Trapped by Arrangement

By anonsupergirl02

3.3M 43.3K 2.3K

||COMPLETED|| ||General Fiction. Humor. Romance|| |Highest Rank: #3 Romance #1 Humor| ||#1 CEO. #1 Marriage... More

Trapped by Arrangement
Chapter 1: She's back
Chapter 2: It's him!
Chapter 3: Brat meets Jerk
Chapter 4: Reason
Chapter 5: Best Friends
Chapter 6: Meeting his family
Chapter 7: Drama
Chapter 8: Engagement
Chapter 9: Preparations
Chapter 10: Bachelorette Party
Chapter 11: Wedding Sh*t
Chapter 12: Ex
Chapter 13: Visitor?
Author's Note: Changes
Chapter 14: Work
Chapter 15: Smile
Chapter 16: Jealous?
Chapter 17: Peace Offering
Chapter 18: Weekends
Chapter 19: His family
Chapter 21: Blue Roses
Chapter 22: Christmas
Chapter 23: New What?!
Chapter 24: Constellation
Chapter 25: Macarons
Chapter 26: The Flight
Chapter 27: Waiting
Chapter 28: Phone Call
Chapter 29: Jerk is back
Chapter 30: Jessica
Chapter 31: Superman is sick!
Chapter 32: La Vacances
Chapter 33: Vacation Starts
Chapter 34: Realization
Chapter 35: Chaos
Chapter 36: Twist
Chapter 37: Gone Mad
Chapter 38: Burden
Chapter 39: Intoxicated
Chapter 40: Divorce
Chapter 41: Threat
Chapter 42: Suffocate
Chapter 43: Another Twist
Chapter 44: Her Mom
Chapter 45: Darn This Heart
Chapter 46: Accident
Chapter 47: Compromise
Chapter 48: Adieu
Chapter 49: It Ends Here (Her POV)
Chapter 50: It Ends Here (His POV)
Epilogue
Bonus Chapter: Interview
Bonus Chapter 2: Interview + Travel
I have a question.
Update

Chapter 20: Bonding

46.8K 723 27
By anonsupergirl02

CHAPTER 20

Naghanap kaagad ako ng bathrobe sa cabinet niya. I just hope na malinis 'to, hindi ko ma-imagine kung madumi 'to eh di didikit sa akin ang mga germs. Kadiri lang. Pero infairness huh, ang bango ng robe niya. Very masculine ang amoy pero hindi masakit sa ilong, hindi katulad ng ibang perfumes na halos masuka ako dahil sa amoy.

Papunta na sana ako ng bathroom nang may mahagilap ang mga mata ko. It's a picture frame on the side table. His picture... with Jessica. Grabe lang, parang gusto ko ihagis 'yung frame dahil naiirita talaga ako sa pagmumukha ng Jessica na iyon. Nagshower na agad ako pagkatapos titigan ang picture na medyo masakit sa mata. 'Wag niyo na tanungin kung bakit. Basta masakit sa mata period.

Sobrang lamig ng tubig! Buti na lang may heater ang shower kaya ang heater kaagad ang ginamit ko, ayokong mamatay sa hypothermia 'no! Pagkatapos ng matagal na shower ay natapos din ako. Then I realized ang isa ko pang katangahan, hindi ako nakapanghiram ng pajama or any clothes kay mommy! Ayoko namang bumaba na ganito ang itsura ko. Aish. Makapaghanap na nga lang, siguro naman ok lang kung gamitin ko ang oversized t-shirt ni Orion, 'di ba? Buti na lang maong shorts ang suot ko kanina kaya pwede ko na ipangtulog 'to. Maghahanap na lang talaga ako ng t-shirt niya na pwedeng suotin.

Pero dahil maarte ako ay naiisip ko pa rin ang fashion style ko, isang polo ang kinuha ko at 'yun ang sinuot ko. Dahil nga kapre ang may-ari nito, maluwag at mahaba ito, pero dahil maparaan naman ako pagdating sa ganitong bagay ay finold ko na lang ang sobrang tela para kahit papaano ay mag-fit sa akin ng kaunti ang damit niya. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na agad ako, I'm sure they're still waiting for me.

Pagkababa ko sa living room ay naagaw ko agad ang atensyon nila. Obviously because of the clothes I am wearing. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Orion na halatang nagpipigil ng tawa. Tinignan ko ang damit ko, wala naman problema di ba? Inayos ko na naman 'to kanina.

"Anong, 'anong problema?' Nakalimutan ko kasi manghiram kay mommy kaya itong damit mo muna ang  sinuot ko."

"Yung buhok mo." Napahawak naman ako sa buhok ko. Basa pa at gulo gulo! Oo nga pala hindi pa ako nakakapagsuklay! Eh kasi naman walang suklay sa kwarto ng lalaking 'to! Napatingin ako sa salamin, mukha lang naman akong bruha! Mukhang akong witch, but a gorgeous and hot version of a witch naman 'no!

"Ali, get a hair brush bilis." Utos ni mommy kay Ali. Nagmamadaling tumakbo si Ali papunta sa taas. Tumatakbo rin siya pabalik and this time may hair brush na siyang dala.

"Here, ate. Use it." Nakangiting sabi niya habang inaabot sa akin ang hair brush. Ang cute niya talaga, sarap pisilin ng rosy cheeks niya.

Pagkatapos ko ayusin ang bruha kong buhok ay nagdecide na kami kung anong movie daw ang papanuorin. Nag-aaway away pa nga kami. Kasi syempre si Ali bata pa kaya cartoon movies ang gusto. Nagsuggest naman ako ng romantic films kaso ayaw ni Orion dahil korny daw! Sus, for sure nanunuod siya nun kapag mag-isa lang siya or kapag kasama niya si Jessica. Ayaw din naman ni Ali ng romantic dahil nga bata pa daw siya.

Kanina pa kami nagdedebate kung anong movies ang papanuorin. Nagsuggest naman si Orion na action na lang daw pero ayoko ng ganun! Ayun na yata ang pinaka ayaw ko, 'yung may mga barilan ek ek na iyan. Tsaka 'yung may mga sumasabog na kung anu-ano. Masyado kayang brutal minsan!

"Eh kung horror na lang kaya?" I suggested. Unang-una mahilig ako sa horror movies. Mas enjoy nga kapag horror kahit medyo brutal din minsan. Pero mas ok na 'to kesa naman sa mga action movies na puro bugbugan, suntukan o kaya naman parang gera.

"It's ok with me." sagot ni Orion.

"Me too." si Ali.

"Sure." Si mom. Ayos! Sa wakas nakapili rin kami ng kung anong genre. Ang tanong, magkasundo kaya kami kung anong horror movie? Naghanap ako sa stack ng mga horror movies. Masyado kasing organize ang stack ng DVDs nila, sama-sama ang action, romantic, horror.

Kumuha na lang ako ng movie na hindi ko pa napapanood. Nilagay ko sa DVD player tapos bumalik na ako sa couch. Si mommy mag-isang nakaupo sa left side na couch. Samantalang katabi ko naman ang magkapatid. Alison is at my left side habang nakahiga, tapos si Orion naman ay nakaupo sa right side ko.

"Aren't you scared of horror movies?" He whispered to me.

"No. Those aren't real. There's nothing to be afraid of." I replied habang nakatutok pa rin ang mata ko sa screen dahil nagsisimula na 'yung movie.

Grabe ang boring pala ng napili kong horror movie. Hindi man lang ako nag-eenjoy. Pagtingin ko sa lap ko tulog na tulog na pala si Ali, kaya naman pala ang tahimik. Si Orion gising pa rin naman pero halatang naboboringan din sa pinapanuod namin. Si mommy naman ay mukhang inaantok na rin.

Natapos ang movie na hindi manlang ako nag-enjoy o natuwa. Nakita kong tulog na rin si mommy. Si Orion halatang inaantok na rin. 12 midnight na pala kaya medyo inaantok na rin ako. Tinapik ko si Orion "Hey, si Ali tulog na. Can you bring her inside her room" Nakita ko naman na tumango siya at tsaka tumayo. Hindi kasi ako makatayo dahil himbing na himbing si Ali and I don't want to wake her up. Binuhat niya si Ali tsaka dahan-dahan pumanik ng hagdan. Tumayo na agad ako para gisingin naman si mommy. "Mom, gising po. Dun na po kayo matulog sa kwarto niyo." Tinapik tapik ko siya kaya nagising naman agad siya.

Umakyat na rin agad ako sa kwarto. Pagdating ko sa loob ng kwarto ay nakita kong nakahiga na si Orion doon sa kama na para bang hinihintay ako. "Hoy! Inaantok na ko, you can now go out." Utos ko sa kanya.

"Excuse me? This is my room so I can sleep here whenever I want."

"Alis diyan!" Hinigit ko siya pero wala eh, ang bigat bigat niya kaya hindi ko siya kaya!

"No way, miss brat. This is my room." Kalmadong sagot niya.

"I don't care! Eh di dun ka sa sahig!" Kinuha ko ang unan tapos binato ko sa kanya. Sapul naman siya sa mukha! Buti nga! Umakyat ako sa kama at hinigit-higit ulit siya. "Alis na kasi. Magpakagentleman ka nga!"

"Excuse me? As far as I know, one of my rules says you will do everything that I want." Naka-ngising sabi niya. Nakakaramdam ako ng hindi magandang bagay.

"And so?" Nakataas kilay kong tanong.

"Sleep beside me tonight. Besides they think we're sleeping in a same room in our house."

I crossed my arms. "Asa ka pa!" Sabi ko tapos hinila-hila ko pa rin siya but he's too heavy! Tuloy ako sa paghila hanggang sa makaramdam na ako ng pagod. I give up! I give up!

"Tsss! Fine diyan ka" Turo ko doon sa pwesto niya. "At dito ako!" I pointed the opposite side of the bed. Actually malaki naman ang kama niya. I think four people could fit here.

"Wag na 'wag kang didikit sa'kin, tandaan mo! Ayoko ng may katabi, ayoko ng masikip!" I told him, tapos pumwesto na ko sa kabilang side ng kama. Naglagay rin ako ng unan sa gitna. Kainis talaga, hindi pa naman ako sanay ng may katabi sa kama. Feeling ko kasi ang sikip-sikip lagi. Makatulog na nga!

 

I think I'm half asleep. Ang kalahati ng utak ko tulog pa pero 'yung kalahati gising na. Nararamdaman ko ang unan sa may ulo ko. Bakit parang ang tigas yata? Ang tigas din ng yakap yakap kong unan? Ang lalambot ng unan ko, bakit naging ganito? Dahan-dahan kong kinapa ang yakap kong unan. Bakit ang tigas talaga? I slowly opened my eyes and I saw a color blue pillow— WAIT! This is not my pillow and THIS IS NOT A PILLOW! My eyes widened in surprise nang marealize ko, that I was hugging a man! Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko to see kung sino ba ang lalaking kayakap ko. Eh bakit pa ako magtataka? Si Orion nga pala ang kasama ko sa kwarto kagabi dahil wala kami sa bahay namin! Oh shoot! Sa dibdib niya nakapatong ang ulo ko kaya pala parang ang tigas, samantalang yakap ko naman ang katawan niya!

Tsss! Sabi ko wag siyang tatabi sa akin! Tapos ngayon yakap pa namin ang isa't isa? Bwisit talaga 'tong lalaki na 'to! Kapre na jerk pa at perv pa! Dahan-dahan akong bumangon pero hindi ko magawa. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. 'Yung isang kamay niya kasi nakapulupot pa sa bewang ko at hindi ko matanggal! Paano ako makakaalis nito?

Ok. Janella. One more time. Try mo ulit bumangon. Nag-inhale at exhale muna ako bago nagtry ulit. Dahan-dahan ko inangat ang kamay niya. Malapit ko na siyang matanggal! "Ouch!" I muttered. Bigla niya kasing hinigit ang bewang ko kaya napasubsob ako! Darn it I'm on top of him! Unti-unti ko inangat ang ang ulo kong nakasubsob. Nakita ko ang makinis niyang mukha na himbing pa rin sa pagtulog. Sinubukan kong umalis sa ibabaw niya pero ang higpit ng yakap ng braso niya. I'm starting to struggle nang bigla siyang nagsalita.


"Good morning, hon." Nakangiting sabi niya in his sexy bedroom voice! Sh*t lang talaga! At anong 'hon' ang pinagsasabi nito? Siguro akala niya ay si Jessica ako!

"Anong hon ka diyan! Sapakin kita gusto mo? Rule number 3: No endearment!" Sigaw ko sa kanya.

"Shhh... let's go back to sleep." Inaantok na sabi niya. Parang nananaginip pa 'tong impaktong 'to eh.

"Eh di matulog ka mag-isa! Lalabas na ako dahil nagugutom na ako kaya bitiwan mo na ang maganda kong katawan!" Reklamo ko pero parang wala siyang naririnig. Hindi niya ba naiisip na ang sagwa ng posisyon namin ngayon? Badtrip!

"OMG what are you guys doing?" Narinig ko ang pamilyar na boses kaya napalingon ako, it was Ali! Oh darn, nakita niya kaming ganito ang posisyon! Mabilis naman napabitaw si Orion sa bewang ko kaya napabangon na ako at tuluyang nakaalis sa ibabaw niya. Napabangon din siya sa sobrang gulat nang marinig ang boses ng kapatid niya. So after all this time ay gising na pala siya at nagtutulug-tulugan lang? Lagot ka sa'king kapre ka!

"A-Alison what are you doing here?" Parang nagpapanic na sabi niya.

"Kuya, if you're going to make babies please lock the door!" Alison told us while covering her eyes.

"How many times do I need to remind you to knock before entering my room?" Sigaw niya. Kaya hinampas ko angg braso niya. "Hoy 'wag mong sisigawan 'yung bata!"

"But you should've locked the door! Urgh kuya! I went here to tell that breakfast is ready and mom and dad are waiting downstairs!" Paliwanag niya tsaka nagtatakbo palabas ng kwarto. Tama naman siya dapat nakalock ang pinto! Pero hindi naman kasi kailangan i-lock!

"Oh sh*t!" He muttered. Napahilamos na lang siya ng mukha niya tapos ay ibinagsak ulit ang katawan pahiga sa kama. Pati ako nadadamay sa kalokohan niya! Kainis.


Pumasok na lang ko sa bathroom para magtoothbrush. Ginamit ko ang toothbrush na ginamit ko kagabi, buti na lang madaming stock ng bagong toothbrush dito sa bathroom niya kaya may nagamit ako. Habang busy ako sa pagsisipilyo ay bigla siyang pumasok sa loob tsaka tumabi sa left side ko. Pasimple niya rin tinulak ang katawan ko gamit ang katawan niya kaya halos mapahagis ako dahil hindi ko nakontrol ang balance ko.

I gave him a death glare through the mirror pero walang effect sa kanya, nagsipilyo na lang siya. Nagmamadali akong nagsiplyo ng ngipin para mauna na akong makaalis sa loob ng CR na 'to. Feeling ko ang awkward namin. Nauna na akong bumaba para pumunta sa labas, doon kasi sila nagbi-breakfast kapag sunday sabi nung isang maid. Family day talaga nila ang sunday.

Nakita ko naman agad sila na halatang kanina pa naghihintay sa'min. Umupo ako sa harap ni Ali then I greeted them. Wala pang isang minuto dumating na rin si perv— I mean si kapre— este si Orion pala. He greeted them tapos umupo na siya sa tabi ko. Tahimik lang kaming kumain. Hindi ko naman alam kung paano sila i-aapproach kaya hindi na lang ako nagsasalita.

"Masyado yatang seryoso ang lahat ah?" Biglang nagsalita ang daddy ni Orion. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Masyadong tahimik. Nakakamiss din palang may marinig na umiiyak na bata. What do you think?" Sus parang 'yun lang eh. Paiyakin natin si Alison.

"What do you mean, dad?" Nagtatakang tanong ni Orion. Hindi ko na lang sila pinapansin at patuloy lang ako sa pagkain ng breakfast.

"Gusto ko na ng apo." Prankang sagot ni daddy dahilan para masamid ako! Shet lang!

"Ehem. Ehem... ehem." Grabe! Bakit ba kasi niya binanggit 'yun habang kumakain ako?

"Are you okay, hija?" Tanong ni mommy sa akin pero hindi ako makasagot dahil sa pagkakasamid ko. Hawak-hawak ko ang lalamunan ko, grabe ang tindi ng pagkakasamid ko.

"Are you okay?" Tanong ni Orion habang inaabot sa akin ang isang baso na may laman na mango juice. "Hi-hindi...ehem." Sinubukan kong inumin ang juice, salamat dahil nawala ang pagkakasamid ko. Akala ko ay katapusan ko na! Phew. I composed myself tapos ay pinilit kong ngumiti sa harap nila. 


******

Author's Note:

Ang tagal ko mag UD. Sorry naman kasi sinusulat ko ulit ang lahat ng chapters dahil nabura nga 'di ba? Haha kawawa naman. Dahil mahal ko ang nagbabasa nitong story na 'to eh nag-update ako kahit gumagawa ako ngayon ng psychological report para sa major subject namin.


Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.1K 42
In just a day, Your husband asked for annulment... Then you found out na may brain tumor ka... And lastly you are 5 months pregnant. Ano nga ba ang...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.7M 61.9K 41
Si Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rod...
245K 7.3K 63
Gabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)