ALLISON
"Alright, guys. I'll see you at band practice." Ngumiti ai Axe sa mga kabanda nito. Nang humarap sa akin si Axe tumama rin ang mga mata ng mga 'kaibigan' nito sa akin. Kahit kailan hindi ako natutunang magustuhan o pakisamahan manlang ng mga ito.
"Hindi ka ba sasabay sakin, Lis?" Tinaasan ko ng kilay si Axe.
"Bakit naman ako sasabay sayo? Magkabilang daan bahay natin?" Tanong ko kay Axe.
"Dad didn't tell you? You're invited to have dinner sa bahay." Anunsyo nito.
"Oh. No, Wala namang nagsabi sakin."
"Then let's go." Sumenyas si Axe sa sasakyan niya.
"M'Lady..." Pabirong sabi ni Axe nang buksan ang pinto ng sasakyan. Natawa naman ako nang kumindat ito.
"Tarantado." Natatawang sabi ko habang pumapasok sa kotse niya.
Pinanood ko si Axe na naglalakad papunta sa kabilang side ng kotse, Kung nasaan ang manibela.
Napalunok naman ako nang abutin niya ang seat belt mula sa gilid ko. Masyado siyang malapit. Maririnig niya ang tibok ng puso ko.
"Check mo nga." Narinig kong nag-click ang seat belt.
"Okay na..." Bahagya kong hinatak ang nakapulupot sa akin. Ngumiti ito.
Habang nagmamaneho si Axe sa magarbong kalsada at mayaman na parte ng syudad, Di ko naman napigilan ang sarili kong tumingin sa kanya. Moreno, Matangos ang ilong at napakaganda ng labi. Perpekto si Axe kung ako ang tatanungin.
"Bakit pala ko biglang pinapapunta ni sir-"
"Tito."
"Pasensya na, Ni tito?" Nagkibit balikat ito.
"Ewan. Maybe kakamustahin first day mo. Alam mo naman yun." Sabagay, Binabantayan din talaga ni Mr. Cruz ang progress ko from time to time.
"Dad's expecting a really bright future for you, Lis."
"Alam ko..." Ngumiti si Axe.
"Good. Kasi kasama mo 'ko sa future na yun. 'Di kita iiwan." Hindi niya tinanggal ang mga mata niya sa kalsada kaya sigurado akong 'di niya nakikita ang mabilis na pag akyat ng dugo sa parehong pisngi ko.
Hindi nalang ako sumagot at hinintay na makarating kami sa bahay nila.
Pagbaba namin binati agad kami ng iilang katulong at gwardiya.
"Secure the perimeter, I-Check niyo kung may sumunod ba samin for at least ten minutes. Mahirap na, Malapit na ang election and hindi gusto ng ibang candidates si papa." Tumango ang mga gwardiya.
"Tara." Ngumiti si Axe sa mga katulong na nagbukas ng pinto para sa amin.
"Thank you po..." Bulong ko.
"Dad! Im sorry, Class just ended." Bati ni Axe sa ama na naghahanda ng pagkain sa lamesa.
"It's fine, You're just in time. Kakahain lang. Sit. Please."
"Ako na.." Bulong ni Axe bago hatakin ang upuan sa likod ko.
"So, Kamusta first day mo? Lis?" Tanong ni tito bago pa ako tuluyang makaupo.
"Well, Dad thanks for asking your son ah." Tumawa si Axe.
"Axe, Hindi ka naman scholar." Natawa nalang rin ako nang magkunwaring nasaktan si Axe.
"Ayos lang po." Sagot ko.
"Axe, I heard may Castel sa university." Nagkunot noo si Axe.
"Really? Diba from Oxford si Sebastian?" Tumango ang ama nito.
"Yes. Pero he's trending on social media. Nagpa-humble daw ang only begotten son at lumipat sa South Mountain for his last year of college."
"Nagpa-humble? If anyone is humble si Axe po yun. He's been a South Mountain student simula pa ng first year namin." Naiiling na komento ko.
"Oo nga dad, Lumipat lang naman siya nung nailista ang South Mountain bilang elite school." Segunda ni Axe.
"Kids, Press is fabricated. It's old news na nagaaral ka sa South Mountain. Pero yung pagtransfer ni Sebastian, That's new. That's what the press is after." Umirap si Axe.
"Well, Ano gusto niyo gawin ko dad? Do you want me to get on top? Start a fight? Make it look like be started it? Make him look ba-"
"Axe. Wala kang dapat ipaglaban. You're a Cruz with pride pero hindi ka parte sa election or ng kampanya." Paliwanag ni Mr. Cruz.
"I already told you about this, Axe. I worry about you sometimes, You're too aggressive."
"Dad, You're being a martyr. Hahayaan lang natin na magka-free good publicity ang mga Castel? Lalo nalalapit ang election. Dad naman, You cant lose your place." Bumuntong hininga ang tatay ni Axe.
"I know. Just think about the people. Think about anong mangyayari sa kanila pag napalitan ako ng Castel."
Tama sila. Kung sakaling mapalitan si Mr. Cruz ng mga Castel sa puwesto niya, Baka hindi lang angkinin ng mga ito ang proyekto ni Mr. Cruz. Baka sirain o ipatigil pa nila ito.
Matapos naming kumain sinabihan ako ni Axe na maghintay sa labas habang nagaayos sila ng pinagkainan.
"Sige lang, tutulong muna ako dito.."
"Hindi na, Please. You're our guest. Just go outside and wait for me." Pinisil niya ang kamay ko.
"Okay..."
Matapos ang ilang minuto nakita kong tumatakbo palabas si Axe na may bitbit na bag.
"Oh. Tara."
"Ano 'to?"
"Food. For tita, Para di mo na isipin ano kakainin niya." Tinignan ko si Axe.
"What?" Tumingin sa palligid si Axe.
"Ayoko. Nakakahiya." Sabi ko at akmang binabalik sa kanya ang bag.
"Di alam ni papa, So dont worry. And ano gusto mo gawin ko diyan?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Tanggalin ko sa lalagyan tapos ibalik ko dun? Tara na." Natatawa nalang akong umiling.
"Magcocommute nalang ako. Alam mo naman ang mga ikot ng kwento kwento sa lugar namin." Tinignan ako ni Axe saglit bago tignan ang langit.
"Maaga pa naman..."
"Sige. Magingat ka." Hindi na ko nakapalag nang hilahin niya ako papasok sa mga braso niya at yakapin nang mahigpit.
"Ma? Andito na po ko." Binuksan ko ang pinto ng bahay at sumalubong ang matapang na amoy ng alak.
"May dala kong pagkain galing kay Axe. Kumain nalang kayo kung gusto niyo." Binaba ko ang pagkaing dala sa lamesa.
"Hay salamat naman at may silbi ka rin kahit minsan." Halos hindi nito mabuo ang isang pangungusap nang hindi nabubulol o nauutal.
'Di nalang ako sumagot at nagsimulang hugasan ang mga plato.
Napangiwi naman ako sa pakiramdam nang malaglit at mainit na suka sa ilalim ng mga paa ko. Tangina malas. Bumuntong hininga ako at kumuha ng basahan bago dumiretso sa cr.
"Kadiri..." Bulong ko habang pinapatakbo ang tubig sa mga paa ko at sa basahan.
Pinatay ko ang gripo nang maramdamang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa.
"Axe: Are you home na? Did you get home safe?"
"Yep... The way home was safe. Pero the home isnt."
Tinitigan ko ang text bago isa isang pindutin ang delete button sa de-keypad na telepono.
"Yep... Im home :)"
Bumuntong hininga ako bago isend ang SMS.
Tinapos ko nalang ang lahat ng gawaing bahay at paglilinis bago ako pumasok sa kwarto.
6:25 P.M.
Maaga pa para matulog. Pero wala narin namang hapunan dito. Wala ring iba pang pwedeng paglibangan.
Inabot ko ang libro sa ilalim ng kama at tinitigan ito.
"Castle de Castel: Ang Kwento ng Paghahari At Kasamaan Laban sa Pinamumunuan."
Tinitigan ko ang pabalat ng makapal na aklat at buradong pangalan ng manunulat nito. Kumunot naman ang noo ko nang maalala,
"Si Sebastian..." Isang beses ko pa lamang natatapos ang mahigit dalawang libong pahina ng libro. Pero ilang beses kong pinaulit ulit ang ibang parte nito. Lalo na ang mga kabanatang nagpapakita ng pang aabuso at pang aapi ng pamilyang Castel sa kapangyarihan.
Ngunit ni minsan hindi ko nabasa nang pangalawang beses ang mga kabanata tungkol kay Sebastian Castel.
Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang pahina kung saan mababanggit ang pangalan niya.
"Huli ka..."
"Sebastian Castel: The Only Prince
Ipinanganak, Disyembre Bente Sinko, Taong 1999.
Pagkapanganak palang ng bata ay nakakabit na sa kanyang pangalan ang bilyong piso at daan daang kompanya. Sa ngayon iisa lang si Sebastian at walang kapatid.
"One day, This boy will rule the biggest city in our country. And after that, Luzon. Then the Phillipines." -Archangel Castel (Ama Ni Sebastian)
Natawa naman ako. Ilang taon palang si Sebastian nung isulat ang librong 'to. Pero napakataas na ng pangarap para sa kanya. Para bang literal na nakasulat na ang tadhana niya.
"Sa edad na walo nagpakita na ng kakaibang talino at galing ang bata."
Ano kayang nangyari?
"Ngunit ayon sa mga interview kasama si Sebastian at ang ama niya, Hindi ito pinapalaki upang makita ang sarili na kabilang sa mga normal na tao."
"You got that right."