Pang apat na Kabanata

459 19 5
                                    

     | Chapter Four |

Nag hahalo ang pawis at dugo sa damit at mga kamay ni Enrique. Wala siyang tigil sa pag takbo. Humihinto siya para lang tanungin kung gaano pa kalayo. Bawat hakbang ay importante dahil nababawasan ang buhay ng babaeng buhat-buhat niya.

"Gaano pa kalayo !!" huminto si Enrique at inayos ang pag buhat sa walang malay na katawan ni Kathryn. Tinanung niya yung isang lalaki sa likod. Mataba ito at hinihingal na din.

"Tinatanung ka niya !!!" sinigawan siya ni Daniel dahil nadapa pa siya.

Pinag papawisan yung matabang lalaki. May suot siyang sumbrero at hunting clothes. May bitbit siyang sniper. Siya yung bumaril dun sa puting kabayo na nakita nila Kathryn. Sakaniya galing yung bala na naka baon sa katawan ni Kathryn.

"Diretso lang." nag hahabol siya ng hininga. "Yung dulong bahay. Hanapin niyo si Herbert !"

Patuloy lang ang pag takbo ni Enrique. Nasa likuran si Julia, Daniel at yung matabang lalaki.

May naka upo na babae sa bahay na pupuntahan nila Enrique. Sumilip siya sa kaniyang hawak na binoculars. Nagulat siya sa nakita niya.

"Papa !" tawag niya sa kaniyang ama.

Lumabas ang isang pamilya. Si Herbert at ang kaniyang tatlong anak. Pati na din ang asawa nung naka baril kay Kathryn.

"Anu nangyari?" sinalubong ni Herbert si Enrique. Kita niya ang maputlang katawan ni Kathryn. "Nakagat ba siya?"

"Hindi. Nabaril siya nung kaibigan niyo." nag hahabol siya ng hininga. Nasa likuran pa sila Julia.

"Si Randy?!" tanung nung isang babae sa likod.

"Basta yung mataba ! Please help her ! Sabi niya matutulungan niyo daw kami." nag papanic na si Enrique. Hindi na siya alam ang gagawin. Unti-unti ng bumabagal ang pag taas at baba ng dibdib ni Kathryn.

"Sige. Ipasok niyo siya sa loob." sabi ni Herbert at tumingin siya sa dalawang babae, "Minnie at Patricia, ihanda niyo ang ating gamit."

***

Hindi mapakali si Victoria. Panay ang tingin niya sa likuran.

"Wag mo ng isipin yun." sabi ni Champ sa kaniya.

"It was a gunshot." sabi niya habang umiikot ang tingin sa paligid.

"Lahat naman tayo narinig yun. Wag ka na mag alala." sabi ni Emily.

Napa buntong hininga siya. "Why one gunshot?"

"Baka may pinatay silang roamer." sabi ni Broody.

"No. Alam mong hindi nila sasayangin ang isang bala para lang sa isang roamer. Gagamit sila ng pang hampas." nasa tono ng boses niya ang pag aalala. May kutob talaga siya na may nangyari na masama.

"Hindi naman natin pwede ikutin ang buong lugar na ito dahil lang sa isang putok ng baril. Malaki ang posibilidad na nang galing ito sa ibang lugar at hindi kila Enrique." paliwanag ni Wade sa kanila. "Babalik din sila." dagdag niya.

Tumango na lang si Victoria at nag patuloy sa pag lalakad. Pero hindi niya maitatago ang takot at pag aalala. Alam niyang may nangyari. Alam niyang may nasaktan. Pero ang tanung niya sa sarili niya : Sino sa apat?

***

[Julia's POV]

Nakatayo ako sa may pintuan. Pinapanuod si Herbert, ang matandang lalaki na nag mamay-ari ng bahay. Nasa gilid ko din ang dalawa niyang anak na si Joshua at Liza. Yung dalawa niyang assistant ay nandun sa tabi niya. Natigil na nila yung pag dudugo ng sugat.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon