Class of Elites: Dawn Of Dark...

Bởi demisegirl_red

48.6K 1.2K 185

"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother... Xem Thêm

CHARACTERS I
HISTORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
RESOLUTION
TRIP NI AUTHOR
PROLOGUE
CHARACTERS PART II
CHAPTER 1(PART II)
CHAPTER 2(PART II)
CHAPTER 3(PART II)
CHAPTER 4(PART II)
CHAPTER 5(PART II)
CHAPTER 6(PART II)
CHAPTER 7(PART II)
CHAPTER 8(PART II)
CHAPTER 9(PART II)
CHAPTER 10(PART II)
CHAPTER 11(PART II)
CHAPTER 12(PART II)
CHAPTER 13(PART II)
BEAST'S APPEARANCES
PIXIES
CHAPTER 14(PART II)
CHAPTER 15(PART II)
CHAPTER 16(PART II)
CHAPTER 17(PART II)
CHAPTER 18(PART II)
CHAPTER 19(PART II)
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
SPECIAL CHAPTER 1.1
SPECIAL CHAPTER 1.2
XL
REQUITAL
PRIME
BEGINNING OF THE END
RETRIBUTION
LIFE AFTER DEATH
END OF THE BEGINNING
SPECKS OF HISTORY
HERE COMES THE BRIDE!
BEYOND TIME
FINAL NOTE

CHAPTER 25

369 14 0
Bởi demisegirl_red

~~Finale~~

ASH'S POV

KAHIT na mahirap ang examination na 'to...at nakakapagod...masaya naman. We've been cooperating, laughing and enjoying the whole time. We lose...we won...we felt different emotions within a day. And eventually this is the last day of the second part of the examination.

"Huwag kayong gagawa ng mga hindi karapat-dapat na ingay. Nandiyan lang sila sa paligid" mahinang sabi ni Lucille. Napatango kami sa sinabi niya. Napatingin naman ako kayna Mira at Lira sa kabilang banda. Nagthumbs up sila sakin kaya tumango lang ako sa kanila.

"Heyyah! Andito lang pala kayo!! Hahahaha" nagulat kami dahil nakita namin sa taas si Xchindy at sa mga bushes naman lumabas ang mga kasamahan niya.

"Okay! Kunin ang mga headbands nila!!!" Singhal ni Emprez. Hindi pa man sila nakakalapit ay inatake na namin sila isa-isa.

Ang round na 'to ang final stage...kailangang makakuha kami ng maximum of 30 headbands para manalo. And basically, ang lahat ng mga groups ay magkakalaban sa field na to.

"I'll take that" mabilis na binitbit ni Ace ang headband ni Xchindy. Dahil nadistract si Xchindy mula sa paghabol sakin ay tinisod ko si  Mhicka para makuha ang headband niya.

"Takte! Uyy ibalik mo sakin yan kingina!" At ayun na nga hinabol ako ni Mhicka, pero nakabangga ko si Gael...so si Gael naman ay ibinigay ang headband niya kay Mhicka pero pagtalikod nito ay hawak niya ang limang headbands galing sa mga kagrupo ni Mhicka. Nice...but I'll need to take those.

"Ops! Thank you Gael" biglang kinain ng lupa si Gael, kaya naman sa kanan ko ay nakita ko si Eliszia... Kinuha niya ang limang headbands galing kay Gael at saka ako kinindatan.

Shet!

"Hi Ash..." Nakatanggap ako ng malakas na tulak mula kay Vicky.
Ang lakas niyang manulak...amazona ang isang 'to.

"Tsk...uyy ibalik mo sakin yan!"
magulo man ang lugar na to dahil sa agawan...oh well it's still fun.

Hinabol ko si Vicky pero napahinto rin ako ng bumunggo siya sa isang lalaki. Nagtitigan sila for a sec pero umalis din agad ako dun ng makuha ni Maxwell ang mga headbands nila.

Tumakbo na ako papunta sa ibang direksiyon. Nakita ko sina Emory, Vex, Azaela,Ice at Mathew in a circle. Anong ginagawa nila?

"Sige...ayoko ng gulo kaya naman. Ang mananalo siya ang makakakuha ng mga headbands nagka-kaintindihan ba tayo?" Gusto ko ng matawa sa ginagawa nila pero hindi ko na lang sila pinakealaman dahil desisyon nilang gawin yun.

"Ano? Gusto mong ibigay ang pagkakataon na manalo sa iba ng ganun-ganun lang? Hindi ako papayag" saad ni Emory. Aba....napatingin ang lahat sa kaniya.

"Bahala ka dyan...Tara...jack 'n poy!" Tatawa-tawa akong umalis doon. Saka ko nakitang naglalakad sina Lloyd at Ace na may dalang maraming headbands.

Sa gilid nila ay si Axel na nakatingin sa mga headbands na hawak niya. Maya-maya ay tumalon sa likod nila si....Kuya?

"Kumusta mga pare...kukunin ko lang 'to pwede ba?...salamat na lang" with that notion ay inatake niya ang mga nasa harapan niya saka kinuha ang mga headbands na nahulog nila...napatingin sakin si Kuya saka niya ako tinanguan.

"Hoy lintik ka ibalik mo samin yan!" Iritadong sigaw ni Ace.

"Galing pa yan sa mga chix na nauto namin...wait...nauto?...I mean..natalo!" Gatong naman ni Lloyd.

"........." Wala namang sinabi na kung anong weirdo si Axel.

Bago pa ko masali sa gulo nila ay umalis na kaagad ako. Habang naglalakad ay natumba ako bigla ng may pumana sakin...hindi ako natamaan nun pero napahinto ako at natisod ng ugat ng isang puno dito.

"Ayyt...wala ka nang headband...wrong timing" saad ni Sage saka kinamot ang batok niya at napatingin sa paligid niya.

"Uhmm..." Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko kasi nagsisimula ng maglakad ang iba palabas ng dome.

"Bwesit siya kinuha niya sakin yung headband ko, tutustahin ko siya!!!" Nag-aalburutong saad ni Xchindy, sa gilid naman niya todo pagpapakalma ang ginagawa ni Vicky.

"Nakuha ko naman ang headband niya kaso...ang bilis niyang kumilos...nakuha niya pabalik ang headband niya" naghihinayang namang sambit ni Emprez.

"Huwag ka nang magdrama diyan, kasalanan mo kasi nakipaglaro ka ng jack 'n poy kapalit ang headband mo" asar na asar na si Emory, pero palagi pa ring nakadikit sa kaniya si Vex.

"Oo na kasalanan ko na...pero kasi magaling naman talaga ako sa larong yun eh" sagot ni Vex. Napailing na lang si Emory dahil sa inasal ng kasama niya.

"Tara Ash...they're all going back already. Congratulations anyway...your group is leading"
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa nasa taas. At oo nga, our group is leading.

SCORE BOARD
1.GROUP B
2.GROUP A
3.GROUP X
4.GROUP Z
5. GROUP F
6. GROUP C
7.GROUP D
8. GROUP E

yan lang ang mga grupong pumasa.
That's all of us...we all passed! Naghiyawan ang mga tao na nadito at nagyakapan, is it their first time to pass all? Wow...it's pretty hard core huh.

"Woah Ash, ang galing ng grupo niyo ah. 'Grats" nakipagkamay sakin si Lloyd saka ko siya nginitian at nakipagkamay rin.

"Iba talaga si Ash eh. Kumusta mga chix sa grupo mo?...di, biro lang hehe" malokong tanong naman ni Jerome. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa mga kalokohan nila.

"Either way...you did well. Congratulations, pinahanga mo kami simula pa nung first day of examination...hindi ka talaga basta-bastang mortal lang." Komento ni Mathew. Nakipagbro hug naman siya sakin saka sila nagpaalam dahil mauuna na daw sila.

"Hey...congratulations" bati sakin ni Kuya. Napatingin ito kay Sage...na kasama ko pala...

"Hey miss, what's your name?" Tanong nito kay Sage. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Kuya.

"Sage Lyra Pimenova po..." Magalang niyang pagpapakilala.
Okay? Sudden.. Change of personality huh.

"Beautiful name...Anyway, Ash...mamaya pag-uwi natin we have to discuss about something. Mauna na 'ko" at kumaway na siya sakin. Nagkatinginan kami ni Sage saka kami lumakad na paalis.

Napabuntong hininga na lang ako.
Ano na naman kaya ang nais niyang pag-usapan namin? Pagod na 'ko tapos may pausap-usap pa siyang nalalaman. Naman eh...





























~~ACADEMIC TEST










EMORY'S POV

Ang malas-malas ko talaga. Bakit wala akong maintindihan sa mga katanungan na nakasulat sa papel na 'to? Pinaglalaruan ba nila ako? Alam nilang hindi ko maintindihan ang sinasabi dito pero....

"Miss Zeigler....pinapapunta ka ni Miss Silvana sa faculty room. At maaring hindi mo gawin ang pagsusulit ngayon." tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng silid aralan.

Ang tahimik dito sa labas...sa wakas natapos na rin ang una at pangalawang dibisyon ng pagsusulit, kahit papaano....lumuwag ang paghinga ko. Wala na rin akong aalalahanin...dahil wala na akong kailangang patumbahin ngayon...sa ngayon....

At saka...nung mga sandaling matatamaan sana ako ng palaso ni Caroline...bakit parang huminto ang oras. Hindi ko alam pero... pangalawang beses ng nangyare yun. Hindi na lang yun basta nagkataon lang. May rason kung bakit nangyare yun...

Hindi kaya...

"Mali ang tinatahak mong daan,Emory. Faculty Room di ba? Samahan na lang kita" hindi ko alam kung bakit nandito siya sa dinadaanan ko. Nagkataon lang rin ba 'to?...teka, hindi dahil wala naman siya sa silid kanina...

"Hindi na..kaya ko nang mag-isa"
Pagsasawalang bahala ko sa alok niya.
Hindi siya huminto bagkus ay nagpatuloy lang siya sa pagsunod sakin.

Magtimpi ka Emory....kailangan mong magtimpi....

Hayaan mo siyang sundan ka....

Ayaw mo nang masabihang hindi alam kumontrol sa sarili niyang emosyon hindi ba?

Magtimpi ka...

Kaya ko pa....

Hindi ko na kaya....

"Bakit ba ang kulit mo?!" Sigaw ko sa kaniya. Huminto naman siya....saka ako tinitigan."sinabi ko nang hindi ko kailangan ang tulong mo...bakit sunod ng sunod ka pa rin?!"

Napatawa naman siya sa di ko matukoy na dahilan. Hindi ko siya maintindihan, may saltik ba siya sa utak? O gusto niya lang talaga na kinukutiya ako? Naiinis na ako sa presensya niya...pakiramdam ko sa tuwing lalapit siya sakin...aasarin niya lang ako. Ano ba talaga ang problema niya!

"Don't get me wrong...hindi kita sinusundan...pinapapunta lang rin talaga ako ng Faculty kaya sinasamahan kita or rather nakikisabay ako sayo...kung alam mo man ang daan papunta dun" hindi ako nakapagsalita pa dahil sa mga sinabi niya. Bwesit, bumaba tuloy ang tingin ko sa sarili ko.

Kaasar....

"Huwag ka ngang manahimik... kung si Azaela o Snow ka....tanggap ko pa. Pero kasi parang madaldal ka naman. Kung hindi ba nawala ang mga magulang mo sayo... nagiging madaldal o masaya ka ba araw-araw?" Tanong niya sakin. Napatungo naman ako ng ulo ko. Ano ba ang sasabihin ko?

Siguro...kung hindi nangyare ang mga bagay na yun. Hindi sana ako nagbago. Pero desisyon ko ang magbago, desisyon ko na magkaganito at wala ng kinalaman ang mga magulang ko dito.

"Tsk...wala ka bang ibang gagawin? O di kaya....mauna ka na lang." Huminto ako sa paglalakad saka siya hinintay na mauna sakin. Hindi muna siya gumalaw sa kinatatayuan niya... pero tumalikod rin siya sakin.

Ang tigas ng ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang motibasyon niya para ganituhin ako.
Hayst....












"Tuturuan niyo akong magsalita ng linggwaheng Ingles?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya sakin saka niya ibinigay sakin ang isang libro.

"Para makasabay ka samin, at sa pag-aaral kailangan mong matutunan ang pagsasalita sa linggwaheng ito o kaya naman matuto sa mga ibig sabihin ng mga salita sa wikang ito" paliwanag niya.
Napatango naman ako, nahihirapan na rin ako na hindi maintindihan ang mga sinasabi nila paminsan-minsan.

"Kung ganun maraming salamat, Binibining Cel" nginitian niya ako saka siya tumayo. Kumunot naman ang noo ko ng pumasok si Jerome at kinausap siya ni Binibining Cel.

Huwag niyong sabihin----

"Hi, pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana ah. Kumusta, Belle?" Napatas ang kilay ko sa sinabi niya.
At...nagkakamali ba ako ng narinig ko o tinawag niya talaga ako sa pangalawa kong pangalan?

"Huwag mo akong tawaging Belle hindi tayo matalik na magkaibigan o ano pa man. Bakit ka nandito?" Narinig ko siyang tumawa ng mahina,saka lumapit samin si Binibining Cel.

"Siya ang magtuturo sayo...Alis muna ako. Jerome,pwede niyo nang simulan ang pag-aaral" tumango dito si Jerome saka naman umalis si Binibining Cel. Pasikat talaga 'tong isang 'to eh....

"Pusit...." Bulong ko. Tiningnan niya naman ako saka pinitik ang noo ko.
Aba't!

"Sinong Pusit? Pag-ako ang nasa harap mo....dapat akin ka lang...ibig kong sabihin...akin lang ang atensiyon mo,assumera ka pa naman" hindi na 'ko nagsalita pa kasi ayokong makipagtalo sa Pusit na to. Bakit pusit? Kasi naiinis ako sa pusit...kaya pusit siya...

"Sige ah,sisimulan natin sa basics...sa pinakamadali... letters... sabihin mong 'a' " sumunod ako sa kung pano niya sambitin ang mga letra. Ibang-iba talaga ang mga pagbigkas nito sa linggwahe nila.

"Aba mabilis kang matuto...hindi maganda 'to" napailing ito at binuklat niya ang isang libro. Napataas ang kilay 'ko dahil sa sinabi niya.

"Anong 'masama 'to'? Hindi ba't mas nakabubuti na madali akong matuto upang mapadali ang trabaho mo?" Nagtataka kong tugon sa kaniya. Napatingin naman siya sakin, saka niya isinara ang librong hawak niya.

"Hindi kasi ganyan 'yan Emory... pagmabilis kang matuto mas maikling oras para sakin na makasama ka. Ayaw mo ba akong makasama?" Tila nalulungkot niyang saad. Kinuha ko ang espada ko at itinutok sa lalamunan niya. Ang totoo niyan wala akong oras para sa mga kalokohan niya.

"Hindi na ko natutuwa sa mga Biro mo. Wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay na pinagsasasabi mo. Kaya pwede ba, tuturuan mo ba ako hindi?" Naiirita na ako sa mga pinagsasasabi niya kanina pa. Kasi hindi ako natutuwa sa mga biro niya.

"Sigh~ Oo na oo na, puro biro whatever. Heto na nga, magsisimula na po" binigyan niya ako ng libro. Binuklat ko yun pero agad ko ring sinara, wala akong maintindihan. Sa ginawa kong yun ay natawa siya ng mahina.

Tss,nakakatawa talaga yun?

Lumapit siya at humarap sakin saka niya ko tinuruan na bigkasin yun. Sinabi niya rin sakin ang ibig sabihin ng mga salitang itinuturo niya. Magiging mahabang araw ito para sakin.

Hindi ko alam pero....magaling kaya siya sa linggwaheng 'to? Siya ang pinadala na magturo sakin eh.

Hmmm~~~



















VEX'S POV

IBA TALAGA ang mga moves ni pareng Jerome ah. Nandito kasi ako ngayon sa isang puno...kumakain ng popcorn at pinanunood ang mala teenage movie nila ni Emory. Hindi naman sa kinikilig ako pero...parang ganun na nga.

"Da-ya-mond(diamond) isa itong bagay na kumikinang...ang diamond ay isang brilyante" turo nito. Tumango naman si Emory at binigkas ang salitang yun.

"Da...ya...mond....?" Naga-alangang sambit nito. Natatawa ako! Pffft hahahaha....Ewan ko kung bakit pero kasi...parang ang hirap bigkasin ng salitang yun...parang bumalik sa pagkabata si Emory na tinuturuang magsalita. Sige,tira sa bundok pa more.

"Huy! Miss ano bang ginagawa mo diyan?" Bahagyang gumalaw ang puno kaya nabitawan ko ang popcorn ko. Sumilip ako sa baba at nakita doon si Flynn na naliligo sa popcorn ko. Ops~~

"Bwesit, Miss kung sino ka man bumaba ka diyan" patay tayo diyan. Buti na lang natatakpan ako ng mga dahon ng punong 'to kaya hindi niya ko makita.

Gotta get out of here....

*opens a portal

*reappear in my room

Phew,buti na lang natakasan ko ang kumag na yun. Naupo ako sa gilid ng kama ko at nagulat ako ng mahulog ang kwentas ni Ash sa bulsa ko. Hindi ko pa pala naibabalik 'to sa kaniya. Ng kunin ko ang kwentas mula sa sahig ay biglang....may nabasag....

0_________0 tae patay tayo dito.. .

May nasira ba? Wala naman....kompleto naman...ano yung nabasag na yun??

Chineck ko kung maayos yung kwentas...okay naman kaso..yung tila seal na simbolo dito ay nawala. Teka, natanggal ko ba ang seal nun?! Luhh nalintikan! Sabi ko na nga ba dapat binalik ko na yun eh! Ngayon pano 'to?!

"Vex? Anong ginagawa mo dito... Hinahanap ka ni Nova dahil magpapasama siya sayo" agad kong tinago ang kwentas ni Ash sa likod ko ng pumasok si Azaela at sabihin ang mga katagang yun ng walang buhay. Tumango ako sa kaniya at ngumiti awkwardly.

Patay.... Anong gagawin ko???

Bakit ko kasi pinakealaman!!

Kung taguin ko na lang kaya...tutal hindi niya naman alam na ako ang nakahanap nun diba???

Oo tama...yun na lang ang gagawin ko....

















SNOW'S POV

Nakakulong lang ako ngayon sa kwarto ko. I don't feel like seeing anyone...it is either my classmates, teachers or my siblings...none of them. Bakit ko pa kasi nagawa yun?
Bakit ko pa kasi ginagawa to? I should move on right? Examination yun...I didn't mean it. She's fine now....but shit, I feel so damn guilty for unknown reason.

"Ate...kung nagugutom ka na may pagkain sa fridge okay? Kumain ka na lang...huwag magpapalipas ng gutom ha? Baka magkasakit ka na naman,love you te...Alis na kami"
She really warms me up....naiinis ako sa sarili ko kasi ginaganito ko sila. Pinag-aalala palagi at binibigyan ng problema. Ako ang pinakamatanda pero ako ang pinakamahina.. Kahiya-hiya naman.

*smile bitterly

Pano ba ako aalis sa comfort zone ko?
Kailan ko ba sisimulan maging nakatatandang kapatid na may silbi? Sa nakikita ko, parang si Nova ang pinakamatanda samin...she have everything... Kabaliktaran ko siya...tss,Snow ano ba 'tong pinasok mo?

Pinihit ko ang door knob at kumain. Ng wala akong makitang tao sa paligid ay naglakad ako papunta ng gazebo. Tahimik ang parteng 'to ng school. Kaya mas pinipili ko dito.

*blag!

Napalingon ako sa gawing kanan ko...I'm not alone....tinahak ko ang daan papunta sa kinaringgan ko ng tunog na yun. At nakita ko doon si....

"Ivan?..." Tanong ko ng makita siyang mabilis kung huminga at nakahiga sa damuhan. Nakahawak siya sa dibdib niya at pinagpapawisan siya.

Anong nangyayare sa kaniya?

Bumibilis ang paghinga niya saka siya ngumingiwi sa sakit.... nakahawak lang siya sa dibdib niya.
Bigla akong nagpanic...hindi na maganda ang nangyayare sa kaniya.

"Ice!! Anong nangyayare sayo!" Lumapit ako sa kaniya at sinubukan ko siyang buhatin pero hinawakan niya lang ang kamay ko....

Sinusubukan niyang magsalita...pero sumuka siya ng dugo...no...not the sight of blood....akala ko ba uminom siya ng luha ng sirena!! Bakit hindi pa rin siya gumagaling?!

"Hold on Ice, dadalhin kita sa infirmary" inakay ko siya, shit ang bigat. Naglakad ako papunta sa infirmary and while we were on our way there maraming dugo ang naisusuka niya....bakit ganito...Ice bakit ganito!

"G-give....A-Ash...." Ibibigay niya sana sakin ang bagay na yun pero hindi na niya kinaya...nabitawan niya yun at nawalan na rin siya ng malay...

................

Natulala ako sa hallway...at napatingin sa pilit niyang inaabot sakin....kwentas...

"SNOW!....hindi...ICE!!" Napatingin ako kay Eliszia ng makalapit siya samin. Hindi ko alam sa sarili ko...hindi ko na kilala ang sarili ko...pero bakit ganun....

....for the first time after ten years...
I cried for the fear to lose the man beside me that I never knew....

















SAGE'S POV

Pahum-hum pa ako habang naglalakad papunta sa cafeteria.
Matagal din kaming hindi nagkita ni River. Saka ko lang din nalaman na kapalit ng pamamalagi niya dito ay pinapatulong siya sa kung saan ay may nangangailangan ng tulong.

Ng makarating ako sa cafeteria ay biglang...tila nagningning ang mga mata niya saka parang bata akong sinalubong. Tumakbo siya palapit sakin at dinambahan ako ng yakap.

"Sage! Sage! Namiss kita..kumusta? Nanalo ka na naman ba?" Nakangiti niyang tanong. Hayst that smile... never fails to warm my heart...ghawd! Ang arte ko.

"Oo naman! Ako pa! Hahaha, siya nga pala kumain ka na?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sakin.
Ipinakita ko naman sa kaniya ang lunch box na dala ko...syempre hindi ako ang nagluto hehe.

"Wow! Penge ako ah? Tara dito tayo!" Hinila niya ako papunta sa isang table. Para talaga siyang bata.
I wonder kung ganito talaga siya before he loses his memories...

If so....ang cute naman kung ganun.

"Yum, yum~~ Sage ayaw mo nito? Akin na lang ah?" tanong nito pero hindi pa man ako umoo ay kinain na niya. Ang kyut niya no? Tinanong pa ko hindi rin naman hinintay ang sagot ko....grabe talaga...note the sarcasm.

"Pakabusog ka ah?...mabilaukan ka sana" nakangiti Kong saad. Pero huminto siya sa pagkain...aytt... narinig niya yung sinabi ko?

"No thank you...I'm done...alis lang ako" sumeryoso ang mukha niya saka biglang umalis. Tinawag ko naman siya pero hindi niya ako nilingon.

Haluhhh nagalit ba siya sa sinabi ko?
Joke ko lang naman yun eh,sineryoso niya ba??? Naman eh! Kaasar ka naman Sage eh.

Tumayo ako saka tinahak ang daan na pinuntahan ni River kanina pero nakita ko ang mahal na reyna. Bakit papunta siya sa infirmary? Isa lang ang ibig sabihin nito, may isa sa mga mahalaga niyang pamangkin ang nandun. Oh no..Prince Akil? Wait no...

"ASH?!" agad akong napatakbo papunta sa infirmary. Pero iba ang naabutan ko.

"Kuya!....tsk, anong nangyare sa kaniya? Bakit siya nagkakaganyan? Bakit---...hindi ko maintindihan" frustrated na saad ni Ash, napasuklay pa nga siya ng buhok niya gamit ang kamay niya dahil dun. Parang iiyak siya na parang hindi...oh no what's going on?

Napatingin ako kay Snow na ngayon ay duguan ang damit. Bakit duguan si Snow? Si Kuya Ice....bakit nasa infirmary na naman siya?

Napahawak ako sa glass window ng infirmary. Hindi na kami pinapasok kasi puro mg healer ang nandun. Ano naman ang gagawin namin sa loob kung wala naman kaming kapangyarihang magpagaling?

"Mahal na Reyna, hindi tinatanggap ng katawan niya ang mahika namin. No matter how hard we try to heal him...hindi talaga eh. Baka mas mataas na mahika ang kailangan niya? Luha ng sirena marahil---" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang hablutin ni Ash ang kwelyo nung healer.

"What are you trying to say? That none of your magic works on him? Are you fvcking kidding me?! Tinatawag niyo pang healer ang sarili niyo?!" Pinigilan siya ng mga tao na nandito. Ako naman napaatras na lang.

Napatingin ulit ako sa loob ng infirmary. Ito na ba ang katapusan ni Kuya Ice? Kakakilala pa lang namin eh. Was that it? Hanggang dun na lang?
































•END

~~~~~~~~~~~~~~~

New characters pop up,Ewan ko kung bakit XD di joke....sana naman hindi masyadong magulo tong story na to gaya ng utak ko.....hope you enjoy reading it~~

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

19M 596K 55
"I, Alpha Asher Reed, reject you as my mate and Luna." He didn't blink. He didn't show a spark of remorse. He just walked away. *********************...
9M 315K 27
Erika Lovet is used to being in the background, always in her sister's shadow. Since she was a child, her parents have always doted on Alice, have al...
181K 6.7K 13
2 tom dylogii ,,Agony"