Ika-pitong Kabanata [ R ]

750 17 3
                                    

Attention : SPG scene. Please be open-minded. Thank you.

-----------------------

      VII.

"Dala niyo na ba ang lahat?" tanung ni Broody habang iniabot kay Enrique ang huling duffel bag na dadalhin nila.

"Oo dy..." sabi ni Champ. "Isang gabi lang siguro kami dun. Pag sinuwerte, makaka uwi din kami mamaya at wag sanang umulan."

Isang light brown pick-up truck ang dala-dala nila. May ilang sleeping bags, pagkain at tubig. Dinala din nila ang kalahati ng weapons at iniwan ang iba sa camp. Nag papa alam na sila sa mga kasamahan nila maliban kay Champ na naka yuko lang at naka sandal sa gilid ng pick-up. Halos mag dalawang linggo na sila. Hindi natuloy ang unang plano dahil umulan. Ngayon nila ulit itutuloy.

"You might need this." iniabot ni Christopher sa kaniya ang isang toolbox. Umiling naman si Champ. "Sige na. Alam kong magagamit niyo yan."

"Salamat." inilagay niya yung box sa likod ng truck.

"Mag-iingat kayo." sabi ni Christopher. Tinapik siya sa balikat ni Champ pero agad naman siyang hinila para yakapin. Walang anak si Christopher at ang mga kasama niya dito ay ang mga itinuturing na niyang mga anak.

"Let's go ! We're wasting time here." sigaw ni Wade.

"Ingatan niyo sarili niyo ah." sabi ni Julia sa dalawang kaibigan na lalaki lalu na sa kapatid niyang hindi niya mabitawan.

"Babalik din kami bukas." humalik sa noo ni Julia si Daniel at nag martsa papunta sa kotse. Ganun din ang ginawa ni Lucas ng nakapag paalam na siya kay Kathryn.

Lumapit si Victoria kay Enrique na naka-upo sa dulo ng pick-up. Pinapanuod lang ng binata ang mga taong nag papaalam sa isa't-isa. Tumayo sa gilid niya si Victoria.

"Hindi mo ba ako pipigilan?" tanung ni Enrique habang diretso pa rin ang tingin sa madla. Umangat naman ang tingin ni Victoria. "Hindi ka ba natatakot na baka gawin ko ulit yun."

Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Enrique na siyang nag palipat ng titig ni Enrique. Pinaglaruan ni Victoria ang mga daliri ni Enrique.

"May tiwala ako sa'yo. Alam kong hindi mo na yun uulitin." sabi niya habang nakatingin sa daliri ng binata. "Tsaka isa pa, hindi ka naman si Broody para pigilan ko." sabay kindat siya kay Enrique na ikinatawa naman ng binata.

"Tara na." sabi ni Daniel at umakyat sa likod. Kasama niya si Wade, Enrique at Jc. Ang nag dadrive ay si Champ. Nasa passenger seat si Lucas. Nasa likuran na upuan naman si Enchong at Jupiter. Nasa gitna nila ang mga baril at bala at iaabot nila ito sa bintanang nasa likuran nila pag may nangyaring masama. May mga hawak din naman sila Daniel pero pang hampas lang.

"Bumalik kayo ng buhay." sabi ni Victoria habang isinara ang likod ng pick-up. Nakipag kamayan siya kay Daniel. Pinaandar na ni Champ ang sasakyan at umupo na ang mga nasa likod.

Pinanuod sila ng mga kasamahan nila hanggang sa mawala na sila. Kahit mainit ay nilalamig ang mga babae lalu na si Julia dahil sa kaba na nararamdaman para sa kapatid niya. Si Kathryn naman ay itinuon ang isip sa iba at tumulong na lang sa pag lilinis at pag aayos.

"Kath.." mahinang tawag ni Marco.

"Hmmmm...?"

"Nakita mo ba si Julia?" tanung niya habang tumitingin sa paligid. Alam ni Kath na parang may namuo sa dalawa. Nag umpisa lang naman sila sa pag tutulungan.

"Ang alam ko maliligo siya sa lake kasama si Emily at yung mga bata." naka ngiting sagot ni Kathryn. Agad naman itong nag pasalamat at pumunta sa lake.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon