Ika-apat na Kabanata

663 22 4
                                    

      IV.

"Hindi dyan !! "

"Anung hindi, diyan kaya !!"

"Anu ka ba?! Mas may alam ako sa'yo. Lumiko ka dyan !!"

"Eh sinusundan ko lang naman si Victoria ah..."

"Businahan mo. Sabihin mo mali siya."

"Bakit ka ba nag mamarunong?!"

"Sus naman, Julia !"

Kanina pa nag tatalo ang mag kapatid. Nag mamaneho si Julia samantalang si Daniel naman ay nasa tabing upuan nanggugulo. Halos isang araw na silang nasa daan. Hindi pa ulit nag salita si Enrique sa likuran. Si Kathryn naman ay naka yakap sa kaibigan na si Lucas. Huminto sila isang beses para makapag palit ng damit. Itinapon na nila ang mga damit nilang minsan ng mag bigay ng kasiyahan sa kanila.

Lalu na kay Kathryn at Enrique. Ang naging King and Queen of the night.   Ang isang masayang gabi ay nauwi sa isang maduguan at hindi makakalimutang pangyayari.

"Wag ka mag marunong diyan ! Ngayon ka pa lang naman pupunta dun ah." Salita ni Julia. Hinampas niya ang kapatid niya sa braso dahil inaagaw nito ang manubela. "Tang*na, Daniel !!! Mabubunggo tayo eh." inapakan ni Julia ang break kaya lahat sila ay sumubsob.

"What the fu--" hindi natuloy si Lucas dahil inalalayan niya ang kaibigang nag papahinga sa kanyang braso. Nanlaki naman ang mga mata ni Enrique at agad napatingin sa paligid. Narinig niya ang isang motorsiklong paparating sa tabi nila.

"Bakit kayo huminto?" tanung nung nag mamaneho ng motor. Lumiit ang mga mata ni Enrique para tingnang mabuti ang itsura nung tao kaso naka helmet ito. Hindi niya rin masabi kung babae ba ito o lalaki. Si Daniel at Julia lang ang nakakakita ng mukha nito.

"Eh kasi ba naman tong si Daniel, masyadong nag mamarunong. Mali daw ang dinadaanan natin." sabi ni Julia. Napakamot ng ulo si Daniel na para bang nahiya.

"Hindi naman kasi dyan ang daan patungo sa bayan..." nahihiyang sagot ni Daniel.

"Sa tingin mo ba hindi ko yun alam?" sabi ni Victoria. Napa laki naman ang mga mata nila Julia at Daniel.

"Eh kung ganun san tayo pupunta? Bakit hindi pa dun sa bayan?"

Bumaba ng sasakyan si Enrique.

"Teka lang, Quen !!" tawag ni Kathryn. Pinigilan siya ni Lucas pero kinalas niya lang ang kamay na naka hawak sa kaniya.

Nabato naman kay Enrique ang atensyon nung tatlo.

"Anu na naman ang problema nun?" tanung ni Julia at sinundan nila.

*UNGH*

*GRAAH*

May pagala-gala na mga zombies sa paligid nila pero hindi ito ganun kadami at ganun ka bilis. Nabaling kay Enrique ang atensyon nila at dahan-dahan naglakad patungo sa kaniya.

"Hoy lalake !! Bumalik ka nda dito" sigaw ni Julia.

"Ssshhhh... Wag ka maingay." siniko ni Daniel si Julia sabay turo doon sa mga patay na napatingin sa kanila. "Edi ikaw tumawag." sabi ni Julia. Bumaba na rin si Kathryn at Lucas.

Huminto si Enrique at may kinuha sa bulsa. Sinindihan niya ang sigarilyo at tumayo dun habang naka pamewang.

Humalukipkip si Julia, "pambihira naman oh."

Walang kaide-ideya si Enrique sa mangyayari sa kaniya. Patuloy siya sa pag hithit ng biglang may humila sa paa niya.

"AHHHHH !!!! " napa higa siya at tumama ang ulo sa sahig. Lumabo ang kanyang paningin.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon