Pang pitong Kabanata

420 16 5
                                    

Only two months left before the season 5 premiere of The Walking Dead :D ! A little trivia for you guys, the first episode will be 90minutes long. Mr. Nicotero said that it will be mini movie/episode :) !

Are you a fan (series or comics)? If yes, then let's fangirl/fanboy together *wink* ! Message me here or on FB :) !

Enjoy this chapter, especially you, @ChristineJeanDiaz

-----

       VII.

Pagka dilat ng mga mata ni Enrique ay nakita niya na wala na siyang katabi. Dahan-dahan siyang umupo at nag inat. Nag hikab pa siya at kumuha ng isang malinis na tshirt dahil lalabhan na niya ang nasuot niya kahapon.

Naisip niya na matagal na din siyang hindi naliligo. Pero atleast, hindi naman sila ganun kabaho dahil kahit papaano, nag pupunas sila.

Lumabas siya at nag inat ulit. Narinig niya ang mga ibon na pumipito. Hindi man tahimik ang lugar, atleast ligtas sila.

"Good morning Enrique !" bati ni Champ sa kaniya at inalok siya ng saging.

"Good morning din bro ! Salamat dito ah." sabi niya sabay kuha nung prutas.

"Paki bigay din kay Julia ito. Hindi pa siya kumakain eh."

Kumunot ang noo ni Enrique habang ngumunguya.

"Excited kasi siya makita si Kath kaya dumiretso na dun." paliwanag ni Champ.

Tumango naman si Enrique at kinuha ang mansanas. "Sige. Ibibigay ko sa kaniya. Salamat."

Papunta na siya sa bahay nila Herbert nang bigla siyang hinarangan ni Emily. Naka ngiti ito sa kaniya.

"Akin na yang tshirt mo. Mag lalaba ako, isasabay ko na yan." sabi ni Emily sa kaniya. Tiningnan ni Enrique ang tshirt niya. "Wag ka nang mahiya. Madami ka nang naitulong sa amin. Let me do this simple thing for you."

"Maraming salamat po." sabi ni Enrique at pumayag na kunin ni Emily ung shirt niya.

Pumasok siya sa bahay at sumalubong sa kaniya ang mabangong amoy ng corned beef at sinangag. Pakiramdam niya ay nag lalaway siya.

"Nasa kwarto sila." napatalon si Enrique sa biglang sulpot ni Julia sa likuran niya. "Sorry kung hindi na kita naintay. Gusto ko lang kasi makasiguro na talagang gising na si Kath."

Ngumiti si Enrique. "Okay lang yun. Naiintindihan kita." Inabot niya yung mansanas. "Pinabibigay nga pala ni Champ."

"Oh. Salamat. Sakto pupunta din ako sa kaniya." sabi ni Julia at kinuha yung mansanas. "See you later." mabilis siyang humalik sa pisngi ni Enrique at tsaka umalis.

Pumunta naman si Enrique sa kwarto ni Kathryn. Naka upo na siya at naka sandal sa bedrest. Naroon si Victoria at Broody.

"Hey Quen !" bati ni Victoria. Lumiwanag ang mukha ni Kathryn nang mapansin si Enrique.

"Good morning !" bumati si Enrique sa kanila at umupo sa kama para tabihan si Kathryn. "Kamusta ka?" tanung niya sa dalaga.

Umayos ng pagkaka-upo si Kathryn at ngumiti.

"Yes. Thank you." hinawakan niya ang kamay ni Enrique. "Thank you to all of you. Thank you at hindi niyo ako pinabayaan."

"You are one of us. Wala tayong iwanan." sabi ni Broody.

May kumatok sa pintuan at pumasok si Liza at Herbert. May dala silang mga gamit.

"Lilinisin at papalitan sana namin ang kaniyang sugat." sabi ni Liza na medyo nahihiya pa.

Already GoneWhere stories live. Discover now