ang lupa sa mga paa ni Xchindy dahilan para hindi siya makagalaw.

"For God's sake Xchindy! Yun ba? Yun lang ba ang dahilan mo?! Xchindy your parents are traitors they deserved it!" Sigaw ni Eliszia, magkaibigan sila noon....and even Eliszia don't know why she's saying this...dahil na rin siguro sa poot na nararamdaman niya para kay Xchindy.


Nagliyab ang katawan ni Xchindy saka napaatras si Eliszia, nakawala siya sa hawak ng kapangyarihan ni Eliszia at sinipa ang dalaga.

"Kahit kailan hindi naging traydor ang mama at papa ko sa Algoria. Ginawa nila ang tama pero sila pa ang napasama! My father should've been one for those noble knights!"  Singhal niya saka sinugod ulit si Eliszia,muli silang nagpalitan ng mga atake hanggang sa sumali na si Emory....

Nakaupo na lang si Xchindy at dumudugo na ang kaniyang tagiliran...may lumabas ding dugo sa bibig niya. Napaluhod siya... Nakita niya na lang si Emory na ang espada'y may tumutulong dugo.

"Tumigil ka na sa ginagawa mo Xchindy.... Wala ka na sa lugar...." malamig na sabi ni Emory, napatayo naman si Eliszia at sinugod si Xchindy.... Paulit-ulit niyang sinaksak ang dalaga....umiiyak ito...iyak ng iyak.

"Kulang pa!....Xchindy kulang pa ang buhay mo! Tumayo ka diyan at labanan mo ko!!! Tumayo ka!!!!" Napaupo na lang si Eliszia sa buhangin at napahagulhol ng iyak....

Napabitaw rin siya sa punyal niya...
Si Emory naman ay nakaramdam ng guilt dahil sa bangkay na nasa harapan nila....Xchindy is bathing on her own blood....Tres is basically dead....

"Xchindy... This wouldn't has to end this way" sabi ni Emory....

"Why....bakit pakiramdam ko kulang?! Bakit nangealam ka Emory?! Hindi mo 'to laban, akin 'to! I should've been the one who killed her! Pakealamera!" Singhal ni Eliszia saka marahas na pinunas ang luha sa mga mata niya. Binangga rin niya ang braso ni Emory

"Ano?! Galit ka pa sakin ngayon?! Tinulungan na nga kita....if I didn't helped you! You would've been dead obviously hindi mo siya kaya" inis na gatong ni Emory. Umalis lang si Eliszia at hindi pinansin si Emory.

Napalingon si Emory sa dalawang bangkay ng kalaban nila. Maya-maya ay dumating si Jerome at Ace.

"Anong--- Emory pinatay niyo sila?" Gulat na tanong ni Jerome.

Kaagad naman na nilapitan ni Ace si Xchindy....

"Diba ang napag-usapan ay huhulihin sila at muling ikukulong....kailangan natin sila bakit niyo pinatay?!" Galit na singhal ni Ace habang nasa kandungan ang naliligo sa dugong katawan ni Xchindy.

Nilapitan naman siya ni Emory saka itinutok sa kaniya ang dulo ng espada niya.

"Nagagalit ka? Bakit dahil pinatay ko ang gagamitin natin para hanapin ang mga kalaban? O dahil pinatay ko ang taong mahal mo?" Mataray na tanong ni Emory.

"Tama na yan....Anong gagawin natin sa kanila?" Tanong ni Jerome saka hinila si Emory papunta sa likod niya.

"......" Tumahimik lang si Ace saka kinarga si Xchindy. Sinamaan niya ng tingin si Emory.

"See? Lumabas din ang katotohanan. You still love her,Ace" sabi ni Emory.

"Ano naman ang pakealam mo dun" malamig na tugon ni Ace.

"Tumigil ka na pare, huwag mong patulan ang babae" saway ni Jerome.

"Kausapin mo siya....kausapin mo yang babae mo" kaagad na umalis si Ace habang karga si Xchindy.

"I'm starting to question his loyalty" sabi ni Emory saka nilapitan ang isang bangkay at itinapon iyon sa dagat.

"Hindi siya taksil sadyang mahal niya lang ang tao" sabi naman ni Jerome.























LUCAS' POV

NAKATAYO lang ako sa harap ng bintana dito sa bulwagan ng marinig ko ang pag-uusap nina Ama at Dos.
Hindi ko sana gustong makinig pero napilitan ako.

"Mahal na Hari, nalaman ko na hindi anak ni Teresina si Lucas, anong gagawin natin?" Tanong ni Dos.

Para akong nabingi dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Napatayo ako ng maayos at hindi makapaniwalang napilig ko ang ulo ko. No,this can't be happening.

"Kung ganun? Kaninong anak siya?" Rinig kong tanong ni Ama.

"Dating Reyna Teresa at Haring Augustus...." Pakiramdam ko may kung anong malamig na bagay akong naramdaman sa puso ko.

"Kung ganun.... Matagal na tayong niloloko ni Teresina?" Tanong pa niya.

Hindi ko na tinapos pa ang usapan nila at naglakad ako paalis doon. Ibig sabihin tama si Mikael, hindi nga ako anak ni Teresina....at ang hindi ko gustong tanggapin ay ang katotohanan na kapatid ko.....ang taong pinatay ko....

Biglang sumikip ang dibdib ko at namamayani ang galit sa puso ko.
Galit sa sarili ko dahil nagbulag-bulagan ako, at galit dahil ginamit niya ako.

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Mikael.

Ipinakita ko naman sa kaniya ang susi na hawak ko. Saka ko binuksan ang selda at pinakawalan siya.

"Tama ka,Mikael. Matagal na akong ginagamit at niloloko ni Teresina." Sabi ko, yinakap niya naman ako ng mahigpit.

"Kailangan nating mahanap ang mga Algorian. Kailangan mong bumalik sa kanila" bumitaw ako at lumayo sa kaniya matapos niya sabihin iyon.

"Hindi...hindi ako sasama. Dito lang ako..babantayan ko sila. Tutulong ako sa inyo mula dito. Umalis ka na Mikael.....ako na ang bahala dito" nag-aalinlangan man ay kaagad din siyang umalis.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng kulungan. At dun ko inilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. Galit, naguguluhan at lungkot. Ano na ang gagawin ko, pinatay ko ang sarili kong kapatid! Trinaydor ko ang sarili kong lahi.....kinalaban ko ang sarili kong pamilya....

Naguguluhan na ako....sino ba talaga ako?



























•The End~~

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 44.6K 42
ɬhey were violently in love with her, but she was oblivious True friends were hard to obtain in the world of the rich and powerful so the elites stay...
3.5M 101K 70
Alexandra Grace, the best nurse in New York is asked to relocate and work full time for the young multi-millionare named Ace. Ace Anderson is an arr...
23.1M 553K 32
"Y-your H-highness? I-i'm sorry b-but t-there m-must b-be a-a m-mistake..." A loud growl sounded through the whole ballroom causing me to start shaki...
609K 1K 22
Smexy One shots😘 Got deleted twice 3rd times a charm🤦🏻‍♀️😭