Part 3

372 16 6
                                    

Before I start this part, I just want to thank everyone. Kahit matagal akong mag update ay nag titiis pa rin kayo, and I'm really thankful for that :') ! But I'm sad to say that this is going to be the last part. 10 chapters to be exact. Hindi ko na gagayahin ang series, i will have my own ending :). Don't be sad, the season 5 is here :') ! If you have any question about the series(or spoilers *wink*) just message me :)! Oh and BROOK/BROODY ay iisang tao lang :D ! Again, Thank you ❤!

| Start of part three | Chapter one | see attached photo for location

Ilang buwan na ang naka lipas simula nung mga nangyarisa grupo nila Enrique. Nawala ang bagay na akala nila ay sa kanila na. Namatay ang ilan sa mga kasamahan nila dahil sa kasamaang palad. Nasira ang pagkakaibigan na minsan nang nabuo nang dahil sa maling desisyon na nagawa. Nagkaroon din sila ng lakas ng loob at unti-unting tumatapang para hindi makasama sa listahan ng mga patay.

Sa mga nag daan na buwan, ilang bagay din ang kanilang nadaanan. May naligtas silang batang babae. Nakita siya nila Christopher sa ibabaw ng kaniyang bahay. Napapalibutan siya ng mga walkers. Niligtas nila ito. Daisy ang kaniyang pangalan at magka edad lang sila ni Jensen. Nung umpisa ay nahirapan sila sa akniya dahil na-trauma ata. Na shock at hindi nag sasalita.

ilang araw pa ang pinadaan nila para sa kaniya. Natuto na din siyang makipag usap sa kanila. Nakikipag laro na siya kila Catherine. Para sakanila ay hindi siya pabigat. Mas mabuti na ang makatulong kesa sa mang iwan.

"Saan tayo?" tanung ni Champ. Nag iikot sila ngayon sa gilid ng kalsada. Hindi nila alam kung nasaan na sila. Hindi nila alam kug anung oras na. Kahit ang araw ay wala silang ideya kung anu na. Baka nag daan na ang kanilang mga kaarawan na hindi man lang nila namamalayan.

"Kung saan abutan." sagot ni Daniel. Malapit na lumubog ang araw at wala pa din silang lugar na nakikita.

May napupuntahan silang mga pamilihan pero ang iba dito ay wala ng laman. Para bang may kumukuha din. Minsan napap isip sila kung nasaan ang mga tao. Imposibleng sila lang ang nandito. Halos over population ang Pilipinas, malabong wala nang mga survivor.

"Naka usap mo na ba siya?" tanung ni Champ kay Daniel sabay nguso kay Brook na kanina pa tahimik at seryoso. Siniko ni Daniel si Champ. "Aray naman. Nag tatanung lang naman ako."

"Wag ka na ngang tsismoso." bulong ni Enrique sa gilid. 

"Kalalaki niyong tao kung makapag tsismisan kayo, wagas." singit ni Julia.

Naiwan sa sasakyan ang iba. Sila Champ, Enrique, Julia, Daniel, at Brook lang ang nag iikot. Nag aayos ng mga baril si Kathryn at Wade. Binabantayan din nila ang mga bata. Si Herbert at Minnie ay sa kabilang daan naman nag hahanap ng matutuluyan.

Nagkaroon ng pag tatalo si Victoria at Brook. Gusto na kasing humiwalay ni Victoria dahil gusto niyang balikan ang mga lugar na nilagpasan nila. Gusto niya maka siguro na wala na ngang mga tao dun. Umaasa kasi siya na makikita pa niya ang kaniyang pamilya. HIndi pumayag si Brook.

"Mag sasayang lang tayo ng oras." sigaw niya sa dalaga na ikinasama ng loob nito. Hindi siya nag papigil at iniwan niya silang lahat. Nasa highway sila ng mangyari iyon kaya madali siyang nakakuha ng sasakyan. Sinubukan siyang pigilan lalu na ni Enrique pero hindi na nila ito nahabol.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon