Class of Elites: Dawn Of Dark...

By demisegirl_red

48.6K 1.2K 185

"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother... More

CHARACTERS I
HISTORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
RESOLUTION
TRIP NI AUTHOR
PROLOGUE
CHARACTERS PART II
CHAPTER 1(PART II)
CHAPTER 2(PART II)
CHAPTER 3(PART II)
CHAPTER 4(PART II)
CHAPTER 5(PART II)
CHAPTER 6(PART II)
CHAPTER 7(PART II)
CHAPTER 8(PART II)
CHAPTER 9(PART II)
CHAPTER 10(PART II)
CHAPTER 11(PART II)
CHAPTER 12(PART II)
CHAPTER 13(PART II)
BEAST'S APPEARANCES
PIXIES
CHAPTER 14(PART II)
CHAPTER 15(PART II)
CHAPTER 16(PART II)
CHAPTER 17(PART II)
CHAPTER 18(PART II)
CHAPTER 19(PART II)
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
SPECIAL CHAPTER 1.1
SPECIAL CHAPTER 1.2
XL
REQUITAL
PRIME
BEGINNING OF THE END
RETRIBUTION
LIFE AFTER DEATH
END OF THE BEGINNING
SPECKS OF HISTORY
HERE COMES THE BRIDE!
BEYOND TIME
FINAL NOTE

CHAPTER 32

271 11 1
By demisegirl_red

~~The Legends~~


ASH'S POV

Hindi ko alam kung bakit but Vex's answer is kinda bothering me. Natapos na naman ang laro namin, and it's time for the punishment. Si Sage lang ang nagbail samin, so for short her plan backfired at her.

"Sige na Sage! Buksan mo na and look at it hahaha" masayang saad ni Vex na pasigaw pa. She's normal I mean not that she's abnormal but.... wala namang nagbago. She's still the same Vex we know. Pero kanina, parang hindi siya ang nakausap namin.

"Oo na! Oo na! Bubuksan ko na okay?" At lumapit na nga si Sage sa may jar. I've always thought that this is a bad idea, for some unknown reason....parang may mali..

Nasa harap na si Sage ng jar na yun, pero nakita ko kung paano magtry na magtake over ng iba't ibang kulay ng magic fragments na yun sa loob ng jar. Wait!

"Sage don't!" Sambit ko saka napunta sa harap ni Sage and......

*BOOM!

Nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Nakakabingi, pero.....wala naman akong naramdamang sakit....wait.....

O.o) there's no injury....

o.O) why is it....

"Hell Ash.....what did you do" rinig kong saad ni Kuya,paubo-ubo pa siya. Napatingin ako sa paligid, everything were destroyed and all pero ang kinalalagyan ko ay parang walang nangyare. Sage is sitting behind me,shocked.

"Are you okay?" Tanong ko kay Sage at tinulungan siyang tumayo. Pero biglang lumapit din si River sa kaniya kaya hinayaan ko na.

"I'm okay" tumango naman ako sa kaniya. She's fine, phew~

"Sage! Sage! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Nasugatan ka ba?" Sunod-sunod nitong tanong. Inilibot ko ang tingin ko.

Nagtumbahan ang mga puno....and the diameter of the affected area is so vast. What the hell did we created this time....this is a one of hell large destructive combination of magic.

"Wait....wait....wait! *cough* did you just.....block the explosion with your left arm Ash?" Tanong sakin ni Vex na ngayon ay madungis na dahil siguro sa mga residues ng pagsabog.

"Did I?" Tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kanina. Basically I 'blocked' it unconsciously.

Wait did I really block it unconsciously? With my left arm?
Ang ganung kalakas ng pagsabog nagawa kong ipawalang bisa? Imposible naman ata yun....wait, everything here is possible pero...pano?

"That's your magic,Ash...." Walang emosyon na sambit ni Snow habang pinapagpag ang dumi sa buhok niya. Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako sa sinabi niya.

May kapangyarihan ako? Shet really?!
Ito na yun? For all my life I believed I'm nothing but a normal mortal pero ngayon it's upgraded. From mortal to a magical person....wow...this is----

"Tch! Ang hina niyan,seriously? That's just annoying go get yourself killed na lang walang kwenta yang kapangyarihan mo kung ang kaya mo lang gawin ay ipawalang bisa ang atake ng kalaban mo" napairap sakin si Xchindy,sinipa niya ang nakadagan na sanga sa paa niya. Masaya na ko na may kapangyarihan ako. But somehow tama siya sa sinabi niya.

Kahit papaano tama siya....for all these months na nakasama ko siya may tama rin siyang nasabi......

"Congratulations Ash....it's far too misplaced na malaman namin ang kapangyarihan mo sa ganitong sitwasyon. I mean, biglaan to ah. Di ako prepared" nakangiting sabi ni Jerome saka nakipagkamay sakin,madungis rin siyang tingnan.

"Don't worry....parehas lang tayo Jerome" tugon ko dito. Totoo naman, this happened so sudden na hindi na ko masyadong naexcite sa moment. Ngayon kasalan ko pa?

"Shit!" Asik ni Ace.

"ELISZIA!" napatingin kaming lahat kay Emprez dahil sa sigaw niya. Napatakbo kami palapit sa kaniya.....

Blood.....


What the hell.......

"Guys tulungan niyo 'ko....she's bleeding!" Pasinghal na sambit ni Emprez. Bigla namang pinunit ni Emory ang laylayan ng palda niya at ipinalibot iyon sa ulo ni Eliszia na ngayon ay dumudugo. Saka naman ito dinala ni Lloyd sa likod niya..

What have we done?

"Guys, get everything ready here. Vex and Ash come with us to the Vexeria Village....we have to find some help there!" Seryosong sambit ni Lloyd. Napatango na lang ako sa kaniya. Sumunod kami ni Vex sa kaniya.

"Lloyd,susunod kami. Wait for us there" sabi ni Sam. Tumango naman si Lloyd. Napatingin lang muna ako sa paligid, and followed them.

"Mag-iingat kayo!" Paalala ni Ice.
"Ay wait tae! Sama ako! Kasama niyo kapatid ko eh!" Singhal nito at sumunod din. Kuya naman...seryoso?

Tiningnan ko lang siya ng masama.
Nagawa niya pang panindigan ang kabaliwan niyang 'to....

"What? I'm trying to be protective to my brother here...let me be, okay?" Sambit niya. Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Nagbukas ng portal si Vex at pumasok kami doon. Bumungad sa amin ang naggagandahang mga bahay dito sa Vexeria. Malalim na ang gabi kaya wala na kaming makita na mga tao sa paligid.

"Bwesit, wala ng mga tao!" Inis na inis na si Lloyd. Pano 'to, wala ng mga tao na makikita sa paligid. I took the courage to open a door....I bust myself in to someone else's house.

Sorry mom and dad,I know you didn't taught me to be ill mannered but this is what I can think of at the moment.

"Sino ka?!" Singhal nung lalaki na nasa loob ng bahay. Gulat at takot naman ang pamilya nito na nasa likod niya.

"Pakiusap,tulungan niyo kami" pagmamakaawa ko sa kanila. And Lloyd along with Vex and Eliszia appeared behind me.

"Kayo yung nagcacamping sa bundok hindi ba? Pasok kayo, pasok! Ellena! Tawagin mo si Gurong Tenor! Bilis, sabihin mong may nangangailangan ng tulong niya" nagulat ako sa sinabi niya, so kasama siya nung mga nakalaban naming vexerian? Mabuti na lang....

"Eliszia, hang on" sambit ni Lloyd.
Dumadaloy pa rin ang dugo sa ulo ni Eliszia. Napaupo naman ako ng de oras, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Meron ho ba kayong potion o gamot na makakapagpatigil sa pagdurugo ng sugat niya?" Tanong ni Ice. Napatango naman ang lalakeng nasa harap niya ngayon. Marunong bang manggamot si Kuya? Whatever anyway, if he's good at it then that's fine at least the bleeding will be stopped.

"Berlinda, dito na muna kayo. Bantayan niyo sila kung may kailangan at hintayin niyo na dumating si Gurong Tenor" sambit nung mama. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya. Hindi naman siya nagpakilala,at hindi naman ako nagtanong.

Napatingin ako kay Lloyd na kanina pa kumbaga pilit na pinipigilan ang patuloy na pag-agos ng dugo sa ulo ni Eliszia. Maya-maya ay biglang may ibinigay si Aleng Berlinda? Berlinda ata 'to....and it's lots and lots of compressor to temporarily block the bleeding, which is impossible.

"Are you not a healer, Madame?" Tanong ko. Wala eh, I feel so useless at the moment. Why am I useless in every angle, to hell with this useless power of mine.

Tumingin siya sakin, and tried to push a smile.

"Hindi hijo, I'm a normal Vexerian. I do charming instead of healing" sambit nito. Napatingin ulit ako kayna Lloyd at Eliszia. At maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang bata,ang anak ata ni Aleng Berlinda.

"Ina,andito na po siya" saad nung bata na halatang hinahabol pa ang hininga niya. Ellena ata ang pangalan niya?

Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko roon ang isang di katandaang lalaki na may suot na eyeglasses. You can't tell how old he is, dahil bata siyang tingnan.

Pumasok siya and later on asked for who's injured....

"Nasaan ang pasyente" tanong nito, sabay ayos sa salamin niya.

"Dito ho!" Tugon ni Lloyd. Lumapit doon yung lalaki. Saka maya-maya dumating sina kuya Ice at yung lalaki na hindi ko alam ang pangalan.

Napasuklay ng buhok niya si Lloyd gamit ang kamay nito. Halatang frustrated at alalang-alala. Ibinigay rin nina kuya ang kinuha nila. Napansin ko ring tahimik lang si Vex sa gilid. Nakalimutan ko na kasama pala namin siya. Hell to that.

Naupo sa tabi ko si Lloyd....

Tahimik naman ako na pinapanood ang panggagamot ni Gurong Tenor, 'yan ang rinig kong tawag nila. Ang halaman na kinuha nila ay dinurog at inilapat sa sugat ni Eliszia. Mula sa kinauupuan ko, matapos tanggalin ang nakabalot na tela sa ulo niya ay sumilay ang malaking hiwa doon. If I'm not in the magical world, I would've thought that she won't make it.......

But because I'm in this fantasy world.....

Everything is possible........

Matapos ilagay sa noo nito ang dinurog na halamang iyon ay biglang sumilay ang kay berdeng ilaw mula sa sugat ni Eliszia. Umilaw ito, at may magical light na tila umakyat sa ere at sumabog ng maraming small fragments in heart shape, magic fragments ata yun.....and in front of us.....is a beautiful, heart-shape magic light.......at nawala iyon by seems to be going in Eliszia's wound,like it got absorbed in.

"Aisht!" Lumiwanag ang mukha ni Lloyd ng biglang napatayo mula sa pagkakaratay si Eliszia, she just woke like nothing happened.

Of course,yinakap siya nina Vex at Lloyd. Ako? Pinanood ko lang sila.....

I would've protect them all kung nalaman ko ng mas maaga kung ano ang kaya kong gawin.....

Why am I such a pessimist?
I'm blaming myself again.....

"Buti na lang naagapan ka Eliszia!
I'm so happy you're okay na!!!" Sambit ni Vex sabay yakap sa kaibigan nito. Napatawa naman ng mahina si Eliszia.

"Ako rin....ang sakit kaya nung natamaan ako ng bark ng tree....nawalan ako ng malay because ang sakit talaga. I thought I would die back there" tila nahihiya nitong saad. Namumula kasi ang pisngi niya as usual. Napakamot rin siya ng noo niya, her mannerism every time she's shy or embarrassed. I just realized that.

Maya-maya ay napatingin siya kay Lloyd. Ngayon ay hindi na ito nakayakap sa kaniya, bagkus ay nakatayo lang ito sa harap niya. He's smiling. Of course he's more happy than Vex.

"Thank god you're fine now" sabi nito. Tumango naman si Eliszia dito.
I don't know if she's just ignoring him,but it's all see through that Lloyd really like her.....but why does she seem like she don't care at all.

This is one of my reasons why I don't understand girls.....they're so skittish.

"Buti naman buhay ka" tatawa-tawang saad ni Kuya Ice. Nginitian naman siya ni Eliszia.

I sat still, not making any noise.
Not unless they ask me to.

"Ngayong ayos na siya....maaari niyo bang ipaliwanag kung bakit nagkaroon ng pagsabog dun? Sabi nila Caloy na nandun daw kayo at nagka-kamping" tanong ni Gurong Tenor. Napatingin ako sa labas, at napansin kong napakadilim ng kalangitan.

Ano na kaya ang ginagawa nila doon?

Kung hindi kaya ako sumama dito...— bakit nga ba ako sumama dito?

"Siya nga pala, ako ang Mang Caloy niyo." Pagpapakilala nung lalaki. Napatango naman kami sa kaniya.

But again....I sat still.....quietly.

"Ah! Ikaw pala si Mang Caloy.
Ganito yun Gurong Tenor, naglalaro kasi kami nun. At pinagsama-sama namin ang mga kapangyarihan namin or should I say magic fragments at ayun.... sumabog" paliwanag ni kuya. Nagulat naman sina Aleng Berlinda at Mang Caloy. Napasapo naman ng noo niya si Gurong Tenor.

"Bakit niyo ginawa yun? Hindi niyo ba alam na mga bata kayo na ang pagsasama-sama ng magka-kasalungat na elemento ng mahika ay hindi magandang ideya? Sabi nga nila 'it'll repel each other' ang iba ay susubukang puma-ibabaw at ang iba ay lalaban. At sa rasong ito,ang resulta ay isang malakas na pagsabog'" paliwanag nito. Kung ganun, mali ang research ni Sage? O baka naman hindi talaga siya nagresearch=____=

"Oh? Takte....eh siya nga pala Gurong Tenor! Anong tawag sa halamang ginamit niyo para gamutin si Eliszia... Bago ang lahat Vex Glamora Gray ho" pagpapakilala nito. Nakipagkamay siya sa pamilya ni Mang Caloy at kay Gurong Tenor.

"Ivan Chris Exyll Dawnvell ho....Ice na lang for short. " sabi naman ni Kuya.

"Eliszia Violette ho,maraming salamat ulit sa pagtulong niyo sakin" nakayukong sambit ni Eliszia.

"Ay naku hindi, huwag kang yumuko.Normal lang naman na tumulong sa kapwang nangangailangan hindi ba?" Mahinhin na turan nito. Napangiti ulit si Eliszia at tumango na lamang dito.

"Lloyd Roberts ho,boypren niya" pagpapakilala ni Lloyd sabay turo kay Eliszia.

"Oh ganun ba?" Natatawang tanong ni Aleng Berlinda.

"Hindi ho totoo yun!!! Lloyd ano ba!" Depensa ni Eliszia. Napatawa naman si Lloyd at ang iba pang narito.

Hindi rin ako natatawa.....

Hayst...abnormal ata ako eh....

Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko iba ako sa kanila.

"Siya nga pala.....ang bulaklak na yun ay tinatawag na Roseia.... bulaklak dito sa Vexeria na may kapangyarihang magpagaling. Pangalawa sa Elysium Flower na isang alamat lamang. Ang bulaklak ring ito'y pinaniwalaang alamat lamang, pero totoo ito at dito lang sa lugar namin mahahanap." Paliwanag ni Gurong Tenor.

I'm totally bored here.....

Tsk, makaalis na nga tutal maayos na rin naman na si Eliszia, ni hindi ko nga alam kung ba't sinama pa 'ko dito eh.

Hindi nila napansin na lumabas ako.
Madilim ang paligid, malamang kasi napakalalim na ng gabi. Naglakad ako ng naglakad....hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta naglalakad ako ng naglalakad.
Napahinto rin ako sa harap ng isang masukal na daan.

Pinasok ko iyon at doon ay may nakita akong mga rebolto, isang babaeng may palamuti sa noo niya. Scratch that,dalawang rebolto pala ng babae at dalawang rebolto rin ng lalaki na parehong makisig at magagandang tingnan.

"Ang gaganda nila hindi ba?" Nagulat ako dahil sa boses na narinig ko sa likod ko. Hindi ko inaakala na makakasunod siya kaagad.

"Para saan ang mga reboltong ito?" Tanong ko dahil hindi ko mapigilang hindi maintriga. May kung ano sa mga reboltong ito na umaakit sakin.
Nababaliw na ata ako......

"Mula pa man noon ay kaugalian na namin ang ipagdiwang ang pista namin kaagapay ang pagpapasalamat sa mga diyos at diyosa sa kalangitan sa mga biyaya at pagbabantay nila. Si Thalya na Diyosa ng Kamatayan, si Narwan Diyos ng Buhay, si Cataleya na Diyosa ng Paglikha, at Demeanor and Diyos ng Pagkasira.....sila ang mga Diyos at Diyosa na nagpa-panatili ng balanse sa mundo natin" paliwanag nito habang isa-isang itinuturo ang mga rebolto.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanila.
Hinawakan ko ang mukha ng rebolto ni Thalya. Why does it feel like something's...... wrong with her=___=

"Ganun ba" sabi ko out of the blue.
Tumango naman siya sakin.

"Ayon sa kasaysayan.....and Diyosa ng Paglikha ay umibig sa Diyos ng Pagkasira...ang pag-iibigan nila ay tinutulan ng mga diyos at diyosa ng kalangitan dahil ito'y maaaring magdala ng pagkasira sa balanse ng mundo.And diyosa ng Paglikha ay hindi dapat umibig sa diyos ng Pagkasira. Malaki ang deperensiya dun. Hindi lang naman silang apat ang diyos at diyosa ng kalangitan.....at ang pagtutol ngang iyon ay isinawalang bahala nila. Ang resulta nun ay itinapon sila sa mundo natin." Nagulat ako sa sinabi niya.

Kahit pala mga diyos at diyosa ay napaparusahan rin? Akala ko ba sila ang batas at sila ang kapangyarihan?
Mali pala...gaya ng mga tao.... nagkakamali rin sila. Umiibig din sila at sumusuway rin sila sa kautusan. Pati rin mga diyos,hindi perpekto.

What an irony and contradiction!

"Ano naman ang nangyare sa kanila?" Tanong ko saka humarap kay Gurong Tenor. Huminga siya ng malalim at isinukbit ang mga kamay niya sa bulsa niya.

"Ang Diyosang si Cataleya ay pinarusahan na kung sino man ang titingin sa mga mata niya ay siyang magiging katapusan ng buhay ng nakakita, kung sino man ang makakarinig ng boses nito'y siyang kamatayan ng nakarinig.....sa madaling salita....siya ang Helthare. Ang parusang ito ay ang iginawad sa kaniya." Litanya nito.

I don't know how to react.....

Are you fvckin' kidding me?

Kung tama nga ang sinabi ni Sage then nakasalamuha ko nga ang isang diyosa!!

"And the other one?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at tumingin sakin....sadness is written at his face.

"Isinumpa upang maging halimaw, kinuha sa kaniya ang kakayahang umibig,at magmahal dahil hindi na niya maramdaman ang tinatawag nating 'emosyon'. Naging halimaw siya, siya ang tinatawag na Jezra, ang mabangis na halimaw na nasa syudad ng nasirang Ardor" nagulantang ako sa sinabi niya.

Ganun ba kalaki ang kasalanang umibig sa mga diyos na yun? Nagmahal lang sila pero bakit kailangang ganito ang mangyare sa kanila?porke't ba dahil diyos at diyosa sila wala na silang karapatang umibig, ganun?

"That's unfair. Ano naman ang masama kung umibig sila? Kung nagmahal sila? Normal lang naman yun dahil may puso't emosyon sila" tugon ko dito. Napatawa naman siya sakin ng mahina.

"Dahil ayaw nilang maulit.....ang nangyare noon" sabi nito.

"Anong nangyare noon?" Tanong ko.

"Si Thalya ay umibig rin sa isang tao. At ang pag-ibig na yun ang dahilan ng laban ng mga diyos at diyosa. Daang taon na ang nakararaan, inakala ng lahat na ang digmaan sa pagitan ng mga tao dito sa Algoria at ng mga mortal dito sa Hexeria ay dikta lamang ng kapalaran. Ang totoo ay iyon ang galit ng mga diyos at diyosa na nais nilang parusahan ang mga tao dahil sa pangangahas ni Thalya. Ito rin ang dahilan kung bakit may ginawang hiyas sina Thalya, Narwan at Demeanor at Cataleya. Ang kaguluhang iyon ang nagsilbing leksiyon ni Thalya. Siya'y mabait, at mahal na mahal niya ang mga tao. Kaya naman malugod siyang gumawa ng paraan para maligtas ang mga tao.... linayuan niya ang taong yun. At bumalik ang lahat sa dati" naguguluhan ako kung bakit ang dami niyang alam. I want to cut him off, pero I'm curious I'll have to let him finish.

"Hindi ba't hindi naman makatarungan na idamay nila ang lahat dahil sa isang tao?" Tugon ko.
Ngumiti siya sakin, at tumango.

"Pero diyos sila...tao lang tayo.
Ano ang karapatan nating magdesisyon....alam mo ba kung ano ang pinaka nakakagimbal na katotohanan?" Hindi ko alam pero...
parang kinabahan ako sa sasabihin niya.

"Ano yun?" I asked.

"Nagkaanak si Thalya at ang taong yun. Pagnalaman ito ng mga diyos at diyosa sa kalangitan, asahan mong isang delubyo ang darating.... delubyong guguho sa mundo ng bawat isa. Isang propesiya ang isinilang.... propesiyang gigimbal sa lahat" bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinasabi niya.

"Bakit mo 'to sinasabi sakin? Bakit mo alam ang lahat ng 'to?" Tanong ko.

Ngumiti siya ulit.......

"Naniniwala ka ba sa muling pagkabuhay?" Tanong nito

Reincarnation?

Muling........

.........pagkabuhay?
































VEX'S POV


Wala na akong oras........

I've been thinking about this, for almost my whole life as soon as I enter this academy......

Ang sama ko....

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.......

Hindi ko gustong saktan sila...I really don't....gusto kong sabihin sa kanila ang katotohanan but I can't.

I don't want to choose.....but eventually, I'll do it so sa bandang huli......

Pano ba 'to?

Someone please tell me what to do.
Naguguluhan na 'ko, and it's not healthy pramis!

All this time plano ko lang namang magkunwari. I made sure na lahat ng ginagawa ko hindi totoo, pero hindi ko naman alam na mapapamahal ako sa kanila. Bwesit naman 'to oh! Ang hirap! Pede time perse muna?

"Eliszia! Akala ko talaga mamamatay kana. Naisip ko nun kung mamamatay ka pwede ko ng angkinin si Lloyd ahahahaha!" Maloko kong sabi. Pakiramdam ko mamamatay na 'ko sa pinagsasasabi ko. Duhhh, I'm not dying yet. Ang drama ko.

Napakunot ng noo niya si Lloyd at saka ako binatukan. Masakit kaya yun amfufu!!!! Sipain kita diyan papuntang Alaska eh! Hanudaw?! Asan ba 'yang Alaska na 'yan? Pumasok lang 'yan sa isip ko lul!

Napatawa naman ng mahina si Eliszia.At saka ko lang napansin, nasa'n na pala sina Ash at Gurong Tenor? Wait....parehas silang nawala. Hindi naman kaya magkasama sila?! Eh ano naman ngayon kung magkasama sila?! Hehehe lul....

"Vex puro ka talaga kalokohan" epal naman ni kuya Ice. Ayyt, Kuya tawag ko pede koya? Pede nemen eteng megpebebe kehet ngeyen leng?

Ghe Vex talon na una ulo,lul~

"Oo nga eh, you can't distinguish na nga kung ano ang totoo sa puro kalokohan kong ginagawa....Kuya Ice pede tayo na lang? Wala si Ash eh, si Lloyd naman tas si Eliszia! Tara kuya ice tayo na lang kasheeee!!!" Hahaha nangungulet na 'ko, bored eh. Nakakabitter kasing tingnan 'tong dalawang 'to. Kasi naman nekekeleg telege eke talaga sa kanila eh! Bwesit na mga toh! XD

"Problema mo ngayon Vex? Nakasinghot ka na naman ba ng katol o rugby???" Tanong sakin ni Kuya Ice. Ambastos talaga neto, hindi pa nasanay sa mga kalokohan ko.

I'm trying to bent my attention to other things kaya! Hello! cooperate ka naman sakin kuya!!!!

Hinampas ko siya sa ulo! Kainis kasi eh....kaso ampucha! Gumanti, hinila ang ilang strand ng buhok ko. Luhh, bakla kaya 'tong si Kuya Ice?! Takte! Bawal 'yan! Sa gwapo niyang 'yan magbabakla siya?! Tae nuuuuuu!!!!!

"Aray ha! Ba't ba nanghihila ka ng buhok?! Bakla ka noh! Takte naman kuya Ice bakit?! Bakiiiiiit?!!!!!" Inalog-alog ko pa nga siya na para bang hindi talaga ako makapaniwala sa mga pinagagagawa niya.

0_______0 what if bakla nga siya?!

>________< nuuuuu! Hindi pede na bakla siya!

0_______~ sayang lahi nila pagbakla siya.

"Kalerkey naman keshe dis! Ladlad na si ako! Hahahhahaa!" Kunwari bakla siya, pinalo niya naman ako na parang baklang malande! Takte! Sinakyan lang ang trip ko.

Tumawa kami ng tumawa.
Hindi ko alam na pareho pala ang ulo namin ng isang 'to. Natigilan kami ng mapatawa sina Eliszia at Lloyd. Nasa harap na rin namin sina Mang Caloy, at Aleng Berlinda sa may mesa naman inilapag ni Ellena ang mga cookies at juice. Syempre may baso alangan namin mga palad namin ang gamitin namin diba? Lul!

"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Eyy Mang Caloy, Aling Berlinda" and back to his normal self na siya. In fairness ha, masaya palang katrip 'tong si Kuya Ice eh. Buti ka pa Ash kapatid mo 'tong kengkoy na 'to.

"Bagay kayong dalawa" nakangiting sabi ni Aleng Berlinda. Haluhhh! Nasali pa kami,sina Eliszia at Lloyd lang yun ah!

"Ay naku hindi po! Huwag kayong ganyan hahaha....hindi po.... uh....imposible po hahaha" Takte na 'yan hot seat agad eh. Pede next chapter na? XD

Pwede naman ata akong gumamit ng portal para matakasan ang eksenang 'to. Pwede nanan yun diba! Sige Tara takas tayo!XDDDDD

"Yeah 'imposible' is understatement sadyang never ko lang papatulan 'yang baliw na 'yan hahaha, kasi kung siya na lang rin mangdadampot na lang ako ng baliw sa mental hahahaha!" Ouch ha, grabe siya uy tinawag ba naman akong baliw?! Hindi naman ako baliw!!!!

Ata XD

"Oo nga noh hahahaha....Anong mental hospital?" Tanong ko matapos tumawa. Hindi ko kasi alam kung ano ang metal— este mental hospital noh! Duhh.....wala rin akong common sense kaya gora! Pakisabi kung ano....

"Di mo alam?" Tanong niya, umiling naman ako sa kaniya. Mas wala pala talagang siyang common sense, okay! At least may kasama ako bwahahaha! Well done Vex,di ka nag-iisa!

Isulong ang bandila ng mga Tanga!!

Ibagsak! Ibagsak! Ibagsak!

Hwelga kami! Hwelga-----ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Hindi ako tanga! Sheyt lang!

"Tatanungin ba kita kung alam ko na? Ang slow mo rin minsan kuya ice eh!" Banat ko. Totoo naman, ang slow niya kaya ngayon=__=

Minsan lang ako makaganti,kaya hayaan niyo na ako XDDDDD

"Ah! Tsk, ang mental hospital dun nakakulong ang mga taong tulad mo na may saltik sa utak. Wait, hindi naman sa nakakulong pero dun kasi sila ginagamot. Hindi ka naman gaya nila kasi medyo....okay ka pa naman....pero yun nga.... yeah! Yun na yun ewan ko sayo" lumakad na siya papunta kay Mang Caloy at may kung anong pinag-usapan.

Naupo naman ako sa couch, at nakipag-usap na lang kayna Eliszia at Lloyd. I actually find them to be a very compatible couple, hindi ko alam.... may something lang sa kanila na wala basta! Chemistry? Hanudaw? Physics? Whaaaa! Gago na 'ko...next! Next! Thank you next! XD

"Hey guys pede ba akong humingi ng tulong? May kailangan lang kasi akong gawin. And I need your help" this time I made sure na I'm serious as ever. Like whaaaaa! Hindi ko na alam basta....

Ina,Ama! Ang all my other families!
I'll make sure na makakalaya na kayo sa kamay nila. I'll set you free.....
Sana naman tumupad kayo sa usapan......







........Helszians~































ACE'S POV

Nag-aayos kami ngayon ng mga gamit namin. They're all silent as ever. Ano ba ang gagawin ko, ayoko pa naman ng katahimikan. Syempre, gwapo 'to sanay na laging tinitilian. Sanay sa ingay, sanay sa bulungan pero di sanay sa katahimikan.....tsk! 'No ba 'yan!

Napatingin ako sa kanila.
Parang mga namatayan ang mga 'to.
Ano bang gagawin ko? Paligayahin sila? Palig----ano bang pinagsasasabi ko?! Anong paligayahin....pasayahin! Sus,utak ko nga naman...pure white *wink*

"Kumusta na kaya si Eliszia?" Tanong ni Emprez sabay pout. Ang babaeng 'to, childish na ewan?

Inayos ko na ang mga tent na ginamit namin. Tapos naupo ako sa may ugat ng isang puno. Lahat sila naupo na rin. Hindi ko talaga gusto 'to. Tiningnan ko si Xchindy, at nakipag eye-to-eye contact tapos bigla siyang napaiwas ng tingin.....

Shet! Ang gwapo ko talaga....

"Hindi pa ba tayo susunod sa kanila?" Tanong ni Emory sabay ayos ng bangs niya. Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Tara, sumunod na tayo sa kanila. Ayos na naman siguro sila ngayon dun" tugon naman ni Sage. Tumango sa kaniya sina Vicky at Summer.

"Tsk, sige pumunta na kayo dun. Di ata ako sasama...ata?" Di siguradong sambit ni Xchindy-babes ko....anu daw? Lewl, hindi niya alam na may tawag na 'ko sa kaniya. Syempre korni 'yan, atleast gwapo •_<)

"Ba't naman hindi? Kaibigan mo siya diba?" Mataray sa sabat ni Emprez. Napatingin sa kaniya si Xchindy, na para bang hindi nito nagustuhan ang pagsagot ng dalaga.

Napaigham na lang ako, bilang gwapong Knight in shining armor ni Xchindy kailangan ko siyang pigilan from making danger and giving injury to other people.

"Ikaw ba ang kinakausap ko? Sabat ka ng sabat ah" sabi ni Xchindy.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Sage at ni Vicky sa magkabilang side ko. Really now? Kailangan kong makealam ngayon or else may gulong magaganap. I know her, she've always been short tempered.

"Hayaan mo sila,Ace. This is girl's matter, we'll meddle pag-alam na nating hindi maganda ang sitwasyon" sabi ni Sage sa kanan ko.

"Hai~~ for now let's just stay still"
Dugtong naman ni Vicky. Ang iba naming kasamahan dito ay pilit silang pinipigilan. But why am I not allowed?

"Tsk, ano naman ang masama kung sinasagot kita. I'm just concerned, baka kasi magmukha kang tanga pagwalang kumausap sayo....you hate it pa naman diba?" Sabi ni Emprez

Napatawa ng mahina si Xchindy saka tumayo at pinagpag ang pants niya.

"Oh? Concerned? Spell concerned" sabi nito. Napataas naman ng kilay niya si Emprez.

"What are you trying to pull here, Xchindy?" Seryosong tanong ni Emprez

"Pull? Di pwedeng push?" Pilosopo niyang sagot.

This is the very reason, why most of our teachers gave up on Xchindy, mostly our disciplinary advisers dahil hindi nila makausap ng matino si Xchindy. She's an often visitor of the Detention Room kasi laging gulo ang hanap niya.

"Ano? Mag-aaway lang kayo diyan? Hindi ito ang tamang oras para sa bangasan niyo na 'yan" sambit ni Jerome mula sa gilid.

"Kung mag-aaway lang rin kasi pwede huwag sa harap ko? Lumayo kayo, nakakaperwisyo kayo ng ibang tao alam niyo ba yun?" Napatingin pareho sina Emprez at Xchindy kay Emory.

Uh-oh.....ito na ata?

Should I.........

Umiling sakin si Sage.
Tsk, bakit nga ba ako nagpapadikta sa mga 'to?

"Ano ka ba sa tingin mo? Astran ka lang naman, kung umakto ka parang ikaw ang pinakasuperior sating lahat ah." Sambit ni Xchindy.

Is she challenging her?

"Hinahamon mo ba ako?" Seryosong tanong ni Emory.

"Count me in, hindi masaya ang laro kung kayo-kayo lang. Naiinis ako sa pagmumukha niyong dalawa eh" sabi ni Emprez. Wews, wala na..turn off na 'ko sa kanila. Pero on na on kay Xchindy. Loyal ako mga ul*l!

"Walang problema" kalmadong ssaad ni Emory.

"Hehe, ba't hindi natin 'to tapusin agad huh?"Gumawa ng katana na gawa sa apoy si Xchindy saka sinugod si Emory. Gamit ang air blades niya at sinugod naman ni Emprez si Xchindy, and Emory kick the hell out of Emprez. Walang kampihan 'to kaya magulo ang laban na.

"Pigilan niyo sila!" Sigaw ni Summer.

"Hindi papapigil ang mga 'yan!" Inis na saad ni Jerome.

"Pa'no 'yan?!" Dismayadong tanong naman ni Mathew.

Maya-maya, ay biglang nagyelo ang kinatatayuan nila and they weren't able to move. Naglakad si Azaela palapit sa kanila. And slap them one by one.

Nagulat lang ako, actually we all are.
Sinampal sila ni Azaela with a combination attack from Snow. What the heck is happening?! Nasaan ang grand entrance ng gwapo na knight in shining armor ni Xchindy?! Bweeeesit!

"Just what are the three of you doing? Fighting is a sacred thing to begin with. It's a process in which some argumentation and clarification happens and eventually suffice. What your doing is nothing but immaturity" malamig na saad ni Azaela.

"You think one is better than the other one. Being better doesn't come with strength and power but by respect and good examples they show" dagdag pa ni Snow.

Natigilan ang tatlo.....

Natigilan ako....

Actually natigilan kaming lahat.
Tama ang sinabi nila, when the hell did fighting became something that you do because you want to prove your worth and strength to others?

Ngayon lang and at other situations.....????

"Tsk!" Asik Xchindy

"Sorry" guilty na sabi naman ni Emprez

"Pakawalan niyo 'ko dito" utos naman ni Emory.

Matapos silang pakawalan ay naglakad na kami papunta sa village ng Vexerians. And there nakita namin sina Ash,Ice,Eliszia,Vex at Lloyd na kumakaway sa isang pamilya ng Vexerian na tinuluyan ata nila.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Eliszia?" Tanong ni Summer dito.

"Buti naman at maayos na ang kalagayan mo ngayon, Eliszia" nakangiting sambit ni River.

"Kailangan na nating bumalik-----teka, anyare sa mga babaeng '?" Tanong ni Ice sabay turo sa tatalong babaeng nag-away-away kanina. Madudungis kasi ang mga mukha at maraming galos sa katawan. Madumi rin ang mga kasuotan nito.

"Nag-away-away sila, pero okay na. They're under control" nakangiting sambit ko sa kanila. Bigla naman akong inakbayan ni Lloyd,at naglakad na kami.

Marami siyang mga ikinuwento, pero dahil parehas kaming gwapo... pinakinggan namin ang kwento ng isa't isa....ayos noh! Wala eh, ganito kasi talaga realidad.

Matapos ng dalawang araw na pamamalagi namin doon sa bundok na yun marami talaga ang nangyare. I remember when I saw someone matapos gawin ni Xchindy ang... eherm... dare sa kaniya.



~~Flashback~~

Bwesit! Umayos ka Ace! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?! Okay,kailangan ko lang huminga ng malalim. Kumalma ka lang Ace, hindi naman kasi dapat 'yan ang reaction ng....ng.....mukha mo! Bwesit!

"Look who's here...." Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Lumabas siya mula sa pinagtataguan niya.

"Sino ka?" seryoso kong tanong.
Tumawa siya ng mahina, saka lumakad palapit sakin. Umatras naman ako....

"May sekreto akong alam....gusto mo bang malaman?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sino'ng siraulo kaya ang babaeng 'to?

"No thank you" tugon ko.
Lumapad naman ang ngiti niya sa labi niya. May tatoo siya sa may dibdib niya. Bukas ang parte ng may cleavage niya, hindi nga lang ako interesado.

"Aw....sayang, tungkol pa naman 'to sa pagkamatay ng kapatid mo" nakatalikod na ako sa kaniya pero agad din akong humarap. Sino ang babaeng 'to at bakit alam niya ang tungkol sa kapatid ko?

"Alam kong namatay ang kapatid mo two months ago, kasabay ng pagkamatay ng mga tao sa Astra....gusto mo bang malaman kung sino ang pumatay sa kapatid mo?" Tsk! Naiirita na ako sa babaeng 'to. Kunti na lang, makakatikim to sakin eh.

"Manahimik ka, hindi pinatay si Ate. She committed suicide because his boyfriend broke up with her...tapos" sagot ko.

"Aww, huwag niyo nang itago. Alam ko na hawak niyo ang batang yun. Isn't she the index? Sigurado ka bang hindi siya pinatay dahil nasa inyo ang batang yun?" Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. I can't bare to listen to this shits anymore.

Index, yan ang tawag sa taong tila libro ng mga spells dahil alam ng taong ito ang bawat spell dito sa Hexeria. Siya ang tinatawag na Ancient Sorceress, at oo pinatay si Ate dahil sa batang na sa'min. Ang index ang isa sa mga kagamitang kailangan ng Helszia para palakasin ang pwersa nila. But we won't allow it, ang pamilya namin ang nagbabantay sa batang yun. And that kid is not someone that would be given away in a snap of a finger. She's not an object.

"Will you shut the fvck up and get lost?" ikinumpas ko ang kamay ko sa hangin and an ice barrier with spikes at the end, appear in front of me. Napatalon siya palayo.....but I can still see that grin in her face.

"You're such an interesting man,because I have my interest in you. I'll have the pleasure to tell you my name. I'm Seven, the Lust. See you around baby boy" tsk, tang*na! Ewan ko sayo bugbugin kita eh.

Tsk, alam na nila na sa'min ang index, I gotta hide that child again....


~~END OF FLASHBACK ~~



At ayun na nga, nandito na kami ngayon sa loob ng karuwahe. Hindi na kami maglalakad ulit, pabalik! Hindi na namin sinunod ang adventure freak na si Sage dahil pagod na pagod na kami.

At least, katabi ko ngayon si Xchindy...

Hmm, mas malaki nga lang ang kay Seven kesa sa kaniya pero pwede na rin...

"Get your filthy eyes off my chest or I'll have your eyes scooped and toasted" banta ni Xchindy. Sabi ko nga, hindi ako nakatingin sa kung saan. Pero teka, makabanat nga, Valentines naman eh.

"If you'll do that I won't be able to see your pretty face again and you, being so gorgeous everyday" Banat ko. Naks, bwesit hindi naman ako ganito kakorni noon ah...

What happened next?

"Ahhh! Aray! Pvta!!!! Ang sakit! Ba't mo ginawa yun?!" Singhal ko kasi naman ang sakit ng mga mata ko. She poked my eyes like wtf! It hurts! Shit! Call me O.A,gay, bahala na pero pvta! Ang sakit ng mata ko.

"Perv" with that isinandal niya ang ulo niya as gilid ng karuwahe and she closed her eyes. Ako naman, maluha-luha ang mga mata ko. Bwesit na babaeng 'to, ang sadista. Pano ko nga ba 'to nagustuhan?

Lintek na buhay 'to oh!































•END

Continue Reading

You'll Also Like

230K 3.2K 38
After Ash has been betrayed by his friends, family and Pokemon, he is left with nothing else, no money, no food, nothing. That's when he met Arceus...
21.9K 794 5
a girl who is the bastard of aegon targaryen himself, and soon becomes his whole world. in which Naerys Targaryen is the bastard of Aegon the second...
62.1K 1.1K 96
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
249K 4.1K 32
A Naruto fanfic. Hope you guys enjoy. I don't own any characters. There is going to be Sasuke and Sakura bashing from time to time. Please enjoy!