Ikalawang kabanata

505 18 12
                                    

         II.

"Wag niyo itong bubuksan hangga't hindi boses namin ang maririnig niyo, okay?" paliwanag ni Wade kila Julia.

Tumango naman ang dalaga. Si Christopher at Champ ang naiwan na lalaki habang ang iba ay sinama nila Brook. Naka bantay sila sa mga bata.

Napag usapan din kasi nila na ikutin ang lugar para malaman kung anu ba ang ingay na naririnig nila mula sa itaas.

"Baka naman hayop lang ang nandyan..." sabi ni Daniel ng marating nila ang palapag na nasa itaas nila. Dahan-dahan silang tumatapak sa sahig dahil napaka hina na nung sahig. Isang maling tapak ay pwede na itong bumigay.

"Saan ka naka kita ng hayop na nag babasag ng bote?" pabalik na sinabi ni Wade.

"Malay mo naman sinisipa nila yung mga bote."

"We're in a goddamn apocalypse not some circus show." iritableng sabi ni Wade.

"Masama bang mag imagine?!" sagot pabalik ni Daniel.

"Tumahimik nga kayong dalawa..." suway ni Enrique sa kapatid at kaibigan.

Nag patuloy sila sa pag lalakad sa gilid ng hallway. Pagkarating nila sa gitna ay nahati ito sa tatlong daanan. May patungo sa gitna. Mayroon din sa kaliwa at kanan.

"Anu uunahin natin?" tanung ni Herbert.

Tumingin sila sa magkabilaang gilid. Parang wala namang mga roamers. Paano ba naman mag kakaroon ng roamers dito kung matagal na itong inabando ng mga tao.

"Mag hiwalay na lang tayo para mas madali." sabi ni Brook.

"Bakit hindi na lang natin isipin ng mabuti kung saan yung patungo sa kwarto natin para malaman natin kung anu ang katapat nito." paliwanag ni Enrique.

"Osige nga, saan iyon?" pinatong ni Wade ang shotgun sa ibabaw ng Nurse desk sa gilid niya.

"Kaya nga mag iisip di ba??"

Nag talo ang dalawa. Napa iling na lang sila Herbert. Natigil ang mag kapatid ng may marinig silang tunog ng kahoy na tinapakan. Agad nilang iniangat ang kanilang mga armas. Tumahimik silang mabuti. Pinapakinggan kung saan ito nanggagaling.

Ilang langitngit ang kanilang naririnig. Hindi alam kung saan nanggagaling.

"Nasaan sila?" pabulong na tanung ni Daniel.

"Hindi ko alam. Para silang nakapalibot sa atin." sagot ni Brook.

"Pinapanuod nila tayo..." dagdag ni Wade.

Tumigil ang tunog ng mga yapak. Umiikot ang mga paningin nila Enrique. Kung sino man ang nanunuod sa kanila ay nakikiramdam din sa gagawin nila. Alam ng mga ito na delikado ang grupo nila Daniel kaya pinapanuod muna nila ang bawat galaw. Naka pili na naman sila kung sino ang kukunin.

"It stopped." sambit ni Wade. "Mga roamers kaya iyon?" dagdag niyang tanung.

Ibinaba ni Enrique ang machete at umiling, "masyado silang maingat para maging roamers."

"Sinasabi mo ba na bukod sa atin, may iba pang tao dito?" naka Pamewang na tanung ni Brook.

Sasagot na sana si Enrique kaso natigilan silang lahat. May narinig silang mahinang tunog. Parang may nalaglag na barya.

Sinundan nila ang pinanggalingan ng tunog at napunta sila sa harapan ng isang saradong pintuan. Sa daanan na ito, itong kwarto lang na ito ang sarado ang pintuan. May mga bakas ng dugo sa pader.

"Papasok ba tayo?" tanung ni Wade.

Kahit hindi mo man itanung, bakas sa mga mukha nila ang takot. Kahit ilang buwan na silang exposed sa kalagayan na ito, hindi pa rin nila maalis sa sistema nila ang takot.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon