Pang anim na Kabanata

448 23 5
                                    

      VI.

[ No one's POV ]

Nakasakay si Wade sa ibabaw ng RV. Hinahangin ang kaniyang madulas na buhok. Naka singkit ang mga mata nya dahil humahalik sa mukha niya ang mga dumi.

Binalikan sila ni Broodg para ituro ang daan. Nag iwan sila ng mga pagkain at higaan sa isang sasakyan doon sa highway. Baka sakaling doon bumalik si Jensen. Hindi sila nawawalan ng pag-asa.

Sinundan nilang mabuti ang sinabing direksyon ni Brook at naka dating sila sa bahay nila Herbert. Sabay silang lahat na bumaba.

"May tao ba talaga dito?" tanung ni Emily.

"Oo nga. It looks so ---"

"Peaceful..." tinapos ni Wade ang pangungusap ni Zeus.

Tiningnan nilang mabuti ang paligid at sa di kalayuan ay naka tipon ang mga kaibigan nila. Parang may pinag diriwang.

Naka yuko sila at isa-isa nag lagay ng bato sa gitna hanggang sa tumaas ito na parang bundok.

"Kathryn?" tanung ni Christopher.

"Hindi pwede. Hindi pwedeng siya." sabi ni Wade. Mabagal silang nag lakad patungo sa grupong naka paikot sa malabundok na bato.

Nandun ang mga kakilala nila at yung iba ay hindi naman pamilyar sa kanila.

Nalaman nilang hindi ito si Kathryn dahil hindi naman umiiyak o nag rereak sila Enrique.

"Lucas !!" tumakbo papunta si Zeus sa kaniya. Nakita nila na maayos na ang sugat niya. Naka benda na ito.

Nag yakapan ang dalawa. Doon lang napansin nila Enrique ang pag dating ng mga kaibigan nila. Lumapit na sila sa isa't-isa at nag yakapan.

"Kamusta siya?" tanung ni Christopher kay Enrique.

"Okay na." maliwanag ang ngiti ni Enrique. "Salamat kila Herbert at sa mga kasamahan niya..." tinuro niya sila Herbert.

"At kay Daniel." singit ni Victoria. Naninibago sila sa kaniya dahil umiksi ang kaniyang mahabang buhok. Ginupit niya ito at nag mukha siyang rock star dahil din sa kulay ng buhok niya. "Hindi maliligtas si Kathryn kung hindi siya naka abot." pinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Daniel.

"How'd it happen?"

"Accident." sagot ni Julia. "Yun lang. Isang accident." medyo natatawa pa siya.

"The important thing is that she's okay." sabi ni Emily.

Lumapit sila Herbert. Pinakilala sila ni Enrique sa mga dumating. Nag kamayan sila at nag pasalamat.

"Nice hair." biniro ni Wade si Victoria sabay hawi sa buhok niyang maiksi.

Umirap ang dalaga. "Kung naiinggit ka, sabihin mo lang. Gugupitan din kita."

Tumingin si Wade kay Daniel. "Wag mo sa akin ipasa ang pag bibiro mo." humalukipkip si Daniel. Alam niyang ang pagka semi-kalbo niya ang titirahin ni Wade.

Tumawa lang si Wade at umiling. And for once, natutunan din nilang ngumiti muli.

***

[Enrique's POV]

"Sinabi ko na sa kanila na mag ayos ng mga tents dyan sa tapat ng bahay niyo." paliwanag ko kay Herbert. Nakapag ayos na kami ng mga gamit. Nakapag bihis na din ng mas maayos na damit. May suot pang bonnet si Victoria na napulot ni Brook sa abandong sasakyan.

"Okay lang ba?" tanung ni Daniel kay Herbert.

"Oo naman. Kung gusto niyo,mas malapit pa sa bahay para mas safe kayo." sagot ni Herbert sa amin. Tumango naman kami.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon