Chasing Mr. Right [Complete]

By PrincessInJeans

370K 6.7K 1K

Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chas... More

First Chase
Second Chase
Third Chase
Fourth Chase
Fifth Chase
Sixth Chase
Seventh Chase
Eighth Chase
Ninth Chase
Tenth Chase
Eleventh Chase
Twelfth Chase
Thirteenth Chase
Fourteenth Chase
Fifteenth Chase
Sixteenth Chase
Seventeenth Chase
Eighteenth Chase
Nineteenth Chase
Twentieth Chase
Twenty-first Chase
Twenty-third Chase
Twenty-fourth Chase
Twenty-fifth Chase
Twenty-sixth Chase
Twenty-seventh Chase
Twenty-eighth Chase
Twenty-ninth Chase
Thirtieth Chase
Thirty-first Chase
Thirty-second Chase
Thirty-third Chase
Thirty-fourth Chase
Thirty-fifth Chase
Thirty-sixth Chase
Thirty-seventh Chase
Thirty-eighth Chase
Thirty-ninth Chase
Fortieth Chase
Forty-first Chase
Forty-second Chase
Forty-third Chase
Forty-fourth Chase
Forty-fifth Chase
Forty-sixth Chase
Forty-seventh Chase
Forty-eighth Chase
Forty-ninth Chase
Fiftieth Chase
Fifty-first Chase
Fifty-second Chase
Fifty-third Chase
Fifty-fourth Chase
Fifty-fifth Chase
Fifty-sixth Chase
Fifty-seventh Chase
Fifty-eighth Chase
Fifty-ninth Chase
Sixtieth Chase

Twenty-second Chase

5.6K 100 17
By PrincessInJeans

Twenty-second Chase        

Xavier Univesity Alumni Homecoming 

"Maggie, kausapin mo naman ako oh. Bakit ka ba galit na galit sa'kin?" Nasa may buffet table kami ni Maggie nung hindi na nakatiis si Dave at nilapitan niya ulit si Maggie. "Ano bang nagawa ko? Sabihin mo naman sa'kin kahit yun lang."

Sinamaan siya ng tingin ni Maggie. "You wanna know? Fine! Remember a while ago, when I asked you if you want a baby?"

Tumango si Dave. "Sinabi kong ayaw ko pa. At ayoko pa ng mga tatlong taon dahil wala 'yun sa mga plano ko. Yun ba 'yung kinakagalit mo? Akala ko okay sa'yo---"

"No, you idiot! Kung wala pala sa mga plano mo, dapat nag-ingat ka. Because now I'm freaking pregnant!"

Nanlaki yung mga mata ni Dave at namutla siya. "H-ha? Ano? Panong--ha? S-seryoso ka ba?"

Mukha nang naluluha si Maggie. Hindi ko alam kung dapat ko bang icomfort si Maggie o umalis na lang ako dito para mag mabigyan ko sila ng privacy at makapag-usap sila ng mas maayos o ano.

"Sabi ko na nga ba eh. Ayaw mo dito sa baby."

* * *

3rd year college. December. 

"Hello, Dave. Nasa park na kami. Ilalagay na namin yung decorations?" Bumaba ako sa sasakyan ni Jasper at tinignan yung park sa harap namin.

Twentieth birthday ni Maggie bukas. Pero dahil may weekday pa, hindi siya makakauwi sa Garay. Kaya kinuntsaba kaming lahat ni Dave para maghanda ng surprise party para kay Maggie. Gusto niya daw kasing maging special yung birthday na ito dahil simula next week, hindi na teenager si Maggie.

Nirent ni Dave yung isang part ng park malapit sa'min buong gabi. Sa parteng 'to may malaking gazebo. Tumulong kaming lahat sa preparation para dito sa surprise ni Dave. Kami ni Jasper yung bahala sa decorations na mga kandila para sa pathway na lalakaran ni Maggie at balloons na ikakalat sa gazebo. Si Emma at Aaron yung bahala sa projector, screen, at ibang pang items para sa surprise video chat sa pamilya ni Maggie. At ang nakatoka naman sa pagkain ay... sina Zeke at Tiffany.

Alam kong awkward pa yung lahat sa pagitan naming apat pero para to kay Maggie at hindi ako papayag na masira yung araw ng bestfriend ko dahil sa personal issues ko.

"Sorry, Cha. May problema pa sina Aaron sa projector. I-usog na lang natin ng 8 pm yung surprise."

"Ganon ba? Alright. Yung flowers?"

"Nasabihan ko na yung shop."

"Okay. Keep her distracted, okay? Baka magduda si Maggie, malakas pa naman pang-amoy nung babaeng 'yan."

