Ika-anim na Kabanata

591 22 3
                                    

        VI.

"What a small world, isn't it?" sabi ni Victoria pagkatapos mag kwento ni Enrique sa kaniya. Sa lahat-lahat ng nakilala at nakasama niya, kay Victoria lang siya nag kwento. Hindi kay Kathryn. Hindi kay Lucas. Kungdi kay Victoria. Napaka gaan kasi ng loob niya dito kahit nagkaroon sila ng alitan.

"Yeah. Hindi ko din yun inaasahan." pinadaan ni Enrique ang palad niya sa kaniyang buhok. "Akala ko nakawala na ako sa kaniya. Hindi pa pala."

"Anu na ang plano mo ngayon? Wag mo sabihing aalis ka dito." salita sa kaniya habang nililinis ang isang baril. Napa iling na lang si Enrique at umupo. Ipinatong niya ang dalawang braso niya sa kanyang tuhod.

"Wala naman akong ibang magagawa kungdi makisama." sagot ni Enrique.

Tumayo si Victoria at lumapit kay Enrique. Tinapik niya ito sa likod.

"Kapatid mo siya. Give him another chance. Malay mo nag bago na." yun ang huling payo niya kay Enrique at tsaka lumabas ng tent.

Sumunod na lang din siya kay Victoria at nakita ng mga mata niya kaagad ang nakakatanda niyang kapatid. Naka upo ito dun sa isang kahoy at nag papatulis ng itak. Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ito. Nakaramdam siya na may tumulak sa kaniya at lumingon sa gilid. Nakita niya ang naka ngiwing si Victoria. Tumango na lang siya at nag lakad papunta doon.

"Magkapatid ba talaga sila?" tanung ni Kathryn habang pinapanuod ang dalawa na nag uusap. Tumingala naman sa kaniya si Julia at sinundan ang tinitingnan ni Kathryn. Piniga niya ang damit na hawak niya at tsaka tumayo.

"Magkamukha naman sila ah. Parehong gwapo. Parehong kulay tsokolate ang mga mata. Parehong maputi. Yun nga lang, mas maitim ng kaunti ang buhok ni Wade." napa lingon si Kathryn kay Julia. Kagat-kagat nito ang isang sipit.

"May gusto ka ba kay, Quen?" agad niyang tanong kay Julia. Muntik ng malaglag ang sampayan.

"Anung tanong mo?!" nanlaki ang mga mata ni Julia. Tinulungan naman siya ni Kathryn sa pag sasampay, "Sabi mo kasi gwapo siya. Naisip ko lang naman yun." paliwanag ni Kathryn.

Natawa ng kaunti si Julia at sabay inakbayan si Kathryn, "Hindi porket nagwapuhan ako diyan sa kaibigan mong mayabang, eh ibig sabihin nun ay gusto ko na siya. Halos naka isang linggo pa lang kami mag kakilala."

Mag sasalita sana si Kathryn pero natigil dahil nag salita ulit si Julia, "Actually, hindi ko pa nga siya ganun kakilala eh. So, nope, hindi ko siya gusto."

Nakahinga bigla ng maluwag si Kathryn at napansin ito ni Julia. Para siyang nabunutan ng tinik.

"Teka, don't tell me na may gusto ka sa kaniya?"

Napa kalas si Kathryn sa pagkaka akbay ni Julia sa kaniya. Umatras siya at hindi napansin ang plangga sa may paanan. Bigla siyang tumama dito at na out of balance. Umamba si Julia na tutulungan ito pero napatigil ng napansing nasalo siya ni Broody.

Nakahawak siya sa dalawang braso ni Kathryn. Nagulat naman ang dalaga sa lamig ng kamay nito. Naka puting sleeveless shirt kasi siya kaya niya ito naramdaman. Tumayo siya ng tuwid at hinarap si Broody. Naka ngisi ito sa kaniya.

"Sorry. Sorry." paulit-ulit sinabi ni Kathryn. Hinawakan naman siya ni Julia sa braso. "Medyo lampa kasi talaga tong kaibigan ko. Pag pasensyahan mo na ah." paliwanag ni Julia. Ngumiti lang si Broody. Ipinakita niya ang kaniyang mapuputing ngipin at tsaka umalis.

"Nakita mo yun?" tanung ni Kathryn pagka alis ni Broody. Sinundan naman ni Julia ito ng tingin hanggang sa naglaho siya sa loob ng gubat. "Hoy, Julia ! Pakinggan mo ko." hinampas siya ni Kath.

"Araaaay ! Anu ba yun?" tanung ni Julia habang hinihimas ang braso.

"Ang puti ng ngipin niya no?"

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon