Chasing Mr. Right [Complete]

By PrincessInJeans

370K 6.7K 1K

Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chas... More

First Chase
Second Chase
Third Chase
Fourth Chase
Fifth Chase
Sixth Chase
Seventh Chase
Eighth Chase
Ninth Chase
Tenth Chase
Eleventh Chase
Twelfth Chase
Thirteenth Chase
Fourteenth Chase
Fifteenth Chase
Sixteenth Chase
Seventeenth Chase
Eighteenth Chase
Nineteenth Chase
Twentieth Chase
Twenty-first Chase
Twenty-second Chase
Twenty-third Chase
Twenty-fourth Chase
Twenty-fifth Chase
Twenty-sixth Chase
Twenty-seventh Chase
Twenty-ninth Chase
Thirtieth Chase
Thirty-first Chase
Thirty-second Chase
Thirty-third Chase
Thirty-fourth Chase
Thirty-fifth Chase
Thirty-sixth Chase
Thirty-seventh Chase
Thirty-eighth Chase
Thirty-ninth Chase
Fortieth Chase
Forty-first Chase
Forty-second Chase
Forty-third Chase
Forty-fourth Chase
Forty-fifth Chase
Forty-sixth Chase
Forty-seventh Chase
Forty-eighth Chase
Forty-ninth Chase
Fiftieth Chase
Fifty-first Chase
Fifty-second Chase
Fifty-third Chase
Fifty-fourth Chase
Fifty-fifth Chase
Fifty-sixth Chase
Fifty-seventh Chase
Fifty-eighth Chase
Fifty-ninth Chase
Sixtieth Chase

Twenty-eighth Chase

5.3K 88 5
By PrincessInJeans

Twenty-eighth Chase 

"Teka, kukuha lang ako ng jacket sa kwarto ko." Tumayo ako mula sa gutter na inuupuan namin ni Jasper at ng pamilya ko.

"Teka, five minutes na lang New Year na---"

"Five minutes pa yun!" Sagot ko kay Jasper bago ako patakbong umakyat sa kwarto ko. Kumuha ako ng hoodie ko na may malaking XU sa gitna. Palabas na sana ako nung mahagip ng paningin ko yung dalawang bracelet na nakapatong sa study table ko.

"Hindi sila bagay, di ba? Isa lang yung pwede mong suutin. Isa lang yung pwede mong itira. Yung isa.. kailangan mong tanggalin. Anong pipiliin mo, Charm? Better yet, who will you choose? Ako o siya?" 

Napatigil ako. Kinuha ko ang isa sa kanila at nilagay sa jewelry box ko. Tapos yung isa, sinuot ko at itinago sa ilalim ng sleeves ng jacket ko.

"Ang tagal mo." Sabi sa'kin ni Jasper nung makabalik ako sa baba. "One minute na lang."

"I know, I know."

Bumuntong hininga si Jasper habang nakatingin kami sa langit kung saan may mga ilang excited na fireworks na yung umiilaw doon.

"Okay ka lang? Bakit parang malungkot ka?"

He smiled sadly. "Naisip ko lang kasi, dapat yata ihanda ko na yung sarili ko para sa oras na hindi mo na ko kailangan at papaalisin mo na ko sa tabi mo kasi nakukulitan ka sa'kin."

"Why are you assuming na darating yung panahong 'yun?" Gulat na tumingin siya sa'kin.

"B-bakit? H-hindi ba?"

"Maybe. Maybe not." I smiled at him.

"Oy, Charm. A-ano yun? Magsasabi ka ng ganun tapos bigla kang iiwas. Eto naman!"

"Tse."

Nagsimula yung countdown. 

"Five!"

May inabot na dalawang lusis sa'kin si Papa. Inabot ko yung isa kay Jasper habang sinindihan ko yung sa'kin sa lusis ni Kael. Pagkatapos sinindihan ko naman yung lusis ni Jasper gamit yung akin.

