End of Part one

658 19 13
                                    

   | X. End of Season 1 | Long Chapter

Tatlong oras na ang naka lipas simula nung umalis sila sa camp.  Hindi pa sila humihinto. Nagugutom na ang mga bata. Palabas pa lang sila ng Bulacan. Parating sila sa Valenzuela.

"Hindi ba tayo hihinto?" tanung ni Julia. Kanina pa kasi sila naka upo. Gusto niya mag stretching muna.

"It depends on them." sabi ni Enrique na ngayon ay nag dadrive na.

Parang nagkaramdaman sila at biglang huminto ang convoy nila.

Bumaba sila. Nag inat ang mga bata.

"Bakit tayo huminto?" tanung ni Wade. Nag papahinga kasi siya at kumikirot ang kaniyang nawala na kamay.

"Kailangan natin mag hanap ng mga kotseng walang nag mamay-ari at kunin ang gas. Malapit na tayong maubusan." paliwanag ni Christopher.

"Sige. Maghahanap kami." sabi ni Enrique. Tumingin siya kila Daniel at tumango.

"Sasama kami." sabi ni Julia at Kathryn.

"Kaya niyo ba?" tanung ni Lucas. Siyempre hindi siya sasama hangga't hindi siya pinipilit.

"Sasama ako. Ayokong maulit yung nangyari." malamig na sinabi ni Broody at nauna na sa kalsada. Kumunot ang noo ni Enrique.

"Fill this up." iniabot ni Christopher ang tatlong lalagyan at dalawang hose para sa pag lipat.

Umalis na si Daniel, Julia, Kathryn, Enrique at Victoria.

Mag kasama sila Daniel at si Enrique naman ay sumunod kay Broody. May kaniya-kaniya silang dalang lalagyan.

"Anu yung tinutukoy mo kanina?" tanung ni Enrique kay Broody. Binuksan ni Victoria ang takip sa gas at inilagay ang hose. Ibinaba naman ni Enrique ang lalagyan. Hinigop ni Victoria ng kaunti ang hose para may umakyat na gas at tsaka inilagay sa lalagyan.

"Alam mo kung anu ang tinutukoy ko." sagot ni Broody habang tumitingin sa paligid at hawak-hawak ang baril.

"Sinisisi mo ba ako sa nangyari kanina?" diretchong tanung ni Enrique.

"Malapit na tong matapos. Bumalik na tayo." singit ni Victoria pero hindi siya pinansin. Humarap si Broody kay Enrique.

"Oo. Ikaw ang sinisisi ko." diretchong sagot ni Broody. "Kung hindi kayo umalis. Kung hindi mo tinangay ang lahat. Hindi lalayo sila Enchong. Hindi mangyayari ang pag atake. Walang masasaktan. Walang mamamatay."

Umamba si Enrique na susuntukin si Broody pero biglang pumagitna si Victoria. Inilagay niya ang kamay niya sa dibdib ng binata at itinaas ang lalagyan.

"Puno na ito. Bumalik na tayo !" utos niya sa dalawa. Nakikita niya na ang mga mata ni Enrique ay nakatingin sa lalaking nasa likuran niya.

Suminghap muna si Enrique bago tuluyang tumalikod. Hinarap naman ni Victoria si Broody.

"Anu bang problema mo?" tanung niya sa binata. Kumunot ang noo nito.

"Nag sasabi lang ako ng totoo. Wala akong ginagawang masama."

"Wala?! Sino nag sabi sa'yong wala? Broody alam mong dahil din kila Enrique kung bakit naka ahon ang grupo natin kagabi. Mag pasalamat ka na lang at bumalik kami dahil kung hindi, baka isa ka na sa pinaglamayan."

Tumalikod na siya pero hinawakan niya ang braso ng dalaga at iniharap ulit sa kaniya.

"Bakit ba masyado kang malapit sa grupo na yan? Baka nakakalimutan mo kami ang unang kumupkop sa'yo. "

"Hindi ko yun nakakalimutan at alam ko ang responsibilidad ko. Hindi mo na kailangan pang ulitin yun sa akin."

Binawi ng dalaga ang braso niya at tsaka nag lakad pabalik sa iba.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon