THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMP...

MissteriousGuile द्वारा

844K 19.8K 1.7K

Siya si Carnasyon Maria Zeil Batobalani isang masiyahing babae na hindi nakakaintindi ng wikang Ingles. "You... अधिक

TEASER
DISCLAIMER
MUST READ
SYPNOSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
EPILOGUE
GUILE'S
BOOK 2 AND SIDE STORIES

CHAPTER 2

20.5K 414 24
MissteriousGuile द्वारा

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 2

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Ano ba ang sinasabi nya? Itong taong to alam namang nasa Pilipinas lang sya, english ng english.

Humarap sya sakin. Napanganga ako sa nakita ko. Ang gwapo! Ang tangos tangos ng ilong mga besh, tapos ang puti puti pa! Ang kinis ng mukha wala man lang poors—teka tama ba ang poors? Baka pors? Porss? Ahh basta yun na yun, yung walang maliliit na butas ang mukha.

Tapos yung mata nyang may kulay na silver? Silver nga! Pero bakit parang anlamig? Para syang may pinagdaanang rahedya noon ayy dyahe na nga lang, tumingin ako sa napakataas nyang pilik-mata at ang mga kilay nyang makapal na kasalukuyang nakasalalubong ngayon.

Teka galit ba to? Ansama maka tingin ehh.

"Who are you and what are you doing here!?" Galit nyang saad. Ang kanyang malamig na mga mata ay naging mas malamig.

Ano bang ginawa ko para magalit sya sakin? Tsaka ano daw? Di ko naintindihan english ehh! Tamo to si koya.

Pero teka lets translete it, teka di ata yun ang spelling! Translette? Translatte? Transleet? Ahh basta! Tagalog na nga lang! Isalin natin! Tumingin mona ako sa kanya na walang emosyon akong tinitigigan.

"I said who are you and what are you doing here!" Kanina medyo galit nyang sigaw pero ngayon galit na galit na talaga niyang sigaw sa akin. 

Bakit ba siya sigaw ng sigaw? Tsaka ano daw? English na naman kasi ehh.

Who, diba sino yun? Are? Sa pagkakaalam ko ang are ay marami. You, diba ang you ay ikaw? Tama ako yey! Sunod ay ang and, na pagkakaalam ko ay at, what ay ano, are ay marami, you ay ikaw, doing ay ginagawa, here ay dito.

Yes natapos ko naring isalin! I'm really genius genius! Clabs clabs your handz!

Tsaka ano daw ang sinabi nya?

Sino marami ikaw at ano marami ikaw ginagawa dito? Teka parang di ko yata naintindihan! Tama ba ang pagkasalin ko?

Ako marami? Ehh isa lang naman ako ahh! At marami daw ako ginagawa dito? Ehh wala pa nga akong ginagawa! Tamo naman to Sir! Ang hanep ng imagination daming nakikita!

"Sir wala PO akong ginagawa PO!" Saad ko sabay taas ng dalawang kamay na parang sumu-surrender.

Mariin nya akong tinitigan gamit ang kanyang malamig na mga mata. Ano kaya ang nangyari dito noon? Bakit parang wala siyang emosyon?

"Miss, whoever you are, stop messing up with me, because i'm not in the mood right now!! And answer my  question! Who are you and what are you doing here!" Halos maiyak na ako sa sinabi nya! Ang taas na ng english ehh! Di ko na naiintindihan huhuhu!

Ano bang isasagot ko? Yung una na pumasok sa utak ko ang sinagot ko.

"Ako ay pilipino, bow! Ako ay pilipino—"

"What the fvck?!" Mura nya pero pinagpatuloy ko parin ang tula ko.

"Pilipinas ang aking bansa—"

"Itigil mo yan!" Sigaw nya na nagpapatigil sa tula ko. Hay salamat naman nagtagalog rin sa wakas.

"Bakit ka nagtutula!?"

"Kasi PO sir nandito PO tayo sa pilipinas PO kaya dapat PO mag-filipino kayo kasi di ko PO  naiintindihan PO!" Saad ko sa kanya.

Hinilot nya ang panga nyang perpek na sa paningin ko.

"This is giving me a headache!" Mahinang bulong nya pero rinig ko parin.

Diba headache ay sakit sa ulo yun? Bakit ang panga nya ang hinilot nya, diba ulo dapat yun? Sayang to si koya ang gwapo pa naman pero di alam kong saan ang ulo at panga nya.

"Okay, anong ginagawa mo dito?" Nagtitimping saad nya, halata kasi sa boses nya na pinipigilan nya ito para hindi sumigaw.

Dali-dali kong kinuha ang resume na nasa bag ko.

"Ito PO sir oh, mag-aaply PO ako kahit PO janitor man lang!" Sabi ko sabay lagay sa lamesa nya ang resume ko.

Kita kong kumunot ang noo nya tsaka tiningnan ang resume ko. Kita kong tiningnan nya lang ito at hindi binasa.

Tumingin sya sa mata ko, naramadaman kong parang may kumikiliti sa tiyan ko dahil sa tingin nya.

Ano ba tong nararamdaman ko? Mamatay na ba ako?

"Okay, take a seat." Mahinahong saad nya. Ano daw? Kukunin ko ang upuan? Anong gagawin ko sa upuan? Bakit pinapakuha nya ito?

Lumapit ako sa nagiisang upuan sa kwarto na to, maliban sa umiikot na upuan nya.

Kinuha ko ito at pinasan. Kumunot naman ang noo nya ginawa ko? Bakit ganyan ang reaksyon nya? Diba pinapakuha nya ang upuan? Ang gulo gulo naman ni koya!

"What are you doing?" Naguguluhan nyang tanong. Base sa pagsalin ko ang what are you doing ay anong ginagawa mo. Diba?

Ang genius genius ko talaga! Clabs clabs your hands!

Pero teka tamo to si sir, pinapakuha ang upuan tas magtatanong tanong. Sira na ba ulo nito?

"Diba sir, sabi mo PO take your seat PO? At sa pag-salin ko PO nito ay lumalabas PO na kunin mo ang upuan, kaya PO kinuha ko PO ito, tsaka ano PO bang gagawin ko dito sir?" Sabi ko sabay pakita sa kanya ang pasan pasan kong upuan.

Tama naman ako diba? Take ay kunin di naman niya sinabing you sitting in the chair chair—teka tama ba yun? Parang hindi naman, ahh basta yun na yun!

"Are you real?!" Saad nya sa nanlalaking mata. Ayun english na naman!

Isalin ko nga ulit! Are ay marami, you ay ikaw, real ay totoo.

Marami ikaw totoo?—teka bakit di ko ulit naiintindihan! Mali ata. Bahala na nga lang!

Nagtatanong ba sya kong totoo ako? Nagdo-droga ba tong si koya? Totoo ba daw ba ako? Malamang! Alangan namang hindi!

Tama! Nagdo-droga nga to si koya!

Tiningnan ko sya na parang naawa, tsk kaya siguro to problemado dahil naano na ang utak sa kakadroga. Hayyy kawawa naman.

"Sir, I'm being real real, what do you think of me, thinking of you? You drugs drugs sir? It's not very goody to your help sir, you know when you, you know eat eat that, you mean your brain is get to baliw baliw, you know that sir? That baliw baliw when your head are—"

"Stop!" Matigas nyang sigaw kaya napatahimik ako.

"God this is driving me insane!" Mahinang bulong nya. Ano ba to si sir bubulong-bulong pero narinig ko naman!

Tsaka ang taas kaya ng english ko. Im so very very genius genius! Clabs clabs your handz!

"Put that down—I mean, ibaba mo yan." Parang hirap hirap nyang saad.
Ibinaba ko ang upuan.

"Umupo ka dyan."

Umupo ako sa upuan. Magkakaintindihan talaga kami ni sir pag nagtatagalog sya.

Tiningnan nya ang resume ko.

"So your name is Carnasyon Zeil Batobalani and you lived in—what the fvck is this! Di ako maghuhubad bastos to?" Ahh nabasa na siguro nya ang inilagay ko sa undress.

"Oo nga PO sir ang bastos PO diba? Maghuhubad daw PO ako. Sino PO kaya ang may gawa nyan PO at kakasuhan ko, porket PO mahirap lang PO kami ay paghuhubarin na kami!" Saad ko sa kanya na parang nanghihingi ng karamay.

Kita kong parang ngumiti siya dahil sa sinabi ko pero pinipigilan nya lang ito.

"Fvck! This is driving me insane!" Saad nya na halos humalakhak na. Anong nakakatawa, hala baliw na ba siya?

Inalis muna niya ang sagabal sa lalamunan nya saka humarap sakin.

"You mean—Undress? It's address stupid! Ang ibig sabihin ay saan ka nakatira." Namula ako sa sinabi nya. Ganon pala yun? Napahiya ako ahh.

"A-y g-ganon P-PO ba yun?" Tumang-tango sya sa sinabi ko.

Ganon pala yun? Nakakahiya!

Hanggang sa nagpatuloy na sya.

"Ano to? Virgin? Wag mo sabihing di mo alam kong ano ang sex dito?" Tanong nya na pinipigilan ang kanyang pagtawa.

"Virgin PO talaga ang inilagay ko dyan PO sir! Tanongin PO ba daw kong may naka-sex na PO ako! Ang bastos bastos PO talaga!"  Pagkatapos ng sinabi ko ay humalakhak sya ng todo todo na halos marinig na sa buong building.

Napaisip naman ako, anong nakakatawa?

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito, iniluwa ang kanyang sekretarya na parang nakakita ng multo na nakatingin sa amo nya.

Grrrrr kinikilabotan ako baka may nakita talaga sya na multo!

Tinuro nya ang amo nya na humahalakhak parin.

"T-tumawa s-sya!" Gulat na gulat na saad nya habang nakaturo sa amo nya na kasalukuyang tumatawa.

Ano bang nangyari sa kanila? Ako na'y natatakot, bakit gulat na gulat si Sekretarya habang nakatingin sa amo nya at ito namang si koya tumatawa parin. Huhuhuhu

Napansin ata ni koya na may iba sa loob bukod samin ay bigla syang huminto sa pagtawa niya. Bumalik na ulit sya sa normal, yun bang walang emosyon.

Ang bilis naman nyang magpalit ng emosyon. Yan siguro ang epekto ng droga! Kaya kayong mga kabataan dyan wag kayong magdo-droga dahil magiging baliw kayo katulad ng lalaking ito.

"Get out Jean!" Saad nya sa sa malamig na boses. Namumutla naman na tumango si sekretarya Jean bago lumabas.

What is happened happened?

Bumaling ulit siya sa resume ko.

"Your height is—Hello!? Are you kidding me!?" Napakunot noo ako dahil di ko naintindihan ang english nya.

Tsaka tama naman ahh. Diba ang nakasulat ay height ehh ang pagintindi ko ay Hi kaya Hello ang inilagay ko. Tsk ito talaga si sir walang mamon since!—Teka mamon since ba yun? Oo yun nga yun! I'm genius genius! Clabs clabs your handz!

"Tama PO naman sir ahh! Diba hi ang tinatanong dyan? Kaya sumagot ako ng hello! Ano ka ba sir di mo ba alam yun?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Umiling iling syang tumingin sakin habang may nakausling maliliit na ngiti sa kanyang mga labi.

Ano bang nangyayari dito kay sir? I'm closeless!! Oy english yun! I'm genius genius! Clabs clabs your handz!

Pinagpatuloy nya ang pagbabasa.

"Your weight is:Papunta na ako wag ka nang maghintay?! Fvck! Hahahahahah this is really driving me insane hahahaha!" Napanganga ako dahil sa malakas na pagtawa nya.

Bakit sya tumatawa? Is he funny? Oyy english ulit yun! I'm genius genius! Clabs clabs your handz!

Tumitig sya sakin bago nagsalita, may mga emosyon sa mga mata niya na hindi ko masabi.

"Thank you for making me laugh like that, since that tragedy happened I never ever laugh like this. Your stupid remarks made me laughed. And I should thank you for that! Well by the way you are hired!" Napaiyak ako dahil sa sinabi nya.

"Alam kong na-touch ka dahil sa sinabi ko per—" Pinutol ko ang sinasabi nya.

"Hindi naman dahil dyan PO kaya ako umiyak PO! Umiyak PO ako dahil english! Di ko PO naiintindihan!! Huhuhuhuhu!" Sabi ko habang malakas na umiyak.

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Napalitan ito ng hindi makapaniwalang tingin.

"You are really driving me insane!" Saad nya habang humahawak sa kanyang noo.

"Ayan nag-eenglish ka na naman ulit huhuhu!" Saad ko habang umiiyak parin, pinadyak ko pa ang paa ko sa sahig.

"Di ka ba talaga nakakaintindi ng english?" Tanong nya. Malamang iiyak ba ako kong nakakaintindi ako? Tamo talaga to si koya!

"Malamang PO sir!"

May binulong bulong siya na di ko naiintindihan bago humarap ulit sakin.

"Tanggap ka na but not as a janitor but my personal slave!" Saad nya habang nakatitig sa mga mata ko. Para akong nadala sa ibang dimensyon dahil sa titig nya. Napatango nalang ako ng wala sa huwisyo.

Buti alam ko ko ang sinasabi nya dahil kunti lang ang english nito.

"Owwright." Mahina kong saad habang nakatitig parin sa mukha nya.

Pinitik nya ang kamay nya sa harap ko kaya't bumalik ako sa huwisyo.

"Are you okay?" Nag-aalala nyang  tanong. Kahit di ko naintindihan ay sumagot parin ako.

"Okay I'm good!" Hyper kong saad. English yun ha? I'm really really genius genius! Clabs clabs your handz!

"Okay since you are hired, is it okay if you will start now?" Tanong nya. Kahit di ko naintindihan sumagot ulit ako.

"Okay I'm good!" Saad ko parin sa hyper na boses.

"If that's the case then can you help me remove my jacket?" Saad nya. Kumunot ang noo ko dahil di ko na talaga naintindihan pero sumagot parin ako.

"Okay I'm good!"

"What?!" Naguguluhan nyang tanong.

"Sa totoo lang sir di ko talaga naintindihan ang sinasabi mo can you place starts I'm the middle?" Sagot ko sa tanong nya.

Nagkasalubong ang mga kilay nya dahil sa sinabi ko.

"Fvck! You are really driving me insane!" Frusbraded nyang sigaw. Teka teka! Frusbraded ba yun? Oo frusbraded nga yun! I'm really genius genuis! Clabs clabs your handz!

*********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

August and Apple Reynald द्वारा

किशोर उपन्यास

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
Garnet Academy: School of Elites Cai द्वारा

किशोर उपन्यास

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
Amidst The Vying Psyches elu 🌸🎀 द्वारा

किशोर उपन्यास

628K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...