"Four!"

Nakanganga siyang nakatulala sa kamay ko. Tumingin ako at nakita kong lumabas yung suot kong bracelet. I was wearing his bracelet. Not Zeke's. Itinago ko na yung binigay na bracelet sa'kin ni Zeke. I can't return it to him or throw it away yet. But I'm not wearing that anymore.

"Three!"

Ngumiti ng malaki sa'kin si Jasper. He understood. Whatever it is that's between us... I want to give it a shot. I want to give him a chance. Pinanood namin pareho yung pag-ilaw ng mga lusis namin.

"Two!"

Sa tapat ng bahay ni Zeke, nasa labas na yung mga Villaroso at mga Velasco. Zeke is hugging Tiffany and then... and then he kisssed her. I have no right para magselos at tanggap ko nang mahal talaga nila yung isa't isa but it still hurt. I know they didn't want to hurt me on purpose, ano nga bang malay nila na nakatingin ako sa kanila? I looked away.

"One!"

Jasper was in front of me. He was blocking them from me or baka it's the other way around. But still, he's here. Just like how he had been for the past few weeks, he's here to protect me from all the pain. I smiled at him. I knew then that I made the right choice. To let go. To give myself another chance to love again. 

"Happy New Year, Charm."

"Happy new beginnings." 

"Ayaw mong tumalon baka sakaling madagdagan yung height mo?"

Sinuntok ko siya sa braso. "Bwisit! Lagpas 18 na ko, wala na kong pag-asang tumangkad. Palibhasa, higante ka."

"Hindi ako higante. Maliit ka lang." Sinamaan ko siya ng tingin. Yun na lang laging sinasabi ng mga matatangkad eh. Nang-aasar pa!

We smiled at each other. Hanggang sa dumaan sa gitna namin yung parents ko na magkaakbay pa at humagikgik na parang teenagers.

"Kainan na!"

"Tara?" Yaya ko kay Jasper.

Tumingin siya sa pamilya niya na papasok na sa bahay nina Zeke.

"Or not." Biglang bawi ko. Parang napahiya ako 'don ah!

Tumawa si Jasper. "Kung okay lang ba kina Tito't Tita, doon ako sa inyo. Hindi naman si Kuya Zeke yung pinunta ko dito kung hindi ikaw, Charm."

Daming alam nung batang 'to. "Dami mong drama. Tara na nga." Naglakad na ko papunta sa bahay namin.

Tumawa ulit si Jasper habang sumusunod siya sa'kin. "Ang sungit mo talaga sa'kin kahit kelan."

"Ganon talaga!"

"Charm, may mistletoe oh!" Nilingon ko si Jasper na tinuturo yung nakasabit na mistletoe sa may pintuan ng bahay namin.

"Heh! Bagong taon ngayon hindi Pasko!"

"Sayang, dapat pala Pasko na lang kami nagpunta dito."

* * *

"I-zipper mo, Cha, dali!" Utos sa'kin ni Maggie umaga ng January 2.

"Teka! Huminga ka pa ng malalim. Ayaw magkasya eh."

"Uuugh! Eh kasi naman! Kung bakit ba ilang araw lang pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon yung kasal ni Kuya! Bundat na bundat tuloy ako. Sabi na hindi ako dapat masyadong kumain ng lechon eh."

Napatawa ako at nazipper ko na sa wakas yung peach na dress ni Maggie.

"Bakit nga ba January 2 yung kasal ng Kuya mo?" Umupo ako sa harap ng salamin at sinimulang ayusin ni Maggie yung buhok ko. Abay kami pareho sa kasal ng pang-apat sa pinakamatanda na kapatid ni Maggie, si Kuya Lex.

"Gusto kasi ni Ate Isa na special date yung kasal nila."


"Special date?"

"Oo, special meaning para sa kanilang dalawa. Elementary classmates kasi sina Ate Isa at Kuya Lex. Hindi sila masyadong close noon. Pagkatapos nilang grumaduate, wala na silang balita o contact sa isa't isa. And then, four years ago, pumunta si Kuya Lex sa New Year's party nung isang officemate niya. Turns out, pinsan yun ni Ate Isa, kaya after all those years nagkita ulit sila sa party na yun."

"Ow!" Napangiwi ako nung mapalakas yung hila ni Maggie sa buhok ko.

"Sorry!"

"Tapos?"

"Ayun nga, nagulat sila nung magkita sila ulit. Nagkwentuhan sila the whole night to catch up with each other. Hindi nila namalayan na buong gabi, sila lang yung magkasama. Nagkukwentuhan, nagsasayaw. At the end of the night, kinuha ni Kuya Lex yung number ni Ate Isa. And doon na nagsimula yung lahat."

"Wow." 

"Cool, right? Kaya January 2 ang piniling araw ng kasal ni Ate Isa. Para kasi sa kanya, mas special pa yung araw na 'to kaysa dun sa araw na nanligaw sa kanya si Kuya Lex, o kaya yung araw na naging sila officially. Kasi sabi ni Ate Isa, January 2 yung araw na pinagtagpo ulit sila ng destiny. Gusto daw niya kasing pag ilang years na daw silang kasal, kapag tapos na yung honeymoon stage at nagsisimula na silang magkaproblema bilang mag-asawa, kapag maaalala nila yung araw na kinasal sila, maaalala din nila yung magical na araw na yun para sa kanila four years ago."

Napangiti ako dun. Hindi ko akalaing may ganong klaseng love story pala si Kuya Lex. It's sweet. "Special meaning? I like the idea. When I get married, I'll do the same thing." 

"Asus. Ano na namang iniisip mo? Kung kelan kayo ikakasal ni Zeke? Anong pipiliin mo, August, kung kelan sila lumipat sa katabing bahay niyo? O March, kung kelan---"

"Wala akong iniisip tungkol kay Zeke, okay? Sabi ko when get married. Ako pa lang. Wala pang groom."

 Tumayo ako nung matapos na si Maggie sa pag-aayos ng buhok ko.

"Okay!" Tinaas ni Maggie yung kamay niya na parang nagsusurrender.

"Bakit ka ba dito pa nag-ayos kaysa dun sa bahay niyo?" Tanong ko sa kanya habang lumalabas kami sa kwarto.

"Kasi gusto kong kasama mag-ayos yung bestfriend ko!"

"Tigil-tigilan mo ko, Margarette ah."

Tumawa si Maggie. Nauna siyang bumaba ng hagdan at sumunod ako. "Eh kasi ang gulo gulo dun sa bahay. Nandun na yung mga ikakasal. Nandun pa yung anim kong mga kapatid at yung mga pamangkin ko. Nakakaloka."

I rolled my eyes then I laughed. 

"Tada!" Sigaw ni Maggie pagkarating namin sa sala.

Tumingala si Dave at ngumiti ng malaki. "You're the prettiest girl ever. Can't wait na tayo naman yung ikasal."

"Ugh." Sabi ko kasabay ng pagsabi ni Kael na, "Kadiri, Kuya Dave!"

Tumingin ako sa katabi at kalaro ni Kael na si Jasper. Hindi na siya naglalaro kundi nakatingin siya sa'kin. He's biting his lower lip and a smile is playing on his lips habang nakatitig lang siya sa'kin.

Naconscious ako bigla.. Akalain niyo yun? Nacoconscious ako kay Jasper, of all people!

"Let's go!" Yaya ni Maggie. Tumayo na rin si Jasper kasunod noon.

"Bukas yung uwi niyo, di ba?" 

Tumango ako. "Yeah. Nakakainis may pasok na agad ng January 4."

Ngumisi si Jasper. "See you in two days, Charm."

"Jasper! Sure ka ayaw mong pumunta sa kasal ng kuya ko?" Tanong ni Maggie kay Jasper.

