In the Shell of Emptiness

By RoceLXD

731 104 3

After losing everything, she will get up and rise as a whole damn fire. - Copyrightsยฉ2018 ALL RIGHT RESERVED. More

In the shell of emptiness
Chapter 1 |Firstday|
Chapter 2 |Reminisce|
Chapter 3 |Him|
Chapter 4 |His name|
Chapter 5 |His Eyes|
Chapter 6 |His way|
Chapter 7 |His angerness|
Chapter 8 |Childhood|
Chapter 9 |Power of Love|
Chapter 10 |Sorry|
Chapter 11|Possessive|
Chapter 12 |Betrayal|
Chapter 13 |Home|
Chapter 14 |Forgiveness|
Chapter 15 |Sundo|
Chapter 16 |Secrets
Chapter 17 |Manila
Chapter 18 |A Shell and Pearl|
Author's Note
Chapter 19 |Jealous|
Chapter 20 |Promise|
Chapter 21 |Together|
Chapter 22 |Graduation|
Chapter 23 |Years|
Chapter 24 |Changes|
Chapter 25 |Rapist|
Chapter 26 |Hunt|
Chapter 27 |Revelation|
Chapter 28 |Friends|
Chapter 29 |Stay|
Chapter 30 |Goodnews|

Chapter 31 |Confrontation|

15 3 2
By RoceLXD

Akala ko ay uuwi na kami after we ate. Nag aya pa si Faye sa loob ng mall dahil nakalimutan niyang bumili ng pouch. She's too lazy para magbrowse pa and umorder sa online.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit palubog na ang araw ay ang hyper pa din ng babaeng to. And I knew for sure na that's the reason kung bakit nagkainlove-ban ito saka si Drew.

She's now choosing a perfect pouch for occasion at ako naman ay ginagabayan siya sa pagpili.

"What do you think to this one? "itinuro niya ang pouch na may pastel pink na kulay.

I just nod as sign na okay lang ang kaniyang pinili.

"How about this one?-----" naputol ang kaniyang pagsasalita dahil sa nakita sa aking likuran.

At dahil curious ako'y napatingin na rin ako sa aking likuran. Baka may kaguluhang nangyayari kaya ganiyan ang itsura niya.
Ngunit heto at heto pa rin ang eksena.

Ang kaninang iniiwasan ko ay talagang nagpakita nga sakin ngayon.

My sister is slowly walking towards me wearing a red dress na terno sa lips, sandals and bag na bitbit nito.

And ofcourse, my ex.

Parang may bumara muli sa aking lalamunan ng magkatinginan kami ng ex ko at nang stepsister ko.

"Oh, look who's here. Hello sis! How are you? I missed you!" pakunwari'y bumeso ito sa akin at nagsmirk pagkatapos.

Napataas ang kilay ko sa ginawa niyang pagpapanggap na aksyon.
Nakakatawa lang ang ginagawa niya ngayon.

Panggap ba gusto mo? Well, I'm in.

Kahit na mabigat sa aking dibdib ngayon na magkasama silang dalawa ay nagawa ko pang magpokerface at ipakitang wala akong pakealam sa kanilang dalawa.

Award me for being the "best pretender" of all. Lol.

Nagfake smile din ako sa stepsister ko at tinuro ang ex ko.
"Who is he?" I said. Straight to his eyes.

Oo. Gusto kong ipamukha sayo na hindi kita kilala.

Gusto kong ipamukha sayo na wala ka ng babalikan pa. At wala kang naging girlfriend na Zaphine Kira Voltahar.
You lose me.

Medyo dumilim ang mukha ng aking kapatid sa aking sinabi pati na rin sa pagtitig ko sa kaniyang 'fiancè' kuno magmula ulo hanggang paa.

Well dapat lang. Mainis ka. Haliparot.

"He's Vandrius. My man. My fiancè" she said it so smooth. Proud.

Fvck.

Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko.

Mahirap pala talaga lalo na't sa kanila mismo nanggaling yon. Sa kapatid ko pa. Na mortal kong kaaway.

Kailangan kong maging matapang. Ayokong magpaapekto lang katulad kanina nung nakita ko sila.

I smirked. "Nice to meet you. I'm Zaphira. Her stepsister." gamit ang natitira kong lakas ay inangat ko ang aking kanang kamay para makipagshakehands sa kaniya.

Well, you played me. At game over ako noon.
And now, I'll play. I'm going to make sure na you both lose at game over sa larong matagal na kong pinapaikot ikot.

Nakita ko namang parang naistatwa siya sa asal ko at pati na rin siguro sa sinabi kong stepsister ko ang fiancè niya.

You said, you want to know me.
Ngayon alam mo na ang kalahati sa kung sino ako. Assh*le.

Nang maramdaman kong hindi siya makikipagshake hands ay natawa ako ng bahagya.

Oops. I played it good.

"Mukhang namangha pa ang fiancè mo na may maganda kang kapatid, sis." sabi ko habang plastik na tumatawa't hinawi na lang ang aking buhok.

At siguro mamamatay na ko sa kakatawa dahil sa itsura ng kapatid ko ngayon. She looks like a devil. Oh no, devil na pala siya. I forgot.

Bagay sa kaniya ang pula ngayong araw na to dahil namumula na rin ang mukha niya sa mga pinagsasabi ko.

"Chill, sister. I'm just kidding. Nakakatawa lang kasi na hindi nakipagshakehands sa akin ang fiancè mo which I find it so rude, " nguso ko at iling.  Pagkatapos ay tumingin sa mga mata nitong walang masabi sa aking sinabi at nananatiling nakatingin pa rin sa akin. "Well, the situation earlier ang magpapatunay na you both rude." I said at umalis ng may ngiti sa labi dahil nakayanan kong maging matatag sa harap nilang dalawa.

Nang makahakbang na ko ng dalawa ay may naalala ako't muling humarap sa kanila.

"Oh and by the way sis, huwag ka namang magpakaplastik na close tayo. We're not even close that much. Kahit na konti. We. Are. Not. Sister in blood and will NEVER be.

And... I like your fiance's rudeness towards me. Ayan pa naman ang mga gusto ko. Masungit sa umpisa, pero sa dulo, bibigay din naman pala." nakangiti kong sinabi at kumindat sa kaniya't umalis.

Mas lumawak ang ngisi ko ng makita ang mukha niyang nagpipigil sa galit.

Ganiyan nga. Mainis ka.

I'm going to make your lives as a living hell.

Bago ako tuluyang umalis ay tumingin muna ako sa dalawang pares ng mata na sinaktan ako 3 years ago.

I am your baby, Van. Pero noon yon.

Hindi ko man lang naisip na may mga tao rito sa mall or what. Hindi ko na rin naisip na nasa tabi ko pala si Faye sa sobrang focus samin ng pangyayari.

"Grabe gurl!!!! Iba ka!!! Hindi kita nakilala. Goodness gracious! Kanina lang mangiyak ngiyak ka na sa bench and now, " sabi nito at iginaya ang mga kamay sa aking ulo na parang may invisible crown na ipapatong sa akin. "You're Queen!"

Natawa na lamang ako sa mga sinabi niya.
"I need to be strong Faye. Tanging sarili ko na lang ang maasahan ko bukod sa inyo."

Laking gulat na naman ang makikita mo sa mukha niya dahil napahinto siya sa paglalakad.
"Grabe talaga yung awra mo sis e! Ayan ba napapala ng streetfoods? Halika dali, makabaon at makakain nga nang sa ganon, maging ganiyan ako katapang! Kanina talaga, gusto kong magvideo e kaso naistarstruck din ako sa mga bars mo e. Ang lulupet!" daldal nito.

Natatawa na lamang ako habang nangingiti sa mga nangyari.
Atleast I took my revenge ng ganon kasmooth even my heart's feeling a pain.

Masyado nang maraming nangyari ngayong araw na ito.

I need to prepare myself to the real battle.

Babawiin ko lahat ng akin.

Bumili na lamang kami ni Faye sa kabilang store medyo malayo sa kung saan nakita namin ang ex ko at ang stepsister ko.
At nang matapos ay umuwi na kami sa condo dahil nakakapagod rin ang nangyari sa araw na to.

Habang bumabiyahe ay nagkaroon na naman ako ng oras para pagnilayan ang mga nangyari kanina.

"Baby.. You're the most beautiful woman I've ever seen. At sa tingin ko, kahit saan ako tumingin, ikaw at ikaw lang ang makikita ko."

"What if.. dumating yung panahong kailangan mo kong iwan, iiwan mo ko?" Tanong ko.

"At bakit naman kita iiwan? Halos makipagpatayan ako para lang hindi ka maagaw sa akin tapos papakawalan kita?"

Nakapa ko ang singsing na nasa kaliwang kamay ko.

"I promise you.. that this ring symbolizes as my true love and I promise, I will love you until I die."

I am so dumb.

Anong katangahan ba ang sumapi sa akin at nag antay ako ng tatlong taon at willing pang mag antay ng ilang taon para lang bumalik siya?

Anong katangahan ba ang sumapi sa akin dahil hanggang ngayon...

Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na ako pa din. Ako pa din kahit hindi na talaga ako.

I am so stupid to be fooled by the person whom I trusted and love the most.

"gurl, lika na! Tama na pag e-emo mo diyan dali, ichichika ko pa sa jowa ko tsaka kay Ivani yung nangyari!" excited na sabi nito habang niyuyugyog ang katawan ko.

"Hoy ikaw nakakailan ka na sakin ah, ishut up mo yang bibig mo nako." saad ko rito.

Nag'bleh' lamang siya at mabilis na lumabas at kumaripas ng takbo papunta sa elevator ng condo.

This day is so exhausting. Para akong sumabak sa World War—ayy. Sumabak na nga ko talaga.

Pagkapasok ko sa condo ay nakita ko si Faye na todo ang yakap kay Drew at kinukuwento na ang mga nangyari kanina.  With matching actions pa.

Kaagad na hinanap naman ng mata ko si Ivani na namataan kong nagcecellphone lamang sa tabi at tiyak kong naririnig niya ang mga sinasabi ni Faye.

Nakakunot lamang ang kaniyang noo.

Kaagad na naramdaman ng dalawa ang presensya ko kung kaya't bumati sila sa akin. Ako naman ay bumati pabalik sa kanila.

"Is that true, Zaph? Sana nandoon ako nung mga panahong nakita niyo sila. Masasapak ko yung gag*ng yon." gigil na sinabi ni Drew.

"Ay nako, kung sakaling ginalaw ng impokritang stepsister nito si Faye, magkakarambulan talaga kami don" dagdag ni Faye.

Napailing na lang ako sa mga brutal na pinagsasabi nila matapos yon.

Kanina ko pa inoobserbahan si Ivani. Tahimik lamang siya at hindi nakikisabay sa kulitan ng dalawa.

I know, awkward sa kaniyang gumalaw lalo na't nandito ako.

Napagpasyahan kong umakyat na dala dala ang mga pinamili namin ni Faye.
Kailangan ko pa kasing maging maaga bukas dahil magkikita kami ni Attorney.

Nang kinuha ko na ang mga dala dala kong gamit kanina ay tumayo si Ivani at tinulungan ako sa pagkuha ng gamit.

Bahagya namang natigilan ako't tumitig lamang sa kaniyang ginagawa.
Habang siya naman ay abala na kuhanin sa aking kamay ang mga pinamili namin.

Walang sabi sabi'y dumiretso na siya sa hagdan papunta sa aking kwarto at ilalagay ito roon.

Wala naman ding imik ang dalawang kasama namin at nakasubaybay lang din sa ginagawa't reaksyon namin.

Nang medyo natauhan na ko'y umakyat na lamang rin ako't ipinagsawalang bahala na lang ang nangyari.

Inantay ako ni Ivani sa labas ng kwarto ko't pinauna akong papasukin.

Silence.

Hindi ko alam kung mag oopen up pa ba ko ng topic o hindi.

Nang matapos niya ng ilagay ang gamit sa gilid ay tumayo lamang siya't humarap sa akin.

Nang tignan ko siya'y nakapoker face lamang siya.

"Are you okay?" he asked.

Kahit na nangyari lamang kanina ang pagconfess niya ay ayokong maging ganito na lang ang takbo ng pagkakaibigan namin. Na mayroon kaming ilangan.

"I'm fine." ayun na lamang ang aking nasabi sa dinami-daming tumatakbong katanungan sa isip ko.

"You sure?" nagulat ako ng sundan niya pa ito ng isang tanong. Ang buong akala ko'y aalis na siya't di na ako kakausapin.

Ako ang nahihiyang tumingin sa kaniya. Ako lang ata ang nakakadama ng awkwardness matapos ang nangyari kanina.
Oo. Ako nga lang talaga.

I just nod.

"Well that's good. I got to go, magpahinga ka na muna." lumapit ito sa akin at nanlaki ang aking mga mata ng halikan ako nito sa noo.

"I-Ivani.. " nang magtangka akong bumitiw ay hinawakan niya ang baywang ko pabalik at sinuklay ng malambing ang aking buhok.

"Huwag mong masyadong isipin ang nangyari kanina. I'm fine okay? Just rest. " huling sinabi nito at bumitaw na't umalis.

Nagstay lang ako sa kinatatayuan ko habang nakikita siyang isinara ang pinto't umalis.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama't tumingin sa kisame.

Sa pagpikit ng mata ko'y may luhang pumatak rito.

Why? Bakit sa unfair na mundong to ay may mga tao pa ring nagmamahal sa akin kahit na nasa iba ang atensyon ko?
____________________________

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 1.5K 32
The story is about a very prominent Rajput family in Rajasthan, well-known in their village, and they have a large business empire of the jewelry and...
58.7K 2.7K 96
for everyone to know this story is just fiction and no truth
101K 5.8K 140
๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ง๐ ๐›๐จ๐จ๐ค ๐จ๐Ÿ ๐ฌ๐ก๐จ๐ซ๐ญ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐š ๐ซ๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐จ ๐š๐ง๐ ๐ฒ/๐ง'๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ-๐œ๐ฎ๐ญ๐ž๐ฌ/๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๏ฟฝ...
49.5K 1K 23
Isang groupo Ng kalalakihan na tagapag mana Ng ari-arian Ng mga magulang nito at groupo Ng kababaihan na anak Ng mayayamang political at may Isang da...