Unang Kabanata

1.1K 27 7
                                    

      I.

“ Every now and then

We find a special friend

Who never lets us down

Who understands it all

Reaches out each time you fall

You're the best friend that I've found

I know you can't stay

A part of you will never ever go away

Your heart will stay

I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life would just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way”

Ngayong gabi ang pinaka aantay  ng mga 4th year high school students ng Brenton academy. Ngayon, February 28, 2014, ay ang Senior Prom ng mga studyante. Ginaganap ito sa kanilang gymnasium na sakto lang ang laki para mag kasya ang 110 fourth year students. Itim at puti ang kulay ng mga gamit sa loob. Inayos ito ng student council at halos dalawang linggo nila itong pinaghandaan. Bukod sa pagtatapos, ang senior prom ay isang mahalagang okasyon sa kanila. Isang gabi sa loob ng buong taon lang ito mangyayari at wala ng kasunod. Kaya binigay nila ang oras nila, mapaganda at maayos lang ito.

“I don't need eyes to see

The love you bring to me

No matter where I go

And I know that you'll be there

Forever more a part of me, you're everywhere

I'll always care

I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life would just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way”

Ang gymnasium nila ay napapaligiran ng iba’t-ibang ilaw na may iba’t-ibang kulay. May mga lobo din na naka sabit sa mga gilid at mga makukulay na papel ang nasa pader. Kulay itim at puti naman ang mga lamesa at upuan. Ang stage ay may malalaking bituin na kumikinang at dalawang trono ang nasa gitna para sa Queen and King of the night. Ang sahig ay ginawang parang chessboard ng mga talentadong estudyante. Pag pasok mo din sa pintuan ay may malaking arko na gawa sa lobo na kulay pula, itim at puti. Lahat ng pumapasok ay kinukuhaan muna ng litrato na ibibigay din mamaya sa kanila. Ang damit ng mga estudyante ay naglalaro lamang sa kulay na itim at puti. Naka tux ang mga binata samantalang ang mga dalaga naman ay naka gown. Espesyal itong gabi na ito kaya pinag hahandaan nilang lahat ito. May kanya-kanyang partner ang bawat isa sa kanila.

Si Enrique Gil ang isa sa mga binatang nag-aya ng espesyal na kaibigan para sa gabing ito. Gustong-gusto niya ito pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito kaya ngayon niya na ito gagawin dahil baka may mauna pa sa kaniya. Naka puti siyang tuxedo at may pulang rosas sa gilid sa may bulsa. Naka sulkay sa gilid ang kanyang buhok at nilagyan niya ng kaunting gel para mag mukhang makintab ng kaunti. Naka titig ang kanyang mga matang kulay tsokolate sa isang pares ng maiitim na mata. Hawak-hawak niya sa bewang ang dalaga habang naka yakap sa leeg niya ang mga braso nito. Naka ngiti sila sa isa’t-isa habang dahan dahan na sumasabay sa mabagal na tugtog. Inihiga ni Aya ang kanyang ulo sa dibdib ni Enrique, pinakinggan ng mataimtim ang pagtibok ng puso ng binata para lamang sa kaniya. Kahit nakikiliti ang mga kamay ni Enrique dahil sa magandang, kulay puti na damit ng dalaga, ay patuloy pa rin siya sa pag sayaw at hindi niya ito pinapansin.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon