Already Gone

By fallenfangirl

15.6K 482 148

Pag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising n... More

Already Gone
Unang Kabanata
Pangalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ika-limang kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata [ R ]
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
End of Part one
Part 2
Pangalawang Kabanata
Pangatlong Kabanata
Pang apat na Kabanata
Pang limang Kabanata
Pang anim na Kabanata
Pang pitong Kabanata
Pang walong kabanata
Part 3
Ikalawang kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika apat na Kabanata
Ika limang Kabanata
Ika anim na Kabanata

End of part two

337 20 7
By fallenfangirl

  Sorry for the slow update. Busy lang talaga. Anyway, enjoy this chapter.

    | IX. End of season 2 | long chapter |

Ilang linggo na ang nag daan. Nasa kalsada pa rin silang lahat. Nag titiis at nag sisiksikan sa loob ng sasakyan. Walang mainom. Ang mga pagkain nila ay mga nilutong hayop na paikot-ikot sa lugar nila. Ayaw man nilang galawin ito, pero wala silang magagawa.

'Survival of the Fittest. '

Yan ang nasa isip nila. Ayaw man nila sabihin ito ng malakas, naipapakita naman nila ito sa kanilang mga kilos.

"Hanggang kailan pa yang supply?" tanung ni Daniel.

"Ang itanung mo, 'hanggang kailan na lang...' " sabi ni Wade.

Pinapanuod kasi nila ang pag aayos ng mga babae sa mga pagkain na nakukuha nila. Maswerte na lang sila pag may nakukuha silang dalawa hanggang tatlong pagkain.

Dalawang sasakyan. Dalawang kahon ng pagkain. Tatlong galon ng tubig.

Hanggang kailan na lang kaya ang kanilang kagamitan?

***

"I'm hungry..."

"We all are."

Palipat-lipat ng bahay ang grupo. Sa proseso ng gawain nila, namatay ang isa sa kanila, si Patricia. Napuruhan naman ang braso ni Julia at Zeus dahil sa isang pagkakamaling aksidente. Kamuntik na namang mawala si Catherine at si Lucas ay unti-unting nag babago.

"Saan tayo ngayong gabi?" tanung ni Daniel kay Enrique na naka tingin sa binoculars.

"Wala ba kayong nakita na bakante kanina?" tanung pabalik ni Enrique.

Tinitingnan niya kasi kung naka sunod ang herd sa kanila. Yun kasi ang pinaka dahilan nila kung bakit sila palipat-lipat.

"Wala eh. May mga bakante pero hindi ligtas. Masyadong open." paliwanag ni Daniel pagka baba nila mula sa RV. Kakasikat lang ng araw.

Sumilip sila sa mga sasakyan at nakita na mahihimbing ang tulog ng mga kasama nila. Pinag papawisan ang mga kasamahan nila at nag sisiksikan. Pero ang importante, mag kakasama sila.

"Hindi ka ba nagugutom bro?" tanung ni Enrique kay Daniel.

"Hindi naman." saktong pag sagot niya ay kumalam ang kaniyang tiyan.

Natawa silang dalawa. Pumunta sila sa isang sasakyan na nasa gitna ng van at RV na may mga gamit nila. Sinilip nila ang box. Napawi ang mga tawa nila.

Nag tinginan silang dalawa. Napakagat sa labi si Daniel. Hindi niya alam kung anu ang sasabihin. Hindi nila alam kung anu ang sasabihin. Halos kalahating karton ng pagkain ang natitira at isang galon ng tubig.

"Anung gagawin natin?" nag aalalang tanung ng binata.

"Kung anu ang tama." sagot ni Enrique at kumuha ng isang biskwit. Binuksan niya ito at nag hati sila ni Daniel. Bawat piraso ng pagkain ay mahalaga. Kaya kahit papaano, nag titipid sila. Tig isang piraso lang sila at sinauli na nila ang natitira.

Buong gabi silang nag bantay. Kahit kumakalam ang sikmura nila, at mahahapdi na ang mga mata, patuloy lang sila sa pag babantay.

Pasikat pa lang ang araw ay bumangon na si Kathryn at Julia. Medyo tuyo na ang sugat ng dalaga. Nag kamali kasi siya ng bagsak kaya nahiwa ang kaniyang braso. Si Zeus naman ay bumagsak sa semento.

"Magandang umaga..." bati ni Daniel habang nag kukusot ng mata.

Mabilis humalik ang dalawang babae sa magkabilaang pisngi niya at tsaka bumati pabalik. Si Enrique ay naka tulog naman sa ibabaw ng RV. Naririnig nila ang pag hilik nito.

"How's the arm?" tanung ng binata sa kapatid na babae.

"Okay naman. Thanks to Herbert." sabi niya sabay pakita ng brasong may bandage.

"Mag pahinga na muna kayo. Kami na lang muna papalit." utos ni Kathryn.

Hindi na tumanggi ang binata dahil aminado siyang pagod na pagod na siya. Sumakay siya sa isang abando na sasakyan at umidlip.

Umakyat naman si Kathryn sa ibabaw ng RV, naka sabit sa balikat niya ang isang baril. Naabutan niya ang isang naka nga-nga na Enrique. Naka yakap ito sa isang shotgun at tulog. Napa iling na lang ang dalaga at ngumiti.

Dahan-dahan niyang tinapik ang mukha ng binata. Dumilat naman ito kaagad at pinunasan ang tuyong laway.

"Bumaba ka na muna doon at mag pahinga. Ako na dito." maayos na sinabi ni Kathryn sa kaniya.

Tulad ni Daniel, hindi siya tumanggi. Maswerte na lang talaga sila kung makaka tulog sila ng ilang minuto.

"Okay ka na?" yun agad ang tanung ni Enrique kay Julia ng makita ang dalagang nag aayos ng mga gamit.

"I think Im the one who should be asking that question to you." naka ngisi niyang sagot sa binata.

Nag make-face lang ito sa kaniya at mabilis na humalik sa dalaga bago sumakay sa likod ng van. Lumabas naman si Victoria at Wade na sabay pang nag inat.

"Ang aga niyo atang dalawa." sabi ni Julia.

"Tatlo..." biglang sulpot din si Lucas.

Maya-maya ay sunod-sunod na silang bumangon.

"What's the plan?" tanung ni Broody.

Nag kibit lang ng balikat ang mga kasamahan. "Tulog pa ang dalawa. Sila ang madalas na may plano." sabi ni Wade pagka tapon niya ng kaniyang sigarilyo.

"Wag niyo na silang istorbohin. Kaya naman natin ito. Pabayaan niyo silang mag pahinga." salita ni Victoria sa grupo.

Tumango naman sila.

"Doon kami pupunta sa kabilang daan. Manatili lang kayo dito at mag bantay." dagdag niya habang nag iimpake.

***

Makaraan ng ilang oras, nagising na ang dalawang lalaki. Nakita nila na nag lalaro ang dalawang bata habang  binabantayan ni Catherine at Julia.

Mabilis na nag tama ang kanilang mga mata.

"Kuya!" tumakbo si Jensen kay Enrique at yumakap ng mahigpit. Halos matumba ang binata.

"Hey buddy." tumawa naman siya at yumakap pabalik dito. Tumingin siya sa paligid, pareho sila ni Daniel. Hindi nila makita ang hinahanap nila.

"Si Kathryn?"

"Si Wade?"

Sabay sila sa pag tanung. Hindi alam ni Julia kung sino ang uunahing sagutin. Pero dahil sa iisang lugar lang naman nag punta ang dalawa, okay lang.

"Umalis sila. Nag ikot-ikot. Wag kayong mag alala, magkakasama sila." paliwanag niya.

Saktong pagka sabi niya nun ay dumating na sila. Wala silang dalang mga gamit pero may mga ngiti sa kanilang mga mukha.

"So, anu balita?" bati ni Christopher sa kanila.

"May nakita kaming isang maliit na lugar. Gated community ito at mukhang wala ng mga tao. Pwede tayo manirahan doon." paliwanag ni Kathryn.

"Naiwan si Victoria at Champ doon. Sabi nila bago kami umalis ay may mga pagkain daw dun sa isang bahay. Madami daw." masayang dagdag ni Liza.

Wala na silang ibang sinabi. Sabay-sabay na silang nag imapake at nag sisiksikan sa loob ng RV para puntahan ang lugar na nakita nila.

Nakarating sila sa lugar. May mataas na gate sa gitna nung pader na puno ng mga dahon. May nakalagay na Ceosville sa gitna nung pader. Dumiretso sila sa loob. Pumasok sila doon sa malaking bahay sa kaliwa. Ito ang unang bahay pagka liko. Paikot lang ang community. Mga 10 siguro ang bahay. Tig lima sa magkabilang gilid.

"Dito tayo?" tanung ni Enrique pagka baba ng mga bags nila. Malaki ang bahay. Dalawa ang palapag nito at wala ng mga gamit sa gitna. Naka harang na ito sa mga bintana at pintuan.

"May apat na kwarto sa taas tapos may dalawa dito sa ibaba." paliwanag ni Champ sa mga kaibigan na naka awang ang bibig dahil sa sobrang saya.

"Pero hindi yun ang nakaka pang laglag ng panga..." naka halukipkip na sinabi ni Victoria. "You guys should see this."

Pumunta ang ilan sa kanila sa kusina. Binuksan ni Victoria ang pintuan. Nalaglag nga ang mga panga nila. Sa gitna ay sandamakmak na pagkain. May mga biscuits. May mga delata. Instant na mga pagkain. Sa tabi nito ay ilang galon ng tubig at may mga powder juice. May mga flashlights at battery. Mayroon ding ilang kandila at posporo. At mga matutulis na armas.

"Wow..." sabi ni Julia.

"Wow indeed." ngiti ni Brook.

"At may mga higaan, kumot at unan pa sa bawat kwarto. May tubig pa na pampaligo. Kumpleto ang bahay na ito. Para bang alam nila kung anu ang mangyayari. " paliwanag ni Victoria.

"Pero nasan sila?" tanung ni Catherine.

Nag kibit lang ng balikat sila Champ. "Tiningnan na namin ang buong bahay, walang laman. Nag intay kami kung may darating, wala din."

"Yung ibang bahay, may mga ganito din ba?" tanung ni Herbert habang naka tingin sa mga supply.

"Hindi pa namin natitingnan." sabi niya.

"Okay lang yun. Bukas na lang natin gawin. Mag pahinga na lang tayo." sabi ni Daniel.

"Kumain muna tayo tapos mag pahinga..." naka ngising sinabi ni Wade.

Syempre walang umangal doon. Lahat sila ay nag tipon-tipon sa gitna ng bahay at tahimik na kumain. Kandila lang ang liwanag nila.

Nag usap-usap sila. Bawat kwarto ay may tao. Ikaw na ang bahala kung saan ka matutulog. Pero sa usapan nila, sa ibaba ang mga lalaki para kahit papaano ay may mag babantay. Sa taas ang mga bata at mga babae.

Naligo sila at nag bihis. Mabilis silang nag puntahan sa kanilang mga kwarto. Nasa gitna ni Kathryn at Julia si Jensen. Sa sobrang pagod nila ay late na sila nagising. Mataas na ang araw pagka dilat ng mga mata nila.

"Tapos na kayo mag lagay?" tanung ni Christopher.

Tumango sila Minnie. Nag lagay kasi sila ng iilang kahon ng mga pagkain at tubig sa RV at dun sa van na nakuha nila sa garahe. In case lang daw na may mangyari, at least naka ready na sila.

"Ilang grupo tayo?" tanung ni Lucas.

"Lima. Dalawa sa isang grupo." paliwanag ni Enrique. "At maiiwan ang mga babae dito." pahabol niya.

"We don't want to take any chances." sabi ni Daniel.

"Okay fine. Mag aayos na lang kami." sabi ni Kathryn.

Umalis na ang mga lalaki. Gumawa ng kaniya-kaniyang trabaho ang mga babae.

Lumabas si Minnie at Julia sa may gate. Naniguro lang sila na walang pakalat-kalat na walker. Wala naman sila nakita pero may napulot sila. Isa itong malaking warning sign. Halos mamutla silang dalawa.

Don't enter. All dead.

Yun ang nakalagay. Tumakbo sila papasok sa community. Nakita nila na biglang nag labas ng baril si Enrique.

"NO!!! ---" sigaw ni Julia pero huli na.

Binaril ni Enrique si Lucas sa ulo. Nag echo ang putok ng baril. Lumabas ang mga bata at ang ibang babae.

Nag tipon naman sa gitna ang mga lalaki. Kinuwelyuhan ni Brook si Enrique dahil sa ginawa niya.

"Wag..." sabi ni Minnie. Tumingin sila  sa kaniya.

"Kuya!! " sigaw ni Jensen at dun nila nakita na sa bawat bahay ay may lumabas na walker. Halos limang walker sa isang bahay.

They are completely outnumbered. Binaril nila ang iba pero may mga pumasok din sa gate.

"RUN!!!" sigaw ni Julia at nag panic na sila. May mga sumakay sa RV meron sa van.

"Liza! No!!" sigaw ni Wade ng mahatak si Liza ng ilang walker. Mabilis siyang nawala sa gitna.

Hindi nila alam kung may iba pang ganun ang sinapit. Umiiyak si Jensen. Mabilis na pinatakbo ni Enrique ang Van at sinagasaan ang ilang walkers.

Naka labas na sila ng community at nag patuloy sa pag maneho. Diretso lang siya. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil wala naman sila napag usapan. Naka sunod naman sa likuran ang RV na dinadrive ni Brook. Inunahan siya nito kaya bigla siyang napa break.

Bumaba si Brook at hinila palabas si Enrique. Tinulak niya ito sa pintuan at nilagay ang siko sa leeg.

"Brook!!" suway ni Victoria.

"What the fuck was that, huh?! Hindi mo ba ginagamit ang utak mo?! May utak ka ba?!" sinisigawan niya si Enrique.

Hinila siya ni Champ at pumagitna si Daniel sa kanila.

"Anu bang nangyayari?! " tanung ni Kath.

"Itanung mo dyan sa gagøng yan!!! Dahil sa kaniya, nawala ang lahat!! Dahil sa katarantaduhan niya!!" pinipigilan siya ni Champ.

"Bakit?! Ako lang ba?! Pati naman ikaw may gusto nun." sigaw pabalik ni Enrique.

"Oo!! Nagalit din ako sa kaniya pero wala akong intensyon na patayin siya!!"

"Anu ba!!!" sigaw ni Kathryn. Naka yakap si Jensen sa kaniya at umiiyak. "Anu ba ang nangyayari? "

Hindi makatingin si Enrique sa mga kasamahan. Natawa ng pasarkastik si Brook.

"Anu, hindi mo masabi no?!" sabi ni Brook. Naiiyak din siya. "Pinatay ni Enrique si Lucas..." bitaw ni Enrique.

"W-what?" nanginginig ang labi ni Kathryn, "Hindi iyon totoo..."

"He became a walker right?" tanung ni Julia. Malayo kasi sila kaya hindi nila nakita ng maayos. "Hindi mo iyon ginawa di ba?"

Hindi siya makasagot. Hindi siya makatingin sa kanila. Nabigla siya ng maramdaman niya ang malakas na sampal ni Kathryn sa kaniya. Umaagos ang luha sa kaniyang mukha.

"B-bakit..." tanung ng dalaga.

Umiyak si Jensen. Umiling na lang si Brook at lumapit sa RV. Naka awang ang mga bibig Nila. Siya ang tumatayong lider sa grupo na ito kaya nakaka gulat ang kaniyang ginawa.

"He...he broke down..." sabi ng binata. Umatras sila Daniel sa kaniya. "Gusto niyang umalis kami. Gusto niyang iwanan namin ang mga babae dahil nag papabagal lang daw sila sa amin. Gusto niyang maging lider ng grupo at siya daw ang makaka buhay sa atin. He said a lot of stuffs. He even threatened me. Kami ni Brook. Tinutukan niya ako ng baril. Nagkaroon kami ng away pero nag pipigil ako. Wala na akong nagawa...."

"Pero that didn't gave you the right to kill him. Sana Kinausap mo kami." sabi ni Daniel. Kalmado lang siya.

"Ako pa ang mali?!" tumaas ang tono niya. "Kayo lang naman ang iniisip ko!"

"That still doesn't prove anything. " sabi ni Kathryn. "Kaibigan mo siya, kaibigan ko siya!!! You dont...you can't do that..." patuloy siyang umiiyak.

"Look around you Kath! Iba na ang mundo ngayon! If you want to live, its either you die or you kill." sabi ni Enrique na ikinagulat nilang lahat. Umiling siya. "Just forget it. Buhay niyo yan at hindi sa akin. Kayo lang naman ang iniisip ko. Kung hindi niyo ito kaya, okay, then go to the other way. Pero pag sa akin kayo sumama, just remeber that things will go my way. This is a new world now. There are no more good or evil here. Only the dead and the living. At pag sumama kayo sa akin, we will kill those motherfvcking bastards."

At umalis na siya. Sumakay siya sa Van at nag intay ng mga sasama. Simula ngayon, mag uumpisa na sila mag bago. Uumpisahan na nilang buksan ang kanilang mga mata sa reyalidad. Dahil tulad nga ng sinabi ni Enrique, this is now the world of the dead and the living. At ang nasa isip na lang nila ay hangga't maaari gusto nilang makasali sa grupo ng mga 'living'.

*********

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
5.9K 295 59
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
8.4K 353 36
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
144K 2.8K 62
Engagement - Married Life - New Beginnings