Ika-walong Kabanata

597 15 5
                                    

       VIII.

Hindi pa nakataas ang araw ay nakahanda na ang mga gamit na dadalhin nila Champ. Hindi pa sumisikat ang araw ay pinaulanan na sila ni Broody ng malulutong na mura. Pinag sasabihan niya sila at sinusubukan din niyang pigilan.

"Kung hindi kayo mag papapigil, at least bawasan niyo man lang ang dadalhin niyo." sabi niya kila Enrique.

"It's a pretty big town. Hindi pa nga enough yung isasama namin."

"Anung hindi pa enough?! You are taking all the muscles ! Wala ng matitira dito." sabi ni Broody.

"Naayos na ang lahat, Broody. Huli na para bawiin ang mga ito." sagot ni Victoria dahil walang may lakas ng loob mag salita. Hinila naman ni Broody si Victoria palayo sa kanila.

"Nasasaktan ako." pumipiglas si Victoria pero hindi niya maalis ang mahigpit na kapit ni Broody.

Nasa may bukana sila ng gubat. Wala masyadong tao.

"Wag ka ng sumama. Hayaan mo na lang sila." puno ng pag aalala ang kaniyang boses. Gusto niya si Victoria. Sa totoo lang ay higit pa dun ang nararamdaman niya para sa dalaga pero hindi sila pareho ng nararamdaman. "Ayokong mapahamak ka. Dito ka na lang."

"Bakit ako lang iniisip mo?! Paano si Zeus?!"

"Babae ka, Victoria ---"

"So does Zeus ! Dalawa kaming babae at hindi ko siya papabayaan na sumama mag-isa."

Pinasadahan ni Broody ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad.

"Victoria, you know what I feel for you." umirap lang ang dalaga, "I care for you ---"

"Don't finish that ! Hindi lang ako ang tao dito. This is not some romance television series. This is the goddamn apocalypse ! Wag kang selfish." nawala ang higpit sa kapit ni Broody kaya nakalas ni Victoria ang kaniyang braso.

Naglakad siya ng mabilis papunta sa van na gagamitin nila. Hindi na siya sinubukang pigilan ni Broody. Wala na siyang ibang nagawa kungdi suntukin ang punong nasa tabi niya.

"Let's go guys ! We're gonna need all the time." sigaw ni Wade. Dalawang sasakyan sila. Isang van at yung pick-up.

Ang nasa van ay sila : Champ, Zeus, Gerald, Jupiter & Lucas. Nasa kanila ang mga gamit kung sakaling doon sila mag papalipas ng gabi. Dahil si Champ ang may alam ng lugar, siya ang nag mamaneho. Katabi niya si Zeus.

Sa pick-up truck naman sila : Enrique, Wade, Victoria, Marco & Daniel. Si Wade ang nag dadrive dahil siya ang matanda. Nasa passenger seat si Victoria. Ang bawat sasakyan ay may mga armas pero limitado lang ito. Hangga't maaari ay dapat tipirin nila ang mga bala.

"Mag-iingat kayo ah." sabi ni Julia kay Daniel sa bintana. Nasa kabilang side naman si Kathryn at kinakausap si Enrique.

"Bumalik kayo ng buhay." sabi ni Kathryn. Sinuklay niya ng kaunti ang buhok ni Enrique. Natututo na ang binatang makisama. Unti-unti na niyang natatanggap ang lahat. Nakaka move on na siya. Ngumiti si Enrique at tumango. Bigla namang sumulpot si Jensen. Tumingkayad siya at sumilip. Ngumiti ka agad si Enrique.

Mapula ang mata ng bata. Halatang umiyak. "We just got here. Why are you leaving me again?"

Ngumuso ng kaunti si Enrique at ginulo ang buhok ni Jensen. "May kailangan lang kaming gawin."

"But I dont want you to go." namumuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi marunong makisama si Enrique sa mga bata kaya sinusubukan niya ngayon. Pero hindi niya mapatigil si Jensen sa pag iyak.

Nagulat siya ng biglang umikot si Julia at kinausap si Jensen.

"Who is your favorite superhero?" tanung ni Julia. Nag isip si Jensen. "Si Superman !"

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon