Class of Elites: Dawn Of Dark...

By demisegirl_red

48.6K 1.2K 185

"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother... More

CHARACTERS I
HISTORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
RESOLUTION
TRIP NI AUTHOR
PROLOGUE
CHARACTERS PART II
CHAPTER 1(PART II)
CHAPTER 2(PART II)
CHAPTER 4(PART II)
CHAPTER 5(PART II)
CHAPTER 6(PART II)
CHAPTER 7(PART II)
CHAPTER 8(PART II)
CHAPTER 9(PART II)
CHAPTER 10(PART II)
CHAPTER 11(PART II)
CHAPTER 12(PART II)
CHAPTER 13(PART II)
BEAST'S APPEARANCES
PIXIES
CHAPTER 14(PART II)
CHAPTER 15(PART II)
CHAPTER 16(PART II)
CHAPTER 17(PART II)
CHAPTER 18(PART II)
CHAPTER 19(PART II)
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
SPECIAL CHAPTER 1.1
SPECIAL CHAPTER 1.2
XL
REQUITAL
PRIME
BEGINNING OF THE END
RETRIBUTION
LIFE AFTER DEATH
END OF THE BEGINNING
SPECKS OF HISTORY
HERE COMES THE BRIDE!
BEYOND TIME
FINAL NOTE

CHAPTER 3(PART II)

230 7 1
By demisegirl_red

~~Sage,I'll make you pay!~~


EMORY'S POV

Hindi kami nakagalaw sa mga kinatatayuan namin dahil sa narinig namin. Tunog iyon ng mga butong nababali, at hindi ako maaaring magkamali doon. At naagaw na lang ang atensiyon namin sa pagsigaw ni Sage. Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa niya, way to go Sage.

"No way....ICE!" Sigaw niya. Sinasakal kasi ni Ash si Ice, at ang tunog ng mga butong narinig naming iyon ay ang tunog ng butong hawak ngayon nung Seven, binali-bali niya ang mga iyon at saka inilapag sa lupa....para sa'n yun? Napataas ang kilay ko dahil dun.

Napatingin silang lahat kay Sage, at yun na ang naging hudyat upang kumilos kami. Tumayo ako at saka pinana si Vex, natamaan ko naman siya....narinig ko pa ang daing niya.
Patawad....ngunit kailangan kong gawin ito.

"Lloyd, Jerome! Ngayon na!" Sigaw ni Ace....isang tila dome ng tubig ang pumalibot kayna Xchindy at doon,sa loob nun ay kinuryente ni Jerome ang tubig dahilan para makita naming mangisay sila.

Nilapitan agad nina Sheena at Catherine si Ice ng sumalampak ito sa lupa. Inatake nina Jake at Gael si Ash para mawala siya sa eksena. Gamit ang napakaraming clone ni Gael ay nagawa nilang antalain ang kilos ni Ash.

Aalis na sana kami kaso hindi kami nakagalaw sa mga kinatatayuan namin. Nakalimutan ata naming lahat na anino ang kapangyarihan nung babaeng yun.....sinubukan naming nakagalaw pero hindi namin magawa. Hanggang sa magsimulang gumalaw ang lupa,naalerto kami at nagmasid kami sa buong paligid.At ang ginawang dome nina Lloyd ay nawala na.

"Mga bwesit kayo....muntik na ko dun....ah....." Rinig kong saad ni Xchindy na ngayon ay basang-basa na at habol-hininga siyang tumayo, ang pulang-pula niyang buhok ay namatay rin ang kulay.

"Vex! Tulungan mo si Ash" utos ni Seven kay Vex na ngayon ay hawak nina Glydell at Mhicka.

"Sure" sagot nito saka nawala si Ash sa dati nitong kinalalagyan.

Nalintikan na!

"River! Sage! Sa likod niyo!" Sigaw ko. Bago pa man mahawakan ni Ash si Sage na kasama ni River ay lumitaw si Ash palayo, tumilapon siya papunta sa isang puno. Si Ice ang may kagagawan nun gamit ang telekinesis niya.

"Salamat" saad ni River. Tumango na lang si Ice sa kaniya.

"Tsk, seryoso Ash?" Sambit ni Xchindy saka muling nagliyab ang katawan niya at nagbalik na siya sa usual niyang itsura.

Sinugod niya ako pero sinalo ni Ma'am Raye ang atake niya. Itinulak siya nito at saka muling sinugod. Napabuntong hininga na lang ako saka ko hinagilap si Dwayne pero nawala siya sa paningin ko....at hindi ko siya mahanap.

"Anak ng----" hindi na naituloy pa ni Mathew ang sasabihin niya ng bigla siyang tumalon palayo.

Isang halimaw ang nagpakita sa harapan namin. Malaki ito at may mahabang buntot, malalaki rin ang mga pakpak nito. Mahahaba ang kuko at pula ang mga mata. Ang mga laway nito na nahuhulog sa lupa ay asido. Pamilyar.....

"Jezra.....Students mag-iingat kayo, isa siyang Jezra at ang laway niya'y asido,maliksi siyang gumalaw at bayolente....bukod dito....mahirap siyang talunin kung maaari huwag kayong magpapasugat sa mga kuko niya o di kaya'y mamamatay kayo" napailing ako sa habilin ni Ma'am Raye. Naglalaban sila ni Xchindy gamit ang mga katana at espada nila.
Mabibilis silang gumalaw para sa iba pero para sakin....nabagal pa rin sila pareho.

"Emory" Agad akong hinila ni Azaela saka niya isinakay sa likod niya matapos niyang magbagong anyo at naging isang dambohalang aso.

"Anong plano mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin at narinig ko na lang ang boses niya sa isipan ko.

"Sina Gurong Tenor at ang iba pa ay nasa bungad ng barrier sabi nila we have to lead them there tapos sila na naroon na ang bahala sa susunod nilang gagawin. Nakawala na rin si Ash at nakatakas si Vex, kaya naman humanda ka...."

Napatango na lang ako sa kaniya.
Mabilis siyang tumakbo, isinasayaw ng hangin ang mahaba kong buhok na nakatirintas. Sa kanan ko ay nakita kong kinakalaban ni Jake sa wolf form niya ang Jezra ganun din sina Catherine at Jerome. Napailing na lang ako...

"Hindi ba dapat ikaw ang lumalaban sa kaniya?" Tanong ko.
Tumawa naman siya ng mahina saka muling sumagot.


"Kailangan nating sumunod sa plano, besides ito naman ang nililiang sa atin ngayon. And look behind you, nakasunod na sila"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko roon sina Vex at Ash na nakasunod samin...at nanlaki ang mga mata ko ng ngumisi si Ash, napatingin ako kay Azaela na ngayon ay nakangiwi na...ang kaniyang nga paa'y nagdudugo. Anong!

"Hindi ko hahayaang makaalis kayo. Isa lang ang misyon namin... ang patayin ang mga hadlang sa plano namin... patawad, pero kayo ang tinutukoy ko" paglingon ko sa aking harapan ay isang lagusan ang lumabas. Unti-unti na ring humihina si Azaela....hindi...hindi 'to maaari.

"Ash...." Tumango lang si Ash sa kaniya at agad din itong umalis. Tila humina ang takbo ng oras at unti-unti kong nakita na dumating si Dwayne at saka ako hinila palayo kay Azaela.

Sumalampak kami sa lupa, pero sinubukan kong tumayo....kaso nahuli na naman ako....naipasok na nila si Azaela sa lagusang ginawa ni Vex! Bwesit! May isa na namang nawala?!
Anong kabaliwan ba 'to!!

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Dwayne. Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit na ako ang inuna mo? Mas kailangan natin siya sa plano kesa sakin....tsk!" Tumalikod ako at saka ko inilabas ang aking espada. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayare, galit na galit na ko at pakiramdam ko sasabog na ko.

Inilibot ko ang paningin ko at ang puro nakikita ng mga mata ko ay ang mga kasamahan kong naghihirap, duguan at madudungis....wala silang laban sa mga nakakaharap namin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat ko pang gawin....bakit pakiramdam ko napakawala kong kwenta? Parang walang kwenta ang lahat?

"Hindi kita pababayaan na gawin ang lahat ng gusto mo Emory, hindi ka dapat lumaban gaya ng sabi mo may plano na dapat masunod. Kaya umalis ka na dito...kami na ang bahala dito...sige na" itinulak ako ni Dwayne palayo. Muli ko siyang liningon, hindi ko maintindihan kailangan ba talaga na umalis ako? Kailangan ko ba talaga silang iwan? Pano kung-----

"Kaya niyo ba talaga?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito.

"Huwag mo kaming maliitin... malalakas kaya kami" ginulo niya ang buhok ko saka ito lumakad palayo...kumaway siya saka sumugod na sa halimaw na kinakalaban nina Jerome.

Napailing na lang ako...at hindi ko matanggap na nakuha na nila si Azaela. Bwesit Vex umaasa pa ako na babalik kayo samin, huwag mo naman sana ipamukha na balewala lang ito. Umaasa pa ako....sana naman hindi ako nagkakamali....

Tumakbo ako papunta sa lugar na pinaghihintayan nina gurong tenor.
At pagkarating ko doon ay bigla aking hinila ni....JM? Akala ko nung una ay buhay ang puno siya lang pala. Camouflage ang kapangyarihan niya kaya naman pala. Ngumiti siya sakin saka niya ako binigyan ng palaso na gawa sa ginto at ang talim nito ay....pilak?

"Ano 'to? Ibig kong sabihin...anong gagawin ko?" Tanong ko.

"Yan ang palaso na makakapag-pahina kay Ash. Sabi ni Gurong Tenor, pilak ang kahinaan ng kapangyarihan niya. Ang kinatatakot lang naman natin ang kapangyarihan niya dahil kung ano ang sabihin niya ang siyang magkakakatotoo. Kaya kung maaalis natin siya. Marahil ay gagaan ang laban na 'to para satin" tumango na lang ako sa paliwanag niya. Kung ganun bakit ngayon lamang niya ito inilabas?

Tumingin ako kayna Sage,Ace, Axell, at Martha na nakahanda na rin. Maya-maya lang ay lumakad na si Sage papunta sa harapan ng makita niya sina Ma'am Raye at Xchindy na papunta na sa direksiyon namin. Hindi rin ako nakagalaw ng makita sina Jake at ang iba pa na tumatakbo papunta rin sa direksiyon namin at sa likod nila ay ang Jezra. Napatingin ako kay Gurong Tenor.

"Humanda kayo...."  Saad ni Gurong Tenor kaya naman humanda nga kami. Umiwas si Ma'am Raye sa atake ni Xchindy, pero sa gulat ko ay may nakatutok nang punyal sa lalamunan ko.

"Ops,one wrong move at gigilitan ko ang babaeng 'to....cooperate with me, and I'll make you live somehow"  nagngitngit ako sa inis dahil sa nangyayare. Bakit ba masyado akong nagpokus sa mga bwesit na 'to at nakalimutan ko na may isa pa palang piste!

Lintik na buhay to!






















XCHINDY'S POV

NAGNGINGITNGIT ako ngayon sa galit sa kaloob-looban ko. Hindi matanggap ng sistema ko ang lahat ng nalaman ko. Buong buhay ko nabulag ako sa kasinungalingan, buong buhay ko hinanap ko kung sino ang pumatay sa mga magulang ko. Now I found HER, she's not the direct suspect, but she'll do.

" I was thinking that you'll replace me in my position, Miss Delaurentis but I'm disappointed na umabot pa sa ganito....ang harapan natin." Umikot siya saka niya muling ihinambalos sakin ang katana niya at pinatamaan niya ako sa weak point ko...bwesit ang braso ko.....tsk! Gaya ng inaasahan sa top rank assassin ng Hexeria. Bwesit!

"Don't worry, I won't disappoint you furthermore.... Dito tatapusin na kita my beloved favorite teacher" sagot ko saka hinawakan ang talim ng espada ko at pinagliyab ito sa apoy. Aatakehin ko na sana siya ng mahagilap ng mga mata ko si Sage.

Nakita rin kita.....

Sage Lyra Pimenova.... I'll make you pay.....

All this time you were the one I'm looking for....

Tumakbo ako papunta sa kinalalagyan ni Ma'am Raye, tumakbo rin siya papunta sakin. Pero linagpasan ko siya, bagkus ay iwinasiwas ko ang espada ko kay Sage. Nagulat siya at napaupo siya sa lupa,nabitawan niya rin ang hawak niyang pana.

"X-Xchindy.....----" tawag niya sakin pero idadarak ko na sana ang espada ko saka kaniya pero nakaiwas siya. Tumayo siya at kinuha niya ang pana niya.

"Xchindy anong nangyayare sayo...Are you really going to kill me? Huwag kang magpapalamon sa mga Helszians na yun, Xchindy mga kaibigan mo kami...please stop this nonsense!" Tugon niya saka tiningnan ako na para bang hindi siya lalaban sakin kahit ano pang gawin ko.

"All this time...pinaglaruan mo ko,kumusta? Did you enjoy it?" Tanong ko saka tumakbo na naman sa kaniya at paulit-ulit siyang inaatake pero lagi niya ang akong iniiwasan at sinasangga niya lagi ang espada ko.

"Hindi kita maintindihan,Xchindy ano bang pinagsasasabi mo?!" singhal niya saka nagbackflip palayo sakin. Nakaukit sa mukha niya ang confusion. Pero pu*******! Wala na kong pakealam!

"Still playing dumb huh? Then I'll make you remember it" nagliyab ang buo king katawan sa apoy saka ko binuo ang isang malaking bola ng apoy sa mga palad ko.

"Xchindy....don't do this. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sayo but please I'm sorry kung ano man yun, let's talk it out...please! Huwag ganito" pagsusumamo niya. Umiling ako sa kaniya saka ko pinakawalan ang malaking bola ng apoy na yun sa direksiyon niya.

Isang malakas na pagsabog ang naganap. Napahinga ako ng maluwag dahil sa nangyare pero ng mawala ang usok kanina ay nakita ko sa harapan si Martha with her shielding power....sa likod niya ay yakap ni River si Sage.

Para akong nainis sa nakikita ko.
They're helping her so much....alam ba nila na mamamatay tao ang pamilya ng babaeng yan? Aren't they suppose to be helping me?! Ako kaya dito ang nawalan ng mga magulang dahil sa kaniya....why does the world has to be this unfair?!

"Xchindy, hindi namin alam kung ano ang issue mo sa kaniya. Pero hindi namin hahayaan na saktan mo ang kaibigan namin. We're all friends here. Hindi ko na alam kung sino ka pa....after all this. Are you really an Algorian? Kung nakikita mo lang ang sarili mo, you're more and more like them.... hindi na naman nakapagtataka yun....but I'll let you know na pagmay kinalaban ka samin kahit isa lang samin...makakaharap mo kami...lahat kami....kahit sino pa kayo...we'll protect each other. We're one, and that's what you all lacks" naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Martha. Napatawa na lang ako ng mahina, bwesit....we're one huh....oo nga naman....

"Kung ganun, we'll kill you...all for one" I forced my self to show them a smile....kahit ang gusto ko lang ngayon ay makita ang babaeng yun na mamatay sa harapan ko.

"Kinakalimutan niyo na ata kami...hi guys,I'm Seven...pwede ko naman sigurong patayin ang isang 'to? Masyado siyang magaling kaya nakakairita" napalingon ako kay Seven na ngayon ay duguan ang ulo. As expected of Emory, she's not an easy one.

"Pakawalan mo ko kundi hindi kang yan ang mapapala mo" banta nito. Napatawa naman si Seven saka niya hinampas sa ulo si Emory at pinatulog.

"Di pa tapos ang laro....here they come" saad ni Vex saka ako hinila.
Sinamaan ko ng tingin si Sage bago ako ipinasok ni Vex sa portal na ginawa niya.

I appeared at the A.A's garden.
Doon ay nagsisigaw ako, isinigaw ko lahat ng nararamdaman ko. Wala na akong pakealam sa kung sino ang makakarinig sa mga dinaramdam ko ngayon. I'm overwhelmed with all this shit....panong ang best friend ko pa ang anak ng pumatay sa mga magulang ko?! Bakit siya pa!!

"Bakit siya pa!!! Bwesit namang buhay to! Ano pa?! Ano pa ba ang hindi ko alam?! Ano pa ba!!" Sigaw ko saka napaupo na lang sa damuhan, nagsimulang mag-apoy ang mga bulaklak dito pati na rin ang damuhan. Masakit na rin ang pisngi ko, I know...everytime na iiyak ako tila asido ang luha ko na nagkakaroon ako ng sugat....huh....I feel like a damn freak...

Yinakap ko ang sarili ko sa gilid ng puno. Gusto kong kumalma pero bwesit hindi ko magawang kumalma, galit na galit ako at hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin... basta ang alam ko lang kailangan ba may pagbalingan ako ng galit na to or else....hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

"Xchindy....you're----nasaan sina Seven?!" Bulalas ni Tres. Hindi ko siya pinansin bagkus ay inagaw ko ang espada ng isang gwardiya at itinapon ito sa kaniya.

"Let's fight" hamon ko sa kaniya.
Kumunot lang ang noo niya saka umiling pero umayos siya ng tayo.

"Anong nangyare? Bakit hindi mo sila kasama?" Tanong niya. Hindi ko na naman siya sinagot pero sinugod ko. Bawat hampas ko ng espada ay mabibigat at sigurado ako na nararamdaman niya rin ngayon ang nararamdaman ko.

"Huwag ka ng magsalita pa" tugon ko sa kaniya. Yumuko ako saka sinipa ang paa niya. Ng matumba siya sa lupa ay sinipa ko ang espada niya. Sa hindi ko malamang dahilan ay mukha ni Sage ang nakita ko kaya naman itinulak ko ang talim ng espada ko sa lalamunan niya pero nasalo niya iyon.

"Hindi mo naman ata balak na patayin ako hindi ba?" Tanong niya  tumutulo na ang dugo sa kamay niya.
Seryoso ang ekspresiyon ng mukha niya.

"Tch!" Tumayo ako at naglakad palayo. Bwesit na buhay to!

Hinabol niya ko pero tiningnan ko lang siya at iwinaglit ang kamay niya sa braso ko. Hinarap ko siya saka nagcross arms sa harapan ko, and that's the sign that she want me to spill it out. Oh fuq this life.....

"I'm sure andiyan na sila...don't force me to talk you know na walang kang mapapala" inirapan niya lang ako saka siya bumitaw. Nailed it....pucha naiinis pa rin ako.

"Hindi ko alam kung ano ang nalaman mo kay Dos, sana naman hindi mo yan maging kahinaan don't be too impulsive use it against them wisely,get me?" Naangisi niyang saad. Tumango ako sa kaniya at saka naglakad palayo.

Huminto ako sa paglalakad at tumitig na lang sa dati naming dorm room na ngayon ay ginawa nilang kulungan ng mga alipin nila....tatalikod na sana ako ng marealize ko na kasama pala ng mga iyon ang aking amain. Pumunta ako dun at hinanap siya. Huminto sa isang kwarto at nakita doon si Azaela na nakakulong pero linampasan ko lang siya. Muli ay napahinto ako sa harap ng isang kwarto  dahil pagsilip ko'y nakita ko si Summer na inaalagaan ang aking ama.

"Salamat" sambit ko habang nakatayo sa labas ng kwarto nila.
Narinig ko ang paggalaw niya dahil sa tunog ng kadena.

"Walang anuman...alam mo,naisip ko na hindi ka naman talaga masama." Tugon niya. Napatawa ako ng mahina at napatingala sa ceiling, still the same goody-two shoes na si Summer huh, what a bummer.

"Pano mo naman nasabi yan? I'm a villain here, gusto mo pa bang patunayan ko?" Turan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Napaupo naman ako sa likod ng pader na namamagitan samin. Nakaawang naman din kasi ng kunti ang pintuan kaya okay na.

"Well....kung masama ka naman kasi dapat pinabayaan mo na ang ama mo. Nagagawa mo pa kaming sikmurain pero hindi ang ama mo"
Nakinig lang ako sa mga sinabi niya saka nilaro ang kamay ko. Wow, kung patuloy na ganito baka magbago pa ang isip ko.

Ipinikit ko ng bahagya ang mga mata ko at may mga ala-alang kumintal sa isipan ko. Hindi ko maaninag ang mukha ng ibang tao na naroon maliban kayna mama at papa. Ibig sabihin kailangan ko pang malaman kung sino ang ibang naroon.

Tsk!

"P-Papa?"

"Anthon! Ano bang ginagawa mo!"

"Hadji!.......Magbabayad kang traydor ka!"

"Selina,patawad sa n-nangyare p-pero alam mo n-naman na kinokontrol l-lang niya si Anthon h-hindi ba?...p-patawad"

"Ang ingay talaga ng mga bata.... hmm, anak mo ang isang 'yan Anthon? Interesante...."

"Tsss...hindi nakakatuwa...ang drama"

"P-Papa....PAPA!! Whaaaaaaa!"

"Patawad bata... Kung hindi ko ginawa yun baka ang anak ko pa ang napaslang niya. Hindi ako papayag dun. Simula ngayong araw na 'to...kakalimutan kong, may kaibigan ang asawa kong traydor na tulad niya"

"P-Papatayin k-kita! Galit ako sayo, pinatay mo sina mama at papa!"

"Alagaan niyo muna ang aking ama....." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa bawat sandali na naalala ko ang mukha ng mga magulang ko na binawian ng buhay ay nag-iinit ang ulo ko.

Pero mas lalong uminit ang ulo ko ng makita ko ang mukha ng dalawang bwesit na 'to na mas lalong sumira sa araw ko.....

"May alam kami....gusto mo ring malaman?" Tanong ni Carina. Inirapan ko lang siya atsaka linagpasan pero hinawakan ni Carlotta ang braso ko para patigilin ako.....

"Tungkol ito sa pagkamatay ng iyong mga magulang. Ayaw mo talagang malaman?" Napalingon ako sa kanila dahil sa sinimulan nilang paksa. Tsk,they better say something useful or I'll toast them right away.

"Speak" saad ko.

"Ganito, may alam ako sa kung sino pa ang may kinalaman dito. Tama, kilala mo si Marcus at Ella Violette? Sila ang naglibing sa mga magulang mo kasama ang iba pang namatay noon." Seryosong sabi ni Carina. Napailing ako ng bahagya,no way....hindi naman ata kasama dito ang mga magulang ni Eliszia diba....

"Nagsisinungaling ka...." Walang kinalaman si Eliszia dito.....tama,wala nga.

"See for yourself then. We were just trying to help, kung ayaw mo eh di huwag,Tara na nga twennie" pinagmasdan ko silang umalis. Naiwan aking parang tanga dito.

Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Sage and Eliszia it is~
I'll kill them:}


















SAGE'S POV

Naguguluhan ako,bakit ba galit na galit sakin si Xchindy? We were so close naman diba? We're best friends, bakit pakiramdam ko na may malaki akong kasalanan sa kaniya dahil sa galit niyang iyon. Those eyes burning with anger and that thought na gusto niya talaga akong patayin, I'm so confuse.

"A-aray! Dahan-dahan lang River"
Saway ko, parang napapalakas kasi ang diin niya sa sugat ko. Kung may mga healer lang sana! Kinuha pa kasi ng mga Helszians na yun ang nga healer namin eh! Our dear Flora! Grrr!

"Bakit ba kasi hindi mo pa pinatamaan si Xchindy? Diba yun naman ang Plano? Tingnan mo, nakatakas sila...nainjured sina Emory,Dwayne,Jake,Grim at Glydell may mga minor injury rin sina Ace,Axell,Ma'am Raye, Catherine at Ice.....hayst!" Ulat nito. Wow ha,hindi ko naman siya sinabihan na protektahan niya ako kanina diba?!

Pero kasi yung nangyare kanina hindi ko maalis sa isip ko. Bakit ba siya galit na galit sakin?! Ano ba kasi yung kasalanan ko?? Si Ace ba? Hindi nga ako lumalapit dun eh...tapos kanina hindi ko naman siya inano....pero bakit ganun na lang ang galit niya?! Kaibign ko pa rin siya and I can't just make her so mad at me!

Wait kalaban na siya....

Pero naging kaibigan ko siya for almost 8 years duhhhh!!!!

Whaaaaaa!!! Mababaliw na ko, hug me River comfort me------ tanga! Sage focus tayo sa issue huwag puro lande....basta,maganda ka pa rin huwag lang maiistress....

"Bakit ba galit na galit siya sakin to the point na nanggigil siya na patayin ako? Am I that pretty para mamotivate siya na patayin ako to the highest level?" Tanong ko kay River. Kumunot ang noo niya pero umiling din siya.

"Stop being paranoid,normal lang yan dahil nila tayo. Kailan ka pa ba nakakita ng kalaban na ang lambing ng mga atake?" May haling pagkabagot na sagot ni River. Wow huh,napapansin ko talaga na nagbabago na ang ugali niya.

"May naaalala ka na ba sa past mo? Matagal ka na dito samin siguro naman may naalala ka na?" Natigilan siya saka huminto sa ginagawa niya at tiningnan ako,sabay ngiti.

"Wala pa eh,sige ha....sandali lang ibibigay ko lang to sa iba dahil kailangan rin nila 'to" naglakad na paalis si River. Humalukipkip ako at nakita ko ba kang si Sam na nakatayo sa malayo,at nakatingin sa mga puno dito.

Linapitan ko siya at bahagyang ginulat pero hindi naman siya nagulat so walang point ang pagtawag ko na "ginulat" ko siya kasi hindi naman siya nagulat,hayt paulit-ulit lang? Basta yun na yun....

"Kumusta?" Tanong ko sa kaniya.
Nagtapon lang siya ng bato sa mga puno bago ako sagutin.

"Not fine" sagot niya ng tipid. Oo nga naman kasi Sage,alam nang kinuha ang kapatid niya ng nga kalaban tapos tinanong mo pa kung kumusta siya,hayyyst!

"I see, try to be fine though. Kumusta sina Prez at Snow?" Tanong ko ulit. Nagkibit-balikat lang siya sakin saka tumayo. Wait,aalis siya?

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya,nilingon niya ako....his eyes so full of.....sadness. Sam.....

"Hindi....but you're free to think of it that way" tugon niya saka tumingin sa likod ko. I saw River standing there,paglingon ko sa harap ko ay wala na si Sam.

Sam,bakit ka ba nagkakaganito?

"Are you planning na pagsabayin kaming dalawa?" Malokong tanong ni River. Umiling lang ako sa kaniya.

"Ewan ko....pwede ba? Di pa naman tayo so....hindi pa ako timer pagganun" nakangiti kong saad. Natahimik siya ng ilang minuto pero kumibo rin siya maya-maya lang.

"Hintay ka lang, magkakatitle rin tayo." Sagot niya. Sus naflatter naman ang munti kong puso. Kaso pinakealaman niya ang sugat ko sa braso so ayun....nasira ang moment namin. Nabugbog ko siya, chos~

Habang naglalakad kami papunta sa mga tahanan namin ay naalala ko ang nangyare kanina,right after Xchindy got pushed in the portal.

~~~FLASHBACK~~~~

Haluhhh! Ibinalik na nila si Xchindy sa Algoria?! Hindi pa pwede hindi ko pa alam ang rason sa likod ng galit niya! Itinulak ko ng bahagya si River sa pagkakayajap niya at saka ako tumayo.

"Aww,Vex why too soon?" Tanong ni Seven kay Vex. Umiling lang si Vex.

Maya-maya ay nagsidaing sina Glydell, Jake,Grim,Emory at Dwayne.
Kanoya-kaniya silang hawak sa mga parte ng mga katawan nila kung saan sila'y nasasaktan. That was after Ash said this word 'Break' like oh my GHAD kailangan namin siyang pigilan.

Binitawan na rin ni Seven si Emory dahil sa nangyayare. Oh no,sorry Ash but I have to do this. Itinutok ko sa kaniya ang pana ko,nilagyan ko ito ng palaso na gawa sa liwanag at saka iyon pinakawalan sa kaniya. Nakaiwas siya pero nadaplisan ang pisngi niya.

"Ash! Tsk! Vex iuwi mo na rin si Ash" utos ni Seven saka umiwas sa atake nina JM at Jerome. Pero hindi siya nakatakas sa matatalim na mga mata ni Ma'am Raye, tinamaan siya sa weak point niya at ayun nga tumumba siya sa lupa,sasaksakin na sana siya ni Ma'am Raye pero naglaho iyon.

"Sorry,no can do" sumaludo pa samin si Vex pero nawala na rin sila.

Ang kaninang dumadaing naming kasamahan ay nawala na lang ng malay. Nilapitan sila ni Gurong Tenor. At nalaman naming, may bone fracture at ang iba naman rin ay may kunting dislocation that could lead to worse case.

"Di pa tapos" saad ni Ace. Nagulat ako ng nasa harapan ko na yung Jezra,as in harap ko talaga.

"Sage!" May kadenang pumalibot sa bewang ko,at hinila iyon ni River
...oh shit!!!!

"Okay ka na!" Sinalo niya ako at itinapon saka sinalo sa likod niya. Ang dami niyang tricks,bwesit siya.

"Grim at Glydell, dalhin niyo na ang mga injured na yan satin! Bilisan niyo,Gurong Tenor sumana na lang rin ho kayo...kami na ang bahala rito" matapos mag-utos ni Ma'am Rate ay agad rin namang umalis sila.

Gumawa ng mga matitibay na sinulid si Martha, si Mathew naman ang gumamit dun para iikot iyon sa katawan ng Jezra. Ace froze the lower extremities of the beast hanggang sa tumumba ito sa lupa. Kinuryente rin ni Jerome ang halimaw....matapos nun ay hindi na iyon gumalaw pa....ng magmulat ito ay may kung anong tinusok si Ma'am Raye sa katawan nung halimaw para mawalan ito ng malay.....ng tuluyan.

Matapos yun ay napaupo na lang kami dahil sa pagod. And then para kaming mga baliw na nagtawanan saka nagdaingan dahil dun lang namin naramdaman ang mga sakit mula sa mga sugat at pagtilapon namin sa mga puno. Hayst.....

~~~END OF Flashback ~~~

Napailing na lang ako dahil sa naalala Kong pangyayare kanina. Sumunod ako kay River, binisita namin ang iba naming kasamahan. Hayst, they look so beat up. Ako rin naman ah!

"River,saan ka pupunta?" Tanong ko ng lumabas si River. Ngumiti lang siya sakin

"Diyan lang sa tabi-tabi, magpapahangin lang. Sige na,ayos lang ako....imma just go out a little" tumango ako sa kaniya at saka ko nilapitan sina Emory na finally ay nagising na rin.

"You okay?" Tanong ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Mukha ba akong okay?" Tanong niya,ang suplada niya ngayon. Napatawa lang sina Dwayne at Glydell sa kaniya.

"Hahaha okay my bad sorry" paghingi ko ng dispensa.

Lumingon ako sa labas,at nakita ko nga doon si River na nakatayo lang at nakatingin sa kalangitan. Napangiti na lang ako at saka bumalik sa pang-aasar kay Emory at pangungumusta sa iba. Ang damingn angyare ngayon araw na 'to,nakakapagod at nakakafrustrate kasi,hindi ko lubos na maisip kung bakit ganun siya kagalit sakin? I always see those eyes of hers paggalit na galit siya sa isang tao na may malaking kasalanan sa kaniya ang tanong,anong nagawa ko sa kaniya para ganun siya kung magalit sakin?














































LLOYD'S POV


Hayst, nakatitig lang ako ngayon sa salamin. Hindi ko alam pero ang gwapo ko talaga, problema talaga 'to....napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Iniinhatan ko ang mukha ko pero may halos na ito dahil sa nangyare kanina,kaasar naman!

Magtatakip-silim na,napatitig ako sa dalawang taong parating. Wait, Vicky and...who's that one? Blue?! Shit!

Tumakbo ako palabas ng kwarto ko at tumungo sa kanila.

"Lloyd anong---" hindi ko na pinansin si Sam, sinalubong ko sina Vicky at Blue....somehow I'm expecting na may iba pa siyang kasama....meron pa ba?

"Lloyd--- oh my gosh! Vicky at Blue?! My goodness guys andito si Blue with Vicky oh my gosh!!!!! Ayos lang ba kayo? Are you all okay???" Bulalas ni Catherine saka ako sinagi,hindi man lang nagsorry. Tumingin ako sa likod nila.

"Nasaan ang iba? Sina Eliszia???" Tanong ko, umiling lang si Vicky saka hinimatay. Sinalo siya kaagad ni Blue,she's looking so pale at ang payat niya rin.

Napahawak na lang ako sa noo ko at napatingin sa pinanggalingan nila. It's hopeless, hindi nga nila kasama ang mahal ko este si Eliszia, tsk!

"Lloyd.... What are you waiting for pa? Wala ng ibang darating okay? It's just them,halika na" muli akong sumulyap sa labas,at saka pumunta kay Catherine,yinakap siya sa braso ko at saka kami naglakad papunta sa pinagdalhan kayna Blue at Vicky.

Pagkarating ko dun ay ginagamot nila si Vicky habang wala itong malay. Umupo ako sa isang silya doon,and I'm planning to talk to Blue. Lumabas ang iba kaya kami na lang dalawa ang naiwan.

"How'd you do it?" Tanong ko. Hindi muna siya umimik saka pinagtapat ang mga palad niya.

"It's just a little intuition, I wasn't really on my proper thinking when I did it. She was tied up there and she's weak and I just....rush towards her without thinking straight" tumango na lang ako sa kaniya. If it was Eliszia who's on her position and I'm on Blue's shoe then I would've done the same.

"Nag-alala na ako kay---- I mean sa kanila. Parang mababaliw na ako, gusto ko nang iligtas sila so badly pero hindi ko alam kung pano and how the hell will I start!" Sambit ko.
Napatango na kang siya sa sinabing ko. Honestly, may mga sandali talaga na gusto kong pumunta sa kanila at hindi sundin sina Gurong Tenor pero alam ko na mapapahamak lang ako if ever I'm to do it.

"I suggest na hindi mo gawin yun ginawa ko....isa pa, kung magiging wreckless ka lang like me you might end up like my brother back then" sagot niya. Napailing na lang ako ng bahagya.

"Brother? May kapatid ka pala?" Tumango na lang siya sa tanong ko.
He lost a brother,so did I...wow we're in the same boat here huh.

"I lost him almost fourteen years ago....and yeah,things happened" so it was on the war fourteen years ago. Grabe,marami talaga ang nawalan nung panahon na yun huh.

"Kung kasama mo kaya siya ngayon...how old is he? You know pareho lang tayo dito...I lost my brother a month ago...but I'm fine..." Tumango siya sakin,then tiningnan si Vicky.

"He might be 21 or 22 by now...he's two years older than me?" Bumuntong hininga na lang siya. Since wala naman akong napala sa kaniya, aalis na lang siguro ako. He's a serious type, at ang boring niyang kausap.

"Anyway,it's nice to see you back with her. I'll be on my way now" tumalikod na ako at lumabas ng silid.

Grrrrr! Anong silbi ng kagwapuhan ko kung hindi ko maililigtas ang prinsesa ko?! Kailangan ko ng mag-isip-isip at ng hindi ako maging useless dito. Mababaliw na ako sa kakaisip....sorry gurong Tenor but I can't take it anymore.

"Gael, kailangan kitang makausap" kumunot ang noo niya dahil sa approach ko.

"Para sa'n?" Tanong niya. Napatingin sakin si Mhicka....

"Basta" at hinila ko siya paalis doon.











































•TO BE CONTINUED~

Continue Reading

You'll Also Like

264K 40.1K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
447K 10.1K 45
In a world ruled by last names and social standings, Anastasia 'Anna' Hawthorne has it all. She is among Manhattan's Elite and is a force to be recko...
36.1K 558 10
Phoebe is the niece of Digory Kirke and her parents died when the white Witch killed them. Digory and Phoebe went to another world were no one knows...
613K 1K 22
Smexy One shots😘 Got deleted twice 3rd times a charm🤦🏻‍♀️😭