Pangatlong Kabanata

476 17 2
                                    

Short note : Let's be friends. Add me up on Facebook guys :) ! Just search "WalkingNatutal Wp". Thank you xoxo.

Here's an update for you :) ! Marathon ang Walking Dead here simula S1-S4 hanggang Sunday ng gabi :) ! Enjoy this chapter ♡

~S

-------

     | Chapter Three |

"Sigurado kang dito ang dinaanan niyo?" tanung ni Wade kay Victoria habang nag lalakad sila. Kasama din nila si Enrique, Champ at Broody.

"Malinaw ang tracks niya. Dito talaga siya dumaan." sabi ni Victoria habang naka tingin sa ibaba. Tahimik lang si Enrique na nag mamasid. Sanay na silang magkapatid sa pangangaso kaya marunong sila magbasa ng mga track, mapa tao man o hayop.

Nakarating sila sa isang maliit na ilog.

"Lumabo na." sabi ni Wade. Lahat naman sila ay nag taka sa sinabi niya maliban kay Enrique. "Okay lang siya kanina pero dito, parang nag-iba. Hindi niya alam kung saan siya pupunta."

"Baka may nakita siya? Baka natakot." sabi ni Broody.

"Baka may nakitang roamer." dagdag ni Champ.

Umiling naman si Enrique. "Wala kaming ibang nakikita kungdi ang kay Jensen."

Napalunok siya sa pangalan ng bata. Parang masakit para sa kaniya na sabihin iyon. Bigla siyang nagkaroon ng butas sa loob na walang ibang makaka takip kungdi si Jensen.

"Bumalik na kayo doon sa iba." sabi ni Wade.

Umiling si Victoria. "Hindi ako papayag na kayo lang ang mag hahanap. Ako ang may kasalanan nito. I should help."

Lumapit si Wade sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. Nagulat sila dahil bihira ito lumapit sa ibang kagrupo.

"Hindi mo ito kasalanan. Wala kang kasalanan. Mag tutulong-tulong tayo dito. Pero ngayon, kailangan mo mag pahinga."

Hindi alam ni Victoria kung bakit pero tumango siya.

"Ipag papatuloy na lang namin ang hahakot ng mga pagkain doon." sabi ni Broody at umalis na sila.

***

"Kailangan din natin mag hanap ng gamot." sabi ni Kathryn habang tinatakpan ang sugat ni Lucas na nahiwa.

"Walang g-gamot dito..."

"Sa dinami-dami ng mga bagay dito, imposibleng wala."

Patuloy sila sa pag hahakot mula sa mga sasakyan. Nakaka ilang box na din sila. May ilang damit pero mas gusto nila ang mga pagkain.

"Sa tingin niyo saan galing yung mga roamers na iyon?" tanung ni Zeus sa mga kasamahan.

"Ewan ko. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa herd na iyon." ani ni Champ sabay hinimas ang dalawang braso.

"Herd. Parang yan din yung biglang sumulpot sa camp natin nung gabing iyon." naalala ni Broody ang madugong pangyayari nung gabing iyon.

"Malapit na ba maayos yang sasakyan?" tanung ni Emily kay Christopher.

Tumango ito. "Konti na lang. Pwede na ulit natin gamitin. Pwede na tayong mag pabalik-balik."

"Hindi tayo aalis ng wala si Jensen." biglang nag salita si Julia.

Inakbayan siya ni Champ. "Oo naman. Aalis tayo pagka dating nila at kasama si Jensen. Hindi natin siya iiwan."

Namamaga pa rin ang mata nung dalaga. Halata na wala siyang ibang ginawa kungdi umiyak magdamag. Mapula pa rin ang ilong.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon