Pangalawang Kabanata

823 27 11
                                    

Sa mga nag hahanap kay Julia at Daniel, hahaha ito na sila :D ! So far, what do you think? Hahaha.

Share this to your friends guys :D !! Thank you :*

~S ;)

           II.

“Julia, dalian mo na nga !! Wag kang mag bagal-bagalan diyan.” Sigaw ni Daniel sa kaniyang kapatid na si Julia. Hindi sila magkapatid na magkapatid dahil hindi sila magkadugo. Ampon lang si Julia dahil gusto magkaroon ng babaeng anak ang kanilang magulang. Dalawa kasing magkasunod na lalaki ang una nilang anak kaya nag desisyon silang mag ampon ng babae. Halos magka edad lang ang dalawa.

Si Julia ay ibang iba kesa kay Daniel. Mahiyain siyang babae. Tinatago niya ang kanyang ganda na gustong-gusto ng mga lalaki. Nung unang pasok niya sa kanilang eskwelahan ay walang pumapansin sa kaniya dahil ang tingin nila ay wirdo siya. Hindi sila makapaniwala na kapatid siya ni Daniel. Kambal kasi ang pakilala niya dito at minsan ayaw siyang paniwalaan ng mga kaklase nila. Ibang-iba ang tingin nila sa dalaga pero nagbago ito ng makita nila ang tinatagong talento nito. Kahit mismong si Daniel ay nagulat.

Nagkaroon ng maliit na paligsahan ang Blue wisdom academy. At ito ay Fencing. Marami ang sumali at sinsabi na marurunong daw sila pero pag dating naman sa gitna ay wala silang maipakita na galling. Hindi nagustuhan ng punong guro nila ang mga unang laban kaya nag sabi ito na pag ganoon pa rin ang pang huli ay kakanselahin na lang nito ang paligsahan at hindi na sila lalaban sa ibang academy. Pag dating ng huling laban, tumahimik ang lahat dahil naka saksi sila ng seryosong laban. Namangha sila at hindi rin nila alam kung sino ang dalawang nag lalaban. Nakikita nila na talagang magaling ito at ang nanalo ay ang nasa kaliwa. Nag tayuan sila at nag palakpakan. Tinanggal ng nasa kanan ang maskara niya at nakita nila na si Jm pala ito. Hindi na sila nagtaka dahil halos sa lahat ng sports ay magaling siya at madalas siyang mag number one. Pero mukhang dito fencing, siya ay number two lamang. Nakipag kamayan si Jm sa kaniyang sikretong kalaban.

Tinanggal ng kalaban niya ang kanyang maskara at lahat sila ay halos nagulat kahit siya ng makita nila na si Julia pala ito. Hindi sila makapaniwala na ang mahiyaing babaeng ito ay may tinatago palang sikreto at tapang. Hindi mabitawan ni Jm ang hawak niya sa kamay ni Julia dahil may pag tingin siya dito pero masyadong manhid si Julia at hindi niya ito napapansin. Simula nun, nagkaroon na siya ng mga kaibigan at hindi na nawirdohan sa kaniya ang mga tao. Tatlong taon ng kasiyahan ang ibinigay nila sa kaniya at hindi siya makapaniwala na sa isang pitik ay mawawala lang ito.

“Daniel, magpahinga muna tayo oh. Kahit ilang minutes lang. Mabigat din ang mga dala ko.” Hiling ni Julia sa kaniyang kapatid na halos malayo na sa kaniya. Lumingon ito sa kaniya. Gustohin man ni Daniel mag patuloy pero ng makita niya ang itsura ng kaniyang kapatid ay nagbago ang isip niya. Umupo na lang din siya sa tabi nito at nag hintay ng limang miinuto.

Si Daniel ay klase ng lalaki na hindi nag papakita ng nararamdaman. Pulis ang nakakatanda niyang kuya at ng bigyan ito ng magandang posisyon ay umalis agad sa kanila. Pitong taong gulang lang siya ng iwan siya ng kanyang kuya. Mataas ang tingin niya dito at gusto niya na pag laki niya ay ganito rin siya. Kung ang ibang bata ay nag lalaro  ng watergun noong limang taong gulang sila, si Daniel ay iba. Totoong baril ang pinapahawak sa kaniya ng kanyang kuya pero patago lamang ito. Mahal na mahal niya ang kanyang kuya kaya ng umalis ito ay halos mabaliw siya. Hindi niya ito matanggap at nag kulong siya ng matagal. Kinalimutan niya ang mundong nasa labas ng kaniyang pintuan at nag bago ang lahat ng ito ng dumating si Julia noon sampung taon na siya. Pakiramdam niya ay mayroon siyang obligasyon na dapat gawin at alam niya nay un din ang gagawin ng kuya niya kung nandito pa ito sa tabi nila. Napa protective na kuya ni Daniel na minsan ay sumosobra na pero hindi nagagalit si Julia dito at naiintindihan niya ito. Mahal nila ang isa’t-isa at  nangako sila na hindi nila iiwan ang bawat isa.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon