Pang limang Kabanata

456 17 6
                                    

     | Chapter 5 |

[ Victoria' POV ]

"Shot?! What do you mean shot?!" pasigaw na tanung ni Christopher sa amin.

Kakabalik lang namin sa kanila. Buti na lang at nandito na kami dahil mas gusto ko dito kesa doon sa magubat na lugar na walang katao-tao.

"Hindi rin namin alam. Di ba nakita mo din naman na sinundo niya si Lucas?" sagot ni Champ. "Tsaka kung paano niya sabihin ang pangalan nila Enrique, parang kilala niya ito."

Bago kasi kami tuluyang naka balik dito ay may biglang sumulpot na babae na naka sakay sa kabayo. Sinundo niya si Lucas. Nag aalangan kami nung umpisa dahil hindi namins siya kilala, pero nung sinabi niya ang nangyari kay Kathryn, si Lucas na mismo ang sumakay sa likod niya. Hindi na ito nag dalawang isip pa.

"Mukha naman siyang mapag kakatiwalaan..." dagdag ni Emily.

Napabuntong hininga na lang si Christopher.

"May narinig akong sumigaw kanina. Sino iyon?" tanung niya. Nag tinginan kami. "Ikaw ba iyon?" tanung niya kay Zeus.

Umirap naman ito. Oo siya iyong sumigaw kanina dahil naatake siya ng roamer. Buti na lang at mabilis si Wade sa pana. We can't risk a gunshot. Once is enough.

Pumasok si Zeus sa loob ng RV. Susunod sana si Christopher pero pinigilan ko.

"She had a close call to a roamer. Pabayaan na lang muna natin siya." paliwanag ko sa kaniya.

Tumango siya. "Alam niyo ba kung saan nakatira itong kumupkop sa kanila?"

"Oo. Sinabi niya sa amin." sagot ni Champ.

"Puntahan natin. Kailangan nating siguraduhin na ligtas ang mga kaibigan natin." paliwanag ni Christopher.

Lumabas na ulit si Zeus at tumabi sa amin.

"Hindi pwede. Wala pa si Jensen. Paano kung makabalik na siya dito at makita niyang wala tayo?" tanung ni Broody.

"Oo nga. Masakit para sa kaniya pag naabutan niyang wala tayo." dagdag ni Emily.

"Maiiwan ako ngayon dito hanggang bukas ng umaga. Pag wala pa rin siya, mag lalagay kami ng sign at ilang supplies sa kaniya." paliwanag ni Wade. "Dito ako sa RV."

"Kung maiiwan ang RV, maiiwan na din ako." sabi ni Christopher.

"Ako din." dagdag ni Zeus.

"Ako ---" bago pa matapos si Champ ay pinigilan na siya.

"Pupuntahan mo sila." pautos na sinabi ni Christopher.

Umirap si Champ. "Why is it always me?"

Napa ngiti ako. Oo nga. Its always Champ. Siya ang inutusan nung kailangan ng taga takbo para kumuha ng supplies. Siya ang inutusan para iligtas yung mag kakapatid. Siya yung inutusan para mag ikot doon sa isang abandong lugar. Yup, palaging siya. Kawawa naman siya.

"Okay. Fine." tamad na sagot ni Champ.

"Isama mo sila Victoria." dagdag ni Christopher. Hindi ako nag reak dahil gusto ko rin silang makita. Gusto kong siguraduhin na ligtas sila.

"Dalin niyo din itong mga gamot na ito kay Lucas." binato sa amin ni Wade ang isang plastik ng iba't-ibang gamot.

"Uhhh. Thanks?"

Tumango lang ito sa amin. Kumuha kami ng mga gamit at inilagay sa van. Pagka impake namin ay diretso na kaming umalis.

***

"Wag ka dumaan dyan !!"

"Sabi mo kumaliwa ako."

"Ang sinabi ko kanan ! Wala kong sinabing kaliwa."

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon