Pang walong kabanata

369 16 6
                                    

Anyone here also play The Walking dead telltale games S1&2?  :)

---------

             VIII.

Hindi mapakali sila Enrique. Wala siyang tigil sa pag lalakad at ganun din ang iba nilang kasamahan. Simpleng sapatos lang itong nakita nila pero madami itong ipinahihiwatig sa kanila.

Pwedeng patay na siya dahil sa bakas ng dugo. Pwedeng may kumuha sa kaniya. Pwede ding naiwan niya ito habang takot siyang tumatakbo palayo sa mga roamers. And most importantly, pwedeng buhay pa siya.

Tiningnan nila ang sapatos. Oo, may bakas ito ng dugo at medyo madumi. Pero pag pinag aralan mo nang mabuti, wala kang makikitang kagat o sira na nag papatunay na inatake siya. Ang nasa isip nila ngayon ay naiwan niya ito. Sa sobrang takot niya ay hindi na niya ito binalikan.

Ang ikinababagabag nila Enrique ngayon, ay kung saan siya nag tatago. Matalinong bata si Jensen. Alam nila na matapang ito. Kaya niya ang sarili niya. Pero the question is, for how long?

"Nahihilo ako sa ginagawa mo Enrique..." sabi ni Julia. Nasa noo niya ang kaniyang palad.

Napa buntong hininga si Enrique at tsaka huminto sa pag lalakad.

"We should do something." sabi ni Brook.

Tumayo si Victoria."Babalikan ko yung lugar. Baka malapit lang siya doon."

Umiling si Brook at humarap sa dalaga. Pinaupo niya ito ulit sa sofa dahil hindi pa ito ganun kagaling. Nasa itaas na kwarto si Wade at nag papahinga.

"Wag ikaw. Hindi ka pa magaling." Sabi ni Christopher kay Victoria.

"Pero ako lang at si Wade ang nakaka alam ng daan papunta doon." sagot ni Victoria. Bakas sa mukha niya ang sakit.

"Hindi ba pwedeng mag pahinga ka muna?! Pinapatay mo sarili mo eh." sabi ni Kathryn. Nag aalala siya para sa kaibigan.

"Kung babalik ka dun, hindi pwedeng mag-isa ka. Kailangan mo ng kasama." sabi ni Emily.

Walang umimik. Dati pag dating sa ganitong sitwasyon, halos lahat sila ay nag vovolunteer. Pero ngayon, para silang nagka limutan.

"Oh come on!" napatalon sila sa biglang sigaw ni Enrique. "Jensen is out there! Hindi lang basta-bastang tao. He's family..." medyo nanginginig pa ang boses niya.

"Sila na ang nag sabi na may isang grupo ng roamers doon. Paano kung naroon pa rin sila? Baka mapahamak pa kayo." sabi ni Julia.

"Sinabi ko din na sa kabilang lugar papunta ang mga roamers." tumayo na si Victoria at humarap kay Julia.

"Hindi pa ba sapat yang sugat mo?! Gusto mo pa talagang madagdagan?" singit ni Daniel.

Pinag tutulungan nila si Victoria. Natatakot sila para sa kaniya. Pero handa ang dalaga isakripisyo ang lahat para sa bata. Dahil kahit papaano, nagiguilty pa rin siya. Siya ang huling naka hawak sa kaniya. Kahit papaano, nasa kamay niya ang dugo.

"Kung ayaw niyo sumama, pabayaan niyo na lang ako." padabog na nag walk-out si Victoria.

Pinunas naman ni Enrique ang kaniyang kamay sa mukha. Hinabol ni Brook at Zeus si Victoria.

"Kailangan natin ito pag-usapan. Importante si Jensen. Importante siya sa akin." salita ni Enrique. "Kung ayae niyong sumama, kami na lang."

"Paano tayo nakaka siguro na ligtas sa lugar na iyon? Paano ka nakaka siguro na walang mangyayari?" si Christopher ang unang nag salita.

"Tsaka paano ka nakaka siguro na buhay pa siya?" lahat sila ay lumingon kay Lucas na naka halukipkip at naka sandal sa pintuan.

"A-anung sinabi mo?!" sinugod ni Enrique si Lucas pero mabilis humarang si Christopher. "Wala kang alam kaya kang karapatan mag tanung! "

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon