Baka Sakaling Bukas

By Yanniee05

5.4K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. More

Baka Sakaling Bukas
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 13: Reason for leaving
Chapter 14 - The Confrontation
Chapter 15: Paampon muna ha?
Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 20: Kaibigan lang.
Chapter 21: Shall we just end this here?
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 1: Prince Yuan

856 9 3
By Yanniee05

February 27, 2019 - Wednesday

Umiikot ang aking paligid sa isang kalsadang hindi ko mawari kung saan.

Hirap na hirap maglakad na tila ba'y malapit nang matumba.

"Putanginang buhay 'to." Bulong ko sa sarili ko at umupo sa sidewalk habang sinasabunutan ang sarili.

Heto ako.

Heto nanaman ako.

Lasing, at mukhang makakatulog pa sa sidewalk.

Ano pa nga bang bago?

E ilang buwan na akong ganito.

Kinuha ko saaking bulsa ang cellphone ko nang mag vibrate ito.

Hayop na 'yan, sinong maayos na tao ba ang mag cha-chat ng alas-dos ng madaling araw?

"Putangina talaga!" Inis na inis na sambit ko dahil hindi ko ma-unlock ang phone ko dahil sa malalang pagkahilo.

"Putangina, ayan!" Sabi ko nang ma-unlock ko na, sa wakas.

Nakita ko ang isang message request mula kay "Prince Yuan".

"Tanginang pangalan 'yan." Natatawang bulong ko sa sarili ko.

"Keena musta? :)" Sabi niya.

"Luh tangina nito. Close ba tayo?" Tanong ko sa isip ko, pero hindi ko na siya nireplyan at muli ko nang ibinulsa ang phone ko.

"Prince Yuan amputa parang di mahal ng magulang napaka jejemon ng pangalan hahahahahhahahaha." Sabi ko habang tawa ng tawa na parang baliw.

Napatigil ako sa pag tawa ko nang may tumapik saaking balikat.

"Oh." Sabi niya habang inaabot saakin ang isang bottled water.

"Bessyyyyyyy!!!!" Bati ko kay Jess at umupo siya sa tabi ko.

"Ayan. Ayan ka nanaman! Putangina ka gabi gabi na lang ba?" Pagalit niya saakin habang inaayos ang aking buhok.

"Kababaeng tao mo, nakahampalang ka dito sa sidewalk na madilim. Gago ka ba." Dugtong niya.

"Mag-iinom ako, o sasaktan ko sarili ko, o tatapusin ko buhay ko? Anong pinakabest option sa tatlo, Jess?" Tanong ko sakanya.

Kinuha niya ang aking kamay para tignan ang aking bisig.

"Putangina ka. May makita lang akong bago dyan, ako mismo papatay sayo." Sabi niya, pagtukoy sa mga peklat sa aking bisig na sumisimbolo saaking sariling laban sa buhay.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"E dito ka naman talaga palagi kapag di mo na kaya umuwi." Sabi niya at umirap.

"Tara na nga, iuuwi na kita sainyo!" Sabi niya at tinatayo ako.

"Dito muna tayoooo di ko pa kayaaaa!" Sabi ko at inihilig ko ang ulo ko sa braso niya.

Inakbayan niya naman ako.

Parang spare tire ko si Jess. Ganun din naman siya saakin.

Yun bang kapag wala kaming boyfriend o girlfriend o kalandian, saakin siya pumupunta o sakanya ako pumupunta.

In short, reserba lang namin ang isa't-isa...

"Di ko na kaya putangina." Sabi ko habang unti-unti na akong nakakatulog sa braso niya.

......

Nagulat ako nang hampasin ng malakas ni Catt ang table ko habang nakatulala akong dinadama ang puyat at hangover mula kagabi.

"Presi! Tara, kain!" Sabi saakin ni Catt, co-OJT ko na ka-org ko rin sa school kung saan ako ang President.

Tumingin at tumango lang ako sakanya at nanalamin muna bago tumayo.

"San tayo?" Tanong ko habang nakapila sa elevator kasama si Kori, co-OJT din namin na taga ibang school naman.

"Sa baba na lang para may wifi." Sabi ni Kori.

Sa baba kasi ng office namin, may isang malaking mall. Sa taas naman, may cafeteria.

Oo nga pala, sa isang malaking real estate company kami nag o-OJT. Sa Finance department kami naka-assign at ang trabaho namang pinapagawa saamin ay nag a adjust ng condo prices, gumagawa ng customer records, nag u-update ng customer records, utusan para pumunta sa ibang department, at marami pang iba.

Nang makababa kami sa mall, tinignan ko ang aking phone nang mag notify ang aking Messenger. Nag auto connect na pala ang phone ko sa wifi ng mall.

Muli nanaman palang nag notify ang message request saakin.

"Keena musta? :)"

This time, nakikita ko na ang profile pic niya dahil may wifi na ako.

At ang profile pic na 'to?

Napakapamilyar...

Agad kong pinuntahan ang profile niya at para bang tumigil ang mundo ko dahil tama...

Talagang pamilyar ang profile pic na 'to...

Siguradong-sigurado akong nakita ko na 'to dati.

Isang tao ang tanging pumasok saaking isip...

Yung picture na 'to ay silhouette picture ng mga lalaking magkakaakbayan.

Jace...

Pinuntahan ko ang dating Facebook ni Jace dahil malamang doon ko nakita dati ang picture na 'to, at hindi nga ako nagkamali...

Pero naisip ko, baka naman hindi siya itong si Prince Yuan?

Baka poser?

O baka naman isa sa mga taong nasa picture din?

Kaya naman ni replyan ko na siya.

"I'm sorry but who are you?"

"Hahahaha" Agad na reply niya na para bang hinihintay niya na sumagot ako.

"Hindi ka ba pupunta sa Manila campus?" Tanong niya.

Napakapit ako sa railings na nasaaking tabi nang mabasa ko 'yan...

Nakakapanghina...

Ikaw nga yan...

Ikaw lang ang nakakapagpalambot saaking tuhod ng ganito...

"Huy Keena!" Tawag saakin ni Catt habang naglalakad sila ni Kori pabalik saakin, hindi kasi nila napansin na tumigil ako kaya naiwan na nila ako.

"Ano meron besh?" Tanong saakin ni Kori.

"Hoy bakit umiiyak ka?" Tanong naman saakin ni Catt kaya naman napahawak ako saaking pisngi...

Tama, may luha nga...

Pero bakit?

"Ah... Wala, may binabasa lang ako." Tugon ko kahit na pakiramdam ko namumutla na ako.

"Tara na." Sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Pupunta haha why? Sino ka ba" Tugon ko sakanya kahit na walang duda, siya nga talaga 'to...

"So kelan? Let's have merienda. Catch up lang." Sabi niya.

Jace... Totoo ba 'yan?

Ikaw ba talaga 'yan?

"Parang kilala na ata kita. Taga Makati campus ka dati 'no?" Tanong ko.

Umaasang oo ang sagot.

"So kilala mo na ko?"

Sa pag ta-type... Sa construction ng sentence...

Oo, ata...

Pero bakit?

Bakit makalipas ang halos isang taon, muli ka nanamang bumabalik?

"Not sure if tama hinala ko."

"So kilala mo na?" Tanong niya.

"Ano sayo?" Tanong saakin ni Catt na hindi ko namalayan na kasama ko nga pala.

"Ah, ano. Yung lagi." Tugon ko.

"Hanap na 'ko ng upuan ha." Sabi ko at nag-abot ako ng pera sakanya para sila na ni Kori ang mag order.

"Nope." Tugon ko kay Jace dahil gusto ko pang pahabain ang usapan namin. Dahil baka kasi tulad pa rin ng dati. Na mag o-offline na ulit siya kapag nakuha niya na ang sagot na gusto niya.

"Pero may idea ka?"

"Bakit di mo hulaan?"

"Ikaw ba yung nag cha-chat lang sakin kapag late o absent ka? Hahahahaha jk." Sagot ko.

"Ewan ko."

"Name it."

"Jace??? Haha ewan." Sagot ko.

Nabitawan ko ang phone ko pagka reply ko...

Jusko Jace...

Nakakapanghina...

Bakit ganito?

Parang tumitigil ang pag ikot ng aking mundo sa tuwing nagrereply ka pero ang puso ko nama'y pabilis nang pabilis ang tibok na para bang lalabas na saaking katawan...

Muling tumunog ang notification ng Messenger ko...

Huminga muna ako ng malalim bago basahin ang kanyang reply.

"Hahahaha oo na, tama ka na." Sagot niya.

Sa puntong ito, gusto kong magwala.

Gusto kong magsisisigaw.

Jusko, Niccolo Jace. Ano nanaman ba 'to?

Lahat ng ala-ala ay muling nanumbalik saakin habang nag-iisip ako ng ire-reply ko sakanya.

"Spare account ko 'to kaso nag appear ka sa suggested friends ko hahaha." Sabi niya.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Catt saakin pag-upo nila ni Kori sa table namin.

"Kunot na kunot siya oh." Sabi naman ni Kori.

"S-si Jace..." Sabi ko sakanila.

"Sino yun? Ex mo?" Tanong nila.

"Ex..... Something hahahaha. Ex, ewan." Sabi ko habang tumatawa ng mapait.

"Haha sabi na nga ba e." Sagot ko naman kay Jace.

"Hahaha may pasok ka?" Tanong niya.

"OJT na lang haha. Sa Saturday nasa Manila campus ako." Sabi ko.

At nagpatuloy pa ang usapan namin...

Kamustahan...

Trabaho...

School...

Buhay...

At eto...

Eto nanaman siyang bumabalik ata saaking buhay.

......................

Akala ko hanggang doon na lang ang lahat.

Akala ko, makalipas ang labing-apat na linggo, wala na.

Kaso nagkamali pala ako...

Dahil eto...

Eto nanaman siyang bumabalik saaking buhay.

"Catch up naman tayo pag free ka. Kahit kain lang hehe."

"Haha sureee." Reply ko naman, nag-aalangan pa rin kung totoo ba ito o isang panaginip lamang...

"Baka drawing 'yan ah hahaha gusto mo ngayon na eh haha" Sabi niya.

"Haha pwede rin naman." Sabi ko.

Tinignan ko ang aking sarili mula sa repleksyon ko sa bintana, "Ano nanamang plano mong gawin sa buhay mo, Keena..." Bulong ko.

"Hmmm mahilig ka manuod ng movie?" Tanong niya at hindi ko namalayan ang laki ng aking ngiti, alam naman kasi natin ang mga pwedeng mangyari sa madilim na sinehan diba? Hahahaha!

"Okay lang naman hahaha" Reply ko.

Ang landi landi mo, Keena Azalea.

..........

"Kailan ka ulit nasa Manila campus?" Tanong ko dahil nabanggit niya kanina na 2 weeks siyang naka leave.

"Next week pa balik ko e haha why?" Sagot niya.

"Sayang naman, I'll be there on Saturday e." Sabi ko

"Well try ko haha may mga papers din naman akong dapat dalhin kaso tinatamad pa 'ko haha." Tugon niya.

"I see haha basta balitaan mo ko kung kailan ka free :)" Sabi ko, hindi naman siguro halatang sabik akong makipagkita sakanya 'no?

"Sige balitaan kita if nandun ako ng Sat."

"Maraming hub sa ubelt haha." Dugtong niya.

"Hahaha yunnn! Tour me around ubelt, minsan lang mapadpad doon haha." Biro ko.

"Hehehe sure, ano ba trip mo? Ramen, Amo Yamie, coffee, etc hahaha" Tanong niya.

Jusmiyo Niccolo Jace, kahit ano basta kasama kita!

"Kahit ano basta libre mo hahaha jk jk! Anything is fineeee, di naman ako choosy." Tugon ko.

"Anything fine? Hmmm umiinom ka diba? Haha." Tulad kanina, hindi ko nanaman namalayan ang aking malaking ngiti dahil sa tanong niyang 'to.

Jusko, Jace. Anong meron?

Kung ikukumpara sa dati, parang hindi na ikaw itong ka-chat ko ngayon...

Pero you became someone more exciting...

...........

Lumipas ang isang oras, isang araw, dalawang araw, pero wala...

Wala nanamang paramdam si Jace...

At sa kada araw na wala siyang paramdam iniisip ko na lang na sige okay lang kasi baka bukas...

Baka sakaling bukas, magparamdam na ulit siya...

-----------

Author's Note: Hello guyssss! Welcome sa Book 2 ng "14 Weeks With My Professor", itong "Baka Sakaling Bukas". Itong Book 2 na 'to ay isa sa piiiiiinakang hindi ko inasahang mangyayari sa buhay ko. Halata naman diba? Kasi may Final Chapter yung Book 1 e haha (napa-delete pa tuloy para dito hahahahahaha).

Ayun guys, tulad ng dati, I want to make this story as true to life as possible. Ayoko sana magdagdag masyado ng imaginations ko dito haha kaya expect slow updates. Siguro every other week. Ang bagal kasi ng usad ng story sa tunay na buhay e hahahaha. Anyways, ayun. Pati ako hindi ko alam kung kailan ko i-u-upload yung next chapter. Isa rin sa dahilan yan kung bakit "Baka Sakaling Bukas" ang title nito dahil punong-puno talaga ng uncertainty 'to. Schedule ng update, plot, halos lahat.

'Yan guys! Sa mga susunod na chapter, makikilala natin ang mga bagong personality nila Jace at Keena! More matured, more exciting!

Continue Reading

You'll Also Like

96.4K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...