Tumawa si Dave. "Sure. See you later, Cha." Inend ko yung call. Sooo, 6 pm pa lang dahil 6:30 dapat yung surprise party ni Maggie.

"Oh, ano daw?" Bumaba si Jasper sa sasakyan niya. Tinignan niya yung backseat ng kotse niya na punong puno ng mga lobo. 

"Napostpone ng one and a half hour yung party. Mamaya na lang tayo magdecorate. Ihatid mo na lang ako sa apartment."

Ngumisi Jasper at tumunog bigla yung kotse niya. Wait, nilock niya yung mga pintuan?

"Hoy, bakit mo nilock?"

"Bakit tayo uuwi? Mamasyal na lang tayo dito sa park."

"Ayoko nga."

"Tss. Tara na." Hinatak ako ni Jasper papunta sa kabilang side nung park, yung hindi nirentahan ni Dave.

"Bitaw nga." Sabi ko at sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero imbes na bitawan ako ni Jasper, inintertwine pa niya yung mga kamay namin.

"Uy! May wishing fountain!" Naglakad siya papunta doon sa fountain at dahil wala naman akong choice, kasama niya ko. "Teka... magwiwish ako." Binitawan niya yung kamay ko at naghulog siya ng barya dun sa fountain. "Ikaw, di ka magwiwish?"

"Hindi na. Tsaka naniniwala ka diyan? Kalokohan lang 'yan."

"Hindi no. Sigurado ako, matutupad yung wish ko."

"Na?"

Tumawa si Jasper. "Curious ka no?"

"Ewan ko sa'yo. Saksak mo sa baga mo 'yang wish mo!"

Tumawa ulit si Jasper. "Alam mo, nung bata ako, pangarap kong maligo sa isang fountain."

"E di tuparin mo ngayon at maligo ka diyan." Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Oo nga no..." Nanlaki yung mga mata ko nung nagsimulang hubarin ni Jasper yung mga sapatos niya.

"Nababaliw ka na ba?! Bawal 'yan! Baka mahuli ka nung guard."

Tumingin siya sa paligid. "Wala namang guard eh." Kumindat siya sa'kin bago siya umakyat dun sa fountain at tuluyang lumusong sa loob.

"You're crazy."

"Wooh. Ang lamig!" Napailing na lang ako. Ang adik nitong lalaking 'to. 

"Bumalik ka na nga dito!"

"Wait! May isa pa kong pangarap nung bata pa ko!"

Is he serious? "Ano na naman 'yan?"

"Yung sumayaw sa loob ng fountain! Teka!" Tumawa siya ulit tapos nilabas niya yung cellphone niya. Pagkatapos ng ilang segundo tumugtog ng malakas 'yung 'Mother father gentleman' 

At tulad ng sinabi ni Jasper, sumayaw siya dun. Mukha siyang engot na sumasayaw sa gitna ng isang fountain mag-isa. Hindi ko mapigilang matawa sa mga ginagawa niya.

"Aha, napatawa rin kita!" Lumapit pa siya sa'kin at tumalon talon siya. Nagtalsikan tuloy yung mga tubig at nabasa ako.

"Hoy!"

"Oops."

"Ang dumi nung tubig na 'to no! Ew!" Tumawa lang si Jasper. Lumapit ako sa kanya at inambahang susuntukin yung braso niya kaso tumakbo siya papunta sa gitna nung fountain.

"Ano, gagantihan mo ko? Puntahan mo muna ko dito!" 

Ay bwisit! "Akala mo ah!" Hinubad ko yung doll shoes ko at lumusong na rin dun sa fountain. What the!!! Ang lamig nga nung tubig!

"Akala ko ba madumi?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tapos dumakot ako ng maraming tubig sa mga kamay ko at tinapon ko sa kanya. Nabasa siya sa ulo.

"Sino ngayon yung basa ng maduming tubig sa'tin?"

"Ah ganon..."

"Oo, ganon talaga!"

"Hinahamon mo ko ah!"

Napatili ako nung ako naman yung tinapunan niya ng tubig. Bago ko pa maintindihan yung mga nangyayari, nagbabasaan na kami ng tubig sa gitna ng isang fountain park.

Hinawakan niya yung kamay at iniikot niya ko. Habang nakatalikod ako sa kanya at nakahawak siya sa kamay ko, narinig ko siyang magsalita. "Reason number three, so you'll stop crying and you'll smile more. Kasi mas bagay sa'yo yung nakangiti. Reason number four, because you don't deserve to be a rebound or a second choice. Charm, alam kong may isang parte mo na umaasa pa ring magkakahiwalay balang araw si Kuya Zeke at si Ate Tiffany. At alam kong pag nangyari yun, sasaluhin mo si Kuya Zeke." Hindi ako kumontra. Tama naman kasi siya, kahit nagdesisyon na kong kalimutan si Zeke, kung bukas na bukas din maghihiwalay sila, sigurado magpiprisenta pa kong rebound kay Zeke. "And you don't deserve that. You don't deserve anything less than a guy's whole heart."

Humarap ako sa kanya. Alaganin siyang ngumiti sa'kin. Magpapasalamat sana ako kaso biglang may lalaking sumigaw, "Hoy! Umalis kayo diyan! Bawal diyan!" Lumingon kaming pareho at nakita naming may guard na tumatakbo palapit sa'min.

"Shoot!" Nakatitig lang si Jasper dun sa guard.

Hinatak ko siya. "Takbo, dali!" He didn't need to be told twice, sabay kaming tumakbo palabas nung fountain. "Yung mga sapatos natin!" Dinampot namin yung mga sapatos namin bago kami mabilis na tumakbo palabas nung park. Nilagpasan namin yung kotse niya. Nagtuloy tuloy lang kami hanggang sa pareho na kaming hingal na hingal.

Para kaming engot na nakaupo sa gilid ng kalsada, hingal na hingal, nakapaa, at basang-basa. Nagkatinginan kami bago kami sabay na tumawa.

"Nakakatakot yung guard! Parang kakainin niya tayo!" Natatawang sabi ni Jasper.

"Ikaw kasi eh, pahamak ka!" Tumawa kami ulit.

May matandang babae na huminto sa gilid namin at naglapag ng sampung piso sa tabi namin. Nagkatinginan kami ni Jasper bago kami sabay na tumawa ulit.

"Oh my God! I can't believe this."

"Hala, Charm, napagkamalan tayong pulubi!" Tumawa kami ng tumawa hanggang sa sumasakit na yung panga namin pareho. "Tara, bili tayo ng bagong damit. May tiangge ata dun." Tumayo si Jasper at tinulungan niya kong tumayo. Tumigil kami sa isang maliit na tindahan ng mga damit.

Kakakuha ko lang na shorts na size ko nung biglang tumabi sa'kin si Jasper. "Hanap kang pang-disguise."

"Ha? Anong pang-disguise ka diyan?"

"Shades, cap, mga ganun. Baka makilala tayo nung guard na humabol sa'tin kanina pag bumalik tayo mamaya."

Hmm, oo nga no. "Teka, hahanap lang ako ng tshirt or something."

"Ako na bahala."

Tinaasan ko siya ng kilay pero di na ko kumontra. "Siguraduhin mong kasya sa'kin 'yan ah."

"Yes, ma'am." Kumuha ako ng dalawang cap at dalawang shades. Nakita ko si Jasper na nandun na sa counter. Nilapag ko sa counter yung mga bitbit ko. 

"Oh shoot, nasa kotse mo yung wallet ko--"

"Like I'll let a girl pay on a date--"

"Date? Sapak, gusto mo?"

"Joke lang, eto naman." Binayaran niya yung mga bago naming damit. Afterwards, nagpunta kami sa isang malapit na foodcourt at nagbihis sa CR doon.

Hmm. Isang sleeveless black shirt pala yung binili ni Jasper para sa'kin. Tapos may BEAUTY na nakasulat sa gitna at may ribbon. Hm, magaling magaling. Haha. Wala si Jasper paglabas ko sa CR. Nakita ko siya sa counter na parang umoorder. May suot siyang red na sleeveless shirt.

Nung matapos siya, nilagay nung babae sa counter sa cashier lahat ng inorder ni Jasper. Bakit take-out? 

Napalingon siya sa sa'kin. Pagkatapos dahan dahan siyang ngumiti. Para siyang nagpipigil ng tawa. Aba, pinagtitripan ba ko nito? Lumapit ako sa kanya. Saktong tapos na yung order niya at naglakad na rin siya papunta sa'kin.

Napanganga ako nung makita ko yung nakasulat sa shirt niya.

What the heck? Kaya pala siya tumatawa!

"H-hoy! A-ano 'yan?!"

He smirked tapos proud pa siyang tinuro yung shirt niya. "Bagay ba?" Sa gitna ng red sleeveless shirt niya ay isang barbell at isang malaking BEAST 

Takte, couple shirt pala yung suot namin! Beauty and the Beast? The heck?

"Magpapalit ako ng shirt! Bumili ulit tayo dun."

"Nope. Ayoko."

"Letse, kukunin ko na lang yung wallet ko sa kotse mo."

"Nope."

"I hate you."

He laughed. "Love you too, Charm." Pabiro niya lang sinabi yun pero napatigil pa rin ako. I know he doesn't love me pero... that stunned me. "Let's go!"

"H-ha? Saan?"

"Basta." Hinatak niya ko ulit at naglakad kami. Huminto kami sa isang mataas na building, isa siyang condo. Wait, condo?!?!

"HOY, ANONG GINAGAWA NATIN DITO?!"

"Hoy, anong iniisip mo ha? Bad 'yan. Tsk tsk."

Binatukan ko siya. "Sisipain na talaga kita!"

"Hay nako, Charm!" Tumawa siya. "Dito yung condo nung tito ko pero lagi ako dito kaya kilala rin ako nung empleyado dito."

"HINDI AKO SASAMA SA'YO SA LOOB."

"Ow, bakit ka ba sigaw ng sigaw diyan? Sa rooftop lang tayo. 6:45 pa lang oh. Matagal pa bago yung party ni Maggie. Tsaka baka hinahanap pa tayo nung guard dun sa park."

"Anong gagawin natin sa rooftop?"

"Trust me?" Hindi ako sumagot sa kanya pero hindi na ko umangal nung hatakin niya ko papasok dun sa building at nung sumakay kami ng elevator. Pagkarating namin sa rooftop, umupo siya sa sahig kaya umupo ako sa tabi niya.

"So?" Tanong ko sa kanya ulit. Binuksan niya yung plastic ng Mcdo na bitbit niya. Pagkatapos ng abot siya sa'kin ng sundae. Tinanggap ko naman yun at nagsimula akong kainin. Bukod dun sa sundae ko, bumili rin siya ng isa pang sundae at yung malaking fries ng Mcdo, yung BFF fries.

"Alam mo bang sa isang normal na gabi, kapag tumitig ka sa isang parte ng langit, pwede kang makakita ng isang shooting star every ten to fifteen minutes?"

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, hindi ko maiwasang tumitig sa langit. Wala masyadong ulap sa langit ngayon kaya kitang-kita mo yung mga stars. Pagkatapos lang ng ilang minuto may nakita akong isang shooting star.

"Ayun!" Inalog ko si Jasper at tinuro yung parte kung saan ko nakita yung shooting star. He smiled. 

"Ang ganda ng langit sa gabi, di ba? Bata pa lang ako mahilig na kong magstargazing."

"Do you know the constellations?"

"Oo. Ayun 'yung Orion. Tapos yung tatlong magkakatabing stars, 'yung Orion's belt. Ayun naman, yung North Star, at kasama yung North Star sa constellation na Big Dipper. Tapos ayun naman 'yung--"

"Wow."

"Cool, right?"

"Yeah. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit ako nag-wow."

Tumingin si Jasper sa'kin. "Huh?"

"Wow, I didn't know you're such a nerd. You love math. You love astronomy. I thought you were the typical popular college guy. Hindi pala. Kasi deep inside, ang nerd mo."

Tumawa si Jasper. "Oo, nerd nga talaga ako. At yung side kong 'to, pinapakita ko lang sa mga taong special sa'kin." He smiled at me but I didn't answer. I don't know what I could possibly say to answer that.

* * *

Pinanood namin si Maggie na naglalakad sa pathway na sinet-up namin. May mga kandila sa magkabilang side niya. 

"Dave? Nasan ka?" Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakita niya yung maliwanag na gazebo na punong puno ng balloons at flowers yung sahig. Sa gitna ng gazebo nakaset-up yung projector at screen.

Pagkatungtong ni Maggie sa gazebo, on cue na nagliwanag yung screen. Mukhang gulat na gulat si Maggie nung nakita niya yung buong pamilya niya, yung parents niya at yung anim na kapatid niya.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

Mukhang maiiyak na si Maggie habang pinapanood niyang kumanta yung pamilya niya. Nagsignal si Dave sa'min at lumabas kaming lahat sa pinagtataguan namin. Hawak-hawak ni Dave yung isang cake na may mga nakasinding kandila.

"HAPPY BIRTHDAY, MAGGIE!" Sigaw naming lahat. Umikot si Maggie at tuluyan na siyang naiyak nung nakita niya kami.

"Hey, babe, don't cry." Pinasa ni Dave kay Aaron yung cake bago siya lumapit kay Maggie at niyakap ito.

"Ikaw naman kasi eh! Ano bang arte 'to ha, David?! Ginawa mo ba 'to lahat para sa'kin?"

Tumawa si Dave. "I just want you to have the best twentieth birthday that I could give you."

Humiwalay si Maggie sa kanya. Pinunasan ni Dave yung mga luha ni Maggie. "Ang landi mo talaga kahit kelan." Tumawa kaming lahat nung maalala namin na yun yung laging sinasabi ni Maggie kay Dave nung nanliligaw pa ito sa kanya nung highschool. "Pero sobrang swerte ko sa'yo. Ang bait ko siguro nung past life ko kaya sinuwerte ako ngayon no?"

Ngumiti si Dave. "Mas swerte ako kasi dumating ka sa buhay ko at hinayaan mo kong manatili sa tabi mo."

"Nakamanyan! Ang cheesy, pare!" Sigaw ni Aaron at tumawa kaming lahat.

"Panira ka ng moment, gago!" Sigaw sa kanya pabalik ni Dave. Tumawa si Maggie at niyakap niya ulit si Dave.

Pagkatapos ng marami pang batian, saglit na pakikipag-usap ni Maggie sa pamilya niya sa video chat sa skype, at pagbigay namin ng mga regalo namin kay Maggie, naglatag kami ng picnic blanket at nagsimula na kaming kumain doon.

"Teka nga, ano ba 'yang get-up niyong dalawa?" Tanong ni Emma sa'min ni Jasper. Nakasuot kasi kami pareho ng shades at cap. Nagkatinginan kaming dalawa at pareho kaming natawa nung maalala namin yung mga nangyari kanina.

"Secret." Sabi ni Jasper.

"Baka nasisilaw sila sa liwanag ng buwan!" Pabirong sabi ni Aaron.

"Eh yung pasimpleng couple shirt? Tatalbugan niyo pa ata kami eh!" Tumawa si Maggie at kumindat sa'kin.

Hindi ko na lang pinansin yung mga pang-aasar nila.

The whole night, Zeke was still ignoring me at sobrang sweet nila ni Tiffany sa harap ko. But I was okay. Because Jasper was beside me, and everytime I suddenly felt like crying, parang nababasa niya yung isip ko, dahil bigla niya kong ididistract at papatawanin gamit yung mga korning jokes niya.

He held my hand the whole time.

* * *

Xavier Univesity Alumni Homecoming 

"M-magiging daddy na ko?"

"Sinabi ko na nga eh! Bingi ka ba? Paulit-uli---"

"MAGIGING DADDY NA KO. HOY KAYONG LAHAT, MAGIGING DADDY NA KOOO!! WOOHOOOO!"

Napatalon kami sa gulat ni Maggie nung biglang sumigaw ng malakas si Dave. Nagtinginan sa kanya yung mga taong malapit sa'min. May mga ilan nang pumapalakpak at binabati sina Dave.  

Nakangiting lumapit si Dave kay Maggie at mabilis niya itong hinalikan. "Are you crazy? Bakit ko aayawan yung baby natin? Wala siya sa plano ko, oo. But I don't give a damn about my plans because having our baby is the best thing that could ever happen to me. I want that baby, Maggie, and I love you both." Naluha si Maggie bago niya niyakap ng mahigpit si Dave.  

Somehow, may champagne na lumabas at pinamigay sa mga tao. Halos lahat na ng tao ay nagcecelebrate kasama nina Dave at Maggie.  

May isang waiter na nag-abot sa'kin ng isang baso ng champagne. Ngumiti ako at tinanggap iyon.  

"Ops, bawal yan sa'yo." Nakangisi si Jasper habang inaagaw niya yung baso ng champagne sa kamay ko.  

"Eto ang para sa mga buntis." Nag-abot sa'kin si Zeke ng isang basong tubig. Sinamaan ko sila ng tingin pareho. Nung tumawa lang sila, nagtry ako ng ibang tactic.  

"Please, hubby? One sip lang, promise. Sige na, hubby."  

My husband just chuckled. "Hindi mo ko madadaan sa ganyan. No way, Charm."

 ============================================

Nasa gilid yung picture nung "couple shirt" nila HAHA

Huhu ang haggard pows ng enrollment kaya naabutan na tuloy ng madaling araw itong update XD huhu, may pasok na ko sa thursday. Nuuuu :( Haha, so not sure kung kakayanin ko pa yung ganito kabilis na updates dito.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 70.6K 98
Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION
1.9M 38.8K 75
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And...
93.1K 3.7K 42
[WARNING: This story is NOT YET EDITED] "Isang walang kwentang kontrata ang makakapagpabago sa buhay ni Raige Eliz AraƱa na dating nerd at miss nobo...
12.6M 104K 76
(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na...