Umiling si Jasper. "Di na. Kailangan na rin naming bumalik sa Manila kasi may flight pa yung parents ko mamayang gabi para sa isang business trip."

"Ah, sayang naman. Sige, una na kami ah?"

"Sige, hihintayin ko lang si Ate na nandun kina Kuya Zeke. Ingat kayo."

Tumingin ako kay Jasper at kumaway. "Bye, Jasper." Ngumiti lang siya sa'kin.

* * *

I watched habang nagmamarch si Maggie at Dave sa aisle. Ang kulit nilang dalawa at tawa sila ng tawa at nagkukulitan habang naglalakad. Ang sama tuloy nung tingin sa kanila dun sa isa sa mga ninang sa kasal.

"Ready, Cha?" Ngumiti ako kay Mico. Yung pangalawa sa bunso sa kanila nina Maggie. One year older lang siya sa'min ni Maggie.

Habang naglalakad kami sa aisle, nahagip ng paningin ko si Zeke. Hindi siya abay pero inimbita pa rin siya ni Kuya Lex sa kasal. He smiled at me but I couldn't bring myself to smile back. Iniwasan ko na lang siya ng tingin.

"May LQ kayo ni Zeke?" Bulong sa'kin ni Mico.

"Ha? LQ?"

"Oo. Di ba siya yung boyfriend mo mula pa nung highschool kayo?"

Gusto ko siyang itama na hindi, hindi ko pa boyfriend si Zeke nung highschool. Naging kami lang nung college na pero hindi na ko nagsalita. "Last year pa kami nagbreak."

"Oh? Bakit?"

Tinaasan ko ng kilay si Mico, "Seriously? Papakwento mo sa'kin yung downfall namin si Zeke ngayon? As in, now na, sa kalagitnaan ng kasal ni Kuya Lex habang nagmamartsa tayo?"

Tumawa siya. "Ewan ko sa'yo, Cha."

"Kita mo 'tong tao 'to. Ako pa yung inewan."

The whole ceremony was beautiful. Unang beses kong makapunta sa isang kasal na hindi ako batang flowergirl na inip na inip sa buong seremonya at nangangati sa suot kong damit. I paid attention to everything, sa sermon ng pari, sa mga ngiti at luha nung mga kinakasal, to their vows... everything. I couldn't help but cry too nung sinabi na nung pari yung, "I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride." Kasi sina Kuya Lex at Ate Isa ay parehong umiiyak ng tears of joy. And when they kissed, isa ako sa mga pumalakpak ng todo para sa kanila.

"Reception na!" Sigaw ng isa sa mga kapatid nina Maggie, Mico at Kuya Lex pagkatapos ng mahaba habang picture taking.

"Maggie! Dave!" Tawag ko kina Maggie pero hindi ko na sila nakita at nahalo na sila sa mga taong naglalabasan ng simbahan. Naku, patay. Sila yung kasama ko papuntang simbahan at sa kanila rin sana ako sasabay papuntang reception. Wala pa man din akong dalang cellphone. Pano na 'to ngayon at hindi ko sila makita?

"Charm!" I felt goosebumps when I felt a familiar touch on the small of my back. In a few seconds, nasa tabi ko na si Zeke and he was speaking right beside my ear. Inalis na niya yung kamay niya sa likod ko pero ramdam ko pa rin yung init ng palad niya. Juskopo, ano na naman ba 'to?! "Papunta ka na ba ng reception?"

Tumango ako. "Yeah. Hinahanap ko lang sina Maggie."

"Ang daming tao. Gusto mong sumabay na lang sa'kin? Dala ko yung pickup truck ni Papa at wala naman akong kasama. Baka maiwan ka kasi nina Maggie at mastranded ka dito."

Hindi pa ko sumasagot, hinahatak na ko ni Zeke palayo sa mga taong at papunta sa gilid kung san nakapark yung kotse ng Papa niya.

"Uh, Zeke." Inalis ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa'kin. Tumigil kami sa paglalakad.

"Oh?"

"I don't think this is a good idea."

"Huh? Bakit?"

"Manhid ka ba? Utang na loob, Zeke, give me some space. Nagmomove-on ako dito. Bakit ba sulpot ka na naman ng sulpot?"

"Nag-aalala kasi ako sa'yo at kaibigan rin naman kita..."

"No! We can't be friends hangga't di pa kita nabubura ng tuluyan sa puso ko. Maawa ka naman sa'kin. Kailangan kong alisin yung kapit mo sa'kin and the least you can do is stay away from me! Do you think I can move on if you're always like this? If you're always worrying about me, if you're still showing me that you care... if you're reminding me about the reasons why I fell in love with you?"

"Charm---"

Nakita ko sa di kalayuan sina Maggie at Dave na para bang may hinahanap. "I have to go. Bye, Zeke."

I turned away from Zeke but not before I saw the defeated look on his face.

I hate na pinapakita pa rin niya sa'kin that I'm important to him. I hate that he still cares. But most of all, I hate that I'm happy that he does care.

I don't want to hurt Jasper. And I'm happy with my decision to give him a chance. I chose Jasper already but I still can't forget Zeke completely. Bakit ba ang hirap hirap magmove on kahit pa buong pagkatao ko na yung humihiling na sana makalimutan na ng puso ko si Zeke?

* * *

Xavier University Alumni Homecoming.

"Kailan ba yung kasal niyo?" Tanong ni Nicole kina Maggie at Dave.

"Two months from now, sa May! Summer para matuloy namin yung beach wedding. Ikaw, Nicole wag kang mawawala ha? Hindi ka na nga nakapunta sa kasal nitong si Cha, kaya hinding-hindi kita papayagang mawala sa kasal ko!"

"Of course. Promise, Maggie."

"Bakit ka nga ba hindi nagpunta sa kasal ni Cha? Wag mong sabihin dahil iniiwasan mo pa nung mga panahong yun si Aaron?" Nang-aasar na tanong ni Maggie

Nicole groaned. "Bakit ba lahat na lang ng tao nililink ako kay Aaron ngayong gabi? My God, guys, eight years na kaming hiwalay ni Aaron. Pareho na kaming may iba ngayon." Tinuro pa ni Nicole si Aaron na kasayaw si Alexa. "Ang lalakas ng trip niyo! Tsaka kaya naman ako hindi nakapunta sa kasal ni Cha kasi naman kasabay ng mga holidays. Sorry Cha ha, alam mo naman, may mga family tradition. Naipit lang ako pero kung ako lang, gusto ko talagang umattend ng kasal mo. Bakit naman kasi ganon yung date nun?"

Umakbay yung asawa ko sa'kin and I leaned on him.

"May special meaning kasi 'yun para sa'min ng asawa ko." I looked at him and he winked at me. Napatawa ako.

I did follow Ate Isa's advice after all those years. When my husband and I got married, we chose a date that had a special meaning to both of us and our story.

============================================

Sinong nakakatanda kung anong month yung anniversary ni Cha at ng asawa niya? :D Ang layo na nun hahahahaha. Anyway, excited ako sa next update (oo, ako pa yung naexcite haha) at nakaready na yung outline para sa next update kaso nga lang medyo busy ako this week kaya baka matagalan bago ako makapag-update ulit. Huhu, sana hindi D: Pero heads up lang.

Continue Reading

You'll Also Like

5M 78.1K 62
(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. Th...
18.7M 203K 70
You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be your husband. Wow, what a life! © iheartc...
529K 16.6K 74
Nagbago na sila, siya, lahat ng mga taong nasa paligid niya. Umalis siya sa pinas at tinakbuhan ang lahat dahil sa nasaksihan niya. Ang lalaking min...
3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...