Relentless (A MayWard FanFic...

By impingchrille

73K 5.1K 1.3K

"Marydale Morgan Entrata", I like her record. she seems like a good caretaker, I mean a good nurse. I think s... More

WARNING
CHAPTER I
CHAPTER II.
CHAPTER III.
CHAPTER IV.
CHAPTER V.
CHAPTER VI.
CHAPTER VII.
CHAPTER VIII.
CHAPTER IX.
CHAPTER X.
CHAPTER XI.
CHAPTER XII.
CHAPTER XIII.
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAP XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
ADVERTISEMENT 🎉
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XXXX
CHAPTER XXXXI
CHAPTER XXXXII
CHAPTER XXXXIII
CHAPTER XXXXIV
CHAPTER XXXXV
CHAPTER XXXXVI
CHAPTER XXXXVII
A MUST REQUIREMENT 🌷
CHAPTER XXXXVIII
CHAPTER XXXXIX
CHAPTER XXXXX
❤ SKRINGE❤
Soon!!!

CHAPTER XXXXXI

1.5K 111 30
By impingchrille

"Anak.. umuwi ka na kaya muna? Kami na ng daddy mo ang mag iintay sa resulta ng operasyon ni Morgan", ani mommy na nag aalala na sa akin.

"Anak.. sige na, kahit mag kape ka nalang muna para man lang mahimasmasan ka na. Tapos king napapagod ka na, umuwi ka na muna. Kami ng bahala dito", dagdag ni daddy na inakbayan at pinapikalma ako.

Tumango lang ako. I felt drained and defeated but never tired. Never tired of waiting for Morgan to finally come back to me.

Sinunod ko nalang muna ang mga magulang ko. Iniwan ko na muna sila at nagpunta ako sa cafeteria para mag kape.

"Ay sir Ed, andito po pala kayo", bati sa akin ng mga staff sa cafeteria.

"Kumusta na po pala si Miss Morgan?"

"Lumalaban padin po..", mahina kong pagkakasagot habang nakatitig sa kape ko.

"Alam niyo po, di man po namin alam kung ano ang pinagdaan niyo ni Miss Morgan, alam ko pong mahal na mahal niyo ang isat isa"

"Ho?"

Nabigla ako sa pagkakasabi ng isa kong staff.

"Kasi po dati rati nakikita namin si Miss Morgan na sinusundan kayo ng tingin. Yung klaseng tingin na may pag aalala. Tapos bigla nalang naming nalaman na nagdonate pala siya ng kidney niya sa inyo. Ibang klaseng pagmamahal yun sir. Yung tipong walang kapalit na hinihingi. Yung kahit di niyo na malaman kung san galing yung nagdugtong sa buhay niyo.."

Nangilid na naman ang luha ko. Ganun nga siguro ako kamahal ni Morgan. Kahit wala nang kapalit.

"Sige po babalik na po muna ako dun. Baka may balita na sa kanya"

"Basta wag niyo pong kalimutan sir, sa oras na magising si Miss Morgan sabihin niyo na agad sa kanya na mahal na mahal niyo siya"

"Gagawin ko po talaga yun.. sige po"

Pabalik na sana ako sa may operating room ng biglang marinig ko ang malakas na audio sa paging system ng ospital.

"Code blue OR 1! Code blue!!"

Code blue? Ibig sabihin may nererevive sila. Si Morgan. Shit!

Dali dali akong nagtungo sa may OR. Di ko na inalintana kung may nakaharang ba sa daan ko. Iniwan ko na ang kape ko. Wala akong paki kung may mabunggo ako. Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Morgan! Hintayin mo ako!

Nang makarating ako sa labasan ng OR ay di ko nakita ang parents ko.

Lalo pa akong nabaliw sa kaba. Wala man lang makakapagsabi sa akin kung ano na ang nangyayari sa loob.

Hanggang sa may lumabas sa may pintuan.

Dalawang ward man na nagtutulak ng stretcher na may nakabalot na bangkay sa ilalim.

Tinulak nila ito ng dahan dahan at napadaan sila sa aking harapan.

Nanglumo ako. Nanghina ang buo kong katawan. Umiyak ako ng umiyak. Nabaliw yata ako ng makita ko ang napadaang patay.

"Morgan!!! Bakit??? Bakit mo ako iniwan?? Morgan parang awa mo na!! Please!!!"

Di magkamayaw ang pagsisisigaw ko sa hall way. Halos hatakin ko na ang patay sa stretcher at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Sir.."

Hindi alam ng dalawang ward man ang gagawin nila. Siguro naawa nalang sila at pinabayaan akong maglabas ng sama ng loob.

"Di ko man lang nasabi sayo kung gaano ako nasasabik sa pagbabalik mo. Tapos ngayon iiwanan mo na naman ako? Bakit Morgan??? Bakit?? Please!!! Bumalik ka na sa akin please!!!! Gumising ka Morgan!!"

Humagulhol ako. Niyakap ko ng mahigpit ang bangkay ni Morgan.

Nung oras na yun ay parang tuluyang sumabog ang puso ko.

"Edward?"

Tawag sa akin ni mommy na lumapit sa akin ng mahinahon.

"Anak? Sino ba yang niyayakap mo?", tanong ni daddy sa akin na nakaakap  sa bangkay na nasa harap ko.

"Po?",  napatigil ako sa pag iyak saglit at napalingon sa kanila.

"Anak ang sabi ko sino yang niyayakap mo??"

"Si..si Morgan po dad.. p-patay napo siya", ngawa ko na parang bata.

"Oh Ed.. hindi si Morgan yan anak. Nasa isang suite room na siya. Ligtas na si Morgan anak!", galak na sabi ni Mommy sa akin na pinapatayo ako sa sahig.

"Ano po???"

Agad ko namang binitawan ang bangkay na inakala kong si Morgan at nagpahid ng uhog at luha sa mukha.

"Sir yun sana ang gusto naming sabihin sa inyo. Di po si ma'am Morgan yan. Ibang patay po yan"

Nahiya nalang ako sa inasal ko. Natawa ako na para akong batang humagulhol. Pero mas natawa ako ng malaman kong buhay na buhay pa ang babaeng pinakamamahal ko.

"Buhay po si Morgan??"

"Ano anak? Handa ka na bang makita siyang muli?"

*****

"A miracle did happen Ed. Morgan fought and won the war", paliwanag ni doc.

"Saan po nanggaling yung kidney niya doc?"

"A mother's love will always save you"

"Si Tita Malaya??"

"Don't worry, okay na rin si doctora Malaya. Nagpapahinga siya sa isa pang room natin dito. For the mean time, you have a wonderful life with Morgan"

"Maraming salamat po doc"

Hindi ako makapaniwala. Morgan is saved! Makakasama ko pa siya ng matagal! Makakasama ko pa siya hanggang habang buhay! Maipapadama ko pa sa kanya ang pagmamahal ko! Ang saya saya ko!

Niyakap ko siya. Hinalikan ko siya ng paulit ulit. Sinabihan ko siya na mahal na mahal ko siya at nagpasalamat ako sa diyos na binuhay pa siya.

"Maghihintay ako sa pagbabalik mo Morgan. Willing to wait ako kahit gaano pa yan katagal. Walang katapusan akong maghihintay sayong pagbabalik", binulong ko sa kanya.

Dumaan pa ang ilang araw at linggo sa pananatili ni Morgan sa ospital. Unti unti na ring natatanggal ang mga swero niya, ang mga tubo niya, ang life support niya.

Palakas ng palakas na rin siya ulit.

Hanggang sa isang araw ay tinupad ng diyos ang aking kahilingan. Ang bumalik si Morgan sa aking piling.

"Hmm.."

"Morgan? Naririnig mo ba ako?"

Idinilat niya ng dahan dahan ang magaganda niyang mga mata at itinoon sa akin.

"Gising ka na nga.. gising ka na nga!!!", tumulo ang luha ko. Hinalikan ko siya ng dahan dahan sa labi.

Tinignan niya lang ako na parang namamangha.

"Oh? Bakit mahal ko? May masakit ba sayo?"

"Masakit ang tenga ko...Ang..ingay..ingay mo naman Ed..", tugon niya na nakangiti sa akin.

Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"Thank you for coming back to me Morgan"

"Thank..you..for waiting relentlessly Ed.."

Itinaas niya ang isa niyang kamay at ipinakita niya sa akin ang daliri niya na may dalawang singsing.

"And yes.. I will marry you again Ed"

Dun na ako humagulhol. Walang paglagyan ang saya ng aking puso. Gusto kong magtatatalon sa tuwa.

"Anak?", bati ni Tita Malaya kay Morgan pagkapasok niya sa may pinto.

"Ma? B-bakit kayo naka patient's gown?", mahinang tanong ni Morgan na nagtataka sa costume ng kanyang mommy.

"Patawarin mo ako Morgan kung di kita napagbigyan ng panahon. Ang dami kong pagkukulang sayo anak. Ang dami kong nakaligtaan na pangyayari sa buhay mo. Hindi ako naging mabuting ina sayo", umiiyak na paliwanag ni Tita.

"Ma.. please.. wag kayong umiyak.. mahal na mahal ko po kayo. Wala po kayong dapat patunayan.."

"Hindi anak. Mahabang panahon rin na nagkulang ako sayo bilang ina. Kaya binigay ko sayo ang kalahati ng buhay ko na dapat matagal ko ng inalay sayo", ipinakita ni Tita ang tahi ng kidney transplant niya kay Morgan.

"Ma...", di na makapagsalita si Morgan. Nagyakapan ang mag ina at sa puntong iyon ay alam kong maayos na ang lahat.

Isa nalang ang kulang.

"Tita Malaya?"

"Bakit Ed?"

"Gusto ko po sanang hingin ang kamay ng anak niyo po. Kung mamarapatin niyo pong mahalin ko ulet si Morgan", naiiyak kong paghingi ng permiso.

"Ed, anak, matagal ko nang pinaubaya si Morgan sayo. At pwede bang wag nang tita ang itawag mo sa akin?"

Niyakap ako ni mama Malaya. Napakasarap sa feeling. Walang pagsidlan ang biyayang pinagkaloob sa akin ngayon ng diyos.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa"

"Salamat po ma.."

Lumuhod ako sa gilid ng kama ni Morgan. Naiiyak pa ako pero hinayaan ko nalang na mawala ang macho image ko.

"Salamat Morgan at binalikan mo ako, salamat at pinili mong mabuhay na kasama ako. Im really sorry for what I've done in the past"

"And I'm sorry for abandoning you. For causing you this kind of life Ed.."

"This life is not perfect but it truly makes sense because you are in it Morgan. I love you so much"

"I love you too, so so much my Edward Barber"

At hinalikan ko siya ng taimtim at tagos sa puso.

SHE HAS RETURNED AND THIS TIME I WILL KEEP HER RIGHT BESIDE ME AND LOVE HER RELENTLESSLY ❤

Continue Reading

You'll Also Like

877K 34.4K 45
Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma. Erotic-romance-comedy Enemies to l...
4.4K 173 17
A Novellete: Jess Viel Lawrence, a man who lived a perfect life met his soulmate. What could possibly go wrong? He married the love of his life. They...
109K 1.9K 58
WARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart...
116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...