MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki...

By Queenamps_

170K 2.3K 32

Married. Hiroki hates it. Wife. Hiroki hates it more. Children. Never in his wildest dream. Hiroki has h... More

MAKE ME YOURS
Chapter 1: Si Amia, Ang Prinsesa Ng Pantasya
Chapter 2: The Mighty
Chapter 3: The Meeting
Chapter 4: The Article Of Faith
Chapter 5: Stick-to-itiveness
Chapter 6: Selfish Possesion
Chapter 7: A Possession's Consequences
Chapter 8: If Only I can
Chapter 9: Where You At
Chapter 10: Best Gift Ever
Chapter 11: Practically
Chapter 12: Damn Hard
Chapter 13: Magsing-Irog
Chapter 14: Gladly
Chapter 15: From Crying To Dreaming
Chapter 16: A Blessing
Chapter 17: Blur
Chapter 19: The Revelation
Chapter 20: The Resentment
Chapter 21: Cut the Crap
Chapter 22: Welcome Baby Samuel
Chapter 23: Kurt's Scent
Chapter 24: In One Condition
Chapter 25: Ego Hurting
Chapter 26: Welcome But Unwelcome
Chapter 27: Alexander's Welcome Party
Chapter 28: The Way I Do - Kurt
Chapter 29: Partways
Chapter 30:Brotherhood
Chapter 31: 'Kathryn'
Chapter 32: LDR
Chapter 33: Stress Reliever
Chapter 34: Beyond Beautiful
Chapter 35: Jealousy
Chapter 36: Morning Kiss
Chapter 37: Cotton and Alcohol
Chapter 38: Unsaid
Chapter 39: Science and Faith
Chapter 40: Worth It

Chapter 18: All Are Mine

3.3K 53 0
By Queenamps_

[AMIA'S POV]

Ang akala ni Amia ay may magbabago sa kanila mula nang dumating ang Tiya niya sa kanila. Pero imbes na lumayo si Samuel sa kanya gaya ng inaasahan niya naging kabaligtaran. Mas binabantayan siya nito. Gusto niyang itanong kung ayos na ba ito ngunit lagi siya nitong inuunahan ng sagot.

Magtatatlong buwan na mula nang sumakit ang ulo nito sa harap nila. Ayaw niyang alamin kung may naalala na ba ito dahil natatakot siya. Natatakot siya na meron dahil baka iwan na siya nito. Lumungkot ang buong sistema niya.

Parang bangungot na rin sa kanya ang mga sinabi ng Tiyang niya tungkol kay Samuel. Tinawag ng Tiyang niya ito ng Hiroki Kress. Hindi siya pinapatulog nito. Paano kung tama ang tiya niya? Kung totoong galing ito sa mayamang pamilya at isa itong doktor, lalo siyang nanliit. Wala na nga siyang maipagmamalaki ay nanloko pa siya ng tao. Nagsinungaling siya rito.

Hinawakan niya ang tiyan niya. Humingi siya ng patawad sa baby niya dahil baka pati ito ay naaapektuhan sa mga iniisip niya.

“Hey, ang lalim yata ng iniisip mo.”

Yumakap mula sa likuran niya ang mister. “Natatakot pa rin ako na baka bumalik ang Tiyang ko. Mamaya anong gawin niya. Natatakot ako...”

“Hinding hindi na siya makakalapit sa’yo, Misis. Huwag ka ng mag-alala. Huwag mo na siyang isipin, okay?”

“Samuel, wala ka bang naaalala?”

“Wala.Talagang sumakit lang ang ulo ko noon. Pagod din siguro. Anyway, okay lang talaga ako.”

Mukhang nagsasabi ito ng totoo. Pero hindi pa rin siya mapalagay. Niyakap niya ang asawa ng mahigpit. “Asus! Naglambing pa...”

“I love you...”

“I love you more, Sweetheart.”

Pinanatag niya ang loob sa mga bisig nito. Marahil ay ayos naman talaga ito. Siya lang talaga siguro ang nagiisip ng kung ano ano. “Tara na? Ready ka na ba?”

“Of course!”

“Tara.”

Ngayon ang schedule ng check up niya sa doktor. Si Samuel ang nagpumilit na magpacheck-up siya buwan-buwan para raw sigurado na healthy si baby. Kayod marino si Samuel para sa mga gastusin niya. Lalo siyang humahanga rito dahil likas na matalino ito sa mga bagay bagay. Alam na alam nito kung ano ang tamang gawin. Napakatalino nito. Parang lahat ng sabihin at gawin nito ay tama at ang nararapat.

“Aba Misis lumalaki na si Baby, ah. Ang ganda n’yo namang buntis.”

Ngumiti nalang siya sa Doctor. Kanina pa niya napapansing tumitingin ito sa kanya. Bata pa ito at masasabing gwapo rin.

“Stop staring at her.”

Napatingin siya kay Samuel. Kunot na kunot ang noo nito. Minsan na niyang nakitang maging seryoso ang mukha nito. “You are not paid here  just stare at my wife.”

Hinawakan niya ang asawa. Para itong manununtok na. “Samuel....”

“I’m just complimenting her. She’s really beautiful..”

Tumayo mula sa upuan ang Doctor na nagngangalang Dr. Philip Francisco. Magkatapatan ang dalawang lalaki. Hindi nagkakalayo ang tangkad ng mga ito. Matangkad ng kaunti si Samuel. Hindi na niya nagustuhan ang tinginan ng dalawa. Pumagitna na siya.

“Ahmn, Doc sandali lang po, ah.” Ngumiti nalang siya sa Doctor. Nahihiya siya dahil sa inasta ng asawa. Hinila niya si Samuel sa isang sulok.

“Mister, ano ba yon?” tanong niya.

Mukhang naiinis ang hitsura ni Samuel. Hindi maipinta ang mukha. “Why did you give him a smile?!”

“Samuel, ano ba...”

“Ayokong ngumingiti ka...ayokong ngumingiti ka sa ibang lalaki....” napakagat pa ito sa labi.

“Samuel, para iyon lang naman, eh. Nginitian ko lang naman kasi nakakahiya ‘yung sinabi mo sa kanya.”

“Eh, tinititigan ka niya eh! Nakakainis!”

Napakamot siya sa ulo niya. “Samuel, nagseselos ka ba?”

“Oh, damn, Amia. Oo nagseselos ako!”

Napangiti siya.

“Damn. What’s so funny?!”       

Tumawa siya. “Selos ka, eh.”

“So?” Irap nito sa kanya.

“Ano ba naman kasing nakakaselos doon?”

“Bakit kasi ang ganda mo? Naiinis ako kapag may tumitingin sa’yong ibang lalaki. Parang inaagawan nila ako. Ayoko ng  may kaagaw lalo na sa’yo. Nakakainis ‘yung Doctor patolang iyon! Kanina ka pa tinititigan. Susuntukin ko ‘yon, eh.”

Hindi na niya mapigilang tumawa ng tumawa. Ang cute nitong magselos.  “Samuel, ah! Sumosobra ka na. Wala naman umaagaw sa’yo, eh. At saka hindi ako magpapaagaw.”

“Kahit na! Huwag mo silang ngitian. Dapat akin lang iyang ngiti mo. Akin lang ‘yang atensyon mo. Akin lang.”

Namula siya sa sinabi ng asawa. Para siyang teenager na nakikipagligawan pa lamang. “Asus...”

“Ano? Iyon lang masasabi mo? Promise me, okay? Sa akin ka lang. Buong buo okay?”

Hinapit nito ang bewang niya. Ang daming nakatingin sa kanila. Pero si Samuel walang pakialam. “Promise na nga. Oo na.”

Isang ngiti ang ibinigay nito at bigla siyang siniil ng halik sa mga labi. Pinalalim pa nito ang halik. Naririnig niya ang mga bulong bulungan pero natatabunan ito ng mga labi ni Samuel.

“You’re mine...”

Ngingiti ngiti si Samuel na bumalik na sa Doctor. Napailing nalang siya dahil sa ginawang paghalik sa kanya ng asawa. Ipinakita talaga nito sa Doctor na pagmamay-ari siya nito. Parang bumalik ang pagiging aroganteng asawa niya gaya ng ugali nito dati. Natawa nalang siya naisip. Nakaka-miss din balikan ang pagiging arogante nito.

“Ahmn, Doc pasensiya na po. Okay na po ako. Ready na po sa check up.”

“You can now check up my wife. Check up only.” Matalim ang matang sabi ni Samuel.

“Nice show.” Sabi ng Doctor.

“It’s for you.” Sabi ni asawa niya.

Nagpalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Mukhang ang mga ito lang ang nagkakaintindihan.

“You look familiar, you know. Nah, I have a bad memory but I am sure I had seen you somewhere.”

“I don’t know you.” Tipid na sagot ng asawa.

“My bad...” sabi nito.

“You’re a doctor then you have a bad memory? It’s gross...”

Ngumiti lang ang doctor. Ang cute ng dimples nito. “You must be really something, dude. Now I’m curious...you’re really familiar. Hindi ko lang matandaan, eh. Pero alam ko isa sa mga medical seminars kita nakita.”

“You’re just hallucinating, dude.”

Hindi alam ni Amia kung pipigilan niya ba ang asawa niya sa pagsusungit sa Doctor. Mukhang nagkakaunawaan naman ang dalawa.  Ayaw na niyang makisali dahil dumudugo na ang ilong niya sa dalawang ito. Natapos ang check up niya ang nang nag-uusap ang dalawang ito. Walang problema ang baby sa loob ng tiyan niya. Healthy raw ito.

Pero may narinig siyang sinabi ng doktor na mas nakapagpabagabag sa loob niya.

Pamilyar sa kanya ni Samuel. At natatakot siya sa mga posibilidad.

Palapit ng palapit ang mga posibilidad.

Kailangang gumawa na siya ng paraan.

Continue Reading

You'll Also Like

257K 7.1K 40
Book2:Be mine! (Completed) by NyllelaineNyeNight Ipinagkasundong ipakasal si Ar. Thesa Suarez kay Jimmy Monteverdi ngunit hindi siya naniniwala sa sa...
101K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
69.1K 3.5K 57
Gaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are ver...
13.7K 426 29
TOP 9 na tayo nga beshies!! The Tien Costo and Micael Mys Constancia Story "Babe. " Narinig ko ulit na bulong niya sa akin kasabay ng malalambot na b...