Pakopya (Published Under Viva...

By Mhannwella

1.2M 30.3K 5.9K

Malaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon... More

Pakopya
Pakopya 1
Pakopya 2
Pakopya 3
Pakopya 4
Pakopya 5
Pakopya 6
Pakopya 7
Pakopya 8
Pakopya 9
Pakopya 10
Pakopya 11
Pakopya 12
Pakopya 13
Pakopya 14
Pakopya 15
Pakopya 16
Pakopya 17
Pakopya 18
Pakopya 19
Pakopya 20
Pakopya 21
Pakopya 22
Pakopya 23
Pakopya 24
Pakopya 25
Pakopya 26
Pakopya 27
Pakopya 28
Pakopya 29
Pakopya 30
Pakopya 31
Pakopya 32
Pakopya 33
Pakopya 34
Pakopya 35
Pakopya 36
Pakopya 37
Pakopya 38
Pakopya 39
Pakopya 40
Pakopya 41
Pakopya 42
Pakopya 43
Pakopya 44
Pakopya 45
Pakopya 47
Epilogue
Author's Note
A Gift
Gift #1
Special Announcement!
LOVE AT FIRST WRITE
MANILA INTERNATIONAL BOOK FAIR
BOOK SIGNING

Pakopya 46

15.3K 466 66
By Mhannwella

Hindi nako makahinga sa sobrang takot. Nanuyo ang lalamunan ko kaya't hindi ako makasigaw. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, basta tumakbo na lamang ako palayo kay Shiara.


Nakarating ako sa isang malaking pinto. Sa tingin ko'y ito ang main door ng school building. Sinubukan ko itong buksan pero sarado rin ito. Sumilip ako sa may labas ng bintana. May mga grills ito at ilang butil ng salamin kaya't hindi ako makakalabas.


Malakas pa rin ang ulan. Biglang kumidlat kaya't lumiwanag sa labas. Pagtingin ko ay nasa harapan ko na si Shiara sa mismong bintanang pinagsisilipan ko. Napasigaw ako at agad na tumakbo palayo.


Naaninag ko ang hagdan pataas. Dire-diretso ako paakyat nito nang hindi lumilingon. Muntik pa akong matalisod pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Nang madapa ako nang tuluyan ay hinihingal akong umupo at sumandal sa pader.


Pumikit ako habang hinahabol ang aking hininga. Naiiyak kong niyakap ang dalawa kong tuhod. Unti-unti akong nilukuban ng matinding takot... takot na mas matindi pa kaysa sa mga naranasan ko noon. Hindi ko alam kung ano nang nangyari kina Mommy at pati kina Shin at Darren. Hindi ko na rin alam kung nasaan na sila at kung buhay pa ba sila ngayon na mas nagpatindi sa takot ko.


Tumahimik ang paligid. Tanging ang mga patak lamang ng ulan ang naririnig ko. Maya-maya ay may naramdaman akong likidong pumatak sa aking braso. Sa una'y inakala kong tubig lamang ito. Hinaplos ko ito at napansing nanggagaling ito sa taas. Nag-angat ako ng tingin at napatakip sa aking bibig nang makita ang katawan ni Shiara na nakabitin sa kisame.


"AHHHHHH!!!" sigaw ko. Bigla nagmulat si Shiara at tumingin sa akin. Nanginginig akong tumayo at muling tumakbo. Nagpaliko-liko ako. Hindi ko agad napansin na may hagdan na pala kaya napatid ako at nahulog pababa. Namilipit ako sa sakit ng aking katawan pero pinilit ko pa ring tumayo. Itinuloy ko na ang paglakad pababa hanggang sa may biglang humila sa akin.


"Sarah?" tanong ni Shin at itinutok sa akin ang ilaw ng flashlight. "Thank God you're alive," sabi niya at niyakap ako.


"Shin!" Niyakap ko rin siya pabalik at tuluyan nang naiyak. "A-Akala ko kung napano na rin kayo. N-Natakot ako," hikbi ko.


Maya-maya ay humiwalay ako kay Shin at tumingin kay Darren. Lumapit siya sa akin at bigla na lamang akong niyakap. "Natakot kami ng sobra nang mahiwalay ka samin," sabi niya. "I think I was about to go crazy sa pag-aalala sayo," bulong niya.


Nagulat ako sa pagyakap ni Darren. Nang makarecover ako ay niyakap ko rin siya pabalik. I suddenly felt something warm spreading throughout my whole system.


Kumalas kami sa pagkakayakap ni Darren. "Anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila.


"Sinubukan naming magpasikot-sikot sa mga kwarto sa pagbabakasakaling may madaanan kami palabas. Hanggang sa makulong kami sa isang classroom. Kung hindi pa namin sisirain ang pinto, hindi pa kami makakalabas," sagot ni Shin. "Naisipan naming umakyat sana dahil baka may mahanap kami doon tapos sakto namang nakasalubong ka namin."


Natigil kami sa pag-uusap nang makarinig kami ng sigaw. Nagkatinginan kami ni Shin. "Si Mommy!" sabi ko. Tumakbo kami papunta sa pinanggalingan ng boses hanggang sa makarating kami sa isang malaking classroom. Medyo madilim sa loob pero dahil sanay na ang mga mata ko sa dilim, hindi na ako masyadong nahirapang makita sina Mommy, Tito Zach at Aling Norelia.


"Mommy!" tawag ko. Nasa sahig siya at namimilipit sa sakit. Nasa tabi niya si Aling Norelia samantalang si Tito Zach naman ay papalapit pa lamang sa kanila. Napatingin sila sa amin.


"Huwag kayong papasok!" sigaw ni Tito Zach pero huli na dahil pagtapak namin sa loob, biglang nagsara ang pinto.


Binalewala ko ang paglagapak ng pintuan. "Anong nangyari kay Mommy?" tanong ko. Lalapit sana ako sa kanila pero biglang sumulpot si Shiara sa harapan ko. Maya-maya ay tumilapon ako sa ere at lumagapak sa sahig. Tumama ako sa isa sa mga upuan kaya napasigaw ako sa sakit.


"Tinatanong mo kung anong nangyari kay Angeli? Ganyan ang nangyari sa kanya," sabi ni Shiara.


Nakita kong sinubukan akong lapitan nina Darren pero may mga upuang bigla na lamang humarang sa kanila.


"Bakit mo ba 'to ginagawa Shiara?! Ano pa bang kailangan mo?!" sigaw ni Mommy.


Tumawa si Shiara at ngumiti. Normal ang kanyang itsura na para bang hindi pa siya patay. "Bakit ko 'to ginagawa? Alam mo na ang sagot sa tanong na 'yan. Anong kailangan ko?" biglang nagbago ang itsura niya at naging nakakatakot. "ANG BUHAY NIYONG LAHAT!" dumagundong ang boses ni Shiara kasabay ng pagtalsik ng mga gamit sa paligid.


Pinilit kong bumangon. Nakita kong may papalapit na malaking kahoy kay Shin kaya napasigaw ako. "Shin, sa likod mo!"


Huli na nang sabihan ko si Shin kaya natamaan siya at natumba. Ininda ko ang sakit ng aking katawan at lumapit sa kanya. "Shin..." nag-aalalang saad ko. Tiningnan ko ang kanyang pulso. Humihinga pa rin namay siya pero wala siyang malay. Hinawakan ko ang likod ng kanyang ulo at naramdaman ang pagkabasa nito dahil sa dugo.


"Kung may galit ka sa amin, huwag mo nang idamay ang iba!" sigaw ni Tito Zach.


Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Shiara. Bigla niyang inihampas sa dingding si Tito Zach habang hawak ang leeg nito. "Galit? Mas matindi pa doon ang nararamdaman ko!" sigaw ni Shiara. "Ang sabi mo mahal mo ako, pero iniwan mo ako," tumingin siya kay Mommy. "Naging mabait ako sayo, pero pakiramdam ko ginamit mo lang ako. Pare-parehas lang naman ang mga tao, mahilig manggaya, mandaya at umasa sa iba!" sabi niya sabay bitiw kay Tito Zach.


Unti-unting nagbago ang boses ni Shiara at naging mahina. "Gusto ko pang mabuhay para makasama ko kayo," sabi niya. Nangilabot ako sa biglang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Ngumiti siya nang malawak habang may umaagos pang dugo sa kanyang mata. "O pwede rin namang... kayo na lang ang isama ko sa kabilang buhay!"


Umalingawngaw ang tawa ni Shiara sa paligid kasabay ng pagcrack ng sahig at mga dingding. "Nasakluban na ng demonyo ang kaluluwa ni Shiara kaya siya nagkakaganyan!" narinig kong sigaw ni Aling Norelia. "Sarah, yung notebook! Kailangan mong─" biglang tumingin si Shiara sa kanya at iniangat siya sa ere na tila ba sinasakal siya.


"Masyado kang madaldal!" sigaw ni Shiara.


"Y-Yung notebook... A-Ankla..." hirap na saad ni Aling Norelia.


Notebook? Ankla? Napaisip ako sandali. Napakunot-noo ako nang unti-unti kong naintindihan ang sinasabi ni Aling Norelia. Mukhang yung notebook na dala ko ang pinagkakapitan ng kaluluwa ni Shiara. Napamura ako nang maalalang naiwan ko ang mga gamit ko bago kami magkahiwa-hiwalay nila Mommy.


Patuloy ang pagyanig ng paligid. Bumigay ang isang pader malapit sa akin at muntik na akong madaganan kung hindi ako nakaiwas. May ilang mga piraso ng semento ang tumama sa akin dahil sa pagsangga ko kay Shin ngunit hindi ko na lamang ito inalintana.


Sinubukan kong ilipat ng pwesto si Shin. Buti na lamang at lumapit si Darren at tinulungan ako. "Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Darren.


Tumango ako kahit masakit ang katawan at ilang mga sugat ko. "Kailangan kong balikan yung notebook," bulong ko. Napatingin ako kay Shiara na kasalukuyang pinapahirapan si Aling Norelia. Kitang-kita ko na nahihirapan na sa paghinga si Aling Norelia. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa awa. Pero alam kong hindi ko siya matutulungan at isa lang ang alam kong paraan para mapigilan si Shiara. "Yun ang pinagkakapitan ng kaluluwa ni Shiara kaya kailangan kong masira yun," sabi ko.


Mukhang naintindihan ni Darren ang sinabi ko. "Sasamahan kita," mahinang saad niya. Dahan-dahan akong lumapit doon sa may nasirang pader habang nakasunod sa akin si Darren. Nagkaroon doon ng malaking butas na pwedeng daanan palabas.


"Tama na, Shiara!" sigaw ni Mommy.


"Sige," sabi ni Shiara at binitiwan si Aling Norelia na wala nang malay. "Ikaw naman ngayon ang sunod," aniya at unti-unting lumapit kay Mommy habang nakangisi.


Natigilan ako at nagpanick nang makitang palapit na si Shiara kay Mommy. Tumingin ako sa paligid. Parehas nang walang malay sina Shin at Aling Norelia samantalang si Tito Zach naman ay nanghihina. Kailangan ko yung vial na dala ni Aling Norelia. Nasaan na ba yun? Shit!


"Sarah!" napatingin ako kay Mommy dahil sa pagtawag niya sa akin. May hinagis siya sa akin mula sa bag na hawak niya. Nasalo ko ito at tiningnan. Yung vial!


Napatingin sa amin si Shiara. Namula ang mga mata niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Inilagay ko sa bulsa ko yung vial tapos tumayo na ako at mabilis na tumakbo palabas. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Darren. "Siguradong susundan tayo ni Shiara kaya ligtas pa sa ngayon sina Mommy," paliwanag ko sa kanya.


Biglang bumuka ang sahig kaya napatigil kami ni Darren. Sumulpot sa harapan namin si Shiara. "Hindi ba't sinabi ko na sa inyo, hindi niyo ako matatakasan!" sigaw niya.


Hinila ako ni Darren papasok sa isang room sa gilid namin. Isa itong malaking laboratory. Nagkaroon ng malakas at nakabibinging sigaw mula kay Shiara na dahilan upang mabasag ang mga salamin na nasa kwarto.


Yumuko kami ni Darren tapos niyakap niya ako para sanggahan mula sa mga tumatalsik na salamin. Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga habang sinasalo ang pagtama ng mga bubog. Nang matapos ang nakakabinging tunog ay tumingin ako sa kanya.


Nagmulat siya ng mga mata at tinanggal ang isang piraso ng salamin na bumaon sa kanyang braso. "Darren..." naiiyak na saad ko. Ang dami niyang sugat. Sinadya ni Shiara na ipatama sa amin ang mga bubog ng salamin.


"I'm fine. Ang mahalaga ay ayos ka lang. Tara na," sabi niya at tinulungan akong tumayo. Alam kong nanghihina siya pero parang hindi niya ito pinapansin. Tumakbo kami papunta sa kabilang pintuan at doon lumabas. "Nasa left wing na tayo ng school. Dito tayo dumaan sa kanan," sabi ni Darren.


Natigilan kami sa pagtakbo nang makarating kami doon sa part na nadaganan ng puno. Basa na sa parteng ito dahil nakakapasok ang ulan. "Pano na tayo ngayon niyan?" tanong ko.


Inilibot niya ang tingin niya sa paligid na tila ini-inspeksyon ito. "Pwede tayong dumaan sa ilalim ng mga sanga," sabi ni Darren maya-maya.


"Pero..." nag-aalangang saad ko. Napatingin ako sa likod namin at nakita ko si Shiara na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakatingin siya nang masama at ang kanyang buhok ay bahagyang tumatakip sa magkabila ng kanyang mukha.


"Shit," sabi ni Darren nang mamataan niya si Shiara. "Mauna ka na. Hahawakan ko yung mga sanga para madali kang makadaan," sabi niya sa akin.


"Paano ka? Ayokong iwan ka," sabi ko.


Hindi sinasadyang napatingin ulit ako sa direksyon kung nasaan si Shiara. Pero wala na siya doon. Paglingon ko kay Darren ay nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang magkabila kong braso at inikot ako para magkapalit kami ng pwesto. Biglang may matilos na bagay na tumagos sa kanyang katawan sa may bandang balikat. Napasigaw ako. "Darren!"


Pagtingin ko sa likod niya ay nakita kong nandoon si Shiara. Tinanggal niya ang nakasaksak kay Darren at ngumiti sa akin. Napangiwi sa sakit si Darren at bumagsak sa akin. Hindi ko agad nasuportahan ang kanyang bigat kaya parehas kaming natumba. Biglang nawala si Shiara at kasabay noon ang pag-alingawngaw ng kanyang nakakasindak na pagtawa.


Lumapit ako kay Darren. Hawak niya ang kanyang kanang balikat na nasaksak ni Shiara. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula roon. Napaiyak ako."D-Darren..." nanginginig na saad ko. "D-Dapat ako yung nasaksak. K-Kung hindi mo ako..." napahagulhol ako. "Sorry... sorry."


Sinubukang bumangon ni Darren. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. "H-Huwag kang umiyak. Wala kang kasalanan," aniya. "Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang. Kung pwede nga lang ako na lang ang tumanggap ng lahat ng pahirap na nararanasan natin ngayon, gagawin ko," bulong niya. "Heaven will surely meet hell kapag may nangyaring masama sayo."


Bumilis ang tibok ng puso ko. "B-Bakit mo ba sinasabi yan?" tanong ko.


Hindi sinagot ni Darren ang tanong ko. "Umalis ka na, Sarah," sabi niya at napapikit dahil sa sakit ng pagkakasaksak sa kanya. Napatingin ako sa may likuran ni Darren at nakita si Shiara habang nakalutang sa ere at hawak ang kahoy na ipinangsaksak niya kay Darren kanina. Naglalabasan ang ugat sa kanyang mukha na tila ba puputok na ang mga ito.


"Handa na ba kayong mamatay?" tanong niya.


Humigpit ang hawak sa akin ni Darren. Napapikit ako. Ito na ba ang katapusan namin?


Bahagya akong itinulak na ako ni Darren. "Go," sabi niya. Umiling ako. "Sige na. Umalis ka na," aniya. Tinitigan ko muna siya ng ilang saglit at kinapa ang vial na nasa aking bulsa. Isa lang ang paraan para mailigtas kaming lahat dito. Kailangang mapuksa si Shiara.


Huminga ako nang malalim at gumapang na papunta sa ilalim ng mga sanga ng puno. Naramdaman kong umangat nang kaunti yung sanga sa may likuran ko. Mukhang iniangat na ito ni Darren.


Malapit na sana akong makalabas nang biglang bumigay yung ikalawang palapag. Nadaganan ng kahoy ang isa kong paa at tumagos ang isang maliit na sanga sa aking hita. Napahiyaw ako sa sakit. Pinilit kong i-angat yung kahoy pagkatapos ay lumayo ako nang kaunti sa may puno at dahan-dahang hinugot yung maliit na sanga na nakabaon sa aking hita. Napangiwi ako at napapikit.


Pagtingin ko sa aking kanan ay nakita ko na iniangat ni Shiara si Darren. Hindi ko sila masyadong maaninag dahil na rin sa mga nakaharang na sanga at dahon. Biglang tumingin sa akin si Shiara. Kitang-kita ko ang pag-itim ng kanyang mga mata.


Nakaramdam ako ng sobrang takot. Baka kung anong gawin niya kay Darren. Humawak ako sa pader at pinilit ang aking sarili na tumayo. Lumakad ako papunta sa harap ng classroom na pinagkakulungan nila Mommy kanina.


Biglang umikot ang paningin ko kaya natumba ako. Umiling ako at tumingin sa paligid. Nakita ko ang bag ko. Aabutin ko na sana ito nang bigla na lang may tumapak sa paa kong natusok ng kahoy kanina. Napasigaw ako. Pagtingin ko ay nasa taas ko si Shiara.


"Papatayin ko na sana yung lalaking kasama mo. Pero uunahin muna kita... para mas masaya," sabi ni Shiara at diniinan ang pagkakatapak sa sugat ko.

Napaiyak ako dahil sa sobrang sakit. Kung pwede lang sanang maging manhid na lang ako ay mas gugustuhin ko pa iyon kaysa sa ganito.


"Sarah!" napalingon ako nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko.


Nakita kong papalapit sa amin sina Mommy kasama sina Shin at Tito Zach na inaalalayan si Aling Norelia.


Naramdaman ko ang pag-alis ni Shiara sa ibabaw ko. Nagpalutang siya ng mga kahoy at inihagis ito kina Mommy. Kinuha ko ang pagkakataon ito upang gumapang papunta sa aking bag. Hinalungkat ko ito pero hindi ko makita yung notebook. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang malapit ito sa kinatatayuan ni Shiara kasama ng ilan ko pang mga gamit.


Kasalukuyang kaharap ni Shiara si Mommy. Akma niyang sasaksakin si Mommy pero sumigaw ako. "Shiara!" sigaw ko sabay kuha ng vial sa aking bulsa at binuksan ito. Sinulyapan ko yung notebook.


Para kina Mommy, kay dad, kay Tito Zach, kay Aling Norelia, kay Darren... para sa mga taong sinaktan at pinatay ni Shiara. Nagdasal ako na sana matapos na ang lahat ng ito. Napapikit ako.


Sana sumakto ka, please.


Hinagis ko yung vial sa notebook. Halos hindi ako makahinga. Tila bumagal ang oras hanggang sa tumama yung vial sa notebook at kumalat doon yung likido. Nagsimula itong umusok.


Napatingin doon si Shiara. "Anong..." nawala ang kanyang ngiti at nanlaki ang kanyang mga mata. Patuloy sa pag-usok yung notebook hanggang sa tuluyan na itong nagliyab.


"Hindi... hindi pwede..." nagpapanick na saad ni Shiara. Unti-unti na rin siyang napapalibutan ng apoy. "Magbabayad kayo! Papatayin ko kayong lahat! Hindi ako papayag! HINDI!!!"


Lumakas yung apoy at biglang naglaho si Shiara. Tumakbo papunta sa akin sina Tito Zach. Niyakap ako ni Mommy. "Diyos ko, salamat po at nakaligtas kami," bulong ni Mommy habang umiiyak na nakayakap sa akin.


Napaiyak na rin ako. Unti-unti kong naramdaman ang lahat ng pagod at sakit ng aking katawan. Nanghihina na ako. "Ma, si Darren..."


Muling umikot ang aking paligid hanggang sa unti-unting nagdilim ang lahat.


Continue Reading

You'll Also Like

56.8K 983 8
On the early age, pinaniniwalaang isinumpa ang mga matang asul. Pinandidirihan sila. Pinapatay. Sinasaktan. Ginagawang katatawanan. Noon 'yon. Noong...
18.6K 1.6K 22
Tatlong Dalagita ang napadpad sa Tulay ng Baryo Kasalanan at nabiktima ng limang kalalakihan.. May tatlong Dalagita pa kaya silang mabibiktima sa Tul...
8K 728 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
1.9M 105K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...